“This is what I’m talking about, Nikolai. Don’t force her to remember everything!”
“You don’t f*****g damn understand!”
”But you are sucking her strength! Sinabi ko naman kasi sa iyo na huwag mong bibiglain kapag hindi pa siya handa, hindi ba? Look what have you done! Hindi naman mangyayari ’yan kung hindi mo siya binigla. Alam mo kung ano ang problema sa inyong dalawa pero pinili mo pa ring gawin iyon.”
Nagising na lamang ako sa pag-aaway nang kung sino. Wala akong maalala sa nangyari. Matapos ang naging halikan namin ni Nikolai, hindi ko na alam ang nangyari. Kaya nakapagtataka kung bakit naramdaman ko ang malambot na higaan.
Unti-unti ko namang iminulat ang aking mga mata nang nanahimik ang buong paligid. Hindi ako sigurado kung ano ang nangyayari. Kung sino ang pinag-uusapan nila o kung ano. Kasi kung may away man, bakit dito pa sila?
Napahawak naman ako sa aking noo nang mapansin kong kumirot ako. Para akong hinampas sa ulo pero wala naman akong naaalalang may nanakit sa akin. Kaya paano iyon nangyari?
Medyo malabo pa ang paningin ko pero ramdam ko ang mga matang nakatingin sa aking gawi. Hindi ko nga lang sigurado pero paano nga kung tama ako?
Ipinilig ko naman ang aking ulo hanggang sa maging malinaw ang aking mga paningin. Balak ko na rin sanang umupo pero natigilan ako nang mapansing pito silang nasa loob ng aking kuwarto.
Si Nikolai ay medyo may kalayuan sa akin, nakatingin sa aking gawi at bahagyang salubong ang kaniyang kilay. Gumagalaw rin ang kaniyang panga at hindi ko malaman kung ano ba ang naging problema niya. Halatang mainit kasi ang ulo nito pero hindi ko naman maiwasang mapalunok lalo na nang maalala ko kung gaano kalambot ang kaniyang labi.
“Gising ka na,” sambit ng pamilyar na boses. Kaya mabilis kong sinundan iyon. Bumungad sa aking mga mata ang nakatatandang kapatid nila na nakaupo sa gintong upuan habang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pumintig nang malakas ang ulo ko nang magtama ang mga mata namin. May iilang dumaan ding alaala sa aking isip pero kalaunan ay bigla rin namang nawala.
What the hell?
“Ano ang nangyari?” paos na tanong ko sa kanila.
Naninibago pa ako kung bakit halos walang boses na lumalabas sa bibig ko pero imposible naman kasing hindi nila iyon marinig. Tahimik sa kuwarto at halatang kahit utot ko lang, maririnig na.
“Nawalan ka ng malay,” sagot naman niya sa akin.
“Paanong nawalan ako ng malay?” nalilito kong wika. “Bakit wala akong maalala?”
Nakita ko naman ang pasimpleng paghugot niya nang malalim na hininga bago lumingon sa gawi ni Nikolai na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin.
Napalunok naman ako ng aking laway dahil sa kahihiyan bago ilihis ang aking mga mata. Pinili kong titigan ang nakatatandang kapatid nila na ngayon ay wala ng mabasa sa kaniyang mga mata na kahit anong emosyon.
“Alam kong mabibigla sa sasabihin ko pero sana paniwalaan mo, Hyacinth,” panimula nito na kaagad ko namang ikinatigil.
Bakit seryoso ang boses niya?
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa nangyari. Lalo na ngayon na parang nag-iba ang ihip ng hangin. Ngunit pinanatili ko pa ring seryoso ang aking mukha. Sanay naman akong itago ang emosyon ko lalo na noong nasa puder pa ako ng mga magulang ko.
Kailangan hindi namin ipakita na mahina kami o nahihirapan. Pride ang labanan o hindi kagaya ay patibayan ng maskara. Ganoon naman talaga kapag kilalang tao. Hindi dapat maging mahina.
“Tungkol saan ba iyan?” mahinahon kong giit kahit na kinakabahan naman talaga ako sa loob-loob ko. “Kasi magmula pa naman nang makarating ako rito, naguguluhan na ako. Pati nga pagsasalita niyo nang English na dapat ay ginagawa niyo, hindi niyo nililinaw sa akin. Paanong naging hindi pormal ang pagsasalita niyo no’n?”
Hindi naman sila nakapagsalita nang sunod-sunod kong sabihin iyon. Hindi pa nga ako hiningal pero ramdam ko ang mga tingin na ipinupukol nila sa akin. Medyo nagtataka pa ako dahil kahit ang bilis kong magsalita at may halong gigil na, hindi sila nagalit sa akin.
Dapat ba akong magpasalamat sa lagay na iyon? Hindi. Hindi naman kasi nila sinasagot ang aking mga tanong. Lahat sila, pilit iniiwasan o hindi kaya ay hindi binibigyan nang pansin ang aking mga katanungan.
“Imposible namang wala ako sa Pilipinas, hindi ba? O kahit saang lupalop ng Earth—I mean, mundo ko,” sarcastic na sambit ko at sinamahan pa ng tawa.
Weird naman kasi kapag napunta ako sa ibang lugar o dimension. Imposible naman ang bagay na iyon. Hindi naman portal iyong nakita kong ilaw sa lake ng camp site. Wala namang ganoon sa Pilipinas o sa Earth, eh.
Ngunit natigilan ako sa pagtawa nang wala ni isa sa kanila ang natawa sa sinabi ko. Doon ko napagtantong seryoso pala talaga ang usapan.
“Tama ka. Wala ka talaga sa mundo niyo, Hyacinth. Nasa mundo ka namin. Sa isang bansa na kung saan ay puro lamang lobo at taong lobo o mas kilala bilang Kósmos Lykanthrópon,” paliwanag niya na ikinaawang ng aking labi.
Sinubukan kong hanapin ang emosyon sa kaniyang mga mata, kung nagbibiro lamang ba siya. Ngunit wala akong makita kung hindi ay ang pagiging seryoso niya.
“Kagaya ng mundo mo, may mga iba’t ibang lalawigan din ang mundo namin. Bawat lalawigan ay may mga namumunong Alpha o pinuno sa lugar na iyon. Kagaya ko, ako ang namumuno dahil ako ang Alpha,” paliwanag niya na ikinailing ko naman kaagad.
Alpha? Kapag sinabing Alpha, sa werewolf lang naman iyon ginagamit, hindi ba? Alpha, Beta saka Omega. May mga ibang rank pa naman din pero hindi na ako masiyadong pamilyar.
Kapag Alpha, madalas sila ang leader at pinuno. President kung tawagin. Ang Beta naman, sila ang parang nasa gitna o may kaya sa buhay. Hindi man malakas ang mayroon silang power, mas mataas pa rin sila kung ikukumpara sa mga Omega. Ang Omega kasi ang pinakamababang rank. Madalas ay mga slave sila—sa kama man o hindi.
“Werewolf kayo?” natatawa ngunit may halong lito ang boses ko.
“Hindi kami lobo o werewolf sa Ingles. Ang mga lobo, madalas na lobo talaga sila at nagpapalit lang sila sa kanilang taong anyo kapag gusto nila,” seryosong paliwanag niya sa akin.
“Ibig sabihin, kapag lobo, madalas na apat ang paa nila?” Iyon kasi ang naiintindihan ko. Four legged ang mga werewolf. Ganoon naman sa aso, eh. Apat ang paa nila at hindi kagaya ng mga tao na dalawa. So ibig sabihin, madalas talagang aso sila at minsan lang nilang gamitin ang kanilang human form.
“Tama,” tumatangong sagot niya. “Minsan lang silang maging tao kagaya namin.”
Bagong knowledge na naman ang natutunan ko. Buong akala ko kasi ay iisa lang ang ibig sabihin ng werewolf pero mali pala ako. Apat dapat ang paa ng mga werewolf.
“Ano ang tawag sa inyo kung ganoon?” Hindi kasi sila lobo ngayon. Kagaya ko, tao rin sila. Nakakapaglakad gamit ang kanilang dalawang paa, literal na hindi ko mapagkakamalan na lobo ang mga ito kung hindi nila sinasabi sa akin.
“Lycan. Sa madaling salita ay taong lobo. Madalas na anyo namin ay tao. Minsan lang namin gamitin ang pagiging lobo namin,” paliwanag nito na mas lalong nagpagulo sa utak ko.
Kung ibang tao na ang nasa kalagayan ko, iisipin nilang pareho lang ang Lycan at werewolf, dahil iminulat sa kanilang lahat na ang werewolf ay taong lobo. Ngunit ngayon na unti-unting ipinapaliwanag sa akin, bakit mas lalo akong naguguluhan kahit na naiintindihan ko naman talaga?