Astrid
"Bayad, manong," ani Croft sa tricycle driver nang iabot niya ang bayad namin.
He went out and offered his hand to me. Hinawakan din ako sa ulo para masigurong hindi ako mauuntog. Nang makalabas ako ay pinagsalikop niya ang aming mga palad. We walked towards the church and sat three benches away from the altar.
Magsisimba kami bago kami uuwi mamaya sa probinsya. Ang balak namin ay didiretso muna kami kay Papa. Dalawang linggo roon pagkatapos ay pupunta naman kami sa probinsya kung nasaan ngayon ang mga magulang niya.
He anchored his arm on my shoulders then made me rest the side of my head on his neck. Pinatakan din niya ng halik ang tuktok ng aking ulo bago namin pinagmasdan ang harap ng simbahan.
"Ang ganda-ganda talaga ng simbahang 'to, Croft. Gusto kong maikasal dito," I said.
He looked around, admiring the architecture of the church. "Dito tayo magpapakasal. And then we'll have a beach wedding, too. Oh kaya ay sa barko. Bibigyan kita ng magarbong kasal."
I smiled. "Hindi ko naman kailangan ng magarbo. Sapat na sa'kin na ikaw ang pakakasalan ko."
"I know you don't, but I still want to give you a wedding that will make people realize how much I wanna give you the world."
Hinaplos ko ang kanyang dibdib. "Kapag natupad ko ang pangarap kong maging kilalang artista at ikaw naman, maging kapitan ng barko, bubuo tayo ng malaking pamilya, ha? Pareho tayong only child, eh."
His eyes glistened with joy. "I want that." Hinaplos niya ang aking braso saka siya bumuntonghininga. "Magsisipag ako sa buhay at hindi ako magsasawang suportahan ka sa pangarap mo, Astrid."
"Thank you, mahal."
I pecked a gentle kiss on his cheek before I stared at the image of Christ in front. Sa isip ay tahimik kong ipinagdasal ang magandang kinabukasan kasama si Croft.
I shut my eyes and tried to visualize the life I want with him. I'll be a star while he's the captain of one of the biggest cruise ships ever sailed across the seven seas. We will have a vacation home somewhere nice and peaceful. We'll have cute kids. Probably three or four.
My father wouldn't have to work anymore. Mabibilihan ko siya ng farm na pangarap niya. He'll grow his own veggies and raise all the animals he'd fancy to raise. Iyon naman ang gusto ni Papa. Ang mamuhay nang tahimik. Magtanim-tanim at mag-alaga ng mga hayop.
Alam kong hindi naman talaga retirement fund ang mga anak, pero sa rami ng sakripisyo ni Papa para sa akin? Kulang pa ang lahat ng handa kong ibigay sa kanya bilang kabayaran sa pagiging mabuti niyang ama.
Maybe that's what this generation is lacking. Iyong appreciation sa mga magulang. Oo, hindi naman utang na loob ang matrato at mahalin ng magulang dahil responsibilidad naman talaga iyon ng magulang, pero kung minahal ka naman ng magulang at nagsakripisyo para sa iyo, mano man lang na suklian din sila ng pagmamahal at kalinga.
"Croft?" tawag ko.
"Hmm?"
"Bigyan natin ng magandang buhay ang mga magulang natin, ha bago tayo magplano ng sarili nating pamilya?"
"Oo naman." Hinaplos niya ang gilid ng aking ulo. "Tutulungan kita sa mga plano mo para kay Tito. Para ko na rin siyang tatay kaya kasama siya sa mga pangarap ko."
Kusang kumurba ang aking mga labi nang mapuno ng kaligayahan ang dibdib ko. This man just keeps on raising the bar. God, I cannot wait to have a future with this man. A life I know would feel like a dream.
Pinatakan niya ng halik ang tuktok ng aking ulo. "Halika na nang hindi tayo gabihin sa byahe."
I nodded. Nauna siyang tumayo saka ako inalalayan. Inakbayan din niya ako saka kami naglakad palabas ng simbahan. Kumain din muna kami ng turo-turo bago tuluyang sumakay ng tricycle pauwi sa apartment.
Our bags are already packed. Nagbilin siya sandali sa landlady bago kami sumakay ng taxi patungo ng Cubao kung saan kami sasakay ng bus. Croft made me wait while he lined up to buy our tickets. Nang makakuha kami ng ticket ay siya na ang nagkarga sa mga gamit namin sa compartment ng bus.
I went inside the bus to look for our seats. Naupo ako sa tabi ng bintana at inabangan siya. A couple fo girls were sitting in front. Mukhang nakita nila ang boyfriend ko kaya lumipat iyong isa ng upuan.
"Hi. Bakante dito," anang babae sa harap.
Muntik nang umusok ang ilong ko. Mabuti na lamang at suplado ang boyfriend ko sa ibang babae.
He removed his backpack then looked at me. Ngumisi pa at tila nagpapa-charming. "Pwede ba kitang tabihan, Miss?"
I smirked. "Ayaw mo ba diyan sa harap? Inaalok ka, oh."
"Mas gusto ko dito sa tabi mo," pagsakay niya sa sinabi ko.
I jokingly rolled my eyes. Ang selos ko ay tuluyan nang napawi. "Sige, pogi. Dito ka na sa tabi ko."
He laughed softly before he finally took the seat next to me. Nang makaupo siya ay kinabig ako't hinalikan sa mga labi.
"Pogi, hmm? Wanna make cute babies with me someday?" he whispered in a teasing way.
I grinned. "Oo ba. Kusa akong hihilata for you, captain."
He laughed before he stole another kiss on my lips. "You silly, future Mrs. Guevarra."
Mukhang nakatunog na sa wakas iyong dalawang babae. Hindi ko na lamang din inintindi pa. I just leaned on my boyfriend's chest while we're waiting for the bus to leave.
Madalas naman talagang umagaw ng pansin si Croft kahit noon pa. Iyong iba nga ay kahit malayo ang agwat sa kanya ay talagang sinusubukan pa ring kunin ang atensyon niya.
"Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita mamaya kapag malapit na tayo," aniya sa malumanay na tinig.
I nodded. Umayos ako ng upo at tuluyang yumakap sa kanya. Inakbayan naman niya ako't sinigurong magiging kumportable. Medyo nahirapan lang akong makaidlip noong una ngunit nang umandar ang bus ay nakuha ko rin ang tulog ko.
Croft woke me up when we're about to get off the bus. Isinuot niya ang backpack niya't kinuha iyong hand carry na dapat ako ang bubuhat.
Pinara niya ang bus sa mismong harap ng bahay namin ni Papa. We got off while the conductor opened the compartment. Ibinaba nila ang mga gamit namin. Binuhat naman iyon lahat ni Croft saka kami tumawid ng kalsada.
Napuno ng excitement ang aking dibdib habang papasok kami ng lumang gate. Naririnig namin iyong speaker ni Papa sa likod ng bahay. Mukhang nagsisibak din siya ng kahoy. Ang matandang ito talaga. May gasul naman pero mas gustong gumamit ng kahoy dahil mas masarap daw ang luto kung kahoy ang gamit.
"Pa!" tawag ko.
Kaagad na lumingon si Papa sa amin ni Croft. Nang makita kami ay umaliwalas ang pagod na mukha.
"Astrid! Croft! Naku, hindi naman kayo nagsabi na ngayon ang uwi n'yo. Kayong dalawa talaga," ani Papa.
Yumakap ako sa kanya habang nagmano naman sa kanya si Croft. Maya-maya ay ibinaba ni Croft ang backpack niya saka niya inagaw ang palakol ni Papa.
"Oh, kararating mo lang magsisibak ka na?" tanong ni Papa.
Croft flashed a genuine smile at my father. "Ako na hong tatapos. Pagod na kayo."
Napailing-iling na lamang si Papa habang nakangisi. Maya-maya ay tumingin siya sa akin saka ako biniro.
"Kung hindi lang din 'yan ang magiging manugang ko, que sehodang maging matanda kang dalaga."
Natatawa akong umiling saka ko pinanood ang boyfriend kong magsibak. Look at those biceps and how effortlessly he swings Papa's axe?
I sighed while admiring my man.
"Naku, huwag kang mag-alala, Papa. Kung hindi rin 'yang gwapong nagsisibak na 'yan ang mapapangasawa ko, hindi na lang talaga ako mag-aasawa . . ."