Astrid
I tried to keep a straight face and pretended I didn't read the text when Croft came back with our food. Inilagay niya ang dalawang plato sa mesa saka siya ulit umalis para kumuha ng tubig namin sa water dispenser.
Sinundan ko siya ng tingin. A girl from my university approached him. Parang kinakausap siya ngunit tumingin siya sa akin at itinuro ako. The girl then looked embarrassed as she went back to their table.
"Anong sinabi sa'yo?" usyoso ko nang makabalik si Croft sa aming mesa.
"Gustong makipagkilala," kaswal niyang sagot habang inilalapit ang upuan niya sa akin.
I pursed my lips and nodded. "Ah." Dinampot ko ang kutsara't tinidor. "Bakit . . . mo pala ako itinuro kung nakikipagkilala sa'yo?"
Kumunot ang noo niya. "Dahil gusto kong malaman niyang hindi ako interesadong makipagkilala."
Tumangu-tango ako. "O-Okay." Tumikhim ako. "M-May . . . nag-text yata sa'yo kanina."
He jerked his head and then transferred some of his chicken curry on my plate. "Ano'ng sinabi? Kanino galing?" magkasunod niyang tanong.
Tumikhim ako. "H-Hindi ko tiningnan," I lied.
"Why not?" He sounded casual.
"Because it's your phone? Saka baka may ano, may . . . mabasa akong hindi ko pala pwedeng basahin."
He sighed. "Pwede mong i-check. Wala ka namang makikita diyan na hindi ko handang makita mo."
Croft stared at me as if he's waiting for me to check the text. Lumunok na lamang ako't tuluyang dinampot ang cellphone niya.
"Anong passcode?" I asked.
"Our anniversary."
Natigilan ako. "Anniversary natin noon?"
Tumango lamang siya't sumubo na ng pagkain. Tila ba para sa kanya ay hindi naman iyon big deal.
Hindi ko alam kung iiling ba ako o magtatanong pa kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng gawing passcode ay iyon pa ring anniversary namin ang gamit niya. Grabe naman ang pagmamahal nito sa akin? Parang hindi talaga ako nakalimutan?
My internal thoughts were instantly shooed away after I unlocked his phone. I was reminded of the text he received earlier. Tinitigan ko ang screen. Hindi nagawang gumalaw dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mensahe.
Croft peeked at the screen. Nang mabasa ang text mula roon sa nagngangalang Emmabeth ay ngumisi siya.
"Buti naman," he said under a low voice.
I tilted my head. "May nabuntis ka?"
Natigilan siya sa akmang pagsubo ng pagkain. He looked at me with a wrinkled forehead as if I just said something ridiculous.
"Wala." He grunted as if he suddenly remembered something. Nang muli akong tingnan ay may munti nang ngisi sa mga labi. "Hindi ko ba naikwento kung sino 'yan?"
Umiling ako habang pilit na kinakalkal ang aking isip. "Hindi ko matandaan."
He sighed before he put down his utensils. "Emmabeth. Sa farm nila kami lumipat. Magpinsan ang tatay niya at tatay ko. She's married and is struggling to get pregnant. Noong huling uwi ko ay biniro ko siya na parang naglilihi siya dahil panay ang pakuha ng manggang hilaw."
My eyes blinked twice. "She's . . . your cousin?"
"Yes," tila nagpipigil ng ngisi niyang sagot. "Bakit, hmm? Akala mo ay may babae ako?"
Ngumuso ako. "Hindi pa naman tayo para tawagin mong babae mo."
Croft moistened his lower lip. "I was, and still faithful to you. Ni minsan hindi ako tumingin sa iba."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano kung hindi tayo nagkita rito sa Maynila? Baka naman tumanda kang binata tapos ako ang sisihin mo o ng pamilya mo?"
"Kung hindi tayo nagkita rito sa Maynila ay uuwi plano kong umuwi sa atin pagkatapos ko ng college. Aakyat ako ng ligaw sa inyo, bibigyan ka ng singsing gaya ng plano ko noon, at pakakasalan kita pagbalik ko galing ng unang sampa." He held my hand and gently squeezed it while he's looking into my eyes. "Saka lang ako tatandang binata kung hindi na kita pwedeng pakasalan."
My heart swelled. Oh, the sincerity and determination in this man's eyes. How could love hit him this much? Is it true? That first love never really dies?
Siguro nga. Dahil kahit naman nagkaroon ako ng boyfriend pagkatapos niya ay alam kong siya lang naman ang totoo kong minahal.
Wala sa sarili akong napangiti. "Tanghaling tapat pero para tayong nasa teleserye dahil sa mga sinabi mo."
He scoffed. Maya-maya ay iniangat niya ang palad ko upang patakan ng halik. "Kumain ka na. Kung kulang, bibili pa tayo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka naman kapag lumobo ako, umayaw ka na?"
He pursed his lips as if he's trying to suppress a grin. Bahagya tuloy naningkit ang mga mata ko.
"Ano? Totoo? Kapag tumaba ako ay hahanap ka na ng iba?"
Croft sighed but his eyes sparkled while his lips formed a half smile. "You're gonna be more huggable if you'll get thicker. Hindi standard ng pagpili ng babae ang hugis ng katawan, Astrid so stop starving yourself, baby."
My cheeks burned because of the endearment he used. Bwisit! Hindi ako nakailag sa kilig, ha!
"Well, sa showbiz industry, hindi ka pwedeng maging normal na tao. Dapat Barbie doll ka at kasing gaan ng balahibo."
Umiling-iling siya. "Hindi ako naniniwalang hindi ka tatanggapin ng madla. Maganda ka, mabait, at magaling umarte."
My eyes softened. "Y-You think so?"
He nodded. "Sisikat ka balang-araw. Naniniwala ako sa'yo."
My heart swelled. Kumutsara ako ng pagkain at sumubo habang bakas sa aking mukha ang saya. Habang ngumunguya ay panay ang lingon ko sa kanya. Mukhang nahahalata naman niya kaya sinusulyapan din ako hanggang sa nagtagpo ang aming mga tingin.
Croft straightened his back. "Bakit, hmm?"
I shook my head. "Wala. Masaya lang ako. Napalakas mo kasi loob ko."
He pinched my cheek. "I'll always be your number one fan, Astrid. Tanaw mo man ako o hindi, I will always clap the loudest for you."
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang nakatitig ang namumungay kong mga mata sa kanya. Maya-maya ay sinadya kong bumuntonghininga bago ako nagsalita.
"Ang swerte ko naman sa boyfriend ko . . ."
Croft paused. His eyes glistened with both surprise and joy after hearing what I said.
"Say it again. I wanna make sure I'm not dreaming," he said, looking so bewitched.
I smirked. "Sabi ko ang swerte ko naman po sa boyfriend ko."
Kumurba ang kanyang mga labi na animo'y nanalo siya sa lotto. His happiness reached his hazel eyes as if he couldn't contain it in his chest. Para tuloy akong na-deja vu. Ganitong-ganito rin ang reaksyon niya noong sinagot ko siya dati.
Croft sighed. Maya-maya ay kinuha niya ang kamay ko't ipinagsalikop ang aming mga daliri. None of us spoke but our fingers remained intertwined even after we finished our lunch. Tila ba ayaw na niyang bitiwan ang kamay ko, at sa totoo lang ay . . . ganoon din naman ako.
We held hands as he walked back to my university. Humalik din ako sa kanyang pisngi bago ako nagpaalam sa kanya. Croft looks happy as he walked away to go back to his university. Nililingon-lingon pa ako habang hindi mapawi ang kurba sa mga labi.
Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat saka na ako naglakad patungo sa susunod kong subject. I headed to the Science building and took the stairs. Ngunit nang malapit na sa second floor ay napahinto ako nang marinig ang pamilyar na tinig.
"Ipalaglag mo 'yan! Sinisira mo buhay nating pareho!"
I peeked to see if it was really Ralph. Nang makitang hawak niya nang mahigpit ang isang babae sa magkabila nitong braso ay nanlaki ang mga mata ko.
"P-Please, Ralph. Hindi ko kayang gawin 'yan--"
He pushed the woman against the wall. Dala siguro ng takot ko bilang babae rin ay napatakbo ako palapit sa kanila nang akma niyang iuumpog ang ulo no'ng babae. Sinabunutan ko si Ralph dahilan upang mabitiwan niya iyong babae. I then pulled his head down but he managed to hold my wrist.
Kumislap ang matinding galit sa mga mata niya. He lifted his hand, threatening to slap me when one of the professors saw us. Sumigaw ang lalakeng propesor dahilan upang mabitiwan ako ni Ralph.
The girl whom Ralph was attacking earlier rushed towards me. Hinawakan namin ang braso ng isa't isa habang hinabol naman ng propesor si Ralph.
"Okay ka lang?" the girl asked. Luhaan at mukhang nasapok na ni Ralph kanina dahil may mantsa ng dugo sa labi.
"Oo, ayos lang. Tara. Sasamahan na kita sa clinic," alok ko.
She sniffed. "H-Hindi na. Baka malaman ng mommy ko. She's gonna get mad." Nagpunas siya ng luha. "Thank you, ha?"
I nodded. "I-Ikaw ba 'yong . . . nabuntis ni Ralph?"
Her eyes swelled with tears. "Y-Yes." Basag siyang ngumiti. "He's convincing me to abort the baby. A-Ayaw ko kahit . . . masisira nito ang plans namin ng mom ko."
Lumamlam ang mga mata ko. "Katawan mo 'yan. Ikaw dapat ang magdesisyon, hindi si Ralph. Pabayaan mo na siya. Wala ka ring mapapala sa gagong 'yon."
Tumango siya habang pumapatak ang mga luha. "T-Thank you, ulit ha? Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Astrid."
She offered her hand. "Ginny." She sniffed. "U-Una na ko sa klase ko. I'll see you around, Astrid. Maraming salamat ulit."
Tumango na lamang ako't pinanood siyang maglakad palayo. Nang makababa siya ng hagdan ay saka ako bumuntonghininga.
Sayang. If only all men are just like Croft . .