SAMAR’S POV Matapos kong kumain ay agad na din akong bumama at lumabas ng bahay. Naabutan ko si Eliaz na naliligo sa dagat. His muscles are flexing everytime he is moving his hands in an extended position. Umupo ako sa bench kung saan may lilim dala ng malaking umbrella at pinapanuod siya. Nang makita niya ako ay agad itong umahon sa dagat at naglakad sa gawi ko. Nang makarating siya sa puwesto kung nasaan ako ay kinuha niya ang towel na nasa isang bench at pinunasan ang basa nitong buhok. Sumulyap siya sa akin bago lumapit at umupo sa tabi ko habang patuloy sa pagpunas ng kanyang buhok. Umiwas na ako ng tingin at tinuon na lamang ang mga mata sa dagat. “Don’t think too much about my up-coming wedding. It was on-hold because of Morgan’s schedule.” He said while looking at me, dahil

