Kabanata 13

1466 Words
Astrid My foot keeps tapping on the floor as I grew more and more impatient. Kanina ko pa hinihintay na umuwi ang may-ari ng condo unit na nilinisan ko. I still have a shoot in twenty minutes. Kung hindi ako aabot sa call time ay baka malintikan ako. May lines pa naman ako. I have to read the script and memorize it. This is my shot. Medyo mahaba iyon kaya pwede kong makuha ang tyansa para mapansin ng direktor. Mariin kong pinaglapat ang aking mga labi nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag na si Esnyl. Lagot ako nito! I heaved a sigh before I finally picked up the call. Hindi pa ako nakakapag-hello ay nagsalita na siya sa kabilang linya. "Nasaan ka na? Anong oras na. Ipinagyayabang pa naman kita kay direk!" aniya. Halatang pati siya ay natataranta na rin. "I'm sorry. Wala pa kasi 'yong client ko. Hindi pa ako nababayaran, eh." "Tawagan mo na. Sabihin mo kailangan mo nang umalis. Importanteng shoot 'to. Nasaan ka ba?" tanong niya. "Sa Guada 'to." "Guada?! Diyos ko, Astrid! Babyahe ka pa pa-Pasay!" Halos mailayo ko ang phone sa tainga ko sa lakas ng boses niya. "S-Sorry na. Promise, hahabol ako." "Hahabol? Girl, ano ka si Superman? Anong gagawin mo? Lilipad?!" I sighed. "Sorry talaga. Dapat one hour ago pa ako nakabyahe kaso hindi sumasagot 'yong client ko. Pinapa-check ko rin muna 'yong units bago ako umalis kasi baka kung may mawala ay ako ang mapagbintangan." Narinig ko siyang bumuntonghininga sa kabilang linya. "Gawaan mo na ng paraan 'yan. Minsan lang sisilip ang opportunity na ganito. May pa-audition pa naman para sa next film si direk. Kapag pumalpak ka ngayon, hindi kita maisisingit sa audition para sa mas maayos na role." I shut my eyes and swallowed the lump forming in my throat. Um-oo na lamang ako nang matawagan ko na ulit 'yong may-ari ng unit. Thank goodness she finally picked up. Parang siya pa ang galit noong nasagot niya ang tawag ko. "Hello? Paakyat na ako. Ba't ka ba tawag nang tawag? Mukha ba akong walang pambayad?!" I controlled my temper. Gutom ako, pagod, puyat, at late na sa shoot pero kapag pinatulan ko siya ay baka lalo lamang akong hindi umabot sa call time. Ako na lang din ang humingi ng pasensya't sinubukang ipaliwanag sa kanya kung bakit panay ang tawag ko. Pinatayan niya ako ng tawag. Pagkalipas ng limang minuto ay saka lamang siya dumating. Ubos na ubos na ang oras ko tapos sinalubong pa niya ako ng matalim na tingin habang inilalapag niya ang shopping bags niya. "Oh! Istorbo! Next time, hindi na kita kukunin, ha!" pagalit niyang abot ng pera. Sumabog pa iyong tig-iisang daan kaya kinailangan kong pulutin sa sahig. Umapaw ang galit sa dibdib ko. I wanted to lash out but I kept my anger to myself and just picked up the rest of the money so I could finally leave. Ni hindi na ako nagpaalam sa kanya. Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa nakasakay ng elevator. Pagkasara ng pinto ng elevator ay pagalit kong pinunasan ang namuong mga luha sa aking mga mata. Nakakainis. Ako pa talaga ang istorbo, eh siya na nga itong hindi bumalik sa takdang oras. Sinabi ko naman na may lakad ako at hindi ako pwedeng maghintay nang matagal. I took deep breaths to prevent my tears. Tinapik-tapik ko na lang din ang dibdib ko habang patuloy sa paghugot at buga ng hangin. "Kalma, Astrid. Kalma," paalala ko sa sarili ko saka ako lumabas ng elevator. Halos takbuhin ko patungo ng MRT station. Nakipag-unahan ako sa ticketing area at halos gawing sardinas ang sarili makasakay lamang sa punuang tren. Pawis na pawis na ako at dama ko na ang pagod ngunit wala akong panahon para magpahinga. Gusto ko sanang kainin iyong biskwit na baon ko kaya lang masyadong masikip ang loob ng tren. I had to wait until I got out of the station before I took out my biscuits. Ngunit pagkabukas ko pa lang ay may natanaw na akong matandang nanlilimos sa ilalim ng hagdan. Nagkatinginan kami. Lumahad ang palad niya habang ang mga mata niyang kumikislap ng kawalan ng pag-asa sa buhay ay nanatili ang titig sa akin. I sighed. Imbes na kainin ang biskwit ay lumapit ako sa matanda. Tumalungko pa ako sa harap niya saka ko siya pilit na nginitian. "Biscuit po, Lola." Dumukot ako sa wallet ko ng isandaan at inilagay rin iyon sa palad niya. "Pagpasensyahan n'yo na ho." Gumuhit ang pagod na ngiti sa kanyang mga labi. "Kaawaan ka ng Panginoon, hija." Ngumiti na lamang ako't tumayo na. I took one final look at her and saw her trying to open the pack of biscuits. Nang mabuksan niya ang supot ay saka lamang ako naglakad-takbo patungo sa lokasyon ng shoot. "Astrid! Fifteen minutes late ka na! Mainit pa naman ang ulo ni Direk at nag-iinarte si Grettel!" salubong ni Esnyl sa akin. Nagpunas ako ng pawis at sumama sa kanya para kunin ang script ngunit tiningnan ako ng babaeng direktor na tila ba ako ang tuluyang usmira sa araw niya. Nagkatinginan kami ni Esnyl. He tried to explain things to the director but the director lifted her hand as if asking Esnyl to stop. "Wala bang bibig 'tong talent mo?" Inirapan niya si Esnyl saka niya ako tiningnan. "At ikaw? Hindi pwede sa akin ang paimportante. Dinaig mo pa ang sikat? 'Yong mga artista ko kanina pa nandito, ikaw na extra na nga lang, late ka pang darating tapos ganyan pa ang itsura mo?" Nilunok ko ang sarili kong laway habang kumakabog sa takot ang dibdib ko. "S-Sorry po. Galing pa ho kasi--" "Hindi ko kailangan ng excuses mo. Hindi ka importante, ha? Hindi ka sikat kaya huwag kang mag-attitude na akala mo ang mahal-mahal ng talent fee mo eh isang libo ka lang naman." She glared at me. "Paalisin n'yo nga 'to at ibigay n'yo sa iba 'yong lines niya. Kairita. Akala mo kung sino." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako nakagalaw. Uminit din ang sulok ng mga mata ko kaya nang makita ni Esnyl ang aking itsura ay kaagad niyang sinubukang paamuhin ang direktor. "Direk, magaling ho 'yan. Hindi tayo mapapahiya diyan. Sige na pagbigyan mo na. Ngayon lang 'yan na-late at naglinis pa ng condo. Pumart-time pa." "Oh, eh 'di sana inagahan ang paglilinis? Anong gusto mong mangyari, Esnyl? Ako ang iintindi? Sino ba siya? Bigating artista ba siya? Ka-lebel ba niya ang mga bida sa pelikula ko? Diyos ko, baka kahit saan mo nga isiksik 'yan hindi madi-discover 'yan. Saka kahit sumikat 'yan, hindi 'yan magtatagal. Mabilis malaos 'yang mga ganyan an puro ganda lang." Muli akong binalingan ng direktor. "Maglinis ka na lang ng condo, ha? Huwag ka nang mag-artista. Hindi pwede sa industriyang 'to ang paimportanteng gaya mo." Nangilid nang tuluyan ang aking mga luha nang layasan niya kami ni Esnyl. Sinundan naman siya ni Esnyl para kumbinsihin pa rin na ibigay sa akin ang role. Lalo lamang akong nanliit habang pinanonood ang kaibigan kong ipaglaban ako. Para bang kailangan pang gawin ang mga ganoong bagay para lang makuha ko ang role. My tears fell as I felt low. Umalis na lang ako ng set at naupo sa nadaanang 7 Eleven. The director's words echoed inside my head, destroying my self-esteem. Wala na akong naging pakialam kahit pinanonood ako ng mga dumadaan. I let myself release the heaviness I feel in my chest, hoping it would be enough to calm myself down. Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. I pulled it from my pocket and checked who sent a message. Croft: Good luck sa shoot mo, mahal. Proud ako palagi sa'yo. My tears blurred my vision. I even had to purse my lips to trap my sobs. This man had known me for years, while the director didn't even know me for a day. Bakit ko iiyakan at paniniwalaan iyong mga pinagsasabi ng direktor na iyon kung itong boyfriend ko, naniniwala sa akin? Hindi. Hindi ako iiyak dahil sa babaeng 'yon. Darating ang araw na bawat patak ng luha ko, kailangan pang bayaran nang malaki para lang masaksihan ng ibang tao. I'm going to be successful and I'm going to make that director regret treating me this way. Pati iyong babaeng may-ari ng condo na nilinis ko kanina, sisiguraduhin kong makikita niya ang pagmumukha ko kahit saan. Palagi nila akong maaalala at kung papaano nila ako trinato ngayong araw. I wiped my tears then tapped my chest. "You're gonna be a star someday, Astrid. You're gonna burn so bright that those who belittled you would feel ashamed to even stare at your feet, kaya laban pa . . ." I sniffed. "Laban pa, Astrid para kay Croft at sa pangarap mo. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD