Maaalala ko lahat? Parang ang imposible naman ng bagay na iyon. Hindi naman mabilis bumalik ang mga alaala. Kaya paano iyon mangyayari? Hindi ko tuloy alam kung binibiro lang niya ako o ano.
“Are you kidding me? Wala ka namang kapangyarihan,” saad ko pero ngumisi lang siya sa akin.
“Hindi naman ibig sabihin no’n, kailangan ko ng kapangyarihan, Hyacinth. Uulitin lang naman natin lahat,” paliwanag niya na ikinatigil ko.
Hindi man kumpleto ang kaniyang sinabi, may ideya na kaagad ako kung ano ang gusto niyang iparating. Tama nga naman siya sa part na iyon, na hindi kailangan ng kapangyarihan para maalala ko ang lahat. Ang balak niya lamang ay i-trigger ang mga alaala na iyon sa pamamagitan ng kaniyang naiisip, ang gawin muli namin ang lahat.
Kung tutuusin, wala namang masama lalo na at gusto ko rin naman talagang makilala siya. Kasi pamilyar talaga siya. Hindi ito basta guni-guni lang. Alam ng katawan at puso ko na parang pamilyar siya.
“Kung papayag ka lang naman. Ngunit kapag hindi, wala namang problema iyon sa akin,” wika niya gamit ang kaniyang baritonong boses.
Nanuyo naman ang aking lalamunan sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin. Kaya mas lalo akong napakagat sa aking labi at ipinilig ang aking ulo para gisingin ang sarili ko. Nadadala ako sa boses at titig niya. Hindi ko alam kung bakit ilang beses ko nang nahigit ang aking hininga. Basta ang alam ko lang, nahihiya ako kay Nikolai.
“Bakit hindi mo na lang kasi sagutin ang tanong ko?” napipikon kong wika pero natawa lamang siya sa aking sinabi.
“Maniniwala ka ba kung sasagutin ko?” naghahamon na tanong niya na ikinatigil ko. “Hindi naman, Hyacinth. Baka isipin mo pang sinungaling ako.”
Tama siya. Hindi talaga ako mabilis maniwala sa mga sabi-sabi. Mas gusto ko kasi iyong ako mismo ang makaranas lalo na kung related naman ito sa akin. Ngunit paano niya nalaman na baka isipin ko pang sinungaling siya?
“Alam mo, ang weird mo,” bulong ko sa kaniya. May mga bagay kasi siyang nasasabi at madalas naman iyong tumutugma sa aking ugali. “Paano mo ba ako nakilala?”
“Bakit hindi ka pumayag para malaman mo kung paano ba talaga?”
Doon naman ako natigilan. Halata na kasi sa boses niya ang pagkaubos nito ng kaniyang pasensya. Ni hindi ko nga alam kung galit na ba siya o ano. Ngunit nanatiling naninigas ang kaniyang mga mata—kulay gold pa rin.
Parang hindi nga ako makapaniwala pero kahit na ganoon, hindi ako natakot. Mas lalo ko pa ngang tinitigan ang kaniyang mga mata hanggang sa kusa ko na lamang ibuka ang aking bibig para sagutin ang kaniyang tanong.
“Payag naman ako. Kaso kailangan ko talagang malaman muna kung gaano ka ba kahalaga sa buhay ko, Nikolai,” sambit ko.
Ngunit imbis na sagutin ang aking sinabi, mabilis lamang niyang iniangat ang kaniyang isang kamay at inilagay ang kaniyang daliri sa aking baba. Inayos niya ang pagkatingala ko bago nito sakupin ang aking nakaawang na labi.
Tila nanigas naman ako sa aking inuupuang silya lalo na nang maramdaman ko kung gaano kainit at kalambot ang kaniyang labi. Hindi ko nga magawang humugot o bumuga ng hangin dahil sa pagkabigla. Hindi ko kasi talaga inaasahan na gagawin niya ang bagay na ito. Buong akala ko, hindi niya ako hahalikan pero bakit? Para saan ang halik?
Nagsimulang gumalaw ang labi niya habang ako ay nakatitig pa rin sa kaniya, nanglalaki pa ang aking mga mata. Si Nikolai naman, nakapikit na siya at dinadama ang halik na ibinibigay niya sa akin.
First time kong makaramdam ng halik. Sa buong-buhay ko, never kong naranasan ang mga ganitong bagay. Madalas lang akong mag-aral o hindi kaya ay magsulat. Kaya nga walang emosyon ang mga isinusulat ko lalo na nang mag-focus ako sa romance. Madalas kasi na inilalabas kong libro ay puro mystery o hindi kaya ay action. Kaya iyong nararamdaman ko ngayon, ang weird.
Sa pagkabog pa lamang ng aking puso, sa pagkagulat ko, sa hindi paninigas o hindi kaya ay sa pagtigil ng aking hininga. Lahat iyon ay bago lamang sa akin. Sinubukan ko nga ring magbasa ng libro noon pera makapag-research ako sa romance pero hindi ko talaga maintindihan.
Kaya pala. Kailangan ko lang talagang maramdaman ang bagay na iyon para mas lalo kong maintindihan. Mali ako sa part na hindi ako nag-enjoy sa buhay na mayroon ako. Masyado akong focus sa pag-aaral noon at hindi ko alam na kinakailangan pala talaga ng experience sa pagmamahal para lang makagawa ng libro na romance.
Hindi ko alam kung sino o ano ang nag-udyok sa akin, pero kusa kong naipikit ang aking mga mata. Sinundan ko rin ang mabagal na paggalaw ng labi niya hanggang sa maramdaman ko na lamang ang kaniyang bisig sa aking bewang at mabilis akong pinangko.
Iniyakap ko naman ang aking mga bisig sa kaniyang leeg habang ang aking mga hita naman ay pumulupot sa kaniyang bewang. Hindi ko mai-imagine ang ganitong puwede pero masyado na akong nadadala sa halik na ibinibigay niya sa akin. Halos mabaliw ako nang tuluyan sa sobrang init at sa paghampas ng puso ko sa aking dibdib.
Naramdaman ko ang kaniyang palad na bahagyang nasa aking pang-upo. Minsan ay hinahaplos niya iyon, minsan naman ay basta na lamang niyang pinipisil at may halo pang panggigigil.
“s**t!” malutong na mura ko nang ilayo niya saglit ang kaniyang labi. Kinuha ko naman iyong pagkakataon na iyon para humugot nang malalim na hininga. Ngunit mabilis naman niyang inatake muli ang aking labi hanggang sa tuluyan na akong mapasabunot sa kaniyang buhok.
Ramdam kong naging mainit na ang kuwarto. Kung kanina ay sobrang lamig, ngayon naman ay parang tinutupok na kami ng apoy. Hindi na rin ako makahinga pero patuloy pa rin ang paghalik sa akin ni Nikolai. Minsan marahas, minsan mabagal, minsan may halong panggigigil.
Napaungol ako nang maramdamab ko ang mahina niyang pagkagat sa aking ibabang labi. Hindi ko alam na ganito pala siya kagaling sa paghalik. Napaisip tuloy ako kung ilang babae na ba ang nahalikan niya dahil parang expert talaga si Nikolai sa ganitong bagay.
“Nikolai,” nanghihina kong tawag sa kaniyang pangalan pero imbis na tumigil, basta na lang niyang ipinasok ang kaniyang dila sa aking bibig.
Mas lalo naman akong napasinghap lalo na nang magsimula niyang halughugin ang aking bunganga. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya pero base sa kaniyang ginagawa, wala na siyang pagtitimpi.
Nang mahanap niya ang aking dila, mabilis siyang nakipaglaro sa aking dila. Ginaya ko naman ang kaniyang ginagawa hanggang sa bigla na lang niyang sipsipin ang dila ko.
My gosh! Bakit naman ako binabaliw ni Nikolai? Halik pa lang ito pero halos mawalan na ako ng ulirat. Sobrang init. Wala na rin akong ibang maisip kung hindi ay ang kaniyang labi, palad, matigas na katawan at ang mabibigat niyang hininga. Parehas kaming nadadala pero akala ko ba tutulungan niya akong ipaalala ang lahat?
Sinubukan kong lumayo para kahit papaano ay makahinga naman ako nang maayos. Ngunit sa tuwing ginagawa ko iyon, patuloy lang si Nikolai sa paghabol ng aking labi na parang wala talaga siyang balak pakawalan iyon.
Pinilit ko pa ngang humugot ng hangin pero hindi niya ako hinahayaan na makahinga nang husto. Dahil binibilisan naman niya o dinidiinan naman niya ang kaniyang labi sa akin para lang mahalikan ako nang mas malalim.