Chapter 10

1242 Words
“May tanong ako,” saad ko habang kami ay kumakain. Nakita ko namang napatigil siya sa kaniyang pagnguya habang nakatingin sa akin. Parang hinihintay niya kung ano ang lalabas sa bibig ko kaya bahagya akong napatikhim. Sabi niya kanina, para sa akin lang ang pagkain. Ngunit dahil marami iyon, napilitan akong ayain siya. Hindi naman kasi ako heavy eater. Kaya kahit masarap ang mga kinuha niyang pagkain sa akin, hindi ko pa rin kayang ubusin. Sa katunayan nga, same lang ang pagkain na kinagisnan ko sa Earth. Wala itong pinagkaiba sa kinakain nila. Marahil ay dahil hybrid sila kaya nakakakain sila ng mga ganito. Madalas ay karne ang kinakain nila. Sabi niya sa akin, kapag nasa wolf form sila, fresh meat ang madalas nilang kinakain. Minsan nga raw ay madalas silang mag-hunt dahil ganoon naman talaga ang wolf. Ngunit minsan lang naman daw sila maging wolf kapag kinakailangan. Madalas ay human form ang gamit nila. “Hindi ba, sabi mo nahigop mo iyong lakas ko? Ano ba kita?” tanong ko sa kaniya. “Naguguluhan kasi ako. Hindi matanggal sa isip ko ang naging pag-uusap natin kanina.” Naalala ko kasi na iyon ang effect kapag hinalikan daw niya ang mate or soulmate niya nang walang naaalala. Hindi naman siguro ako ang mate niya, hindi ba? Kasi wala talaga akong maalala o baka iniisip niya lang na ako talaga ang mate niya? Lumunok naman siya at kinuha ang isang baso nang tubig bago ito nilagok nang diretso. Ginamit niya rin ang table napkin na nasa kaniyang kandungan para punasan ang kaniyang labi. Habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasang mamangha. Para kasi talaga siyang prinsipe na madalas kong napapanood sa internet. Iyong mga royal family sa Europe at ibang country? Ganoon na ganoon. Walang ipinagkaiba sa galaw at pananamit nila. Sa powers lang talaga nagkaiba dahil ang mga kasama ko rito, puro Lycan. “Ayaw ko sanang aminin sa iyo dahil mas gusto kong ikaw ang makaalala ng lahat. Ngunit alam ko naman na hindi mo ako titigilan kapag hindi ko nasagot ang iyong katanungan,” lintaya niya na nagpainit sa aking mga pisngi. Umabot pa ang init na iyon sa aking tainga at batok. Paniguradong parang kamatis na ang mukha ko ngayon dahil sa simpleng pagsabi niya nang ganoong bagay. “Pasensiya na,” hinging paumanhin ko dahil sa kahihiyan. Tama naman kasi talaga siya. Wala sa vocabulary ko ang tumigil kapag hindi niya nasasagot ang mga tanong ko. Ngunit hindi naman niya ako masisisi. I’m f*****g their visitor. Malamang ay kailangan kong malaman ang lahat para matahimik naman ako kahit papaano. “Ayos lang ’yon. Hindi naman kasalanan ang maging kuryuso sa isang bagay,” paliwanag niya para kahit papaano ay matanggal niya ang kung ano sa puso ko. “Ngunit pahapyaw lang ang kaya kong ibigay lalo na kung tungkol sa atin. Gusto ko kasing maalala mo mismo kahit na alam ko namang imposible ang bagay na iyon.” Para naman akong natuod sa kaniyang sinabi. Naudlot pa ang pagsubo ko ng tinidor na may iilang gulay dahil sa naging pahayag niya. May halo kasing sakit ang pagkasabi niya. Hindi ko nga lang sigurado kung guni-guni ko lang ba o totoo talaga iyon. “Ano ang gusto mong malaman? Masiyado kasing malawak ang tanong mo. Hindi ko alam kung paano sasagutin,” mahinahon ngunit seryoso niyang sambit. Tinanggal ko naman ang bara sa aking lalamunan dahil sa kaniyang sinabi. Pinilit ko ring lumunok nang ilang beses dahil hindi pa ako nakuntento sa pagtikhim. Mabuti na lamang ay hindi nagmamadali si Nikolai. Baka mas mataranta ako at hindi maayos ang mga tanong na gusto kong malaman. “Ano ang relasyon natin? Bakit mo nahigop ang lakas ko?” paglilinaw ko sa tanong ko kanina. Ngumisi naman siya sa naging tanong ko at ipinilig pa ang kaniyang ulo habang nanatiling nakatitig sa akin. Bahagya namang napaawang ang aking labi dahil sa pagkagulat lalo na nang masilayan ko ang paglalaro ng emosyon sa kaniyang mga mata. Hindi ko nga lang sigurado kung ano iyon pero sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin, halos hindi ko na manguya ang aking isinubong pagkain. “Akala ko, maliwanag na sa iyo ang bagay na iyan,” komento niya at marahang binasa pa ang kaniyang ibabang labi. “Hindi pa pala.” Hindi naman ako magtatanong kung wala naman akong alam sa isang bagay. Gusto ko rin kasing masiguro pero paano kung ako nga ang mate niya? Imposible naman siguro iyon. Kahit naman sabihin niya na ako ang mate niya, alanganing maaalala ko ang lahat dahil kahit ano ang pilit ko, wala talaga. Bukod pa roon, hindi ko rin alam ang gagawin ko kung sakaling mate ko nga siya. Hindi rin namin magagawa ang ritwal kung sakali dahil nagagawa niyang higupin ang lakas ko. Effect kasi iyon ng aming sitwasyon. Kaya malabong magtagumpay kami unless ay maalala ko ang lahat tungkol sa amin. Pero may ibang paraan siguro kung sakali, hindi ba? “Ikaw ang babaeng nakatakda sa akin, Hyacinth. Ibinigay ka ng Diyosa ng Buwan sa akin. Kaya kung mapapansin mo, nahigop ko ang lakas mo dahil wala kang maalala,” paliwanag niya na ikinatigil ko. Ako ang mate niya? “Hindi ka naman siguro nagbibiro, hindi ba?” tanong ko sa kaniya gamit ang nalilito kong boses. “Parang ang imposible naman kasi ang bagay na iyan. Wala akong maalala.” “Iyan nga ang dahilan kung bakit hindi kita magawang halikan, Hyacinth. Kasi kapag ginawa ko iyon, baka hindi ka lang mawawalan ng malay nang ilang linggo. Baka abutin pa nang ilang taon,” mariing giit niya sa akin. “Saka tingin mo ba magbibiro ako, Hyacinth? Ilang taon kang nawala. Pilit kitang hinahanap at halos mabaliw na ako pero hindi kita mahagilap sa kung saan. Magagawa ko pa bang magbiro tungkol sa bagay na iyan?” Doon na ako binuhusan nang malamig na tubig. Sunod-sunod na punyal din ang bumaon sa puso ko habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nanglilisik rin ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang panga naman ay umiigting. Gumagalaw pa nga ang panga at alam kong pinipigilan na niya ang sarili niya. Ramdam ko ang galit sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin. Kahit hindi naman niya sabihin na kasalanan ko, bakit parang ganoon ang ipinaparating niya? Ano ba ang nangyari noon? “Kung alam mo lang kung paano mabaliw ang isang kagaya namin,” usal niya nang may halong panggigigil. “Muntikan na akong ipatapon nang mahal na hari sa piitan dahil halos hindi ko na makontrol ang sarili ko. Biglang nawala ang babaeng mahal ko, Hyacinth. Tingin mo ba kaya ko iyon? Hindi ko nga siya makausap sa isip niya dahil tuluyan nang nawala ang koneksyon namin.” Nabitawan ko ang tinidor at kaagad na napatuop ng aking bibig. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako habang pinapakinggan ang mga hinanakit ni Nikolai. Ni hindi ko alam na may mabigat pala siyang pinagdadaanan sa likod ng kaniyang kalmado at seryosong mukha. Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko mapigilang bumilib. Nagawa niyang tiisin ang lahat kahit na alam niyang nasasaktan na siya nang sobra. Kasi kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka pilitin ko na lang tapusin ang lahat para wala na akong maramdamang sakit. “Kaya huwag mo akong tanungin kung nakikipagbiruan ba ako. Kasi hinding-hindi ko pepekehin ang lahat para lang makuha ang loob mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD