20

2629 Words

“FEELING OKAY?” Tinapik-tapik ni Kate ang braso ni Eric na nakapaikot sa kanyang baywang. Nasa labas silang dalawa, nakahiga sa duyang rattan. Hindi niya nais magkulong sa loob ng bahay kagaya ng ginawa nila kahapon. Hindi pa sila makapagtampisaw sa dagat dahil mainit pa ang sikat ng araw. Tahimik lang silang nagpapalipas ng oras na magkayakap. “Maayos ang pakiramdam ko,” usal niya. “Hindi ako naiinip. Ikaw, naiinip ka na ba?” Mas hinigpitan ni Eric ang pagkakayakap sa kanya, mas ibinaon ang mukha sa likod ng kanyang leeg. Sandaling naipikit ni Kate ang mga mata sa sensasyong lumukob sa kanya. Kontentong-kontento siya sa kasalukuyan nilang posisyon. Sino ba ang hindi? Marahang umuugoy ang duyan. Nasa napakagandang lugar siya kasama ang isang lalaki na pinangarap lamang niya dati. Isang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD