Kabanata 12

1624 Words
Astrid Giving up my education was a hard decision to make. Kahit si Papa ay nasaktan sa naging desisyon ko ngunit kalaunan naman ay naintindihan niya rin. Ipinangako ko rin naman sa kanya na oras na makasampa si Croft ng barko ay sisikapin kong makabalik kaagad ng pag-aaral. I counted the money the production team had paid me for the three scenes I was part of. Maganda ang feedback ng direktor sa akin kaya ngayon pa lang ay tinitimbrehan na akong kukunin ulit sa susunod na shoot. "May isa pa akong nahanap na raket para sa'yo. Commercial 'yon ng isang fastfood. 5AM ang call time sa Martes. G ka?" tanong Esnyl, ang talent scout na madalas tumulong sa akin sa mga nakalipas na buwan. Mabilis akong tumango. "Oo naman. Kahit anong role, basta may exposure at magkapera, sige lang." "Naku, sana kapag sumikat ka, ganyan ka pa rin ka-dedicated at kasipag." Binuksan niya ang abaniko niyang may rainbow na disenyo. "Huwag kang gagaya ro'n kay Roxanne na akala mo naman hindi niya ako kilala kung daan-daanan lang ako samantalang halos kalampagin niya ako palagi magka-raket lang." I smirked. "Paanong hindi ko naman sisipagan kung pangarap ko 'to?" "Ay, madam. Sinasabi ko sa'yo, iba ang epekto ng kasikatan lalo sa showbiz. Baka dumating ka rin sa punto na halos isumpa mo ang sarili mo dahil ito pa talaga ang pinangarap mo." Itinago ko na ang pera sa sling bag ko. "Ihahanda ko na lang ang mental health ko para ro'n." I sighed. "Basta, Esnyl. Itaga mo sa bato, darating ang araw na 'yan? 'Yang mga taong 'yan na dinadaan-daanan lang ako? Makikita nila ang pagmumukhang 'to kahit saan sa sobrang kasikatan ko." Umismid siya. "Well, kung 'yan ang gusto mong mangyari, makipag-break ka sa jowa mong non-showbiz. Alam mo naman ang kalakaran sa industriyang 'to. Hindi ka sisikat kung wala kang love team. At kapag may love team ka tapos may jowa kang iba, titirisin ka ng madla hanggang sa maubos ka." I know that, pero hindi sapat na dahilan 'yon para talikuran ko si Croft. I don't think I have to sacrifice our relationship for me to reach stardom. Masyado naming mahal ang isa't isa para ipagpalit ko siya sa pangarap ko. Pinilit kong ngumiti. "We'll deal with that problem once we get there." Tumayo na ako. "Uwi na ako, ha? Naghihintay na si Croft panigurado." "Ay, teka lang. May narinig akong chismis. Itatanong ko pala kung totoo." "Ano 'yon?" "Totoo bang kumukuha ka rin ng raket bilang tagalinis? Naghahanap ako ng maglilinis ng condo ko." I nodded. "Oo. Kailangan ko rin kasi ng mga extra'ng trabaho. Malaki-laki ang tuition ni Croft. Hindi sapat ang kita sa pag-extra." Nalukot ang noo ni Esnyl. "Ikaw ang nagbabayad ng tuition ng jowa mo?" Napatayo siya't nagpamaywang. "Hoy, Astrid? Jusko kang babae ka. Sino ba talaga ang bakla sa ating dalawa?" I sighed. Sinasabi ko na nga ba at ganito ang magiging reaksyon niya. Hindi na bago sa akin 'yon, pero sa totoo lang ay hindi naman ako nahihiya. Nasasaktan lang ako para kay Croft dahil pakiramdam ko ay nahuhusgahan kaagad nila ang boyfriend ko kahit hindi naman nila alam ang buong kwento. "Nyl, ako mismo ang nag-offer kay Croft na tutulungan ko siyang makatapos. Namatay ang parents niya sa aksidente kaya wala nang magpapaaral sa kanya. I am helping him reach his dreams dahil pangarap din 'yon nina Tito at Tita para sa kanya. Isa pa ay kilala ko ang boyfriend ko. Kapag nakasampa na siya ng barko, ako naman ang mag-aaral ulit." I seriously don't know why I have to explain things like this to other people. Siguro ay dahil ayaw ko iyong nagkakaroon sila kaagad ng judgement nang hindi naman sila aware sa kung ano ba talaga ang sitwasyon. I really hate it when people think my man is milking me money. Napapaypay siya sa sarili. "Sasampa ng barko? Seaman? Diyos ko, day! Think twice din. Hindi maiimbento ang phrase na seaman loloko kung walang sapat na ebidensya." Napakamot ako ng sentido. I knew I'd hear that one again. Pang-ilan na ba ito? Sinabi rin iyon ng mga kaibigan ko noong nalaman nilang titigil ako ng pag-aaral para kay Croft. Hindi ko na lang sila pinansin. "Alam mo, hindi mo dapat husgahan kaagad si Croft. If only you'd get to know him, maiintindihan mo kung bakit ko 'to ginagawa. Saka masipag siyang mag-aral. Sa isang buong taon na tinutulungan ko siya, walang araw na hindi ko siya nakitang pumipetiks sa pag-aaral." Bumuntonghininga siya. "Hindi naman sa gano'n, Astrid. Nag-aalala lang ako dahil kahit paano ay may pinagsamahan na rin tayo. Maganda ka at may potensyal. Malaki ang tiwala kong sisikat ka sa industriya. Nalulungkot lang ako dahil nagpapakahirap ka pala para sa jowa mo. Nanggaling na rin ako diyan. Pinaaral ko at pinatuloy sa bahay ko pero ano ang ginawa sa akin sa huli? Iniwan ako. Halos masira ang buhay ko. Ayaw kong pati sa'yo ay mangyari 'yon." I forced a smile. "Thank you, pero promise hindi gagawin ni Croft sa akin 'yon. Mahal niya ako at kilalang-kilala ko siya." Napahilot siya ng kanyang noo. "Ay Diyos ko, parang naririnig ko ang sarili ko." Napabuga siya ng hangin. "Oh, siya sige na. Kapag libre ka sa Linggo, mag-chat ka at isi-send ko sa'yo ang address ko." Tumango ako't bumeso na sa kanya. Umalis na rin kaagad ako dahil sa totoo lang ay medyo bad trip na rin. Kapag si Croft talaga ang topic, mabilis uminit ang ulo ko. My boyfriend doesn't deserve that. Pinara ko kaagad ang jeep na dumaan. Dahil marami ring nag-aabang ay nakipagdambahan ako makasakay lang. Ayaw ko namang mag-taxi. Sayang lang ang pera kaya kahit nasiko ako ng isang pasahero ay ininda ko na lang. Pagkababa ng jeep ay hinilot ko ang parte ng dibdib kong nasiko kanina. Nalukot pa ang aking mukha dahil dama ko ang sakit. I shut my eyes and groan. Parang mamamaga pa yata ito mamaya. Nakakainis! I felt someone anchored his arm on my shoulders. Maya-maya ay may daliring sumundot sa aking tagiliran bago ko narinig ang pamilyar na tinig. "Holdap 'to, Miss. Akin na ho puso mo." I smirked and looked up. "Nasa'yo na nga, ano pang hoholdapin mo?" Croft gave me a sweet smile before he lowered his head to kiss me on my lips. Parang nawala yata ang pagod ko sa maghapong pakikidigma sa hamon ng buhay magkapera lang. Look at him in his seafarer's uniform? Bakit ang gwapo ng boyfriend ko? "Ano 'yang hinihilot mo? Napa'no?" he asked when he noticed me massaging myself, right below my collar bone. "Nasiko kanina, mahal. Nag-uunahan kasi kami sa pagsakay." Croft's eyes glistened with guilt as if he wanted to blame himself for what happened to me. Napabuntonghininga rin siya bago ako kinabig at pinatakan ng halik sa tuktok ng aking ulo. "Daan tayo ng bakery. Bibili ako ng spanish bread. May pera ako rito. Nagbayad si Joem kanina ng para sa papers na ipinagawa niya." I smiled and nodded. Iyon naman ang gusto ko kay Croft. Hindi naman niya hinahayaang pasanin ko talaga ang lahat. Iyong mga pinampapamasahe niya at pambayad namin ng bills, siya na ang gumagawa ng paraan. He would do his schoolmates' paperworks. Minsan kinukuha rin siya ng mga kaibigan niya para maglinis ng apartments nila. Hindi rin siya magastos dahil tinitipid niya ang pera niya nang mapagkasya namin ang budget kada-buwan. Nagbibigay rin naman si Papa ng para sa pagkain namin pero hindi namin inoobliga dahil katwiran ni Croft ay nahihiya na siya kay Papa. Pagkatapos bumili ng tinapay ay dumiretso kami sa inuupahang bahay. Pinuno kaagad niya ng tubig ang timba nang makaligo na ako. Habang nasa banyo ay naglinis siya ng apartment namin at nagpainit ng tubig para sa kape. Nakatimpla na nga siya noong lumabas ako ng banyo. "Shower lang ako sandali," aniya. Tumango ako't naupo sa monobloc. I waited for him to finish so we could eat together. Noong nakapagmiryenda ay kinuha niya ang baby oil sa kwarto. He started massaging the part of my chest that hurts. Idinamay na rin pati ang mga balikat ko bago niya minasahe ang aking mga binti. "Mahal?" tawag ko habang hinihilot niya ang aking paa. "Hmm?" "Kapag naging mag-asawa na kaya tayo, gagawin mo pa rin 'yan?" He looked at me then smirked. "Oo naman." Ibinaba niya ang aking binti saka siya tumayo at inialok ang palad sa akin. Tinanggap ko naman iyon saka ko siya hinayaang ilagay ang aking mga kamay sa kanyang batok nang tuluyan akong nakatindig. "Ikaw? Papayag ka pa rin bang kumain ng tinapay at magkape ng 3-in-1 tuwing hapon kasama ako oras na maging sikat ka nang artista?" he asked while his hands were on my waist. I smiled while staring into his eyes, my heart screams with all the love I have for him. The love I know would last a thousand lifetimes. "Hinding-hindi ako magsasawang magsawsaw ng spanish bread sa kape basta ikaw ang kasama ko." Croft smiled. Napapikit ako nang patakan niya ng halik ang aking noo bago niya ako niyakap. "Mahal na mahal kita, Astrid. Kaunti na lang, makakabawi na ko sa'yo." He held me by my cheek and stared into my eyes. "I'm gonna sail the seven seas and declare my love for you in every one of it with hopes that God would let me have your heart in all of my days, and in all of the lifetimes after that . . ." My heart warmed and my lips stretched for a sweet smile. Kung sana alam kong kasinungalingan lamang ang lahat ng iyon, sana hindi ko na hinayaan pa ang puso kong magdiwang habang yakap ako ng taong inakala kong hinding-hindi ako sasaktan . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD