Astrid
"Anong plano mo sa darating na semestral break?" tanong sa akin ni Marissa nang matapos ang huli naming klase.
I stood up and carried my books. "Uuwi kami ni Croft sa amin. Two weeks kami roon tapos two weeks din sa kanila."
"Grabe, Astrid para talaga kayong mag-asawa ni Croft. Hindi ka ba natatakot?"
Kumunot ang noo ko kasabay ng alanganing pagngisi. "Natatakot saan?"
"Na baka love bombing ang ginagawa sa'yo niyang boyfriend mo. Parang sobra naman kasi sa pagkaberde."
I sighed. There she is with the term she found on the internet. Using it without proper basis. Okay siyang kaibigan pero ito ang ayaw ko sa kanya, at alam naman niya iyon.
"Marissa, lumaki ang boyfriend ko sa tahanang puno ng pagmamahal. Bata pa lang ay tumutulong na siya sa mga magulang niya. Naturuan siya ng magandang asal, respeto, at tamang klase ng pag-ibig."
"Nag-aalala lang ako sa'yo kasi naloko ka na ni Ralph."
"Well, thanks but Croft isn't Ralph, at naging karelasyon ko na noon si Croft kaya ganito na kami kanatural sa isa't isa. This isn't new at all, and definitely not love bombing because it took us a couple years before when we were younger to build the trust and love that we have now."
Nagkamot siya ng sentido. "Nabasa ko kasi 'yong parang sobrang in love sa'yo, love bombing daw. Eh, gano'n kasi si Croft, 'di ba? Halos ituring kang reyna."
Nakakalungkot. Some people often mistake genuine love as a form of manipulation just because real love is rare these days. Kaya tuloy pati mga totoo naman ang pagmamahal, hindi na pinaniniwalaan kasi marami nang tao ang takot maloko.
Sandali kong pinuno ng hangin ang dibdib ko. "Love bombing is a form of manipulation wherein the manipulator does things for the sake of earning the victim's trust. Para makontrol ang biktima eventually. Over time, bread crumbing will start to come in once the victim has taken the bait. Mababawasan nang mababawasan ang efforts until the victim will settle for whatever the manipulator is willing to give. My boyfriend isn't love bombing me, Marissa. Because his actions and efforts never changed. Hindi rin magbabago dahil iyon mismo siya. It's not a fake persona that needs to be portrayed in order to win my heart and to control me."
Tumango siya. "Okay, gets ko na. Sorry. But honestly, worried lang talaga ako. Kakarampot na lang ang gaya ni Croft."
"I know, and thank you for caring for me." I checked my wrist watch. "Una na ako, ha? Baka nasa gate na si Croft."
Tumango siya't hinayaan na akong umalis. I walked as fast as I could so I could get to the gate sooner. Hindi nga ako nagkamali. Naroroon na si Croft. Nakasandal sa bakod habang may hawak na reviewer.
I walked towards him then stole a kiss on his cheek. Tumingin siya sa akin at kaagad na ngumiti. Tila napawi rin ang pagod sa gwapo niyang mukha nang makita ako.
"Malapit na exam n'yo, mahal?" I asked.
Inakbayan niya ako't sinimulan naming maglakad pauwi. "Oo. Mataas ang scores ko pero ayokong makampante." Humikab siya. "Parang gusto ko ng tinapay mamaya."
"Bili tayo. May singkwenta ako rito."
Umiling siya. "Ako na ang bibili. Itabi mo na lang 'yan."
I sighed. "Kailan ba kita malilibre, hmm?"
"Saka na," simple niyang sagot.
We held hands and then waited for the traffic lights to change. Tumawid kami't naglakad patungo sa susunod na kanto. May nadaanan pa kaming asong tumatahol kaya pinalipat niya ako sa kabila. Tila ba nais akong protektahan mula sa aso. Nade-deja vu tuloy ako. May experience na kaming ganoon noong high school kami.
Croft and I went straight to the bakery. Bumili siya ng spanish bread saka iyong naka-sachet na chicken spread. Yes, my taste buds are kind of weird. Gusto kong pinalalaman ang chicken spread sa spanish bread.
Napangiti na lamang ako. Kilalang-kilala talaga ako ng boyfriend ko.
"Tara," he said before he offered his hand again. Sa kabilang palad ay hawak niya ang paper bag na naglalaman ng binili niya.
We headed home and changed into our indoor clothes. Nagpainit ako ng tubig habang nilagyan naman niya ng kape, creamer, at asukal ang dalawang tasa. Siya rin ang nagsalin noong mainit na tubig bago niya ako ipinaghila ng monobloc chair.
Croft took a piece of the bread then parted it in the middle. Siya rin ang naglagay ng palaman sa tinapay bago iyon ibinigay sa akin.
I smiled as I accepted the bread. Nanguha siya ng isa pa at diretso iyong isinawsaw sa kape.
Umayos ako ng upo nang may naisip. "Mahal, bukas tatlong kwarto ang lilinisan mo, 'di ba?"
Tumango siya. "Baka late ako makauwi pero ihahatid muna kita rito bago ako pupunta sa trabaho."
Yumakap ako sa kanyang braso. "Sama na lang ako. Tulungan na lang kita para mas mabilis matapos."
"Hindi na. Mapapagod ka lang."
I sighed. "Croft, hindi ako mapapagod kung magtutulungan naman tayo. Saka ayaw mo 'yon? Mapagdadaanan natin ang gano'ng bagay nang magkasama?" I tried to do the puppy eyes while flashing my cute smile I know he could never resist. "Please?"
Sinipit niya ang tungki ng aking ilong. "Astrid talaga."
"Sige na, pumayag ka na. Kapag hindi ka pumayag, hindi na rin ako magpapasama sa'yo sa susunod na taping ko, sige ka," kunwari'y panakot ko.
He sighed. "Fine, pero majority ng trabaho, ako ang gagawa."
I grinne. "Sige." I drew small circles on his thigh. Pinagdiskitahan ko rin ang balahibo niya sa hita.
"Baby . . ." suway niya ngunit nagpigil lang ako ng ngisi at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Croft caught my hand and kissed it. Ngumisi naman ako saka ko siya hinalikan sa mga labi.
He smirked. Maya-maya ay iniatras niya ang kanyang silya saka ako iginiya na maupo sa kanyang kandungan. I sat on his thighs facing him. Umangkla ang aking mga braso sa kanyang leeg habang hinaplos naman niya ang aking baywang hanggang sa namirmi na iyon sa bandang balakang ko.
Our eyes stared at each other. Tila kahit wala kaming sabihin ay nararamdaman na namin kung ano ang tumatakbo sa isip ng isa't isa.
I heaved a sigh. If this man isn't my soulmate, I would surely go berserk because I highly doubt that my soul would ever feel this connected with someone else.
"Astrid . . ." he called while staring into my eyes.
"Hmm?" sagot ko habang hinahaplos ang likod ng kanyang ulo.
Namungay ang mga mata niya. "Will you still choose me someday once you make it in showbiz?"
I scoffed. "Oo naman? Bakit? Wala ka bang tiwala sa nararamdaman ko para sa'yo?"
"It's not like that." He moistened his lower lip. "Iniisip ko lang na baka dumating ang araw na maipares ka sa ibang lalakeng artista at makaapekto ang relasyon natin sa career mo."
I sighed. "Where is this conversation heading?"
He caressed my sides with his thumb. "All I'm trying to say is, kung darating ang araw na malagay sa alanganin ang lahat ng pinaghirapan mo dahil sa pagmamahal ko sa'yo, gusto ko lang malaman mo na . . . pupwede mo kong itanggi. Itago." His eyes softened as he tucked my hair behind my ear. "The whole world doesn't have to know about us. Hangga't sa akin ka umuuwi, magiging kuntento na ko."
My heart swelled. "Croft . . ."
He flashed a small smile. "Mahal na mahal kita. Hindi ko kailangan ng pagsang-ayon ng mundo para paulit-ulit kitang piliin . . ."