Astrid
I didn't have the heart to tell Croft the tragic news about his parents. Sinabi ko kay Papa ang balita saka ko siya pinakiusapang siya ang magsabi kay Croft dahil hindi na rin matigil ang pag-iyak ko.
I was close to Croft's parents when we were in high school. Para na rin nila akong anak. Kapag namamalengke kami ni Papa noon ay palagi akong binibigyan ni Tita ng prutas kahit na hindi naman niya kailangang gawin iyon. Si tito naman, kakampi ko iyon palagi kapag akala niya ay may tampuhan kami ni Croft.
The thought of me not being able to talk to them in person before they died breaks my heart into pieces. Paano pa kaya si Croft? Hindi lamang isa sa mga magulang niya ang kinuha ng langit kun'di dalawa.
Oh, those sweet and loving people. Why did heavens have to take them away before Croft and I could make them proud?
Napahikbi na lamang ako nang marinig ang paghagulgol ni Croft. Alam kong nasabi na sa wakas ni Papa sa kanya ang nangyari. It's heartbreaking to hear his cry. Ngunit alam kong sa mga pagkakataong ito niya ako pinakakailangan.
Kahit na nanghihina na rin ako dahil sa sakit na nararamdaman ay pilit akong lumabas ng bahay upang lumapit sa kanila ni Papa. Kumalas si Papa mula sa pagkakayakap sa kanya para hayaang ako naman ang magbigay sa kanya ng balikat na maaari niyang iyakan.
"Astrid, sina Mama . . ." His voice cracked. "Wala na sila . . ."
Napahikbi akong muli. He looks so fragile right now. Tila ba kahit anong tikas niya ay hindi niya kayang tanggaping wala na ang mga magulang niya.
I held him with all my might, not letting him feel the pain on his own. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito ako. Kami ni Papa. Hindi siya mag-isang haharap sa pagsubok na ito. Hindi siya mag-isang magluluksa para sa dalawang napakabubuting tao.
Papa and I let Croft cry his heart out. Nang kahit paano ay kumalma si Croft ay hinagod ni Papa ang likod niya.
"Magpahinga muna kayo sa loob at hintayin ako. Kakausapin ko lang si Pareng Hildo. Baka pupwede kong arkilahin ang sasakyan niya nang makapunta tayo sa mga magulang ni Croft," paalam ni Papa.
Tumango ako habang naluluha pa rin. Hinaplos naman ni Papa ang ulo ni Croft. Ang mga mata ay kumikislap dala ng awa para sa itinuring na rin niyang anak.
"Tatagan mo ang loob mo, Croft. Nandito lamang kami para sa'yo. Hindi ka namin pababayaan," paalala ni Papa. Namaos pa ang boses dahil sa emosyong nararamdaman.
Croft's tears rolled down his cheek. Yumakap siya kay Papa saka ito pinasalamatan. Pigil na pigil ko naman ang paghikbi. Nang tuluyang nakaalis si Papa ay muli ko siyang niyakap bago ko siya niyayang pumasok na muna sa loob.
We readied our stuff while waiting for my father. Hindi naman nagtagal ay bumalik si Papa dala ang lumang Honda CRV ng isa sa mga kumpare niya. Isinakay namin sa likod ang mga gamit bago kami sumakay. Sumama rin si Ninong Hildo at siya na ang nagmaneho. Tinabihan siya ni Papa sa harap habang nasa likod naman kami ni Croft. Hindi pa rin mapigil ang mga luha sa pagpatak.
It was a three-hour drive from our hometown. Sa punirarya na namin inabutan ang mga magulang ni Croft. Tanging si ate Emmabeth ang naroroon dahil inaasikaso raw ng tiyuhin at tiyahin ni Croft ang mga kailangan sa gaganaping lamay.
"Nasaan sila?" garalgal ang boses na tanong ni Croft kay ate Emmabeth nang kumalas ang dalawa sa pagkakayakap.
Suminghot si ate Emmabeth. "D-Dito," aniya saka siya naunang maglakad patungo sa silid kung nasaan ang mga bangkay.
Halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ni Croft. Kinailangan namin siyang alalayang tumindig nang makita namin ang dalawang bangkay na nasa silid. Kahit ako ay humagulgol na noong alisin ang mga takip na puting tela. Parang ngayon nag-sink in sa isip kong wala na sina tito Alejandro at tita Talia.
"Ma! Pa!" palahaw ni Croft. Halos hindi alam kung sino ang uunahing yakapin.
Natutop ko na lamang ang bibig ko habang pinanonood ang lalakeng mahal kong magwala sa tabi ng walang buhay niyang mga magulang. Papa pulled me and locked me in his arms while Croft cried, begging for his parents to wake up.
Ayaw ko ring maniwala na sa isang iglap ay wala na ang mga magulang niya. Parang noong isang araw lang ay kausap pa namin sila sa cellphone. Sinasabi nilang excited na silang dumating kami roon sa farm dahil gusto nila kaming makasamang mag-boodle fight.
I sobbed. Mabubuti silang tao. Wala silang sinaktan o nilamangan. Matulungin sila lalo sa mga kapwa nangangailangan. Kahit pati sila ay kinakapos ay hindi sila naging maramot. Nagsisikap sila para mabigyan ng magandang kinabukasan si Croft. Napalaki nila nang maayos ang anak nila at may takot sila sa Diyos kaya bakit? Bakit sa kanila pa kailangang mangyari ng trahedyang ito?
Hindi na ako nakapagpigil pa. Lumapit ako sa bangkay ni Tita Talia habang yakap ni Croft ang Papa niya. I placed my palm on Tita Talia's cheek while my tears are trailing down my face. She was like a mother to me. Mas naging ina pa siya sa akin kaysa sa tunay kong nanay kaya hindi ko mapigilan ang mapahagulgol ngayong nagsi-sink in na nang husto sa aking isip na totoo ngang wala na sila.
"T-Tita . . ." I cried. "Diyos ko . . ."
Humagulgol ako nang husto. Parang hindi ko kayang tanggapin. Ang sakit-sakit ng dibdib ko kahit na hindi ko naman sila mga magulang. I love them and I know they loved me, too. Bakit naman ganito? Nangako pa ako noon kay Tita na kapag naging kilalang artista na ako ay siya ang una kong bibigyan ng autograph gaya ng hiling niya. Bakit naman nawala sila bago ko pa iyon magawa?
"Pa . . ." I heard Croft sobbed. "Pa, gising. Pa, magiging kapitan pa ko. Pangarap natin 'to, 'di ba? Pangarap natin 'to. Nangako ka. Panonoorin mo kong magtapos. Kayo ni Mama. Pa, gising. Hindi pwede 'to, Pa . . ."
His loud cries and pleas broke everybody's hearts. Pati si Ninong Hildo ay naluha na habang pinanonood si Croft na tumangis para sa mga magulang niya. Hindi ko sila masisisi. Alam naming lahat kung gaano kamahal ni Croft ang mga magulang niya. Hindi siya lalaking mabuting tao kung hindi mabubuti ang mga magulang niya.
Napaupo na si Croft sa sahig nang hindi niya na kinaya ang sakit na nararamdaman niya. Lumapit naman ako sa kanya't niyakap siya kahit na pareho kaming nasasaktan.
"Nandito lang ako, Croft . . ." I sobbed. "Nandito lang ako."
He held me firmly as if I was the only one who can anchor his soul so he wouldn't drown in the pain he was feeling, and as I wrapped my arms around the man I love, I looked at Tito Alejandro while I make a promise to him in my head.
Hinding-hindi ko ho hahayaang maramdaman ni Croft na mag-isa na lamang siya. Hinding-hindi ko ho susukuan ang anak ninyo gaano man kahirap ang mga susunod na taon na wala na kayo sa tabi namin . . .