NAPANGITI si Kate nang alalayan siya ni Eric sa pagsampa sa kama. Nais niyang sabihin na kaya na niya, ngunit nasa mood din siya upang magpa-spoil. Kaninang tanghali ay hindi sila nakalabas ng bahay. Nais niyang lumabas ngunit nanghihina siya. Nahihilo siya at isinuka niya ang mga kinain sa tanghalian. Hindi niya sigurado kung sintomas iyon o epekto ng gamot na kanyang iniinom. Sinikap pa rin niyang maging masaya kahit na parang nais niyang magalit. Ipinangako niya sa kanyang sarili pagkagising niya na magiging masaya siya kaya pinagsumikapan ni Kate na aliwin ang sarili. “Happiness is a choice,” ang nakangiting wika ni Eric habang kinukumutan siya. Mas lumawak ang ngiti sa mga labi ni Kate. Paano nito nababasa ang tumatakbo sa kanyang isipan sa tuwina? Inayos niya ang puwesto ng kany

