“So, Lycan ang itatawag ko sa inyo?” tanong ko sa kaniya nang maproseso ko lahat ng kaniyang gustong sabihin.
Tumango naman siya sa aking sinabi. “Nakasanayan kasi ng mga mortal na tawagin kaming werewolf o kilala bilang lobo. Werewolf is for four legged. Lycan is two legged. Iyon ang hindi nila alam.”
Ramdam ko ang panggigigil niya habang sinasabi ang bagay na iyon. Kung ako rin naman kasi ang nasa posisyon nila at mapagkamalan akong werewolf kahit na Lycan naman ako, na dalawa ang paa at minsan lamang magpalit ng anyo para gamitin ang human form ko, magagalit din ako.
Kapag kasi talaga werewolf, aso lang sila madalas. Kunwari, ang aspin o iba’t ibang klase ng breed ng aso ay minsan lang maging tao kung kailan nila gusto dahil palagi nilang gamit ang pagiging aso nila. Hindi ba ang aso ay may apat na paa? Habang ang mga Lycan naman, minsan lang maging aso. So, kagaya sila ng mga tao na may dalawang paa palagi dahil gamit nila ang anyo nila madalas bilang tao. Saka lang nila ginagamit ang pagiging wolf nila kung kailan nila gusto.
“Werewolf ay aso lamang,” aniya naman ni Nikolai kaya napatingin kami sa kaniya. “Minsan lang maging tao. Still, considered pa rin silang werewolf dahil hindi naman nila ginagamit ang pagiging tao nila palagi. Hindi kagaya sa amin, ang pagiging tao o human form namin ang madalas naming gamitin.”
“Kagaya ngayon, tao kami, hindi ba?” saad naman nang isa na nagpalingon muli sa akin sa aking kanan. Bigla namang bumungad sa akin ang isa sa kapatid ni Nikolai.
Nakasandal siya ngayon sa pader at nakahalukipkip. Malalim ang titig niya sa akin pero kung ikukumpara ang titig niya kay Nikolai, mababaw lang ang kaniya.
Tumango naman ako bilang sagot. Bahagya pa nga akong nakahiya lalo na at nakatingin sila sa akin ngayon na para bang pilit ipinapaintindi sa akin kung ano ba talaga ang pinagkaiba ng werewolf at Lycan. Ang akala ko rin kasi talaga, iisa lang ang werewolf saka Lycan pero magkaiba pala.
Kung anu-ano kasi ipinapamulat ng mga writer ng ganoong genre. Kaya hindi ko talaga sila masisisi kung bakit nakararamdam na sila ngayon nang inis. Kasi kung ako talaga ang nasa posisyon nila, magagalit din naman talaga ako. Kunwari, isa akong serena pero pilit nilang sinasabi na dugong, sino ang hindi maiinis? May pagkakaiba nga naman kasi ang mga werewolf sa Lycan. Aso madalas ang mga werewolf. Kasi wolf nga, hindi ba? Aso sila. Kapag Lycan, tao sila madalas pero nagpapalit lang sila nang katauhan para maging aso saglit.
“Masasabi mo bang werewolf kami ngayon kung tao kami magmula nang makita mo kami rito?” tanong niya sa akin na nagpailing sa akin. “That’s the point, human. We’re Lycans. In short, we’re the hybrid. Full-blooded ang mga werewolf dahil hindi nila kayang magtagal sa human form nila habang kami ay kaya namin.”
“Kaya niyo rin bang magtagal bilang wolf?” tanong ko bigla dahil nagtataka na talaga ako. Kasi ipinaintindi na nila sa akin na hybrid pala sila at hindi full-blooded. Ang lahi na ipinagsama sa kanila ay tao saka lobo. Kaya taong lobo ang madalas na tawag sa kanila.
“Yes, of course. Pero hindi madalas dahil hindi naman kami sanay. Mas gusto namin ang pagiging tao namin habang ang mga lobo naman o wolf ay gusto nila ang pagiging lobo nila.”
Natahimik naman ako sa kaniyang isinagot. Ngayon, mas naging malinaw na sa akin ang ganitong bagay. Hindi nga lang ako pamilyar sa kung nasaan ako ngayon pero habang ipinapaliwanag naman niya sa akin, mas lalo kong naiintindihan ang lahat. Mabuti talaga, nandito sila para ipaintindi sa akin.
“Gusto mo pa bang malaman ang lahat?” tanong sa akin nang isa pero umiling ako.
Ang sakit na kasi ng ulo ko ngayon dahil sobra-sobra na ang natatanggap kong information. f*****g hell! Ang gusto ko lang naman malaman ay kung nasaan ako pero ngayon, bigla nilang sinabi ang iilang information sa akin, mas lalo lang sumakit ang ulo ko.
“Saka na,” mahinang sagot ko dahil hindi ko na talaga kayang intindihin ang lahat. Gusto ko pa nga sanang malaman kung ano pa ang mga bagay na dapat kong malaman tungkol sa mundo nila pero hindi na talaga kaya ng utak ko.
“Kung ganoon, aalis na kami. Kailangan mong magpahinga muna,” aniya na nagpatigil sa akin.
May naalala kasi ako kung bakit ganito ang pakikitungo nila sa akin. Kasi kung bago lang naman ako rito sa mundo nila, bakit ang bait nila sa akin? Hindi ba dapat nasa dungeon ako kung sakali? Kasi sa dungeon, doon madalas inilalagay ang mga bihag nila pero bakit nandito ako sa isang magarbong kuwarto?
“Wait,” pigil ko sa kanila nang lalabas na sana sila sa aking kuwarto maliban kay Nikolai na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. “May itatanong lang sana ulit ako.”
Lahat naman sila ay napatigil at napalingon sa aking gawi. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kahit na kalmado naman ang kanilang mga mukha. Kaya naman napalunok ako ng aking laway dahil halata sa kanilang mga mata na naghihintay sila sa aking sasabihin.
“Bakit iba ang pakikitungo niyo sa akin?” mahinang tanong ko. “Kasi kung hindi naman ako nakatira sa mundo niyo at isa lang naman akong dayo, bakit nandito ako sa kuwarto?”
“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ng lalaking nakikipag-away kanina kay Nikolai.
“Hindi ba dapat ay nasa dungeon ako?” nalilitong tanong ko dahil gusto kong makasiguro. “Dayo ako. Possible na iniisip niyong spy ako dahil hindi niyo naman ako kilala.”
Ngumisi naman ang isa sa mga kapatid ni Nikolai pero hindi ko naman kakilala. Hindi ko lang sigurado kung ngising nang-aasar ba o ngising demonyo ang ipinapakita niya sa akin dahil nakapagtataka naman kasi talaga.
“Hindi ka namin kalaban para ilagay ka namin sa bartolina, Hyacinth,” mariin sagot naman ni Nikolai.
“Paano ka ba nakasisigurong hindi ako kalaban?”
Mas naguluhan kasi talaga ako sa sinasabi niya. Hindi naman ako naninirahan dito. Malamang ay iisipin talaga nang isa sa kanila na isa akong kalaban o espiya. Hindi naman malabong mangyari iyon lalo na at hindi ako pamilyar sa kung ano.
“Mas kilala kita kaysa sa pagkilala mo sa katawan mo,” sambit nito bago nila ako iniwan sa aking kuwarto.
Kilala niya ako?
Paano naman niya ako makikilala kung ngayon ko lang naman siya nakita at nakilala?
Hindi ko alam kung sino ang magulo sa amin pero sa tuwing iniisip ko ang naging sagot niya, hindi ko maiwasan na mapahugot na lamang nang malalim na hininga. Ang sakit kasi talaga nila sa ulo. Hindi ko sila maintindihan nang maayos.
“Whaat should I do?” bulong ko sa sarili ko habang nakatitig pa rin sa pinto.
Gusto ko kasing lumabas para magtanong pero mas magandang iproseso ko muna kasi ang lahat dahil baka mamaya ay bumigay na naman ang utak ko. Para nga akong walang maayos na tulog dahil sa mga nangyayari. Kasi kung tutuusin, hindi ko masabi na naging pahinga ko ang panahon na natutulog ako at hinihintay nila ang paggising ko.
“s**t! Hindi ko alam kung alin ang mas magulo. Kung si mommy ba o ang mga Lycan na kasama ko ngayon?” bulong ko sa hangin at napilitang guluhin ang buhok ko dahil sa pagkaasar. “Bahala na nga!”