"Hoy, Czarina! Bakit ganyan ang nguso mo? Kasing haba na ng sa alaga nating pato. Bakit ba sambakol ang mukha mo diyan? Pinagalitan ka ba ng Lola mo?" untag ni Ate Belinda sa akin. Hanggang sa makarating kasi kami sa bukid ay hindi man lang ako pinansin ng pokpok na iyon. At kahit magpapansin ako sa kanya ay ayaw niya pa rin akong kausapin. Kahit sa sasakyan ay nanatili siyang walang imik maliban na lang kung si Lola Dorina at Ate Belinda ang kausap niya. Kapag sumali ako sa usapan nila ay tatahimik siya bigla. Naninibago talaga ako sa kanya. Hindi naman siya ganito noon sa akin. Simula nang huli namin na pagkikita ay ramdam na ramdam ko na ang pag-iwas niya. At ewan ko ba kung bakit bigla ko siyang na-miss at pati ang pambubwisit niya sa akin. Kung kelan unti-unti na akong naging malapi

