Chapter 12

1277 Words
“Huwag mo akong pilitin, Hyacinth,” pagmamakaawa niya sa akin pero umiling ako. Nanatili ang mga mata kong naka-focus sa kaniyang hazel na mga mata. Gusto kong ipakita sa kaniya na seryoso ako sa hinihingi ko. Alam ko naman na hindi siya papayag, ngunit wala naman sigurong masama kung susubukan ko, hindi ba? “Bakit? Ayaw mo bang makaalala ako, Louvent?” nasasaktan na tanong ko sa kaniya. “Kasi kung totoo nga ang sinabi mo sa akin noon na ako ang kapares mo, bakit ayaw mong makaalala ako? Sa ilang araw ang lumipas, pilit akong ginugulo ng bagay na ’yon. Tingin mo ba ay gugustuhin ko pa ring walang maalala?” “Hindi sa ganoon, Hyacinth,” kalmado nitong wika. “Gustuhin ko man na tulungan ka. Paano kung hindi ka na magising dahil hinihigop ko ang lakas mo?” Umiling ako at dahan-dahang hinaplos ang pisngi niya. Kitang-kita ko kung paano umukit ang sakit sa kaniyang mata at ngayon ko lang ’yon nasilayan. Marahil ay pilit niyang itinatago ’yon, pero pagdating sa akin ay lumilitaw. “Please,” ulit ko pa. “Ang sakit kasi kapag naaalala ko ang sinabi mo. Paano na lang sa side mo? Sabi mo, matagal kang naghintay. Na halos masirain ka ng bait. Balak ka pa nga nilang dalhin sa selda kapag hindi ka pa tumino, hindi ba?” “Hindi ko sinabi ’yon para sisihin mo ang sarili mo, Hyacinth. Sinabi ko lang ’yon kasi inaakala mong nakikipagbiruan ako,” paliwanag niya pero umiling lamang ako. Hindi pa rin ’yon sapat para matanggal ang konsensya sa puso ko. Alam kong mali ako dahil sinabi ko ang bagay na ’yon. Naging insensitive ako dahil akala ko talaga ay niloloko niya ako pero hindi. Kaya ngayon na gusto kong maalala ang lahat. Kahit pa mawalan ako ng malay nang ilang taon, ayos lang sa akin. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang maalala siya. Gusto ko rin kasi siyang kilalanin at maalala. Kaya sana ay hindi niya ipagkait sa akin ang bagay na ’yon. Mabilis kong sinapo ang kaniyang dalawang pisngi para siya ay kumbinsihin. Alam kong hindi sapat ang gagawin ko pero paano kung ito lang ang paraan para mapapayag siya? Naramdaman kong mas humigpit ang paghawak niya sa aking bewang, pero hindi ko ’yon binigyan ng pansin. Ang mahalaga kasi sa akin ay ang pakinggan niya ako at pagbigyan. “Kung hindi talaga puwede,” panimula ko gamit ang paos kong boses. “Kahit saglit lang.” Hindi ko alam kung ano ang magiging silbi ng halik kung saglit lang. Alam kong kulang ang minuto o segundo na ibibigay niya, pero sana ay tagalan niya. Gusto ko kasing namnamin ang labi niya at gusto ko ring maalala kung sakali ngang may maidudulot sa akin ang paghalik niya. “Saglit? Ang ano?” naguguluhan niyang tanong. “Halik. Baka matulungan ako ng halik mo para ibalik ang nawala kong alaala,” pahayag ko pero mahina siyang umiling. “Hindi puwede. Kahit saglit o matagal, malaki pa rin ang epekto no’n sa ’yo, Hyacinth. Baka mahigit isang linggo ka na namang walang malay,” aniya na ikinagalit ko. Ngunit may magagawa ba ang galit ko kung hahayaan kong lumala ’to? Wala. Kaya kailangan kong pigilan ang nararamdaman kong inis. Kailangan ko siyang kumbinsihin kahit pa nauuhaw na ako sa halik niya. Bakit nga ba naadik ako sa halik at labi niya kahit na isang beses lang kaming nagkahalikan? Hindi ko alam. Hindi ko sigurado. Basta ang alam ko lang, nami-miss ko siya. Kaya nang malaman ko talagang may koneksyon kami. Napagtanto kong valid pala talaga ang pagka-miss ko sa kaniya. Na parang malaki talaga ang parte niya sa buhay ko. Iyon pala, mas malalim doon. Siya pala talaga ang soulmate ko. Ang weird lang dahil tao ako tapos siya may lahing lobo. Nasa ibang mundo rin ako. Kung saan ay wala akong ideya kung saang lupalop ba talaga ’to. Ngunit ngayong ibinigay sa akin ng Moon Goddess ang lalaking matagal kong hinihiling sa Panginoon ko. Parang wala na akong balak lumayo pa sa kaniya. Parang mas gugustuhin ko na lang mamalagi rito kahit alam kong wala akong maalala. Imbis na sagutin ang sinabi ni Louve, mabilis kong tinawid ang distansya at inangkin ang kaniyang labi. Ipinikit ko rin ang aking mga mata at kaagad na ipinulupot ang aking mga bisig sa kaniyang leeg para palalimin ang halik. Noong una, hindi pa siya tumutugon. Ngunit kalaunan, naramdaman ko ang pagkasabik. Nagawa pa nga niya akong buhatin at ilagay sa kaniyang kadungan habang nagsasali kami sa mainit at mapusok naming paghahalikan. Naririnig ko rin ang kabog ng aking puso at parang mas lalong nanghihina ako sa pinagsasaluhan namin ngayon ni Louvent. Ngunit wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay tumugon sa halik niya at damhin ang lambot saka init ng labi niya. Naramdaman ko pang mas humigpit ang yakap sa akin ni Louvent. Sa sobrang sikip, nakaramdam pa akong ng sakit. Ngunit hindi ko ’yon pinagtuunan ng pansin. Safe naman ako sa bisig niya. Alam kong hindi niya ako sasaktan o kung ano pa man. Parang mas gusto ko ngang makulong sa yakap niya. Sa ganitong paraan kasi, ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Napaungol naman ako nang bigla ko na lamang maramdaman ang palad ni Louvent sa aking pang-upo. Hindi ko man lang napansin na lumipad na pala roon ang palad niya. Masiyado akong nabaliw sa halik niya na ultimo ang paligid ay hindi ko na nabibigyan ng pansin. Paano na lang kung may makakita sa amin ni Louvent? Louvent. Ang sarap talagang bigkasin ang pangalan niyang ’yan kumpara sa Nikolai. Pamilyar kasi sa akin at may kiliti pang ibinibigay sa aking puso. Ganito ba talaga kalakas ang epekto sa akin ni Louvent? Nang kagatin niya ang aking ibabang labi, lumabas ang halinghing sa akin. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking katawan at halos idiin ko na ang sarili ko sa kaniya. Ramdam ko pa ang pagtutol niya dahil nagawa niya pang pagbuhatan ng kamay ang aking pang-upo. Kaya mas lalong nakaramdam ako ng init. Basta namang ipinasok ni Louvent ang kaniyang mainit na dila sa aking bibig. Sinamantala niya kasi ang pagkakataon na ako ay napaungol. Kaya hindi siya nahirapan na ipasok ang kaniyang dila. Halos panawan naman ako ng ulirat lalo na nang makipaglaro siya sa aking dila. Noong una, naguguluhan pa ako dahil hindi ko naman alam kung paano makipaghalikan. Ngunit nang masundan ko ang kaniyang ginagawa, ramdam ko ang pagyakap sa akin ng amoy. “Ang bango mo,” mahinang pahayag ni Louvent nang lumayo ang kaniyang labi sa akin. Sinubukan ko pa ’yong habulin pero hindi niya ako pinayagan. Mabilis niya kasing sinapo ang pisngi ko at inilagay ang kaniyang hinlalaki sa aking labi para ako ay patigilin. “I want more,” nababaliw kong wika nang magmulat ako ng aking mga mata. Bahagya namang nanigas ang kaniyang mga mata. Kaya kaagad na nagbago ang kulay ng kaniyang mga mata. Kung kanina ay hazel ito, ngayon ay naging gold na. Ngunit imbis na matakot, mas lalong sumiklab ang init sa aking katawan. Nasilayan ko pa kung paano mag-apoy ang kaniyang mga mata at kung paano niya haplusin ang aking labi gamit ang kaniyang hinlalaki. “Tama na ’yon, Hyacinth,” pagpapakalma niya sa akin habang nanatili akong nakatingin sa kaniyang mapang-akit na mga mata. “Baka maubos ang lakas mo. Mayroon pa naman bukas.” Nabuhayan naman ako nang loob sa kaniyang binitawang salita. “Totoo?” Hindi ko nga rin maitago ang sayang nararamdaman ko dahil sa kaniyang sinabi. Kaya lumitaw ang ngiti sa kaniyang labi. “Pangako, Hyacinth. Pangako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD