Jules POV
Kanina pa akong kating-kati na mag-end ang last class ko which happened to be Chem 304. Kanina ko pa din kasing tina-try na i-figure out ang dahilan kung bakit kailangan akong ma-meet ng Big Boss ng Sapphire eh wala naman akong kinalaman sa kanila jusme. Also, excited na din kasi akong makita ulit si Vincent, since susunduin daw niya ako later after class and I have to cancel any plans that I might have today. Luckily, wala naman akong plans na kailangan pang i-cancel.
"Okay class, that's all for today. See you all tomorrow! Please don't forget to turn in your research next week okay?" Hindi ko na hinintay na mag-alisan ang mga classmates ko at nagmadali na akong tumayo at tunguin ang daan palabas.
"Tol dahan-dahan, excited masyado?'" Tanong ni Tupe sakin habang naka-smirk at nags-speed walk kami.
"Sorry, may plans kasi kami ni Vince." I replied.
"He's not my jowa my ass!" Natatawang sabi niya. "Pero kung makapag-react sa isa't-isa akala mo long distance lovers ganern." Dugtong pa niya.
"Hindi naman kasi talaga." Sagot ko at napairap pa ako kasi biglang nag-vibrate ang phone kong nasa bulsa ko. Walang tingin sa caller ID kong sinagot ang phone.
"Teka lang naman saglit, Vince!" Wika ko. Sa mga panahong ganito ay minsan napapamura na lang ako dahil may kalakihan ang eskwelahan na pinapasukan ko at medyo ilang lakad at kembot pa bago kami makarating sa school gate.
"Hi, is this Mr. Montemayor?" An unfamiliar voice asked. Huh? Inilayo ko sa aking tenga ang phone ko bago ko chineck ang caller ID. Unknown Caller ID nakalagay! Hala bakit ang tanga ko?!
"Uhm, yes opo ito nga po si Julian Montemayor." Pag-kumpirma ko.
"Hi! This is Walter! Walter Nuez of Sapphire Publishing Co. May I speak with you about some matters?" He asked, sounding giddy for whatever reason. I said yes and he continued to blab.
"Well, nasabi na ba sa iyo ni Vincent ang tungkol sa meeting natin later?" Tanong niya. Sabi ko ulit ay oo dahil bago nga ako pumasok sa school ay iyon ang pinag-uusapan namin.
"Well, nasabi naman ba sayo ni Vince yung tungkol sa Awarding Night Gala? He needs to attend kasi siya ang magu-uwi ng pinaka-main prize doon eh." Sabi ni Walter. Bigla naman akong nasamid sa sinabi niya.
"What?! What do you mean??" I asked trying to control my breathing. Napatingin naman sa akin si Tupe nang nakataas ang isang kilay. Nagtataka dahil sa inaasal ko ngayon.
"You mean, he didn't mention anything else to you?" Tanong na pasagot ni Walter. Teka, magtatanong ba ako kung alam ko na iyan? Jusko naman itong tanong to!
"Wala eh, sabi niya lang imi-meet kita and that's why we were going to Sapphire." Sabi ko. Nagtataka naman ang tono ni Walter.
"Hala? Eh sinabihan ko na iyon kagabi ah? Plus we won't necessarily meet sa company ko. I told him we'll go straight sa venue," Sabi ni Walter. After a minute or so ay natawa siya. Parang tanga naman ito, dinaig pa si Vince.
"Well, anyways, may naihanda ka na ba as a gift sa kaniya since nanalo nga siya ng isa sa mga biggest award?" Tanong niya. I stopped short. Sh*t! Since wala nga pala siyang sinabi, then wala man lang akong maibibigay sa kaniya! I cursed.
"Ano ba ang bagay na ibigay sa kaniya pag mga ganitong okasyon?" Tanong ko. "Well, how about a boquet? Wala ka naman nang maia-arrange nang ganito ka-late na eh." Sabay na sabi ni Walter at ni Tupe. Tumago ako.
"Okay sige, pero paano na ang mga damit namin? Ang alam ko kasi is balak niyang dumeretso doon sa company or sa kung saan man tayo magmi-meet eh." Sabi ko.
"Don't worry too much about it. Sa Makati ang venue, naka-ready na din ang room na pag-stay-an niyo since ni-require din naman namin iyon for our authors kung gusto nilang mag-pahinga before the awards night gala." Sabi ni Walter. After pa ng ilang confirmation of details ay ini-end na namin ang call.
"Enjoy kayo doon friend, ha! Paki-sabi na lang sa jowa mo, Congratulations!" Sabi ni Tupe at sumakay na sa kotse ni Sky. Pinanood ko lang silang umalis at nag-abang kay Vincent.
Wala pang ilang minuto ay dumating naman kaagad si Vincent na pinagda-drive ng driver niya. "Hi, how's your class?" He asked pagka-sakay ko sa kotse. Inirapan ko na lang siya at di na nag-abala pang sumagot.
"Hey, what's wrong?" Tanong niya. Hindi ko na natiis at nagsalita na ako. "Bakit hindi mo naman ako sinabihan about sa award tonight?" Nagtatampong tanong ko. Siyempre, sino ba naman ang hindi magtatampo ng ganoon, eh kahit papano may pinagsamahan na kami at hindi man lang niya naalalang sabihan ako sa ganitong mga event sa buhay niya. Naturingan pa naman akong editor niya. Hmph!
Narinig ko namang tumawa si Kuyang Driver kaya sa kaniya ako napatingin ng masama.
"Sorry po Sir," Sabi niya na pinipigilang matawa na naman. Hay nako!
"Nako Kuya, pagsabihan niyo tong amo niyo, at baka mabatukan ko pa po ito." Sabi ko while rolling my eyes. Natawa din si Vincent.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin ng masama sa kaniya. Hindi ba niya alam na nagtatampo at naiinis pa ako sa kaniya?
"Nothing." Sabi ni Vince pero tumatawa pa din sila ng driver niya. Hay nako!
"So? Bakit nga?" Tanong ko ulit kay Vincent.
"Well, nakalimutan ko kasing sabihin sa iyo. Plus, hindi naman ako kasi mahilig sa mga ganyang event. I take it Walt already conspired with you to convince me to come to that stupid event?" Sabi ni Vincent. Napatakip naman ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman iyon?
"See, I just don't like socializing and all. But I guess, I can endure this time dahil sabi ni Walter you need to come with me eh." Sabi pa niya.
"But still, you should have told me about this so I could at least get you something. Hindi gaya nito na wala man lang akong maibigay sa iyo as a congratulatory gift." I said, pouting.
"You don't have to." Nakangiting sabi ni Vincent. I just sighed in defeat.