"How is your Tito Felan, by the way?" tanong ni Sloan kay Cupid, ang boses ay palamig nang palamig habang ang daliri niya ay nakapatong na sa trigger guard ng hawak na baril. "Is he still running that sad excuse of an organization? Still pretending you're not playing in the same dirt as the rest of us?" Si Felan Carson ang uncle ni Cupid na tinutukoy ni Sloan? Syempre kilala ko iyon... ngayon ay may ideya na ako kung bakit hawak-hawak ni Blake at ng mga tauhan niya ang armas namin. Isa si Felan Carson sa VIP customer ng pamilya ko. So, konektado talaga si Cupid sa pamilya Carson na kilala ko. Naalala ko ang tsismis at mga kwento sa underground network na naririnig ko mula kay Daddy at sa mga tauhan namin. Ang pamilya Carson partikular na si Felan ay matagal nang kinaiiritan ni Sloan at

