Kabanata 3

1745 Words
Astrid "Action!" sigaw ng direktor sa dalawang bida ng pelikula. I was standing beside the other extras. Nasa likod kami ng direktor nang hindi kami mahagip ng camera men. Pang-ilang take na nila roon sa huling kinuhanang eksena dahil hindi talaga satisfied si Direk Joyce sa acting nina Quen at Jules. Nakukulangan daw sa emosyon. Ito namang bagong kinukuhanan ay pangalawang take na dahil hindi ulit nila na-reach ang expectations ni direk. I somehow agree. Hindi naman sa bias ako dahil hindi sila ang paborito ko. Sadyang kulang nga lang talaga sa emosyon dahil break up scene ang kinukuhanan. "Kasi 'yang mga putanginang pangako mong 'yan, eh. Ang usapan natin magtatrabaho ka rito para sa atin. So ano 'to, Martin? Why do I feel like I was a puzzle piece you took out of the whole picture to make space for that woman?" mahina kong pagsabay sa mga linya ni Jules. Tumingin sa akin ang assistant director. "Nakabisado mo kaagad ang lines niya?" Nahihiya akong umayos ng tayo. "Uhm, pangalawang take na po kasi." She smirked. "I like you. Ang ganda pa ng face card mo." My heart rejoiced. "T-Talaga po?" "Yeah," she answered. Maya-maya ay ibinalik na ulit ang atensyon sa dalawang monitor para tingnan ang eksena sa mismong frame. I kind of waited for her to talk to me a bit more. Medyo umasa ako na mag-o-offer sa akin ng role. Kahit extra lang ulit pero mas marami nang linya. Pakiramdam ko kung makakukuha ako ng mas mahaba-habang screen time, mapapatunayan ko ang sarili ko sa kanila. Kaso hindi na ako ulit nilingon kaya tahimik na lamang ako uling nanood ng shoot habang hinihintay ang eksena ko. We waited for several hours just to have the scene. Hindi rin kaagad makaalis hangga't hindi tapos ang buong shoot kasi hihintayin pa ang TF. Nag-aalala tuloy ako kay Croft kaya panay ang chat ko sa kanya na pwede niya na akong iwan. Croft: Okay lang. Nagkakape ako ngayon at nagre-review para sa quiz bukas. Wag mo kong intindihin. I checked my cheap wrist watch. Halos ala una na ng madaling araw. May pasok kaming pareho bukas kaya lang ayaw naman niyang umuwi hangga't hindi ako natatapos dito. Nag-stalk na lang ako sa account niya. I thought he already uploaded some photos or added some other friends but his account remained empty. Ni profile picture man lang ay wala pa rin. I pursed my lips and started typing another chat for him. Astrid: Bakit wala ka pang ibang f*******: friends? Hindi ka pa ina-accept? He responded immediately as if he'd prioritize chatting me back over his need to review for his quiz tomorrow. Croft: Hindi ako nag-add ng iba. Ikaw lang. Napakurap ako. Hindi siya nag-add? Bakit naman? Astrid: Bakit hindi? Sayang naman ang account mo kung ako lang ang friend mo? Croft: I don't like talking that much to others. I pursed my lips. Kahit naman sa personal, pili lang din ang kinakausap niya. Bakit nga ba ako nagtataka? I thought of something else to talk about while I'm waiting for the shoot to be over. Nang may maisip ay muli akong nagtipa ng chat. Astrid: Eh, profile picture saka cover photo? Bakit hindi ka naglagay? He typed something but ended up deleting it before he was able to send it. Ilang saglit siyang hindi sumagot. Maya-maya ay nag-chat ulit. Croft: Pwede na ba yan? Napakunot ako ng noo. Wala pa rin naman siyang profile picture? Oh baka mahina lang ang signal kaya hindi ko pa nakikita sa messenger? I decide to visit his account instead. Ngunit pag-click ko sa profile niya ay muntik nang tumalon palabas ng dibdib ko ang aking puso nang mapagtanto kung ano ang inilagay niyang cover photo. It was a photo of us taken during high school! Nasa wallet niya iyon noong high school kami! Don't tell me he still had it? Kinagat ko ang ibaba kong labi saka ako ulit bumalik sa conversation namin. Astrid: Nasa wallet mo pa rin ang picture natin? Croft: Dapat ba tanggalin? Astrid: Sira. Nag-break na tayo dati, ah? Buti hindi nakita ng sumunod mong girlfriend? Croft: Wala namang sumunod sayo. Bakit ko tatanggalin kung liligawan na ulit kita? My cheeks turned tomato red. Croft and his simple ways of making the butterflies in my belly go crazy! Parang hindi pa siya aware sa mga banat niyang iyon! I inhale a sharp breath while trying to prevent myself from smiling ear-to-ear. Astrid: Nagpaalam ka na bang manliligaw ka? Croft: Hindi pa ba? Astrid: Hindi. Croft: Okay. Pwede ka na bang ligawan? Muntik na akong tumili. Lintik naman talaga, oo! Iba talaga ang kilig ko sa lalakeng ito! I was about to type a reply when the director shouted "cut". Kaagad kumilos ang production team para mag-pack up. Nagsilapit naman kaming mga extra sa magbibigay ng TF sa amin. "Oh, Astrid next week ulit, ha? Doon tayo sa Alabang," bilin ng scout na nagrekumenda sa akin sa set matapos ibigay ang TF ko. I smiled. "Thank you. May pandagdag ng tuition ko. See you next week!" Kumaway na ako't nagsimulang bilangin ang laman ng envelope. Nang makumpirma kung magkano ang ibinayad sa akin ay nagmamadali na akong lumabas para puntahan si Croft doon sa Mini Stop kung saan niya ako hinihintay. I saw how he kept glancing at his phone while holding his reviewer. Tila ba mayroong hinihintay. "Croft." tawag ko nang malapitan ko ang pwesto niya. Tumuwid naman siya kaagad ng upo saka ako tiningala. I had the chance to glance at his phone. Naka-open doon ang conversation namin. Hinihintay niya ba iyong reply ko kaya panay ang sulyap niya sa phone niya? "Tapos na kayo?" he asked. Tumango ako bago proud na ipinakita ang envelope na may lamang pera. "They paid me extra since I got to say a few lines. Isang take lang iyon ginawa kaya natuwa ang direktor. Sorry kung natagalan. Naka-ilang take kasi 'yong main leads. Tara? Libre kita." He smiled with lips pursed before he shook his head. "Itabi mo na. May pera pa ko." He collected his stuff, put it in his bag, and then stood up. "Saan mo gustong kumain?" "Sure ka?" He nodded. "Oo." "Uhm, kahit mag-barbeque na lang siguro tayo? May nakita ako doon kanina sa bandang sidewalk." Tumango siya't sumabay na ng lakad sa akin palabas ng Mini Stop. We went to the stall and picked something to eat. May mga lamesa rin doon kaya roon kami naupo. Nag-order din siya ng kanin at soft drinks para sa aming dalawa. "Kwento mo sa'kin nangyari sa shoot n'yo," he said while we're waiting for our food. Ganado akong nagkwento habang nakatitig lamang siya sa akin. Tila namamanghang makinig. His eyes didn't seem bored at all. In fact, there was even a small smile written on his face as if he's so happy to hear everything I was telling him. "Alabang kamo? Anong oras?" he asked after I told him everything. Sakto namang inilapag na sa mesa ang ipinaluto naming barbeque. "Alas tres ng hapon 'yong call time namin," sagot ko habang pinanonood ko siyang alisin sa stick iyong dugo para ilagay sa bowl na may suka. This man's love languages. Wala pa rin pala talagang pinagbago. Napapatitig na lamang tuloy ako sa kanya. "Pwede kitang samahan?" tanong niya. "Uhm, kung . . . ayos lang sa'yo." "Ayos lang." Naglagay siya ng dugo sa plato ko. Palibhasa ay alam niyang iyon ang paborito ko. "Kumain ka nang marami. Magpaluto na lang tayo kung kulang pa." Umiling ako. "Okay na 'to." Nahihiya akong ngumiti. "Thank you, ha?" He jerked his head before he pulled his chair a bit closer to mine. Nagwala na naman tuloy ang mga paru-paro sa tiyan ko! I tried so hard to control the butterflies in my belly while we're eating. Paano ay medyo nahihirapan akong kumain nang maayos kasi nagiging sagabal ang buhok ko. Nang napansin niya iyon ay hinawi niya ang aking buhok at hinawakan sa bandang likod nang makakain ako nang maayos. Tila wala siyang pakialam kahit na isang kamay na lamang ang gamit niya ngayon para kumain. I swallowed the food in my mouth then glanced at him. "Croft?" "Hmm?" "B-Bakit . . . hindi ka nag-girlfriend pagkatapos ko?" Naglagay siya ng isaw sa aking plato. "Kailangan ba sundan ka pa?" I jokingly rolled my eyes. "Pinipilosopo mo ko." "I'm not. Tinatanong ko lang kung kailangan ba sundan ka pa kung hindi naman kita kinalimutan?" My heart swelled. "H-Hindi ka . . . sumubok man lang na . . . magkagusto sa iba?" He shook his head then stared into my eyes with honesty sketched on his handsome face. "Hindi." "Wala kang . . . nagustuhan kahit isa?" Muli siyang umiling. "Wala." My cheeks burned. Did I accidentally put a spell on this man before? Because last time I checked, women would willingly beg on their knees for his attention. Ni wala man lang bang nakakuha ng interes niya sa loob ng tatlong taong nagkahiwalay kami? Hindi na ako kumibo pa. Nag-focus na lang ako sa pagkain ko hanggang sa natapos kami. He paid for our meal and then we headed to my boarding house. Nang makababa sa tapat ng inuupahan ko ay nginitian ko siya. "Dito ako sa second floor. Thank you ulit, ha?" I said then took my bag from him. "Chat mo ko kapag nakauwi ka na rin." He nodded before he adjusted the strap of his bag. "Hindi mo sinagot 'yong chat ko." Kumunot ang noo ko. "Sorry, anong chat ulit 'yon?" Croft moistened his lower lip while staring at me. "Kung pwede na kitang ligawan." My cheeks burned while my heart banged loudly inside my chest like a festival drum. "S-Seryoso ka ba talaga diyan? I mean, nasa Maynila tayo. Marami ka pang makikilalang iba na higit sa akin--" "Ikaw pa rin ang gusto ko," he cut me off. "Kahit . . . nasa nasaan pa tayo." My eyes softened as I saw the sincerity and determination written in his eyes. Maya-maya ay tuluyan akong bumuntonghininga bago ako tumingkayad upang patakan ng halik ang kanyang pisngi. "Goodnight." I smiled then teasingly took a step backwards. "Galingan mong manligaw . . ." Croft smirked as if he just won the lottery. "Anong oras ang pasok mo bukas?" Nagpipigil ako ng kilig na ngumiti. "Seven thirty first class ko." He gently nodded before he pinched my chin. "Then I'll be here before seven . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD