Astrid
"Astrid," tawag ni ate Emmabeth sa akin habang tumutulong akong magligpit ng mga kalat na iniwan ng ilang nakilamay.
"Po?"
She sighed. "Si Croft, hindi pa rin kumakain. Subukan mo ngang yayain baka sakaling sumubo man lang kahit kaunti."
My eyes softened. Ilang araw na naming problema ang pagkain at tulog ni Croft. Ayaw niyang umalis sa harap ng dalawang kabaong. Hindi rin gaanong makausap. Sasagot lang nang kaunti pagkatapos ay tatahimik na at tititig sa mga magulang.
It breaks my heart to know that there is nothing that I could do to save him from all this pain nor take away even just half of it. Ang kaya ko lamang gawin ay samahan siya habang pinagdaraanan niya ang masakit na kabanatang ito ng buhay niya.
I sighed. "Sige po, kukumbinsihin ko siyang kumain."
Itinapon ko sa basurahan ang styro cups. I washed my hands and then went to Croft. Nakatayo siya sa harap ng kabaong ni Tito noong naabutan ko sa loob. May ilang lumapit para magbigay ng pakikiramay ngunit tanging marahang tango ang isinagot ni Croft.
I swallowed the lump forming in my throat before I went next to him. Naglalambing akong yumapos sa kanyang baywang saka ko siya hinayaang akbayan ako.
"Mahal, tara na muna sa kusina. Samahan mo kong kumain."
"I'm not hungry," malumanay ngunit puno ng lungkot niyang sagot.
"Croft, hindi magugustuhan ng mga magulang mo kung pababayaan mo ang kalusugan mo. Sige na, mahal kahit na para na lang sa akin at kay Papa. Samahan mo na ko."
He sighed. Tila sandali rin munang nag-isip bago siya tuluyang tumango. "Okay," he answered in a breathy way.
I smiled at him before I entwined our fingers. "Kain tayo, ha? Tapos mamaya samahan mo kong umidlip kahit saglit lang."
Croft gently nodded. Tila napipilitan lang para sa akin pero ayos na rin iyon. Ang mahalaga ay makakain siya't makapagpahinga man lang kahit kaunti.
Nakita ko si Papa na napangiti nang makitang sumama sa akin si Croft. Papa is helping entertain those who want to pay their respect to the bereaved family. Isinara niya ang shop at nanatili rito para sa amin ni Croft dahil alam niyang kailangan kami ni Croft ngayon.
Ipinagsandok ko si Croft ng pagkain. Kahit hirap siyang kumain dahil wala talagang gana ay pinilit niyang kainin iyong inilagay ko sa plato niya. Panay naman ang lambing ko sa kanya para kahit paano ay mawala sa isip niya ang pinagdaraanan niya.
"Croft," tawag ng tiyahin niya nang maabutan kami sa kusina.
Nag-angat ng tingin si Croft sa tiyahin. "Kain ho," alok niya sa matamlay na tinig.
"Sige lang, anak. Ah, Croft may sasabihin sana ako. Tungkol lang sa paglilibingan sa mga magulang mo."
Napansin ko kaagad ang pagguhit ng lungkot sa mga mata niya. I wanted to step-up and discuss the matter with her aunt on his behalf. Kaya lang ay wala naman ako sa posisyon para gawin iyon.
Croft sighed. "Bakit po? Ano pong problema?"
"Ayaw kasing pumayag nina Tiyang na doon sa lupa nila sa sementeryo ilibing ang mga magulang mo. Nakalaan na raw kasi iyon para sa kanila. Ayaw raw nilang pagdating ng araw ay mga anak nila ang mamroblema." Sumulyap sa akin ang tiyahin ni Croft. "Eh, may naitabi namang pera ang mga magulang mo para sa'yo pero ikaw ang nakapangalan. Pupwedeng . . . iyon ang gamitin nating pambayad ng memorial lot. Ang kulang, kunin na natin sa abuloy at ilang tulong galing sa mga pulitikong nakikiramay."
Bumagsak ang mga balikat ko. I can't believe Croft would still have to deal with these things while he's mourning for his parents. Um-oo na lamang siya't nangakong aasikasuhin iyon sa lalong madaling panahon.
His aunt left us. Ayaw na niyang ubusin ang pagkain niya. Hindi ko na rin pinilit dahil alam kong problemado na naman siya. Iniligpit ko na lang ang mga pinggan saka ko siya niyayang pumunta sa kwartong ipinagagamit sa amin.
I guided him to bed. Even removed his shoes and made sure he's comfortable enough. But even at his lowest, and despite the pain that's consuming him, Croft gently pulled me, made me lay on his chest, and made sure I could sleep comfortably next to him.
"Tulog ka na, mahal. Napagod ka kakaasikaso sa mga bisita," he said under his breath before he started caressing my head so I could fall asleep faster.
I pursed my lips and held back my tears as I began to be emotional. Tila kahit na siya na itong pinakanahihirapan ay handa niya pa rin talaga akong unahin.
Suminghot ako saka ko siya tiningala. "Croft? Kung ibabayad mo ng memorial lot 'yong perang itinabi nina Tito para sa'yo, paano ang pag-aaral mo? Hindi ba ay educational fund mo 'yon?"
"Hindi bale na. Pwede naman akong magtrabaho."
Lumamlam ang aking mga mata. "Pero pangarap nila na makatapos ka."
Basag siyang ngumiti. "Wala akong choice, mahal. Kailangan kong unahin ang memorial lot nila kun'di wala silang magiging libingan. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga labi nila."
I sighed and thought about things for a moment. Maya-maya ay pilit akong bumangon. I put my hair on one side before I placed my palm on his cheek. Pumungay naman ang kanyang mga mata nang maramdaman ang init ng aking palad.
"May naisip ako, mahal." I caressed his cheek with my thumb. "Pwede namang tumigil muna ako. Ako na muna ang kikita ng pera. Hindi ko naman kailangang magtapos ng pag-aaral para maging artista."
"Astrid, no."
I flashed a faint smile. "Maiintindihan naman ni Papa, eh. Saka kapag tumigil ako sa pag-aaral, mas marami akong raket na pwedeng matanggap. Mas madali akong madi-discover kasi mas marami akong exposure. Iyon naman ang laging sinasabi ng talent scouts sa akin. Dapat on the go ako palagi kasi hindi ko alam kung kailan magbubukas ang pinto ng opportunity."
He sighed then held my hand that's resting on his cheek. "Bibitiwan mo ang pag-aaral mo dahil gusto mong ako ang magpatuloy? Astrid, hindi ako papayag kung gano'n."
"Ilang taon na lang naman, 'di ba matatapos ka na?"
"Pero mas mauuna kang matapos sa akin. Sayang ang taon at hindi mo responsibilidad na paaralin ako."
Pinakawalan ko ang hangin sa aking dibdib. "Croft, kapag nakatapos ka, mas magiging madali na lang sa aking magtapos dahil mas malaki ang kikitain mo kumpara sa akin. Kapag ako ang unang nagtapos sa atin, maliit lang naman ang tyansa na makakuha ako ng trabahong may malaking sahod. Isa pa ay hindi naman pag-e-empleyado ang goal ko, mahal. This is going to be a win-win situation. Magkakaroon ako ng panahong kumuha ng mas maraming raket," pangungumbinsi ko.
Of course, I wanted to finish my studies on time. Pero gusto ko muna siyang tulungan ngayon. Kahit para na lang sa mga namayapa niyang magulang. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maipakita ko sa kanilang hinding-hindi ko iiwan ang anak nila sa pinakamadilim na kabanata ng buhay ni Croft.
He pulled himself up and looked me in the eyes. "Hindi pwede, mahal."
"Bakit naman hindi? Pababayaan mo ba ako kapag nakatapos ka na? Kapag nakasampa ka na ng barko?"
"Of course not."
"Oh, 'yon naman pala, mahal. Hindi na natin dapat pang pagtalunan 'to." I sighed and held his hands. "Croft, isipin na lang natin na para lang tayong gumagawa ng mga desisyon bilang mag-asawa. Sometimes we have to make sacrifices. This is me showing to you that I believe in you. Tuparin mo ang pangarap mo, magtapos ka on time, at kapag nakasampa ka na, ako naman ang tulungan mo."
His eyes softened. Halatang nagdadalawang-isip pa talaga siya kaya inilapit ko ang aking mukha at pinatakan ng halik ang kanyang mga labi.
"Naniniwala ako sa'yo. Alam kong tutulungan mo rin ako kapag natapos ka na. Magtulungan tayo, Croft. Hayaan mong ako na muna ang magsakripisyo ngayon."
Croft sighed. Isinara niya ang mga mata niya't ikinulong ako sa kanyang mga bisig. "Okay, pero oras na mahirapan ka na, sasabihin mo kaagad sa akin. This is not gonna be something that you're supposed to do for me. Dahil hindi dito masusukat ang pagmamahal mo para sa'kin."
I hugged him back. "Alam ko naman, mahal. Let's make your parents proud. Alam kong maiintindihan din ako ni Papa."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka niya inilapat ang isang palad niya sa aking pisngi. "Pangako, Astrid. Oras na makasampa na ko ng barko, ibibigay ko sa'yo ang kumportableng buhay. I'm going to support you in all of your dreams. I'll give you the kind of life that you deserve." Pinatakan niya ng halik ang aking noo saka ako ulit niyakap. "Mahal na mahal kita."
I smiled as I hugged him back. "Mahal na mahal din kita, Croft. Kaya natin 'to hangga't magkasama tayo . . ."