Kanina pa kami dito ni Vince sa may Grand Event Hall na inupahan ng Sapphire para sa awards night. Kanina pa din siya nahatak ng mga co-authors niya signed under Sapphire at kanina pa silang nagku-kuwentuhan about sa collaboration of sorts for their next projects. Kanina naman ay na-meet ko na din finally si Ms. Francis Ibarra.
Grabe ang pag-fanboy ko kanina! Buti na lang ay hindi naman ako ganoong nakakahiya dahil hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kanina!
Flashback...
"Hey, Cis." Pagbati ni Vincent sa isang babaeng ubod ng ganda at balingkinitan ang katawan. Naka-suot siya ng red na gown na talaga namang form hugging at bagay na bagay sa kaniya since ang ganda-ganda niya.
"Oh, what a pleasant surprise! If it isn't THE great Vincent Saavedra." She turned towards us and hugged Vince who was besides me flashing his megawatts smile.
"Oh shut up, I ain't really all that great." Natatawang sabi ni Vincent. Kahit na sobrang sama ng loob ko dahil mukhang close na close sila at mukhang bagay na bagay sila sa isa't-isa, not to mention the hug they shared...ay bigla na lang din ang pagka-gulat ko noong ipinakilala siya sa akin ni Vincent.
"Cis, this is my new editor, Julian Montemayor. Jules, this is Francis Ibarra. He's your fan nga pala." Walang ano-anong sabi ni Vince.
I scrambled to shake her hands at dahil nga sa hindi ko naman masyadong kabisa ang mukha niya ay talagang na-shock ako.
"Oh gosh! Ms. Francis! OMG fan na fan mo ako! Sinusundan ko pa din hanggang ngayon iyong series mong "The Girl in the Mirror"! Nakaka-excite siyang basahin lalo na't suspense-horror-thriller ang genre niya and fave genre ko iyong mga iyon!" I stopped and took a deep breath.
"Ako nga po pala si Jules Montemayor Ma'am! It's so freaking nice to finally meet you!" I exclaimed. Tinawanan lang ako ni Francis Ibarra and she slapped the hand I was stretching gently and she hugged me, making my brain short-circuit and she laughed.
"Thank you, sobrang saya ko at nagustuhan mo iyon!" Sabi ni Francis Ibarra who's still hugging me.
After a few minutes of chatting with them, I excused myself dahil kailangan ko pang bumalik sa room namin at i-set up iyong flowers na ipina-deliver ko para kay Vince. Nakakatuwa nga dahil marami akong na-meet at nakilalang mga iba pang sikat na manunulat na hawak ng Sapphire eh! Never kong na-imagine na makaka-chikahan ko iyong iba sa mga sikat na manunulat na dati ay nababalitaan ko lang o di kaya ay nababasa ko lang sa mga magazines tsaka nakakatuwa kasi may mga business cards silang ibinigay sa akin. Sa katunayan nga niyan ay mayroon akong mga 30pcs na ng mga business cards ng authors at editors nila. Grabe! Hindi ko din ma-imagine na dati tumatambay lang kami ni Tupe sa National Bookstore para lang makapag-basa ng mga bagong released na books ng ilan sa mga manunulat dito, tapos ngayon kaharap ko na sila, face-to-face pa! Paniguradong matutuwa at maiinggit nito si Tupe once na mai-chika ko na sa kaniya ang nangyayari ngayon dito sa Awards Night! Nakakatuwa nga din dahil marami akong natutunan na tips mula sa mga fellow editors ko sa Sapphire, kasi naka-chikahan ko din sila kasama ng mga hina-handle nilang manunulat. Ang babait pa nila dahil hindi sila hinahayaang ma-left out sa usapan ng mga manunulat nila. May iilan pang kagaya ni Mimi na nahawakan na dati si Vince as their main author kaya marami din talaga akong natutunan mula sa kanila.
At mabuti din talaga at binigyan ako ni Walter kanina ng isang box na naglalaman ng personalized business cards ko, alam daw kasi niyang kakailanganin ko iyon at natawa pa siya dahil nagtataka ako't bakit siya ang nagbigay sakin at hindi si Vince. Sabi lang niya malamang sa malamang ay dahil nakalimutan iyon ng huli. Hindi naman daw kasi talaga mahilig makipag-socialize si Vince kaya't hindi niya matandaang kakailanganin ko ng business card kong sarili.
Sinuyod ko ng aking mga mata ang buong paligid, trying to find Vince but to no avail. Kanina kasi ay nagka-hiwalay kami dahil sa iba pang mga co-authors niya sa Sapphire at dahil hinila din siya ni Walter para makipag-usap sa iba pang mga lalaking naka-black suit na parang napaka-sabik makipag-usap sa kaniya kaya ayun nga't nagka-hiwalay kami matapos kong lantakan ang chocolate fountain doon sa buffet table. Medyo feeling ko ay fuzzy dahil kanina pa ako kuha ng kuha ng flute daw iyon na naglalaman ng champagne, pero coherent pa din naman ako.
Nasaan na ba kasi iyong lalaking iyon?! Nakakainis naman siya! Kanina ko pa siyang hinahanap eh! Nagpunta ako sa may bandang left side kung saan may hallway papuntang cr at nakatago iyong from people's view. Baka naman kasi nag-cr lang si Vince kaya hindi ko siya mahanap.
Tutuloy na sana ako nang biglang may maglandas na mga braso sa baywang ko. Pero imbes na matuwa at kilabutan ako ay kakaibang kilabot naman ang naramdaman ko. Hindi ito si Vince!
"Looking for someone, hun?" Tanong ng isang boses ng lalaki pero hindi ko naman ito kakilala at lalong-lalo nang hindi ko ito mabosesan. Husky ang boses na ito. Binundol ng kaba ang aking dibdib nang mas humigpit pa ang hawak niya sa may baywang ko.
Dahil sa pagka-gulat at takot ay nagawa kong tapakan ang paa niya at nasiko ko siya. kahit hindi ako marunong makipag-basag ulo ay sinuntok ko na din siya for measure. Kinuha ko ang panyo na nasa may bulsa ng slacks ko.
"Sorry ho, allergic ho kasi ako sa mga manyak kagaya niyo." Sabi ko. Pati, hindi naman kasi siya si Vince kaya bakit ako matutuwa na ginawa niya sa akin iyon?
Pinunasan ko ang dugo na napunta sa kamay ko nang suntikin ko iyong manyak. Ginamit ko na din ang panyo para hawakan siya at itayo. Baka kasi mamaya magkasakit pa ako dahil dito sa buwisit na manyak na ito eh. Dinala ko siya sa may entrance nitong venue at sinabi ko sa kaniya ang nangyari. Tumawag naman ng iba pang security ang huli at kinuha na nila ang lalaki upang dalhin sa police station malapit dito sa may hotel.
Ginawan na din niya ng report as copy ng hotel.