Hindi na ako nakapagpahinga buong maghapon dahil pagkapasok ko pa lang ng hotel suite namin ni Fhel Ashley ay sunud-sunod na tawag na agad ang natanggap ko mula kay Daddy at sa mga tauhan namin dito sa Freglio.
Naging abala ako sa pag-follow-up sa mga kakailanganing dokumento. Legal na lalabas at papasok ng bansa ang shipment kaya mas kailangang tutukan. Sa dami ng mga nakabangga ng pamilya ko ay hindi malabong may problemang basta na lang lilitaw.
Mabilis tumakbo ang oras at iglap lang ay dumating na ang isang tauhan ni Sloan upang sunduin kami ni Fhel para sa dinner.
"Sure ka bang hinding dinner ng mga royalty ang dadaluhan natin?" tanong ni Fhel.
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niya akong tinanong. Sa pagkakataong ito ay masamang tingin na lang ang binigay kong sagot sa kanya.
"Eh, kasi naman talo pa natin ang dadalo ng red carpet event sa ayos natin ngayong gabi," napasimangot niyang pagpapatuloy at hindi man apektado sa tingin ko. "Tapos iyong sundo natin limousine! Pambihira, pakiramdam ko tuloy ay welcome party para sa isang prinsesa itong— oh hell!"
Nauwi sa pagmumura ang paglilitaniya ni Fhel nang huminto ang sinasakyan namin sa harapan ng isang malapalasyong grand manor ng tumatayong main house ng The Pillars— ang mafia na kinabibilangan ng limang magkakaibang angkan mula sa iba't ibang bansa, at isa na roon ang ama ko.
"Ganito ba talaga ang mga bahay rito sa Freglio?" bulalas ni Fhel nang makabawi sa initial na gulat. "Parang palasyo? Akala ko ay sa isang hotel tayo dadalhin dahil may pa-limousine, pero mas bongga pa 'to sa anumang inaasahan ko," namimilog ang mga matang pagpapatuloy nito.
"We're here, Miss Garcia," magalang na anunsiyo ng driver na nagpahinto sa pagdadaldal ni Fhel.
Dalawang tauhan ni Sloan na nakasuot ng black suit ang lumapit sa sasakyan upang pagbuksan kami ni Fhel ng pinto.
"Huy, Kylie, hindi ko naman kailangang yumuko or lumuhod bilang pagbati sa nag-imbita sa'tin dito, 'no?" naningkit ang mga matang tanong sa'kin ni Fhel.
"Sa taas ng ere mo ay tiyak na gugustuhin mong mag-cancel kaysa lumuhod," sarkastiko kong sagot sa kanya. "Huwag ka lang masyadong magdadada mamaya para safe tayo," dugtong ko pa at nagpatiuna nang bumama.
"Good evening, Miss Garcia," alertong bati sa'kin ng mga tauhan ng The Pillars na nagsisilbing welcoming committee sa pagdating ko.
"Good evening," pormal kong tugon.
"This way, Miss."
Hinintay ko munang makalapit sa'kin si Fhel bago ako sumunod sa paggiya ng lalaking nagbukas ng pinto ng kotse para sa'kin.
Sa b****a pa lang ng pinagdalhan sa'ming garden pavilion na hiwalay sa mismong main house ng manor ay natanaw ko na agad na nakaabang si Sloan at ang ibang head ng bawat pamilyang kumakatawan sa The Pillars.
"Parang biglang dumami si Tito Brenon," bulong sa'kin ni Fhel habang papalapit kami sa mga naghihintay sa'min.
"Kasing tanda ba ni Daddy ang mga iyan?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
Kaedaran lang naman kasi ni Sloan ang mga bagong namuno sa bawat pamilyang haligi ng mafia... nasa 30s lang ang mga ito.
"Pareho ng awrahan," sagot ni Fhel. "At may baril. Hindi yata dinner itong napuntahan natin, kundi ay barilan."
"Tumahimik ka na..." mahina kong saway sa kanya nang ilang hakbang na lang kami sa b****a ng pavilion.
"Kylie! My princess!" magiliw na bungad ni Sloan. Sa halip na hintayin akong makalapit ay sinalubong ako nito.
Iglap lang ay mahigpit na akong nakakulong sa bruskong mga braso ni Sloan.
"H-hindi ako makahinga," reklamo ko.
Tumawa pa muna ang loko bago ako tuluyang pinakawalan.
"Pumayat ka? Hindi ka ba pinakain ni Tito Brenon?" pang-uusisa pa niya habang pinasadahan ako ng tingin. "Tumangkad ka rin yata kumpara no'ng huli tayong nagkita—"
"Hindi na tumatangkad ang 25 years old," napasimangot kong paalala sa kanya. Ang daming napupuna gayong tatlong buwan pa lang naman ang nakalipas simula nung huli kaming nagkita.
Ewan ko lang kung rumihistro ba sa utak niya ang sinabi ko dahil bumaling na siya sa pinsan kong si Fhel.
"You must be Fhel Ashley," magiliw niyang kausap dito sabay lahad ng kamay. "I'm Sloan Liarez. Kinakapatid ako ni Kylie," pakilala pa nito sa pinsan ko.
"Nice meeting you, Mr. Liarez," pormal na bati ni Fhel. Bibihira lang umaktong pormal itong pinsan ko, pero kapag ginawa nito ay walang makaisip na may pagka-luka-luka ito.
"Likewise, Fhel.. just call me Sloan," nakangiting pahayag ni Sloan. "Welcome to Freglio, please feel at home."
"Thank you," tugon ni Fhel at tipid na nginitian si Sloan. Gano'n pa man ay hindi nakaligtas sa'kin ang mala-scanner nitong mata na hinahanapan ng pwedeng mapuna kay Sloan habang unti-unting hinuhusgahan ang lalaki.
Kahit kailan talaga itong si Fhel, walang pinipiling lugar at bibiktimahin.
"I hope you'll enjoy our specialty for tonight," patuloy na kausap ni Sloan sa pinsan ko.
Ganap na ganap sa pagiging host itong si Sloan. Isa-isa pang pinakilala kay Kylie iyong mga kasama niya na para bang ordinaryong bisita lang din ang mga ito.
Kapansin-pansin na hindi komportable ang mga ito sa pinapakitang kagiliwan ni Sloan, gano'n pa man ay nag-effort namang ngumiti ang mga ito habang binabati ang pinsan ko.
"Sakto lang ang dating ni'yo, handa na iyong mga pagkain," patuloy na pagdadaldal ni Sloan.
Nagpatiuna na itong pumasok ng pavilion at hinintay pa muna kaming makapasok ng iba bago sila sumunod.
Ang pavilion ay tila isang mistulang maliit na palasyong gawa sa salamin. Napapalibutan ng matatayog na glass panels, kung saan kitang-kita ang perpektong liwanag ng buwan at ng mga ilaw sa labas. Sa gitna nito ay nakalatag ang isang mahabang mesang gawa sa polished dark mahogany, na pinalalamutian ng mga mamahaling porcelain dinnerware, crystal stemware na kumikislap sa ilalim ng liwanag na nanggagaling sa nakasabit na mga chandelier, at marangyang hanay ng white
orchids. Ramdam sa bawat detalye ang nakakalulang karangyaan.
Meron nang mga umuukopa sa ilang upuang nakapaikot sa mahabang mesa, na agad ding nagtayuan pagkapasok namin. Bawat upuan ay pagmamay-ari ng partikular na bisita. At sa pinakadulo ng mahabang mesa ay ang pinaka-nakakaintimida sa lahat ng mga upuang narito at pag-aari iyon ni Sloan.
Ilang beses na rin akong nakadalo sa ganitong hapunan kaya alam kung alin sa mga bakanteng upuan ang para sa'kin at sa pinsan ko. Hinintay pa muna na maunang maupo si Sloan bago nagsiupo ang lahat.
Mabuti na lang at pinagtabi ang upuan namin ni Fhel kaya mababantayan ko ang kilos ng maligalig kong pinsan. Mabilis ko itong napigilan nang akmang kukuha na agad ng pagkain.
"Bakit?" mahina niyang tanong sa'kin.
"Paunahin muna natin si Sloan," pabulong ko ring tugon.
"Sabi mo pampamilyang hapunan lang 'to?" pabulong nitong reklamo habang pasimpleng pinasadahan ng tingin ang mga kasama namin sa mahabang hapag. "Bakit pakiramdam ko kapag maling kutsara ang madampot ko ay diretso na ako sa sementeryo?"
"Huwag kang mag-alala, Fhel," nakangisi kong bulong pabalik. "Kapag may bubunot ng baril ay una tayong makapagpaputok kaya chill ka lang diyan, ikaw ang magiging human shield ko." Nilangkapan ko ng biro ang sinabi na umani ng mahinang sipa mula sa pinsan ko.
"Gaga ka talaga!" pabulong na asik ni Fhel, pero halatang naging alerto bigla. "Isusumbong kita kay Daddy," pananakot pa nito sa'kin.
Pasimple ko siyang siniko at nginitian upang kumalma siya.
"Ito naman, hindi na mabiro," pumapalatak kong usal. "Display lang naman iyang mga baril nila kaya huwag kang masyadong paranoid."
"Hindi lang naman ako iyong mukhang paranoid," komento ni Fhel at makahulugan pang sinulyapan iyong pinakamalapit sa'min.
Tama nga si Fhel, iyong mga kasama namin sa hapag ay halatang tensiyunado kahit pa anong pilit nilang itago iyon.
Nabaling ang atensiyon ng lahat sa direksiyon ni Sloan nang pinalakpak nito ang sariling mga kamay nang dalawang beses.
"Listen up, everyone," magiliw nitong pahayag habang inilibot ang tingin sa tensiyunadong mga nasa paligid. "Loosen up your ties and put those tense faces away. We are here for dinner, not to plot a siege. If I see anyone staring at their salad like it's laced with cyanide one more time, I'll personally throw you out of my house." Nakangiti man ito habang nagsasalita ay malinaw na hindi ito nagbibiro sa binitiwang banta.
Mabilis na nagbaba ng tingin ang ilang mga nakababatang family head. Pilit nilang inayos ang kanilang pagkakaupo habang dahan-dahang ginawang komportable ang pagkakaupo
"Now," nakangiting pagpapatuloy ni Sloan habang itinataas ang kaniyang baso. "Let us enjoy the evening."
Nagsimula nang umugong ang usapan sa paligid na lalong ikinalaki ng ngiti ni Sloan. Nang magtagpo ang paningin namin ay nginisihan niya ako. Inikutan ko lang siya ng mga mata bago ibinaling ang atensiyon sa mga pagkaing nasa harapan ko.
Nahagip ng tingin ko ang katabing si Fhel at napakunot-noo ako nang mapansing dessert ang inuna nito.
"Saan mo nakuha iyan?" nagtataka kong tanong nang mapansing wala pa namang naka-serve na dessert.
"Nagbaon ako," nakangisi niyang sagot. "Gusto mo?" Alok nito sa'kin.
Nakangiwi akong umiling-iling bago nagpalipat-lipat ng tingin sa pagkaing nasa plato niya at sa disposable plastic tub sa tabi nito.
Kaya pala medyo malaki ang dala nitong shoulder bag dahil may baon itong nilagay roon.
Hindi ko alam kung takot ba siyang magutom o dala lang ng saltik niya kaya nagbaon siya habang dumadalo kami sa isang dinner.
"Masarap 'to," patuloy niya pang pang-eengganyo sa'kin.
"Natirang dessert natin iyan kanina sa hotel," pahinamad kong tugon. "Kaya alam ko."
Mula sa pinsan ko ay ibinaling ko ang tingin sa naming mga kasabayan sa mesa. Medyo gumaan na ang atmosphere sa paligid at meron nang nagtatawanan nagkukwentuhan.
Habang walang nakatingin ay pasikreto kong kinuha ang cellphone ko. Habang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang lahat ay kukuha muna ako ng iilang selfie.
Agad kong inanggulo ang sarili at itinaas ang cellphone ko upang kumuha ng unang shot. Pipindutin ko na sana ang capture button nang biglang dumungaw ang pamilyar na mukha ni Sloan sa balikat ko. Na-distract ako kaya pagkapindot ko ay nakatabingi ang mukha ko tapos siya ay ngiting-ngiti sa picture.
"Isa pa!" nakangisi pa niyang pahayag at ang nag-peace sign pa.
Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat sa biglaan niyang pagsulpot at pagkawindang dahil sa hindi ko magandang kuha. Natagalan siguro siya kaya siya na mismo ang pumindot sa capture button.
Nadagdagan iyong pangit kong kuha dahil hindi ako ready! Parang uusok ang ilong ko sa gigil! Isturbo sa pagse-selfie ang bwesit na Sloan! Kung pwede lang ay binaril ko na ang loko!