chapter 10

2279 Words
Akala ko ay magiging okay na ang lahat, pero matapos maabutan ng panibagong feeding bottle si Chailyn ay biglang nagsuluputan mula sa kung saan-saan ang mga armadong kalalakihan. Sa isang kisap-mata lang ay nadisarmahan ang limang elite bodyguard na pinadala sa'kin ni Sloan. Kahit nga ako ay hindi agad nagawang kumilos, at bago ko pa maintindihan ang mga nangyayari ay naramdaman ko na ang malamig na dulo ng barrel sa likod ng ulo ko. Ang pamilya ko lang ang tanging eksklusibong nagbe-benta ng military-spec M4A1 carbine sa bansang ito, kaya sigurado akong sa 'min mismo nanggaling ang baril na nakatutok sa 'kin ngayon. How ironic! "Don't move, Garcia," malamig at may awtoridad na utos ng lalakeng nasa likod ko. Iyong accent ay halatang laki sa abroad... at ang boses ay buong-buo. Kahit lakas makagwapo ako sa gigil habang nakatutok pa rin ang M4A1 sa akin. Ang pamilyar na balanse ng baril at ang amoy nito ay tila pinagsisigawang paninda talaga ito ng pamilya ko! Lihim akong napamura habang pinaplano na kung paano ko ika-cancel ang buong distribution contract sa buong Asya ng sinumang bumili ng ! Tingnan ko kung hindi sila magtiis sa sumpak! Dahan-dahang humakbang ang lalaking may hawak ng baril hanggang sa tuluyan na itong pumuwesto sa harapan ko habang nakatutok pa rin sa'kin ang baril... at sa pagkakataong ito ay sa mismong mukha ko na. Nang maaninag ko ang mukha niya ay napakunot-noo ako. Depinado na mga panga, matangos na ilong at kulay asul na mga mata. Pamilyar ang istraktura ng mukha niya tila may pagkakahawig kay Cupid pero mas madilim at mas brutal nga lang ang aura. Pero hindi ko siya kilala, kaya hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Sa sulok ng mga mata ko ay pare-pareho pa ring nakadapa sa sahig ang mga bodyguard ko habang napapaligiran ng mga kasamahan nitong lalaking kaharap ko ngayon. Saglit lang akong sinuri ng tingin ng kaharap bago nito inilipat ang tingin patungo kay Cupid, at mula sa malamig na ekspresyon ay biglang napalitan iyon ng matinding pag-aalala nang mahagip si Chailyn. "Cupid, is Chailyn alright?" mabilis at seryosong tanong ng lalaki. "We tracked your signal the moment these people from The Pillars surrounded this area. We're taking this Garcia hostage so we can get you and Chailyn out of Freglio safely!" Napatanga ako pagkarinig sa salitang hostage. Pero mas nakakatanga ay iyong magkakilala sila ni Cupid! Iniisip ko pa lang magkahawig sila, pero bigla ay magkakilala pala talaga sila! "Blake, lower the gun," mahinahon ngunit mariing utos ni Cupid. So, Blake pala ang pangalan nitong bagong dating. "Are you insane, Cupid?!" galit na balik ni Blake sa kanya, mas lalong itinutok sa noo ko ang muzzle ng M4A1. "We're taking her alive as collateral! She's our bargaining chip to force The Pillars to yield so we can secure our safety and head back to base!" "Aba't tangina mo pala, eh!" hindi ko na napigilang sumigaw habang nakatitig nang matalim sa mga mata ni Blake. Kanina medyo napogian pa ako sa kanya, ngayon ay binabawi ko na. "Anong bargaining chip?! Ako na nga 'tong nadamay sa gulo ni'yo, ako pa ang gagawin mong collateral?!" Bahagyang natigilan si Blake sa biglaang pagtataray ko sa kabila ng baril na nakatutok sa'kin. Kumunot ang noo niya, halatang hindi sanay na may sumisigaw sa kanya habang hawak niya ang pinakabago naming prototype weapon. "Shut up, Garcia," malamig na tugon ni Blake. " You're coming with us— whether you like it or not." "Blake, just let her go," pabuntonghiningang utos ni Cupid kay Blake. Humakbang siya pwesto sa gitna aming dalawa ni Blake, hawak-hawak pa rin si Chailyn sa kanyang braso habang ang isang kamay ay hinawakan ang dulo ng baril ng kausap upang ipaling ito pababa. Natigilan ang mga tauhan ni Blake. Pati ang mga bodyguard kong nakadapa sa lupa ay napatingin sa nangyayari. "Cupid... what the hell are you doing?" naguguluhang tanong ni Blake, pero napilitan nang ibaba ang hawak na baril. "I'm here to save you!" "She's not the enemy, Blake," pahayag ni Cupid, walang katinag-tinag na nakipagsukatan ng tingin sa kausap. "She helped me keep Chailyn safe during the firefight." Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa abandonadong gusali. Gulong-gulo ang mukha ni Blake habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Cupid. Ako naman, nakahalukipkip na habang nakataas ang isang kilay. "Unbelievable," usal ni Blake bago sunud-sunod na nagmura. "She's a Garcia... and now you're protecting her?" Sa paraan nang pagkakasambit nito sa apelyido ko ay para bang sobrang bad news niyon para sa kanya. Na para bang hindi niya hawak ngayon ang baril galing sa mga Garcia, hypocrite ang gago! "Gusto mo pa bang ipaalala ko sa 'yo kung kaninong kuompanya galing 'yang M4A1 na hawak mo?!" sigaw ko, pabalang na itinuro ang baril niyang nakababa na ngayon. "Ayusin mo pagkakasambit sa apelyido ko, hindi ko nagugustuhan ang tono mo! Kung ganyan ka kairita sa mga Garcia, isauli mo sa 'kin 'yang paninda namin at makipagbarilan ka nang nakakamay!" Nanliit ang mga mata ni Blake habang nakatitig sa 'kin. Ramdam ko ang aura niyang puno ng panganib—'yung tipong hindi sanay na sinisigawan ng kahit sino, lalo na ng isang babaeng naka-heels at walang dalang armas kundi talas ng dila. "You don't get to demand anything here," matalim niyang sabi. "Look around you." Hindi ko na kailangang gawin iyon upang kumpirmahin na siya ang may upper hand sa aming dalawa. Huwag din siya masyadong magmayabang dahil kahit walang baril at hamak na mas malaki siya kaysa sa'kin ang kaya ko pa rin siyang laban nang hand-to-hand combat. "Kaano-ano mo ba 'to?" baling ko kay Cupid na ang tinutukoy ay ang bagong dating. Ito siguro ang nabanggit kanina ni Cupid na back-up, pero hindi ko alam na ang sarap din pala nitong isako! "He's Tito Blake..." si Chailyn ay sumagot. "Hello, Tito..." At binati pa nga nito ang lalaki. Akala ko ay matutulog na ito dahil panibagong feeding bottle na ang kasalukuyan nitong minumukbang pero gising na gising pa rin ang bata gayong halata namang inaantok na ang mga mata nito. "Chailyn, we're going home," malumanay na kausap ni Blake sa pamangkin. Medyo nagulat ako dahil marunong naman pala itong magsalita nang mahinahon at hindi iyong tila nag-aamok at palaging galit. "Isasabay na natin si Kylie—" "She stays behind, Cupid," marahas na putol ni Blake sa pagsasalita ni Cupid. Sinibat pa ako ng matalim na tingin na para bang kasalanan ko kung bakit nasabi iyon ng pinsan nito. "If you want me to back off, fine—we leave her here for her own men to pick up," baling nito kay Cupid. Wala talagang utang na loob, balak pa akong abandonahin matapos kong tulungan itong pinsan niya at pamangkin. "She's coming with us," mabilis at walang pag-aalinlangang tugon ni Cupid. "With her bodyguards..." Napatingin ako kay Cupid. Seryoso pa rin ang mukha nito habang karga-karga si Chailyn, na ngayon ay napapapikit na habang dumedede sa malaking feeding bottle. Mukhang nagugustuhan ko na itong si Cupid, marunong kasing tumanaw ng utang na loob. "Are you out of your mind?!" galit na sigaw ni Blake kay Cupid. "She's a liability! A Garcia and a bunch of The Pillars people in a Carson safehouse?! That's a death sentence for all of us! What if her family tracks her to our location? What if this whole thing is a set-up?!" "Teka nga!" singit ko. "Mukha ba akong nangse-set-up?! Sa takbo ng mga pangyayari ay dapat nga ako iyong makapag-isip niyan, eh! Meet-up iyong usapan, pero naging shootout bigla!" "I don't care about your side of the story," malamig na balik ni Blake sa 'kin, tila ba sinasabing may boundary at hindi ako kasali sa usapan nila ni Cupid. "Cupid, make a decision. Now. We have less than ten minutes before the local police or more Garcia operatives swarm this block." Naramdaman ko ang pagbalot ng panibagong tensyon sa hangin. Napatingin ako sa mga tauhan ni Sloan na nakadapa pa rin sa lupa. Ang lalaki ng katawan pero mukhang mga basang sisiw ngayon sa harap ng mga tauhan ng mga Carson. Kung iiwan ako rito ni Cupid kasama ang mga 'to, ay wala namang magiging problema maliban sa paniguradong matinding pang-uusisa mula kay Sloan at galit mula kay Daddy. Pero kung sasama naman ako kay Cupid ay mas malaking paliwanagan ang magaganap, pero ang maganda lang ay maiinis ko itong si Blake. "Kylie comes with me," pinal na pahayag ni Cupid. Humakbang siya nang mas malapit sa 'kin, inilagay ang isang braso sa likod ko para iparamdam ang proteksyon niya. "If she doesn't get in our car, none of us are leaving." Napatanga si Blake. Maging ang mga tauhan niya ay natigilan sa narinig na desisyon mula kay Cupid. "You're making a massive mistake, Cupid," banta ni Blake, bagaman bakas sa boses niya ang matinding pagkadismaya dahil wala na siyang magagawa kapag pinal na ang salita ng pinsan niya. "If anything goes wrong, I will personally put a bullet through her head." "Subukan mo lang, gago!" mataray kong sabat. "Tingnan natin kung kaninong daliri ang mas mabilis kumalabit ng gatilyo!" Nagtagisan kami ng tingin ni Blake, walang kumurap sa'min parehong ayaw magpatalo. Naputol ang stare down namin nang biglang umingit ang sirang pintuan ng gusali. Kasunod niyon ay ang walang pagmamadaling mga yabag mula sa kung sinong bagong dating. Tila may ideya na ako kung sino ang bagong dating batay sa dami ng mga tauhang nakasunod dito, bago tuluyang tumambad sa paningin ko ang happy go lucky na mukha ni Sloan. "Hello, Kylie girl... missed me?" magiliw nitong bati nang magtagpo ang paningin namin. As usual, mukhang hindi pupunta sa isang madugong standoff sa abandonadong gusali ang gago kundi sa Paris Fashion Week. Naka-draped sa mga balikat niya ang isang tailored, oversized cashmere trench coat na may kulay na deep midnight blue. Sa loob niyon ay isang tailored silk inner button-up na bahagyang nakatupi ang mga braso, sapat lang para ma-display ang mamahalin niyang relos. Kumikislap pa ang dalawang layer ng pino at mamahaling silver chains sa leeg niya habang ang kanyang tailored trousers ay eksaktong bumabagsak sa ibabaw ng isang pares ng custom Italian leather boots na mukhang hindi pa nakaranas ng kahit isang butil ng alikabok. May hawak pa siyang isang vintage leather glove sa kanang kamay habang ang kabila ay nakasuksok nang napaka-casual sa bulsa ng kanyang coat. Yung ayos ng buhok niya? Perfectly disheveled, para bang bagong gising lang mula sa isang limang-bituing hotel suite sa Milan pero handa nang mag-shoot para sa Vogue cover. Napakatapang ng amoy ng kanyang mamahaling custom perfume na tumalo agad sa amoy ng alikabok, lumang semento, at pulbura sa loob ng sirang gusali. "Sloan!" pabulong kong sigaw sa pangalan niya habang nakatitig sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? At bakit mukha kang rarampa sa runway?" "Darling, fashion waits for no one—even in the middle of a warzone, a true icon never compromises style," pilyo ang ngito nitong tugon habang dahan-dahang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko, tila walang pakialam sa mga nakatutok na baril ng mga tauhan ni Blake. Inalis niya ang kanyang designer sunglasses kahit gabi na at isinabit iyon sa kwelyo ng kanyang polo. "Nabalitaan kong may nagtatangkang dukutin ang paborito kong Garcia. Of course I had to personally check if your outfit matched the tragedy." Sinamaan ko siya ng tingin. "Muntik na akong mabaril tapos ang outfit ko pa rin ang inisip mo?!" iritable kong bulalas. Ibinaling ni Sloan ang kanyang mga mata kay Blake, at sa isang iglap, ang kaninang magiliw at runway-ready niyang aura ay pinalitan ng isang malamig at nakamamatay tingin. "Blake Carson..." mahinang usal ni Sloan, habang inayos ang pagkakakabit ng kanyang coat sa balikat. "I see you're still using our supplier's guns to threat our people. How hopelessly tacky." Pero nang mapadako ang tingin niya kay Cupid ay biglang tumiim ang anyo niya at tuluyang naglaho ang anumang natitirang ekspresyon sa mukha niya. "Cupid Carson." Tila hinugot mula sa kabilang buhay ang lamig nang pagkakabigkas niya sa pangalan ni Cupid. Iyong malamig niyang awra ay tuluyang naging mapanganib katulad ng baril niyang bigla na lang ay nasa kanyang kamay na at ngayon ay handa nang iputok sa kaharap. Kung galit siya kay Blake ay mukhang triple pa iyong nararamdaman niya para kay Cupid. Totoo yata talaga ang sinasabi ng mga bodyguard ko na kalaban ng The Pillars si Cupid Carson! Napatitig ako sa baril ni Sloan na nakatutok kay Cupid. "Cupid Carson," muling usal ni Sloan. Sa pagkakataong ito, mas mababa, mas pino, at mas delikado. "I see you're still alive and causing a scene. How disappointingly resilient of you." Yung dating pilyo at fashion addict na boses niya ay tuluyang napawi, pinalitan ng isang klase ng katahimikan na mas nakakatakot pa kaysa sa tunog ng mismong barilan kanina. Sumulyap ako kay Cupid. Akala ko matataranta siya o kaya ay gagamitin akong panangga, pero nanatili lang siyang nakatayo nang tuwid. Walang katinag-tinag. Ang isang kamay niya ay nakasuporta pa rin sa likod ng natutulog na si Chailyn habang ang kabila ay nakababa lang sa gilid niya. "Sloan," mahinahong bati ni Cupid. Sa tono ng boses niya, para lang siyang nakakasalubong ng lumang kakilala sa isang kapehan sa gitna ng hatinggabi. "It's been a while. Nice coat. Italy?" "Milan, actually. Custom-made," pormal na tugon ni Sloan habang hindi inaalis ang dulo ng kanyang baril sa mismong pagitan ng dalawang mata ni Cupid. "At huwag mo akong ma-small talk, Cupid. Alam nating dalawa kung gaano ko kagalit ang existence mo. You and that ridiculous uncle of yours." Napakunot ang noo ko. Ridiculous uncle? Sino na namang bagong character na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD