Kabanata 14

1191 Words
Croft "PARE, hindi ka na naman ba sasama? Celebration naman 'to," one of my friends asked. Katatapos lang ng huling araw ng training namin. Ilang linggo na lang ay sasampa na ng barko kaya humihirit na sila ng selebrasyon. It's not that I'm a KJ or something. I just don't want to party while Astrid is breaking her back for us. Umiling ako. "Hinihintay ako ni misis." Ngumisi si Blake. "Hindi pa misis 'yan. Pwede pang dahilanan. Hindi pa naman kayo kasal." My jaw clenched. Nakita ni Fonz ang naging ekspresyon ko dahil sa sinabi ni Blake kaya inakbayan niya na ko. "Ikaw talaga, Blake alam mo nang sensitibo si Croft pagdating sa ganyang usapan. Palibhasa kasi ikaw hindi ka naneneryoso ng babae," si Fonz. Blake smirked. "Naku, pare. Nasa rota pa naman natin ang Brazil. Siguradong bibigay rin 'yan kapag wala na rito sa Pilipinas." My lips pursed out of irritation. Kaya bago pa maubos ang pasensya ko ay nilayasan ko na ang lintik. He tried to tell me it was a joke but I didn't look back. Nagmadali na lang akong sumakay ng jeep nang makauwi na. Bumaba ako sa kanto at dumaan sa bakery. I bought the usual and paid using the coins I have left in my pocket. "Sakto na ba?" tanong ko sa tindera. "Oo, Croft." Tumango ako. "Si Astrid ba, dumaan na? Hindi kasi sumasagot sa chat ko." "Ay, oo nakita ko kanina. Parang zombie na nga maglakad." Palihim akong bumuntonghininga. Kagabi pa siya wala dahil sa shoot. Siguradong pagkatapos mag-packup, dumiretso na siyang maglinis ng apartment. Nakukunsensya ako. Yes, I help with the bills because I work, too before my trainings, but Astrid does more than I do. Pinakamasakit 'yong makita ko siyang pagod na pagod maging sapat lang ang pera para sa mga pangangailangan naming dalawa. Kung 'yong ibang lalake, gusto ng hating responsibilidad sa relasyon, ako naman hangga't maaari ay ayaw ko sana. I can't bear to see Astrid struggle this much, but knowing my girl, I know she will do everything just to help me reach my dreams. At ipinapangako ko ring gano'n din ang gagawin ko. I went home and found Astrid on the table. Nakasubsob na ang mukha sa mesa at hindi pa nakakapagbihis. Nasa sahig din ang bag niya na parang sa kusina na siya inabutan ng antok. I sighed as my chest tightened. This woman has done so much for me. Pinilit niyang iraos ang pag-aaral ko hanggang sa maka-graduate. Pati ang bayad sa trainings at ilan pang fees na kailangang bayaran nang makasampa ako ng barko ay tinulungan niya kong mabuno. The sacrifices she makes fuel the fire within me. I promise to give her a good life someday. 'Yong klase ng buhay na hindi na niya kakailanganing abutan ng antok at pagod sa kusina. Maingat kong inilapag ang bag ko sa mesa saka ko hinawi ang ilang hibla ng buhok niya patungo sa likod ng tainga. My heart sank the moment I noticed the dark circles under her eyes. Namamayat na rin dala ng stress at pagod. I sighed. "Mahal . . ." Astrid grunted. Ni ang imulat nang maayos ang mga mata niya ay hindi na niya magawa sa sobrang pagod. "C-Croft . . ." Hinagod ko ang likod niya bago ko siya kinarga patungo ng kwarto. She was so tired and sleepy that she fell back asleep as soon as her tiny frame hit the mattress. Tumabi ako't hinaplos ang buhok niya. I planted soft kisses on her head before I whispered. "Papalitan kita ng damit," I said. All she could answer is a simple moan. Halatang wala na talagang lakas pa para ibuka man lang ang mga labi. I sighed before I caressed her arm and whispered. "I love you, Astrid . . ." Her lips slightly stretched for a smile before she forced herself to slightly open her eyes just so she could look at me. "I love you, too . . ." antok na antok niyang sagot. My heart swelled. This woman will never miss the chance to tell me how much she loves me, too. Kahit na gaano kapagod at puyat, she will use the last of her strength just to answer me even when I wasn't waiting for her to do that. Hindi ko naman talaga sana kailangan ng sagot. Hindi ko naman siya minamahal dahil lang gusto kong mahalin niya rin ako. Humugot ako ng hininga't marahang pinatakan ng halik ang sentido niya. Maingat akong bumangon pagkatapos. Nauna akong nagbihis saka ko siya kinuhanan ng maisusuot. I went back to our bed and helped her change. Matapos maiayos ang tutok ng electric fan sa kanya ay saka ako lumabas. Inipon ko lahat ng labahin at naglaba ng damit. Habang nagsasampay sa likod ay nasilip ako ng kapitbahay naming si Mang Tonton. "Oh, Croft. Ikaw na naman labandero n'yo?" natatawa niyang tanong habang may sigarilyo sa daliri. Pinilit ko na lang ngumisi. "Pagod ho si misis galing ng trabaho. Hindi naman ho pwedeng iaasa ko pa sa kanya 'to." "Sus. Trabaho nila iyan." "Kung gano'n ho ay trabaho ko rin pala dapat ang magpasok ng pera. Kung gusto kong siya lang ang gagawa ng mga gawaing bahay, dapat ay ako lang din ang nagtatrabaho para may kainin at may panggastos kami." Umismid siya. "Makabago na ang panahon, Croft. Kaya na nilang magtrabaho ngayon. Hindi pwede 'yong simpleng gawaing bahay lang ang ambag nila sa tahanan." Muntik nang mapitik ang pasensya ko. Ayaw ko siyang bastusin pero naiinis ako sa ganoong paniniwala. Piniga ko ang damit ni Astrid saka ko isinampay. "Alam mo, Mang Tonton, hindi lang simpleng bagay ang mga trabaho sa loob ng bahay. Kung simple lang pala, bakit ho ayaw ninyong gawin? Hindi sa binabastos ko kayo pero sana ho ay maintindihan ninyo." Dinampot ko ang timba. "Hindi ho alipin ang mga asawa nating babae." He scoffed. Parang napikon yata sa sinabi ko kaya nang talikuran ko ay muling nagsalita. "Hindi kayo kasal, hijo. Hindi ka dapat ganyan kamartir porke't magandang babae ang nobya mo." I shut my eyes and inhaled a sharp breath. "Maganda ho talaga, at tinatawag ko nang misis dahil doon din naman ang punta nito. Hindi naman ho ako bobo para pakawalan pa si Astrid." Nilingon ko siya. "Hindi ho ako martir, Mang Tonton. Nagmamahal lang." Pumasok na ako sa loob ng bahay nang hindi siya binibigyan ng pagkakataong sagutin na naman ako ng baluktot niyang pangangatwiran. Matapos kong ilagay ang balde sa banyo ay nilinis ko naman ang bahay at nagluto ng pagkain bago ko tinabihan si Astrid sa kwarto. I cuddled with her. A few minutes later, Astrid turned to face me so she could bury her face on my chest. "Mahal . . ." she called in a still raspy voice. "Hmm?" "Ang pangit ng panaginip ko." Lalo siyang sumiksik sa dibdib ko. "Iniwan mo raw ako." I sighed before I tightened my hug around her. "Hindi mangyayari 'yan." She tried her best to look at me. "Talaga?" "Oo." I tucked her hair behind her ear as I flashed a small smile. "Hanggang dulo na tayo . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD