SAMAR’s POV (Flashback 8 Years Ago) Halos nakaluhod na si Eliaz sa harapan ko at nagmamakaawang balikan ko siya. Nakipagbreak ako sa kanya noong isang araw sa text message. Wala akong lakas ng loob na sabihin yun sa kanya ng harapan dahil takot akong makita siyang nasasaktan. Nakita kong nagkatinginan sina Devin at Trice habang si Tyron ay galit at iritado ang mukha habang tinitignan ang kaibigan niyang si Eliaz. Lahat sila nagulat dahil sa ginawa nitong pagluhod at pagyakap sa baywang ko. Kahit ako ay nagulat at nanigas sa kinatatayuan ng gawin niya yun. “Sabihin mo sa akin kung anong maling nagawa ko? Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ka nakikipaghiwalay.” Pakiusap nito sa akin. Sinubukan kong magtago sa kanya ngunit hinahanap at hinintay niya talaga ako. “Eliaz tumayo

