Astrid
Pagod na pagod ako nang natapos ang taping. I had a few lines but we had to redo a lot of scenes. Metikuloso talagang direktor si Direk Joyce. She will not settle with anything but a perfect scene. Damay ang lahat maging ang mga extra.
Sinalubong ako ni Croft nang makalabas ako sa barikadang itinayo sa paligid ng set. Umakbay kaagad siya sa akin na tila naramdaman niya ang pagod ko.
"Kumusta ang shoot mo?" he asked.
I sighed. "Okay naman. Dalawang scene lang naman ako kasali pero nakailang take kami." Yumapos ako sa kanya't nagpa-baby. "Walang maupuan kanina. Nangalay ako sa ilang oras na pagtayo."
That's the reality for people like me who are not standing under the spotlight. We don't get the privileges the real stars get. Kahit pagkain ay tinitipid dahil pinagkakasya ng direktor ang budget na ibinibigay ng producers.
Croft gently squeezed my arm. "Let's go over there so I can massage your feet before we leave."
"Hindi na, mahal. Pagod ka rin ngayong araw."
May dalawa na kasi siyang trabaho. Isang tagalinis ng mga kwarto ng mga privileged kids sa building nila at isang online job na ginagawa niya tuwing madaling araw. Part-time jobs lang naman pareho kaya naihahatid-sundo at nasasamahan pa niya ako pero nakakapagod pa rin iyon.
"Halika na," he said. Maya-maya ay hinatak na ako sa waiting shed at pinaupo. He then went on one knee in front of me and started massaging my calves. Tinanggal niya rin ang rubber shoes ko't minasahe ang mga paa ko.
I groaned out of satisfaction. Napapikit pa ako nang kahit paano ay naginhawahan. This man really knows how to take care of me. Ilang buwan na rin mula noong naging kami ulit ngunit consistent talaga siya sa love languages niya. Parang noong high school lang din.
"Thank you, mahal," may lambing kong sabi.
Croft smiled at me. "May surpresa ako sa'yo. Nakapagpaalam na rin naman ako kay Tito."
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"
He massaged my other foot. "May nahanap akong apartment para sa'yo. Medyo malapit sa university mo. Isa lang ang kwarto pero ayos naman."
My heart melted. Humanap siya ng apartment? Bakit? Dahil ba madalas akong mag-rant sa kanya na nananakawan ako sa dorm ko at halos hindi na ako nakakatulog nang maayos dahil masikip ang kwarto pero walo kaming naghahati?
I caressed his hair. "Ako lang ba ang titira doon?"
He looked at me then smirked. "Pwede bang dalawa tayo?"
Pabiro akong umirap. "Naku, mahal. Parang ang aga nating magli-live in."
"Biro lang. Hindi kita pipilitin."
"Uy, joke lang din." Tumawa ako nang mahina. "Saka kilala kita, Croft. Alam kong kahit tumira tayo sa ilalim ng iisang bubong, hindi mo ko bubuntisin kaagad."
I know him. We both have big dreams. Parehong may tyaga sa pag-aaral kaya alam kong kahit na magsama kami habang nag-aaral ay makakatapos kami nang walang batang lumalaki sa tiyan ko.
He put my shoes back then sat next to me. Sakto namang nagsimulang pumatak ang ulan kaya naupo na lamang muna kami roon.
I rested the side of my head on his shoulder before I intertwined our fingers. Pareho naming pinanood ang pagbuhos ng ulan habang hawak ang kamay ng isa't isa. Tila ba hangga't magkasama kami ay magiging magandang karanasan ang lahat ng bagay.
Croft inhaled a sharp breath before he spoke. "Naihanda ko na 'yong pambayad sa apartment."
Tumingin ako sa kanya. "Dapat hati tayo. Dalawa tayong titira doon."
He looked me in the eyes then tucked my hair behind my ear. "I got this, Astrid. Ako ang lalake. Ako dapat ang provider."
Tumaba ang aking puso. "I know, love pero nag-aaral pa lang tayong pareho. Hindi mo dapat i-pressure ang sarili mo to take on husband roles."
"But I wanna do all the husband roles." His eyes glistened with sincerity. "Nagsisipag akong lalo dahil gusto kong maging magaan ang mga bagay-bagay para sa'yo."
"Croft . . ."
"Kaya ko, Astrid." He kissed the back of my hand. "Hindi ko mapapabayaan ang pag-aaral ko, kung 'yan ang inaalala mo."
My eyes softened. Halatang hindi talaga niya ako hahayaang manalo pagdating sa mga ganitong bagay kaya bumuntonghininga na lamang ako.
"Fine, but you're gonna let me contribute to our food money and sa bills."
He smiled then nodded. "Okay." He kissed my forehead. "Can't wait to move in. Maisasayaw na kita sa kusina."
Natawa ako nang mahina. Iba rin talaga ang pagiging romantic ng boyfriend kong 'to. Buti pa siya naisip niya ang mga ganoong bagay.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa waiting shed hanggang sa tumila ang ulan. Dumiretso kami sa isang fastfood resto malapit sa tinutuluyan kong dorm. Nilibre niya ako ng pagkain. Nang matapos ay dumiretso kami sa dorm ko.
Dahil hindi siya pwedeng pumasok ay pinauwi ko na muna siya nang makapag-empake na rin siya. Kaunti lang naman ang mga gamit namin kaya sandali lamang ay nakapagligpit na.
"Bakit biglaan naman, Astrid? Buntis ka?" usyoso ng chismosa kong ka-dormmate na pinaghihinalaan din naming nagnanakaw ng stocks namin. Nahuli na raw kasi minsan ng isa sa kasama namin sa kwarto. Ayaw lang umamin.
"Hindi. Kailangan lang naming lumipat kaagad dahil baka maunahan kami sa apartment," I answered in an uninterested way.
Gusto niya pang mag-usisa pero hindi ko na pinansin. Tinulungan naman ako ng dalawa ko pang kasama sa kwarto na naging mga kaibigan ko na rin. We brought my stuff downstairs. Binantayan din nila habang nagpapaalam ako sa landlady namin.
"Walang problema, hija. Iyong deposit mo, balikan mo na lang sa makalawa. Mag-iingat ka at mag-aral mabuti," bilin sa akin ni Tita.
I smiled and thanked her. Nang lumabas ako ay naroroon na si Croft at may taxi na ring naghihintay para sa amin. Yes, everything seems to be happening fast but honestly? I don't feel anxious at all. Siguro nga ay ganoon talaga kalaki ang tiwala ko sa boyfriend ko.
"Dalaw kami do'n, ha?" anang mga kasama ko sa dorm.
"Oo ba. Kitakits na lang din sa university." Kumaway na ako sa kanila. "Bye! Salamat ulit!"
Croft opened the door for me. Hinawakan pa ako sa tuktok ng ulo nang hindi ako maumpog. Nang makasakay kami sa backseat ay sinabi niya sa driver ang address. Halos dalawang kanto lang naman ang layo mula sa dati kong tinitirahan. Mas malapit pa nga iyon sa university.
"May bakery, oh," sabi ko nang makita ang paniderya.
He flashed a small smile. "Nami-miss mo na ba pandesal sa umaga?"
Tumango ako. "Walang malapit doon sa dorm, eh."
Croft caressed my hand with his thumb. "Bibili ako bukas ng umaga nang maisawsaw natin sa mainit na kape."
I smiled and kissed him on his cheek. None of us spoke but seems like the sparkles in our eyes were enough for us to realize how happy we are with our decision.
Tumigil ang taxi sa harap ng isang maliit na tahanang may asul na pintura. Croft paid for our fare then went out so he could open the door for me. Tinulungan naman siya ng driver na ibaba ang mga gamit sa trunk. Nang makaalis ang taxi ay ibinigay niya sa akin ang susi ng bahay nang mabuksan ko na.
"Nakuha mo na ang susi?" I asked.
Tumango siya. "Nabigay ko na kasi kahapon 'yong kalahati ng bayad. Ngayong paglipat kukunin ang deposit."
I smirked. "Siguradong-sigurado kang papayag ako, ha?"
Croft pinched my cheek. "Mahal mo ko, at alam kong may tiwala ka sa'kin."
Well, that's true. Ni minsan naman ay hindi niya ako binigyan ng dahilan para hindi ko siya pagkatiwalaan.
"Oh, gabi na kayo naglipat," anang matandang babaeng lumabas sa katabing bahay.
Lumapit si Croft sa matandang babae saka siya nagmano. Itinuro niya rin ako pagkatapos. "Si Astrid ho. Girlfriend ko."
"Parang nakita ko na 'yan sa TV?"
I felt a sense of pride. "T-Talaga ho?"
Croft smiled. "Artista ho. Bago pa lang sa industriya pero mga ilang taon lang, sigurado ho akong magiging kilala na 'yan. Mahusay ho 'yan," pagyayabang niya sa akin.
My heart melted as I watched Croft bragged about how good I am with what I do. Naroon ang pagka-proud sa kanyang mga mata. Tila ba kahit na extra pa lang naman ang roles na nakukuha ko ay tingin na niya sa akin, bida.
"Oh, hindi ko na kayo aabalahin nang makapagpahinga na rin kayo. Napalinisan ko naman na sa pamangkin ko 'yang bahay," anang landlady namin matapos niyang makuha ang kabuuan ng bayad.
Croft and I thanked her. Nang makapasok sa sariling bahay ang landlady ay nagtinginan kaming dalawa. We smiled before I headed to the front door to unlock it. Ipinasok niya ang lahat ng mga gamit namin habang sinilip ko naman ang banyo, kusina, at silid.
I was in the kitchen when Croft shut the door. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. My head fell against his shoulder as we both felt the sense of freedom to start a lfie together. Napaaga man pero para bang wala talaga akong makapang takot.
I sighed. "Croft?"
"Hmm?"
I angled my head then looked him in the eye. "We're gonna be successful in life, right?"
His eyes glistened with certainty as he smiled. "We will."
Pumikit ako nang patakan niya ng halik ang aking noo. Sa puso't isip ay walang ibang nais hilingin sa Panginoon kun'di ang gabayan kaming pareho.
If only I knew that God would really help us succeed but not by each other's side, then I would've saved myself from my hopes and expectations on that night that we moved in together . . .