Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ako ni Heaven na maghugas ng pinggan. Lagi naman siyang tumutulong sa gawaing bahay dito samin. Dito na nga sya natuto magwalis, magsaing, maglaba, magluto at maghugas ng pinggan. Ayaw naman ni nanay na tumulong sa ginagawa namin pero gusto nya daw matuto. Kaya tinuruan na din siya ni nanay.
Nag-movie marathon lang muna kami bago matulog. Dapat magpupuyat kaso sinaway na kami ni nanay pagkatapos nung pangatlong movie na yung pinapanood namin.
"Wala pa ba kayong balak matulog na dalawa?" tanong ni nanay.
Nauna na saming tumaas si nanay kanina para matulog. Maaga talaga siya matulog eh. Nagising siguro para uminom ng tubig.
"Isang movie na lang po, nay." sabi ko habang namimili si Heaven ng panonoorin.
"Pang-ilan na yan?"
"Pang-apat po." sagot ko.
"Tama na yan, matulog na." striktang sabi ni nanay at dumiretso na sa taas para matulog ulit.
"Ang kj talaga ni tita hihihihi." nginitian ko lang si Heaven habang siya ay nakanguso dahil gusto pa daw niyang manood.
Niligpit namin ang kinalat namin sa sala kanina. Nang matapos ay umakyat na din kami para matulog.
Hindi kalakihan ang bahay namin, pero malaki ang bakuran namin. May tatlong kwarto sa taas at may dalawang banyo, isa sa taas at baba, may sala at kusina.
"Kunin mo na lang kaya yung tv nyo sa baba tas dalhin mo dito sa kwarto mo." suggest ni Heaven nang makapasok kami sa kwarto humagalpak naman ako ng tawa.
"Nung una magpabili ako ng sarili kong tv, yung pangalawa sabi mo ibibili mo ako, tapos ngayon kunin ko yung tv sa baba? Wahahahaha" tawa ako ng tawa dahil sa mga ideya niya.
Tuwing kasi nagmomovie marathon kami dito sa bahay. Hanggang tatlong movie lang ang natatapos namin kasi pagpumipili na kami ng pang-apat dumadating si nanay at pinapatulog na kami. At lagi siyang may naiisip na kung ano-anong ideya. Nakatulog din naman agad kaming dalawa.
"Heaven, gising na." nagising ako sa katok ni nanay. Samantalang si Heaven na dapat na magising, tulog na tulog pa rin.
"Gigisingin ko po, nay. Sandali lang." sabi ko habang nagkukusot ng mata tapos ay nagunat-unat.
"Sabihin mo sinusundo na kamo siya!" sabi ni nanay galing sa labas.
"Opo!" narinig ko ang yapak ni nanay palayo sa kwarto ko.
Tinitigan ko muna ng ilang sandali si Heaven habang natutulog, kasi inaantok pa ko, bago ko siya gisingin.
"Heaven, gising na. Sinusundo ka na." inalog-alog ko pa siya sa balikat para magising.
"Hmmm..."
Gumalaw siya at umayos lang ng higa, pero hindi pa rin gumigising.
"Heaven, gising na! Sinusundo ka na!" nilakasan na ng konti yung boses ko at mas lalong nilakasan yung pagyugyog sa kanya.
"Ano ba yun?" medyo pagalit na tanong niya habang nakamulat ng konti ang isang mata.
"Sinusundo ka na daw." marahang sabi ko.
Mukha namang nawindang siya kaya dali dali tumayo at lumabas sa kwarto. Napailing na lang ako dahil sa inasta niya. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto bago dumiretso sa cr. Ginawa ko muna ang morning routine ko bago tuluyang bumaba.
Nadatnan ko sa baba si Heaven at ang mga magulang niya, nandoon din si nanay. Si tatay, baka tulog pa.
"Magandang umaga po." bati ko sa kanila habang nakangiti, humalik naman ako sa pisngi ni nanay ng makalapit sa kanya.
"Magandang umaga rin, hija." bati sakin ni Tita Ana, yung nanay ni Heaven.
"Akala ko po bukas pa kayo uuwi?" tanong ko at nagmano sa mag-asawa.
Nakaupo si Heaven at ang mga magulang niya doon sa mahabang sofa namin. Si nanay sa pangisahan na sofa nakaupo. Tumayo naman ako sa tabi ni nanay.
"Bukas pa talaga dapat kaso may gagawin kami sa Cabugao, kaya dumaan muna kami dito bago tumuloy doon. Pero uuwi din kami bukas." sabi ni tito.
"Edi, pwedeng dito pa rin po ako matulog mamaya?" tanong ni Heaven sa magulang niya.
"Oo naman, hija. Lagi ka namang welcome dito kahit anong oras." si nanay ang sumagot kaya natawa kami ni Heaven.
Kumunot ang noo ni nanay at tiningnan ako ng masama kaya tumigil ako sa pagtawa. Ewan ko ba kay nanay. Hindi naman siya yung kinakausap pero laging feeling niya siya yung kausap.
"Oo nga, Heaven. Pwede ka naman muna dito habang wala kami." nakangising sabi ni tita.
"Teka, kumain na ba kayong mag-asawa ng umagahan?" tanong ni nanay.
"Hindi pa, sa bahay na siguro." si tito.
"Dito na kayo kumain ng umagahan. Tori, gisingin mo na ang tatay mo." dagdag ni nanay.
Hindi na tumanggi sila tito sa alok ni nanay na dito na mag-umagahan sa amin. Umakyat na ako papunta sa taas at sumunod naman sakin si Heaven, sila nanay dumiretso na sa kusina. Dumiretso si Heaven sa banyo dito sa taas namin ako naman sa kwarto nila nanay at tatay na katapat ng ng kwarto ko. Yung banyo nasa may dulo at katabi nun ay guest room daw sabi ni nanay at tatay.
"Tatay gising na daw po." medyo malakas na sabi ko at nilakasan din ang pagkatok.
Gabing-gabi na dumating si tatay gawa nagkaroon ata ng aksidente sa bayan kagabi. Binuksan ni tatay ang pinto ng kwarto nila ni nanay. Hindi pa ganoong katanda ang mga magulang ko. Sabi nila bata pa daw sila nung maging mag-asawa sila. Nung bata ako may karendirya pa kami nun at yung panganay na kapatid ni Ronie, si ate Rihanna, nagtatrabaho samin. Nagtatake pa si tatay ng residency nya ng mga panahong iyon.
"Kakain na daw po." pagkasabi ko nun ay tumango lang si tatay at sinarado nang muli ang pinto.
Lumabas ng banyo si Heaven at sabay na kami bumaba at pumunta ng kusina. Nagkukwentuhan si nanay at si tita, while tito is talking to someone on his phone. Pabilog lamesa namin na sakto lang sa dalawang pamilya.
Magkatabi si nanay at tita, magkatabi kami ni Heaven. Nasa gitna namin ni nanay si tatay umupo tapos si tito sa gitna ni tita at Heaven.
Sinangag, itlog at tocino ang niluto ni nanay.
Nagsimula kaming kumain at nagkumustahan sila tito at tatay. Tahimik naman kaming kumakain ni Heaven habang nagkukwentuhan sila.
"Isang linggo lang ba ulit kayo dito?" tanong ni tatay.
"Hindi, paguwi namin bukas galing Cabugao, magbabakasyon na kami dito hanggang graduation nila." sabi ni tita.
"Ayos lang ba na iwan nyo muna ang kompanya nyo?" tanong ni nanay.
"Pwede naman akong magtrabaho habang nandito, pati nandoon naman si Nataniel para alagaan ang kompanya." sabi ni tito.
Ang alam ko nagaaral pa si kuya Taniel?
"Hindi ba nagaaral pa iyon?" tanong ni nanay.
"Mas magandang matuto na siya habang maaga pa. Siya rin naman ang magmamanage ng kompanya pagkatapos niyang magaral." sabi ni tito.
"Sabagay maganda nga iyon." pagsang-ayon ni nanay.
Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkukwentuhan. Sumasagot lang kami ni Heaven kapag tinatanong about sa school, kung anong course ang kukunin namin at kung saan namin gustong magaral ng college.
I really want to be a chef since I was a kid. Wala namang kaso iyon kila nanay. Walang college dito sa bayan namin kaya sa mga unibersidad sa kalapit bayan ako kumuha ng entrance exam.
"Bakit hindi ka na lang rin sa maynila magaral?" biglang tanong ni tita.
Napatingin ako kila nanay at tatay kaya nagkatinginan kami tatlo. Pagkatapos ay bumaling naman ako kay tita.
"Naku masyado pong malayo ang maynila." nakangiting sagot ko.
"May mga magandang unibersidad naman malapit dito satin kaya hindi na kailangan na pumunta pa siyang maynila." sabi ni nanay.
"Pati wala naman siyang matutuluyan doon." dagdag pa ni tatay.
"Edi, ikaw lang pala ang maiiwan dito?" patanong na sabi ni tito.
"Opo?" patanong din na sagot ko.
Pero totoo naman yun, saming magkakaibigan ako lang yung magistay dito. Lahat sila sa maynila magaaral. Okay lang naman yun. Hindi naman ibig sabihin na magkakalayo-layo kami ay hindi na kami magkakaibigan.
Our parents always think na hindi na kami magkakahiwa-hiwalay. Kami na lagi ang magkakasama hanggang pagtanda. Ewan ba namin sa kanila, they always expect us to be together. We need to grow individually and not all the time we need each other on our side. Alam na dadating ang panahon na magkakaroon kami ng sari-sarili naming buhay. That's why we don't get our parents. Gusto nila lagi kaming makita na magkakasama.
"That's sad... I want to see you guys graduate together." malungkot na sabi ni tita.
There, nagsimula na si tita...
"Ma, malapit na po yung graduation namin. Next month na po. Kaya makikita mo po kami na grumaduate na magkakasama." pagaalo ni Heaven sa nanay nya.
"Ano sa tingin mo, Alecia Victoria? Sa maynila ka na lang mag kolehiyo?" napabuntong hininga ako at umurap.
"Nay, hindi na kailangan." sabi ko.
"Kumuha ka din ng exam sa school na papasukan nila sa maynila. Kung makapasa ka doon ka na lang." pangungumbinsi ni nanay.
Tumingin ako kay tatay na para bang nang hihingi ako ng tulong. I'm already fine here, may mga unibersidad naman sa kalapit bayan. Nagkibit balikat lang si tatay at hindi pinansin ang tingin ko.
"Ayaw mo ba nun, hija? Magkakasama kayong magkakaibigan?" si tita na para bang nagmamakaawa na pumayag ako.
Hindi ko talaga alam kung bakit big deal na magkahiwa-hiwalay kaming magkakaibigan sa kanila. Para bang magkakadugsong ang mga pusod namin na kapag hindi kami magkakasama ikamamatay namin. Ewan ko sa kanila!
Natapos ang umagahan namin na napapayag ni tita si nanay. Wala namang magawa si tatay kahit ayaw niya. Ayaw ko din naman, okay na ko dito sa probinsiya.