Kabanata 2

1566 Words
Astrid The owners of the place intervened before things get nasty between Croft and Ralph. Marami rin pala ang mga kasama ni Croft na naroon kaya para maiwasang magkagulo ay pinatigil na ang away ng dalawa. Ralph and his friends left. Siguro ay lilipat ng bar kung saan mag-iinom. Sinamaan ko na lamang din ng tingin hanggang sa makalabas. Nang mawala siya sa paningin ko ay napabaling akong muli sa direksyon ni Croft. He tapped his friend's shoulder before he started taking his steps towards me. His penetrating eyes focused on me as a small smile made its way to his thin lips. Tahimik tuloy akong napabuntonghininga habang nakikipagtitigan sa kanya. Honestly, getting starstruck is definitely an understatement. This man had grown from a lean boy with slightly long hair into a straight out from a magazine kind of man. Look at those biceps getting hugged by the sleeves of his white uniform? Ito ba ang nagawa ng pagbubuhat ng gulay sa palengke? "I knew it was you," he said. Medyo nakaramdam ako ng kaba. Na-conscious din bigla sa hindi ko malamang dahilan. Maybe I still have a little crush on him or something that's why. Sino ba ang hindi kung ganito na ang itsura niya ngayon? "Uhm h-hi." Nahihiya akong ngumiti. "L-Long time no see?" "Yeah." He smirked. "Tatlong taon na." Nilabasan niya ang pintong nilabasan nina Ralph. "Boyfriend mo?" I grunted while rolling my eyes. "Not anymore." "Mabuti naman," he murmured. "Hmm? Hindi ko narinig." He stared at my lips and smiled. "I said mabuti naman." My cheeks burned. Bakit mabuti naman? Mabuti naman dahil hindi ko deserve ng cheater? O mabuti naman dahil single na ako? God, my delusions would definitely get me into trouble one of these days! I scratched my temple as I tried to look back at him again. "Uhm, diyan ka na pala sa Maritime? K-Kelan pa?" "Kaka-second year pa lang. May financial problems no'ng mga nakaraang taon kaya nahuli." He looked at my lanyard. "Hindi ko alam na diyan ka sa RMU. Noong huling punta ko sa atin, ang sabi sa Aura ka." Umiling ako. "Mas nauna lang ang pag-accept ng Aura sa scholarship application ko pero 'tong sa RMU ang tinanggap ko dahil mas malaki ang discount dahil sa drama club." Tumikhim ako't kaagad na nag-isip ng itatanong dahil parang ayaw ko pang maputol ang usapan namin. "Ano palang . . . ginagawa mo rito?" He jerked his head to point at one of his friends. "Birthday. Hindi ako nakatanggi." Nagpamulsa siya. "Buti na lang hindi ako tumanggi. Hindi sana kita nakita." His last few words made my heart jump. Para akong 'yong high school na Astrid na kilig na kilig noong sinabi niyang gusto niya akong ligawan! Nakakainis! Why does this man have such strong effect on me? Nagsisisi tuloy ako na hiniwalayan ko siya noon! I forced a smile just so he wouldn't notice how much he could affect me. Nang maalala ang friends kong naroroon pa ay itinuro ko sila. "Gusto mo ba silang ma-meet? M-Marami akong . . . magandang friends." Tinaasan niya ako ng kilay. "You're single now." I blinked twice. "T-Technically, yes. W-Why?" "Then why do you want to introduce me to your friends? Mukha bang interesado ako sa iba maliban sa'yo?" Napaawang ang aking mga labi kasabay ng pagwawala ng aking dibdib. This man and his straight-forward attitude! Hindi pa rin pala nagbago! Parang noon lang no'ng hinarang niya ako sa harap ng library para sabihing liligawan niya na ako! "Y-You . . . are still interested in me?" Tumango siya. "Oo." I was about to say something when my phone rang. Mabuti na lamang din dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano ang mga tamang salitang dapat kong sabihin sa kanya. "H-Hold on. S-Sagutin ko lang." Tumalikod ako. "Hello?" "Astrid? Anong oras ka darating dito sa set? Nag-back out 'yong isang talent na may ilang linya. Ikaw ang balak ipalit." Napalaki ako ng mga mata. "Ho? Ay sandali papunta na!" "Oh, sige bilisan mo!" Pinatay ko ang tawag saka ko ulit hinarap si Croft. Nakamasid pa rin siya sa akin na tila walang balak na mawala ako sa paningin niya. God, I am torn between catching up with him and leaving for the shoot. Kaya lang sa huli ay mas pinili ko pa rin ang shoot dahil tyansa ko na iyon. "Sorry, ha? Usap na lang tayo ulit some other time. Kailangan na kasi ako sa shoot. May raket ako, eh. Sayang 'yon," nanghihinayang kong sabi. "Saan?" he asked. "Sa may Ayala Ave." "Pwede kitang samahan kung okay lang sa'yo. Wala na rin naman akong ganang uminom pa," alok niya. Nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Pati rin iyong mga friends kong nakatanaw sa amin at halatang nakikinig ay tila kinilig! "S-Sure ka? Baka makaabala lang. Baka abutin din kasi ng anong oras." Umiling siya. "Ihahatid na lang kita sa tinutuluyan mo para sigurado akong ligtas kang uuwi." Uminit na naman ang pisngi ko. God, this is still the same Croft I fell in love with in high school. Kahit mapalayo siya tuwing uwian ay wala siyang pakialam basta masiguro niyang maihahatid niya ako sa bahay nang ligtas. I ended up agreeing to bring him with me. Nagkantyawan tuloy ang mga kaibigan namin lalo na nang kunin niya ang mga bitbit ko para siya ang bumuhat. Ayaw ko namang magpahalata kaya panay lang ang yuko ko kahit noong nakapagpara na kami ng jeep. Dumukot siya ng pera sa bag niya't ibinayad iyon sa driver. Nahihiya ko tuloy siyang tiningnan dahil ako na nga itong sinamahan lang, siya pa ang napagastos. "Bayaran kita mamaya. Libre na lang din kita ng pagkain, ha?" sabi ko. His brows slightly furrowed. "Bakit?" "Uh, kasi ako dapat ang gumastos kasi ako ang sinasamahan mo?" He smirked. "Hindi ka pa rin nagbabago," he said under his breath. "Huwag mo kong intindihin. Ako ang lalake sa'ting dalawa." "Pero . . . iba na kasi ngayon, 'di ba?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Paanong iba?" Napalunok ako. "A-Ano, hindi na--ay kabayo!" bulalas ko nang mapasubsob sa kanya matapos biglang prumeno ang jeep. Napalapit tuloy nang husto ang aming mga mukha habang napayakap siya sa akin. Tila gumana ang reflexes niya noong biglang nagpreno ang sasakyan. Hindi rin kami kaagad nakakilos. It was as if we both got lost in trance for a moment while we stared at each other's lips. God, he was my first kiss and I was his! Pakiramdam ko tuloy ay pareho kami ng naiisip ngayon! "Bayad po, makikisuyo," anang isa sa mga pasahero dahilan upang mapabalik kami sa sarili. "Sorry," I said with burning cheeks. Umayos akong muli ng upo saka ko sinubukang magpanggap na lamang na abala akong tumingin-tingin sa labas ng jeep. Hindi na rin naman siya kumibo pa matapos niyang kunin ang iniaabot na bayad. Siguro ay nahalatang tinamaan ako ng hiya dahil sa nangyari. Pumara ako nang makita ang landmark. Nauna namang bumaba si Croft at isinuot sa isang balikat ang bag naming dalawa. He then offered his hand to me to assist me as I get off. Hinawakan pa ang bandang ulo ko nang masigurong hindi ako mauumpog. Goodness. Does this man know his gestures are making me remember how we were back in high school? I just literally broken up with Ralph twenty minutes ago! "Saan ang location?" he asked. "Doon sa building na 'yon," sagot ko. Sumabay siya ng lakad sa akin. Nang makatawid kami ay lumipat siya sa side na nasa tabi ng kalsada. Nakaalalay rin ang palad niya sa lower back ko habang naglalakad kami kaya hindi ko maiwasang kagatin ang ibaba kong labi. Twenty minutes. Just twenty minutes with this man an here I am again, realizing how stupid I was for breaking up with him. Nakakainis naman! "Dito na," sabi ko. "Uhm, sure ka ba mahihintay mo ko? Kung hindi, okay lang naman." "Ayos lang." May itinuro siyang pwesto. "Doon na muna ko. Pwede mo kong i-message kung tapos ka na para masundo kita rito." "May . . . f*******: ka na?" I asked, sounding a bit hopeful. Umiling siya. "None." He took his phone out. "But I can make an account so we can chat. Pag-aralan ko na lang habang naghihintay sa'yo. Pwede naman, 'di ba? Wala naman nang . . . magagalit?" My eyes blinked twice while the stupid butterflies in my stomach cheered to the beat of my heart. "Uhm, w-wala na." I swallowed my own pool of saliva. "A-Ano, i-search mo na lang 'yong pangalan ko t-tapos . . . mag-friend request ka na lang." He searched for the app in the app store then showed the screen to me. "Ito, 'di ba?" "Oo, 'yan nga," I answered while I kept stealing glances at him. Nakakainis naman kasi. Bakit ang pogi naman nito lalo? Kung gwapo na siya noon ay mas gumwapo pa ngayon. Idagdag pang bagay na bagay niya iyong uniporme niya! He nodded. "Sige na, pasok ka na. Baka mahuli ka pa." I flashed a small smile. "Okay." I waved in an awkward way. "S-See you later." Tumalikod na ako't nagsimulang humakbang ngunit bago makalayo ay muli niya akong tinawag. "Astrid." I looked over my shoulder. "Yes?" He smirked. "Pagkatapos ng shoot mo, labas tayo." Napaawang ang aking mga labi. "L-Labas?" He nodded. "Let's go on a date . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD