NANG MAGMULAT ng mga mata si Kate, ang mukha ni Manang Luisa ang kanyang unang nakita. Bakas na bakas ang pag-aalala at takot sa ekspresyon ng mukha ng matandang katiwala. Nang makitang bukas na ang kanyang mga mata ay nabawasan ang pag-aalala at takot na iyon, gayunpaman. Nang ganap nang luminaw ang kanyang paniningin ay saka lang niya napansin na may nakadikit na cell phone sa tainga ni Manang Luisa. Nagsimula na ring manuot sa kanyang isipan ang sinasabi ng matanda sa kausap sa cell phone. “May malay na siya, Andre.” Tumingin sa kanya si Manang Luisa. “Okay ka lang ba, Kate? Ano ang masakit sa `yo?” Tumango si Kate habang sinusubukang gumalaw. Pagkaupo niya ay nalaman niyang nasa sofa pala siya. Tatayo sana siya ngunit pinigilan siya ni Manang Luisa. “Kakausapin ka raw ni Andre.” Inia

