SAMAR’S POV “Huwag na huwag mong papasukin si Eliazar Valeza at Tyron Vegas dito sa aking opisina.” Mahigpit kong utos kay Vivian na nasa harap ko habang nakaupo ako sa swivel chair. “Ba-bakit po Ma’am Samar?” Nagtatakang tanong niya sa akin. “Sumunod kana lang Vivian.” Malamig na utos ko sa kanya. Tumango na lang siya at akmang aalis na nang magsalita ulit ako. “Mag-set ka din ng date para sa meeting namin ni Morgan. As soon as possible kung maaari.” Dagdag ko tsaka tuluyan na siyang lumabas. Masakit man sa kalooban ko ay hindi mapapawi ng galit ang ginawa ni Tyron sa akin, lalo na ni Eliaz. Pero kailangan kong harapin ito, I need to be professional and quit in a professional manner. Habang nagkakape at kinuwento ko lahat kina Trice at Devin ang nangyari. I skipped the part where t

