Astrid
"Thank you. See you later," I said to Croft as soon as we got to the university.
Ngumiti siya at ibinigay ang bag ko sa akin. "Pupunta ako ulit mamayang lunch."
I sighed. "Napapagod ka na masyado. Ihinahatid-sundo mo na nga ako, hanggang lunch ay sasabay ka pa sa akin."
"Ayos lang," simple niyang sagot.
Isinabit ko ang bag ko sa aking balikat habang nakatitig ako sa kanyang mga mata. This man really proves that if he wanted to, he would. Ganito na siya noong high school. Hanggang ngayon ay ganito pa rin. He doesn't mind leaving his dorm early and coming home late as long as he's sure that I get to my boarding house safe.
Bakit ko nga ba sinagot si Ralph kung ito na ang standard na nai-set ni Croft sa akin? Sobrang downgrade talaga ako sa secon boyfriend ko. Nakakainis!
I smiled at him. "Pasok na ko. Sige na, baka ma-late ka na rin."
Croft nodded before he went to the loading station for tricycles. Hinintay ko muna siyang makasakay bago ako tuluyang pumasok sa gate.
"Hinatid ka ulit?" tanong ni Hope nang makasabayan ko sila sa Science building.
I smirked. "Ano pa nga ba?"
She grinned. Halatang kilig na kilig. "Ang consistent, ha? Hanggang kailan kaya 'yan?"
"Two years kami noong high school. Walang araw na hindi ako ihinatid-sundo no'n kahit malayo ang kanila sa bahay namin. I don't think magiging inconsistent 'yon."
"Oh, 'yon naman pala. Bakit hindi mo pa sagutin?" Sinundot niya ako sa tagiliran. "Nagpapakipot pa halata namang mahal mo pa?"
Mahal ko pa naman talaga. Kumukuha lang ako ng tamang tyempo dahil baka sabihin ay ginawa kong rebound si Croft. Ralph had been a p***y these past few weeks. Hindi yata matanggap na hindi ko na siya babalikan kaya ipinagkakalat na plano ko talaga siyang hiwalayan para sa ex ko.
He cheated yet he still had the audacity to put the blame on me. May mga lalake yata talagang walang bayag gaya niya.
Nagkakwentuhan pa kami ni Hope habang naglalakad. Maya-maya ay nagbiro ang isa naming kaibigang si Peachy.
"Nonchalant sa iba 'yang ex mo, Astrid pero parang pagdating sa'yo, lumalabas ang pagiging lover boy."
Paano ay nakita na nila kami minsan na sabay nag-lunch. Todo ang asikaso sa akin ni Croft. Kulang na nga lang ay isubo na sa akin ang pagkain ko.
I flashed a proud smile. "Masungit lang 'yong tingnan pero mabait 'yon. Matipid lang talagang makipag-usap sa iba lalo sa babae kahit noon pa." Huminto ako sa harap ng classroom ko. "See you later, girls."
They waved at me before they continued walking towards their respective classrooms. Pumasok naman ako sa loob at tinabihan si Marissa.
"Nabalitaan mo na ba?" tanong niya.
"Ang alin?" walang gana kong tanong habang inilalabas ang reviewer ko para sa quiz namin sa second subject.
"Si Ralph, hinahabol ng dalawang babae. Nakabuntis daw at linggo lang ang pagitan. Isang Nursing sa UE at isang Accountancy student sa STI. Mas nauna raw nabuntis 'yong taga-STI dahil magtatatlong buwan na ang tiyan. Pumunta na raw dito sa uni 'yong isa kaya baka magtago na 'yong si Ralph."
"So nagchi-cheat na pala talaga siya sa akin noon pa?" I scoffed. "Nagsisisi talaga akong nagpauto ako do'n."
"Ay naku buti na lang talaga nakita siya nina Hope kun'di baka hanggang ngayon ay inuuto ka no'n." Umiling-iling siya.
Hindi na ako nakapagkumento pa nang dumating ang prof namin. Marissa and I paid attention to the discussion. Sumasagot din kami kapag may tanong nang makaipon ng points. Mataas pa naman ang standard ng drama club. Kapag may dos ka ay aalisin ka sa grupo at tatanggalan ng scholarship. Lagot ako kay Papa kung sakali.
Katatapos lang ng pangatlong subject ko at nasa gate na ng university nang tumawag si Papa. Nangungumusta sa nangyayari sa akin dito sa Maynila.
"Ayos lang ako, Pa. Kumakain ako sa tamang oras, promise," paniniguro ko.
Nakita ko siyang nagpunas ng kamay bago lumapit sa cellphone niya. Mayroon siyang maliit na cellphone repair shop doon sa amin. Nagbebenta rin siya ng accessories at ilang cellphone na second hand. Bata pa lang ako ay iyon na ang kabuhayan niya. I remember staying with him in his shop when I was little because there's no one to look after me.
"Aalagaan mo palagi ang sarili mo, anak. Kung magpupuyat, uminom ng vitamins," bilin na naman niya.
I smirked. "Ikaw ba, Papa iniinom mo 'yong mga vitamins mo? Baka naman pag-uwi ko diyan wala ka na namang stock kasi tinitipid mo nang husto 'yang sarili mo para lang hindi ako kulangin ng budget dito?"
This man and his sacrifices. Hindi ako masisisi ni Mama kung mas pinili kong sumama kay Papa noong pinapili ako ng DSWD.
My parents separated when I was two. Umuwi si Mama sa Abra at doon nagtrabaho hanggang sa na-recruit na magtrabaho sa Japan bilang entertainer. Noong umuwi siya pagkatapos ng seventh birthday ko ay sinubukan niya akong kunin. Katwiran niya ay mas kaya na niya akong buhayin kaysa kay Papa.
I will never forget how my father looked helpless and guilty while watching my mother flaunt all the gifts she brought home for me. Alam kong takot na takot siya noong na-involved na ang DSWD, pero dahil seven years old na ako at may sapat namang kita si Papa, walang nagawa si Mama noong mas pinili kong sumama kay Papa.
"Huwag mo akong intindihin, Astrid. Hindi baleng mag-ulam ang Papa ng bagoong at talbos ng kamote kaysa magutom ang prinsesa ko."
My lips pursed as the corners of my eyes felt hot. "Papa naman, eh may shoot ako mamayang alas sais. Huwag mo muna akong paiyakin para maganda ako sa camera."
Natawa siya. "Anong oras na. Kumain ka na ng tanghalian. Ikumusta mo na lang ako kay Croft," bilin niya. Paano ay naikwento ko na sa kanyang nagkita na kami ulit ni Croft at nililigawan ako ulit.
"Ikaw rin, Pa kumain ka na diyan." Napatingala ako nang maramdaman ang paglapit ng pamilyar na bulto. Nang makita ang mukha ni Croft ay kaagad akong ngumiti saka ko inianggulo ang camera. "Pa! Si Croft, nandito oh!" bulalas ko. Palibhasa ngayon lamang natyamba na kasama ko si Croft at hindi busy si Papa.
Croft's face instantly lightened up. Nginitian niya ang Papa ko saka siya bumati. Halatang natuwa ring makita si Papa.
"Hello po, Tito. Kumusta na ho kayo diyan?"
I watched them catch up. Tingnan mo 'tong dalawang 'to? Parang sila pa ang mag-ama kung mag-usap. Palibhasa ay nakuha talaga ni Croft ang loob ni Papa dati. Tumutulong ba naman siya sa amin noon at madalas niyang nakakukwentuhan si Papa.
Croft took my bag while he's still talking to my father. Hawak na niya ngayon ang cellphone ko pero heto siya't nagagawa pa ring bitbitin ang gamit ko.
Pumunta kami sa karinderya malapit sa university. Nang makaupo ay saka lamang naputol ang pag-uusap nina Croft at ng tatay ko. Palibhasa parehong nanabik na makausap ang isa't isa.
"Anong gusto mong ulam?" tanong ni Croft nang maibigay niya sa akin ang cellphone ko.
"Kahit 'yong sinigang na lang sa'kin." Nilabas ko ang wallet ko ngunit kaagad niyang hinawakan ang aking kamay.
"Napag-usapan na natin 'to," paalala niya. He even gave me a warning look as if he's not going to let me argue about paying my meal at all.
Napabuntonghininga ako. "Croft naman."
Tumayo siya't ipinasa sa akin ang phone niya. "Pakihawak na lang."
Wala na akong nagawa nang lumapit siya roon sa counter kung saan din nakahilera ang mga pagkain. I watched him point the dishes we're going to order. Napapabuntonghininga tuloy ako habang pinagmamasdan siya.
Bakit ba ang gwapo-gwapo nito? Look at him in his maritime uniform? His clothes seemed to have been created solely for a man like him. Kung dalhin kasi niya ay para bang ibinibenta niya sa napakalaking halaga. God, this man is an effortless head-turner. Bumibili lang naman ng kanin at ulam pero kung tumawag na ng atensyon ng mga kababaihang nasa karinderya ay animo'y modelo.
Naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate ang cellphone niya. Hindi ko naman intensyong tingnan kung ano iyong chat o text na natanggap niya. Nakalimutan ko lang na cellphone nga pala niya ang hawak ko ngayon kaya ko nilingon ang screen, ngunit nang mabasa ko ang text message mula sa taong nagngangalang Emmabeth ay halos tumigil ang t***k ng aking puso.
Emmabeth: Positive, Croft. Buntis nga ako gaya ng hula natin.
I swear I almost forgot how to breathe after seeing the message . .