Chapter 1
“Congratulations for winning the school year's Miss Intramurals, Miss Jianne Rhed Salvestre! Let us all give her a round of applause!”
Nagsipalakpakan ang mga tao sa harapan ko. Nakangiti sila habang nakatingala sa akin na nakatayo sa gitna ng entablado. Ang mga kaklase ko ay grabe ang sigawan na animo'y wala ng bukas. They are cheering, raising the banners they made for me while shouting my name. I widened my fake smile as I lifted my hands in the air and wave it off. Ang isa kong kamay ay hawak-hawak ang bouquet na binigay sa akin kanina.
“Thank you!” I mouthed to everyone with a flying kisses and dramatic teary-eyes. They went crazy as soon as I said it.
The emcee came with a wide smile holding a microphone on her hands and a piece of paper. Next to her was the former Miss Intramurals last year. Nakasuot ito ng dress na kulay asul. Hapit na hapit din sa kaniyang malabutong katawan ang kaniyang suot. Malawak ang pagkakangiti nito na halata namang peke lang. Ang kaniyang mata ay nakatuon sa akin. Naroon ang tutol sa klase ng tingin na ibinibigay niya. She doesn't want to pass the crown to me. Which is obviously showing in her face. I have to stop myself from rolling my eyes.
Wala kang choice, gurl.
Feeling ko mas deserve ko pa nga itong crown na 'to kaysa sa kaniya.
“Congratulations!” she cheered and pulled me into a hug. I inwardly grimace.
Mahigpit ang pagyakap niya sa akin na tila ba gusto niya akong durugin. Kung siya kaya 'tong durugin ko tapos itulak ko rito mula sa stage? Tingnan natin kung 'di ba siya mabalian ng buto. Tangina 'tong babaeng ito.
“Thank you!” saad ko sa masiglang boses at halos marahas akong kumalas sa yakap niya. Ngumiwi siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Ngunit nang tinaasan ko siya ng kilay ay nagbago naman kagaad ang timpla ng kaniyang mukha. Ew, fake people.
Bitch.
Sinigaw na ng host ang paglipat ng korona sa akin. Nagpalakpakan muli ang mga tao.
Ngumiti ako nang matamis habang ang kaharap ko namang babae ay halos hindi na alam ang gagawin. Kung ngingiti ba o ngingiwi. Sa huli ay peke siyang ngumiti at itinaas ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo. She removed the crown on her head and put it on mine.
Nagsigawan ulit ang mga tao sa ibaba. Halos mabulag ako nang tumapat sa akin ang light.
“Woah! Classmates namin 'yan!” One of my classmates said. I waved my hand to its direction as I flashed a cute smile.
“'Di mo deserve,” I heard the former Ms. Intramurals murmured under her breath. Napantig ang taenga ko roon at mabilis ko siyang nilingon.
“What did you say?” I said with a smile, pretending I didn't heard her at all.
She shook her head and smiled sweetly at me. “Oh, nothing. Congrats pala,”
I shrugged my shoulders. “Thanks,”
She briefly nodded before facing the crowd and waved her hands. Tumalikod na siya at akmang aalis na nang pasimple kong hinarang ang paa ko.
“Ohhhhhhhh!” The crowd said in unison as Mary Grace stumbled and fell on her knees. I smirked sinisterly.
Deserve mo iyan, 'te.
“Hala, oh my gosh!” I faked a gasped and covered my mouth through my palm.
Gusto kong matawa sa itsura niya. She looks like she was about to cry as she roamed her eyes around. Embarrassment was all written on her face. Bagay lang sa kaniya, 'no. Ba't kasi hindi nalang siya maging masaya sa achievement ng iba? Ayan tuloy...
May mga lumapit at tinulungan si Mary Grace na tumayo. I saw her glaring at me through my peripheral vision. I stole a glance at her and smiled menacingly. Agad siyang umiwas ng tingin at nagtatagis ang bagang na bumaba mula sa stage.
“Thank you, guys!” I shouted, making all their attention went back to me. Nagsimula ulit silang magsigawan na animo'y walang nangyaring insidente kanina. Kumaway ako at inilibot ang paningin sa paligid.
Nasaan na kaya si daddy?
Nakaramdam ako ng lungkot sa isiping hindi man lang niya naabutan ang pagpasa ng korona sa akin. He was always busy. Even just this simple milestone of mine he couldn't come. Nakakasama ng loob.
Nawala kaagad ang mood ko. I gritted my teeth as I forced a smile. Walang gana akong tumalikod at pumunta sa backstage. Tears was threatening to fall from my eyes as I balled my fist. Sinalubong ako ng personal assistant ko. She smiled and congratulated me pero hindi ko man lang siyang pinansin. I slumped down on the chair and I angrily removed the crown from my head. I saw other contestants who didn't win the competition glanced at me curiously. Sinamaan ko lang sila ng tingin at agad silang nagsiiwas.
“Ano'ng problema, Rhed?” Janice asked me worriedly.
“Wala. Wala akong problema,” masungit kong sagot at inabot ang salamin. “Can you remove these annoying stuff on my body? It's too heavy!” reklamo ko.
She followed what was told. Inuna niyang tanggalin ang kwentas at kasunod niyon ay ang earrings ko. Tinanggal din niya pati mga bracelets at iba pang mga jewelries sa katawan ko.
“Janice, hindi ba tumawag si daddy?” I asked in a low voice. Ayokong marinig ng iba ang tanong ko, baka pagtawanan lang ako. Ako lang siguro iyong kandidata na wala man lang magulang o kamag-anak ang dumating. Nakakainis.
Matagal bago nakasagot si Janice sa akin. Muntik ko na siyang mabulyawan dahil sa tagal. “Hindi raw siya makakapunta.”
Nagtiim ang bagang ko at nangilid ang aking luha. I felt a pang in my chest. “Too late for him to inform me. Tapos na. Nanalo na ako. Wala na. Hindi na naman siya n-nakapunta...” pumiyok ang boses. Agad kong pinunasan ang luhang kamawala sa aking mga mata.
“Pagpasensyaan mo na ang daddy mo, hija. Alam ko namang busy 'yon palagi—” I cut her off.
“Yeah. Palagi. Palagi nalang. Palagi nalang trabaho inuuna niya! Ni minsan hindi man lang siya naglaan ng oras para sa akin!” sabi ko sa malakas na boses.
Natahimik si Janice.
Natawa ako nang mapakla. “Kailan ba kasi ako masasanay?” tanong ko sa aking sarili bago tumayo at nilingon si Janice. “Tulungan mo nga ako sa pagtanggal nito.” Tinuro ko ang gown at agad naman siyang tumalima sa utos ko. She removed my gown and handed me a robe. Nang masuot ko na ang roba tsaka ko na roon tinganggal ang make-up ko. After my face was already cleaned, iyong buhok ko naman ang inayos niya. Some contestants didn't removed their gowns and make-ups yet dahil magkakaroon pa ng pictorial sa mga nanalo pero dahil wala ako sa mood, uuwi nalang ako. I don't want to stand there smiling when I wasn't happy at all.
May pumasok na staff at program organizer sa loob ng backstage at sinabihan akong sumali sa pictorial at magbigay ng kaunting speech. Tumango nalang ako.
Nagpalit muna ako ng isang tight silk dress na may manipis na strap bago ako lumabas. Hindi ko suot ang korona ko, pati na rin ang bouquet. I smiled sweetly to everyone as I waved my hand and held the microphone.
“Good evening to all. Thank you very much for all the love and support. I really appreciate it. To those contestants who didn't won the night, better luck next time," I said, almost sounded so rudely.
I winked at the crowd before I walked towards the waiting photographer. Nag-pose muna ako at nagpakuha ng litrato bago bumaba at umalis. Hindi ko alam kung nasaan si Janice. Basta nalang ako umalis.
Nang masigurado kong wala ng tao sa paligid ko ay doon ko lang hinayaan ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. I should've be happy. I should've, because I won the competition and I was crowned as the queen of the night. But all I could feel was hurt. I was completely upset. He promised to come tonight but turns out he wouldn't. As always. What am I even expecting from him? He was always busy.
Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Mas importante pa ba ang trabaho niya kaysa sa nag-iisa niyang anak? Kami na nga lang dalawa sa buhay pero halos hindi pa kami magkita.
“Pst.”
Buwesit. Nakakainis. Sana sinabihan niya nalang ako na hindi siya pupunta para hindi na ako naghintay. I waited for nothing! Ilang beses akong natawag kanina dahil sa mga napanalunan ko pero wala siya para isabit ang mga sash sa akin. Wala!
“Pst!”
Nakakasama ng loob.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ng sitsit. Luminga ako sa paligid ngunit wala akong nakita. Kumunot ang noo ko at pinagpatuloy ang paglalakad. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba.
“Pst!”
Nagulat ako nang may biglang humatak sa braso. Pag angat ko ng tingin ay nakita kong si Jose, ito 'yong kuya ni Mary Grace na grade 12 student. Ang sabi ay bading daw ito, eh. Pero parang hindi naman kasi panlalaki naman ang fashion nito tsaka neat din nang slight.
Inis na binawi ko ang braso ko. “What are you doing?!”
Nakita kong nagtagis ang kaniyang bagang. Matangkad lamang siya ng ilang distansya sa akin ngunit malaki ang katawan niya, pati ulo. Para siyang si Damulag.
“I saw what you did earlier. Pinatid mo kapatid ko," mariin niyang wika habang nagngingitngit ang ngipin.
Tumaas ang kilay ko. “Oh, tapos? Paki ko ba?”
Galit. Iyon agad ang makikita sa unang tingin mo palang sa mukha niya. As if may paki ako? Edi magalit silang lahat sa akin.
“b***h!” sigaw niya sa akin at bigla nalang akong itinulak. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at huli na para maka-react ako, natumba ako sa sahig at agad niya akong dinaganan.
“Ahhh!” tili ko nang sinabunutan niya ako bigla. Malakas at mariin ang pagkakahawak niya sa buhok na animo'y gusto niyang kalbuhin ako.
“Putanginang babaita ka! Kung sa tingin mo lahat ng mga estudyante rito sa school na 'to ay under mo, pwes ibahin mo ako! Wala akong sinasanto kahit babae ka pa!”
Sa inis ko ay sinipa ko betlog niya.
Natumba siya at napasapo sa ari niyang halata namang maliit lang.
Agad naman akong tumayo at bumawi. Sinipa ko nang malakas ang pangit niyang mukha nang dalawang beses. Dahil nakaheel pa ako ay inapak ko ang dulo nito sa kaniyang braso.
Gago pala siya. Sa tingin ba niya may pakialam ako? Kahit pa lalaki siya papatulan ko rin siya, 'no! Nakakabuwesit 'tong baklang 'to! Aba't pumapatol sa babae! Okay lang sana kung ako 'yong nauna, e siya ang nanakit nang una eh! Gago talaga!
Napasigaw siya sa sakit at hinawakan ang ankle ko.
Napatili muli ako nang hilain niya ako bigla. Buong akala ko ay matutumba na ako nang may biglang isang matigas na braso ang pumupulot sa beywang ko.
Mas lalong nanlaki ang aking mga mata. Aba't may resbak pa talaga 'tong putanginang Damulag 'to ah! Tiyak na hindi ko kakayanin. Babae ako at mas malakas sila sa akin.
Agad kong siniko ang taong nasa likuran ko at nakayapos ang mga braso sa akin. Shet, ang tigas.
Napatingala ako rito. Isang matangkad na lalaki ang nasa likuran ko. Sumalubong sa akin ang kulay kayumanggi niyang mga mata. Mariin ang titig nito sa akin. Nakita kong umigting ang kaniyang perpektong panga at nag isang linya ang kaniyang labi. Kahit nasa may kadiliman kaming sulok ng school ay hindi iyon hadlang upang hindi ko masabing gwapo siya.
Nasa heaven na ba ako? Para kasing nakakita ako ng anghel eh. Parang masungit nga lang.
Ah, baka si Lucifer. Anghel din iyon eh tapos gwapo raw. Ewan ko lang saan galing 'yang source of information nila.
“Ugh!”
Muntik ko ng makalimutan na kaaway ko pa pala iyong letseng damulag na 'yon. Napalingon ako rito at nakita siyang apak-apak noong lalaking nasa likuran ko ang leeg niya.
Natulala ako. “U-Uy...”
The damulag boy grunted in pain as he struggled to push the man's foot. Nakita kong namumutla na ito at hindi na halos makahinga.
“Hala...” Napatakip ako sa aking bibig gamit ang magkabilang palad ko. Kahit naman maldita ako at alam kong deserve ni damulag ang ganiyang sitwasyon, hindi naman ako mamamatay tao, 'no. “Baka ma-dead siya!” I exclaimed.
Atsaka lamang binitawan nung lalaki sa likuran ko ang leeg ni damulag. Kanda ubo-ubo itong tumayo at tumakbo palayo. Parang kanina ang tapang-tapang sumugod sa akin. Wapalaks pala 'yon eh.
Tulala na naman ako. Iyong lalaki sa likuran ko ang higpit pa ring nakayakap sa akin. Parang nag-t-take advantage na.
“Okay ka lang?”
Napatalon ako sa gulat nang marinig kong may nagsalita. Iyong lalaki sa likuran. Buo ang kaniyang boses at medyo baritono. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero daig ko pang sinigawan dahil naramdaman kong nanginig nang kaunti ang kalamnan ko.
Nangatal ang labi ko bigla. “H-Ha?”
“Sabi ko, okay ka lang ba?” Inikot niya ako bigla kaya napasinghap ako at napahawak sa kaniyang matikas na balikat. Nanatiling nakapulupot ang isang braso niya sa akin.
Nag angat ako ng tingin. Sa sobrang taas niya ay halos mabali ang leeg ko kahit pa naka-heels ako ngayon. Sobrang lapit kasi namin sa isa't-isa kaya halos hindi ko makita ang mukha niya. Saka medyo may kadiliman sa parteng ito ng paaralan.
“Wala bang masakit sa'yo?” rinig kong tanong ulit niya. Napakurap ako ng tatlong beses. Buong akala ko kasamahan siya ni Jose. Pero parang 'di naman.
Kumunot ang makapal na kilay ni hero boy. Yumuko siya nang kaunti kaya napasinghap muli ako at napaatras.
“A-Anong gagawin mo?!” sigaw ko sa gulat na boses. Pero para siyang walang narinig. Yumuko siyang muli hanggang sa magka-level na mga mukha namin.
Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa pisngi at labi ko. Mabango siya kahit medyo pawisan. Tsaka naaninag ko mula sa lampost na sobrang kinis ng mukha niya. Parang walang pores si koya.
“You're familiar...” he said with his hoarse voice. Umawang ang labi ko at tumaas ang balahibo ko sa batok. Ang ganda ng boses niya kapag bumubulong!
“R-Rhed...” wala sa sariling lumabas iyon sa bibig ko. His head tilted in confusion. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig gamit ang dalawang palad. “I-I mean, my name is Rhed!”
Baliw ba ako? Ba't parang big deal iyon sa akin?
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Lumuwag din ang kaniyang brasong nakapulupot sa akin hanggang sa tuluyan na niya akong bitawan.
“Kilala mo 'yon?” tanong niya at itinuro si Jose na ngayon ay tumatakbo pa rin. Tuliro at halatang nagmamadali.
Tumango ako at nanginig ang labi. Naiiyak ako. Eh kasi naman e, masama na nga loob ko dahil hindi pumunta si daddy, inaway pa ako. Okay lang sana if babae dahil kayang-kaya ko naman lumaban, kaso lalaki iyon tapos triple pa ang laki ng katawan sa akin. Malas ng gabi ko, ampota.
Buti nalang may pogi, ay este, may tumulong.
“Shh, 'wag ka na umiyak. Ligtas ka na,” aniya. Napatingala ako rito. Kung hindi siyang dumating tiyak na tugik na ako ngayon. Mabuti nalang talaga.
“S-Salamat...” sabi ko at napayuko. Nahihiya ako pero slight lang.
He nodded. “Ano'ng pangalan nu'n?”
“Jose... Quinto.”
He tsked. “Baho ng pangalan,”
“Ha?”
“Nasaan ang mga magulang mo? Kasali ka ba do'n sa pageant?”
Dahan-dahan akong tumango. “Ako iyong, uhm, n-nanalo.”
I saw his brown eyes widened a bit. Hindi ba siya present kanina?
“Oh... congrats. Sige na, balik ka na do'n sa pamilya mo. Wala bang masakit sa'yo?”
Umiling ako kahit masakit iyong scalp ko. Bwesit na damulag na iyon!
“Jose Quinto, right?” tanong niya sa akin. Napatitig ako sa kaniyang gwapong mukha. Kahit saang anggulo gwapo talaga. Ano kayang lahi niya? Sigurado akong may lahi siyang foreigner kasi pati accent niya gwapo rin eh.
“Anong... gagawin mo?”
Umiling siya. “I will report him to the school's office. May CCTV naman diyan kaya 'di mo na kailangang pumunta. Gabi na, baka hinahanap ka na ng pamilya mo. Bukas. Bumalik kayo sa school at magreklamo. I'm sure that boy is already 18, pwede siyang makulong if kakasuhan niyo siya. The school would probably expell him as well.”
Umawang ang labi ko.
Maliit siyang ngumiti sa akin. He held my wrist and drag me back towards the gymnasium. Doon sa hallway kung saan dadaan papasok palabas ang mga estudyante ay binitawan na niya ako. Dito rin kasi ginanap ang event. May mga estudyante ng nagsisiuwian at may iba namang pumapasok. Ang sikip nga eh. Nakakairita. Pero dahil may pogi akong katabi, no choice ako kun'di indahin ang mga reklamo sa loob ng aking utak.
“Iiwan na kita rito,” sabi niya. Hanggang ngayon 'di ko pa pala alam name niya. Nahihiya naman akong magtanong.
“Thank you...”
Simpleng tango lang ibinigay niya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok. I'm sure Janice is still there, waiting for me. Nanginig ang mga tuhod ko habang humahakbang ako. Gusto kong lumingon at tingnan kung nandoon pa ba si hero boy pero nagdadalawang isip ako.
Sa huli ay lumingon pa rin ako.
Nakita ko siyang nakatayo pa rin doon at nakatingin sa akin. Uminit ang magkabilang pisngi ko at bigla akong nahiya. Agad agad akong umiwas ng tingin at binilisan ang paglalakad. Hindi pa ako ganoon nakakalayo nang marinig ko ang boses niya. Mahina lang iyon pero rinig na rinig ko.
“Seth...”
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Ngumiti siya bagaman parang masungit ang kaniyang mukha.
“P-Po?” nauutal kong tanong.
“My name is Seth,” aniya. “but you can call me Blue if you want... Rhed.”