His menacing eyes met mine, "You can't run away from me forever, Babe. There's no escaping now. Our deal's on."
Parang ang maliit na cubicle kung saan kami naroroon ay mas lalo pang lumiit. It seems like any minute now, I’d lie on the floor due to heart attack. I looked away ‘cause I couldn’t bear his intent look.
“B-But–”
“No buts. You think I’m not serious with what I’ve told you the last time? Then think again, Ramos…” para na namang hinuhukay niya ang buo kong pagkatao sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Para akong kinakapos ng hininga.
“Y-You’re blackmailing me,” hindi nakatakas ang pangangatal ng aking boses.
Tumaas ang kanyang kaliwang kilay, “And so? Remember that you’re indebted to me, Ramos…”
I sighed in frustration, “Why are you doing this to me? I promised that I’ll do anything to gain money and replace your laptop!”
“Alright. Madali naman akong kausap. Suit yourself, Ramos,” then he opened the door at lumabas sa cubicle.
Dumoble ang malakas na pagtambol ng aking dibdib. What a jerk! He’s really serious with it, huh?
He was about to go out when I made a decision that I hope – I hope I won’t regret. I just want to save the only things that gave me a reason to keep going. Things which serve as a key for me to unlock my dreams. Dreams which gave me a reason to still breathe when I almost drowned during my darkest hours.
“F-Fine! The d-deal is on!” labag sa loob kong sigaw sa kanya.
Napahinto siya at dahan-dahang lumingon sa akin with a wide grin. I wanted to wipe the grin off his face. I’m too annoyed with him because it seems like he won a lottery right now.
“Good.”
Mabuti nalang at walang nakakita sa amin kanina sa CR. Hindi kami nagsabay lumabas. He went out first to check if there are people passing by outside the boy’s comfort room or boys who are about to go in. And when it’s clear, he texted me that I can come out already.
I don’t even have any idea how he got my number, but he told me that he has his ways.
I exhaled deeply. Anong oras na pero hindi ko pa nasisimulan ang mga props na gagawin ko para sa role play namin sa English bukas. Ang dami rin kasing assignments na tinapos ko, tapos hindi pa ako nakakapagconcentrate kakaisip sa mga susunod na mangyayari.
Ano ba ‘tong napasok ko?
I started cutting out my construction paper to create a crown and thunderbolt ni Zeus. Ang isasadula kasi namin ay tungkol sa mythology.
I yawned. Tiningnan ko ang wall clock, it’s already five past midnight. Hindi pa ako nakakalahati sa paggawa ng props.
I headed to the kitchen at nagtimpla ng kape. Bumalik ulit ako sa kwarto at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Ilang sandali lang ay napahikab ulit ako, mukhang hindi tumatalab ang caffeine sa akin. Binilisan ko nalang ang paggawa ng trident ni Poseidon. Thank, God. I was able to finish everything before 2 am.
I was too exhausted that when I lay on my bed, I quickly fell in a deep slumber.
Naggising ako dahil sa malakas at sunod-sunod na katok mula sa main door ng apartment. Antok na antok pa ako kaya hindi ko ito pinansin. Tumagilid ako at kinuha ko ang unan sa tabi ko saka ipinantakip ito sa kabila kong tainga. Istorbo kasi.
I doze off to sleep again.
I felt something tickling my feet. Akala ko langgam lang pero sobrang nakikiliti na talaga ako kaya sumipa ako nang malakas.
“What the hell!”
Wala sa oras akong napabangon dahil sa pagkakagulat.
Namilog ang aking mga mata nang mamataan ko si Alvin na hinihimas ang kanyang tagiliran na sa tingin ko’y nasipa ko pala. Salubong ang kanyang kilay at lapat na lapat ang kanyang labi.
“W-What are you doing here, Alvin?!”
“I’m here to fetch my girlfriend na tulog mantika pala… at nagiging kabayo rin ‘pag tulog…” hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil parang binulong niya lang ‘yon sa hangin. He rolled his eyes. Oh my god! He really did roll his eyes on me! At anong sabi niya? G-Girlfriend?
“H-Huh?”
“Don’t make me repeat what I’ve just said, Babe. I believe that you’re not deaf…”
B-Babe?! Shucks! Napakurap-kurap ako. Huminga ako nang malalim in the hopes na kumalma naman ang kaloob-looban ko.
“Paano ka nga pala nakapasok rito?! At saka you’re disturbing my sleep!” malakas kong sigaw sa kanya pero poker face lang siya.
Itinaas niya ang hawak niyang mga susi. Kumunot ang aking noo nang mapagtanto kong iyan ang duplicate key ng landlady ko.
“How did you get that?”
He shrugged his shoulders, “I have my ways…”
Napailing ako, “Umalis ka na. You’re disturbing my sleep.”
He sighed heavily, parang nagpipigil, “Disturbing my sleep my ass… Where did your brain go? Na hindi mo talaga naisip ang klase mo…”
My eyes widened when realization finally dawned on me. Oo nga? Saang lupalop ba pumunta ang utak ko at nakalimutan kong may pasok pa pala ako!
When I glanced at my wall clock, 6:39 am na! Our class will start at 7:30!
“Oh my god!”
Mabilis pa sa alas kwatro akong pumasok sa banyo at naligo. Unang beses pa lang itong nangyari sa akin. Bakit ba kasi hindi tumunog ang alarm ko? Pero napatampal ako sa aking noo nang maalala kong nakaligtaan ko palang magset ng alarm.
Sobrang pagod ko kagabi kaya hindi talaga ako nagigising nang kusa. Sa susunod, maaga na akong magsi-set ng alarm para hindi ko na makakalimutan.
Hindi ko alam kung paano ko pinagkasya ang pagliligo at pagbibihis sa loob ng twenty minutes. Buti nalang at hinanda ko na ang mga gamit ko kagabi bago natulog.
“Breakfast?” si Alvin.
“Uh, mamaya na sa school…” he nodded and grabbed my plastic envelop as well as the two large paper bags I’m holding. Naglalaman iyon ng mga props na ginawa ko kagabi.
Nagulat ako nang paglabas namin sa apartment ay may nakaparada na Range Rover sa tabi ng gate. My mouth hung open when Alvin opened the door adjacent the driver’s seat. Sa kanya nga ‘to? Grabe, rich kid nga naman.
The window from the passenger’s side rolled down, ibinungad dito ang iritadong mukha ni Alvin.
“Why are you standing there? Get in. Ilang minuto nalang mali-late na tayo…” natauhan naman ako at mabilis na binuksan ang pinto at sumakay sa passenger seat.
Nanuot sa aking ilong ang amoy sa loob ng sasakyan niya. Amoy Alvin, amoy mamahalin. Isa rin ‘to sa pinoproblema ko, he’s too high-maintenance. Parang ang taas-taas niya na hindi ko kayang abutin. Hindi kami magkalebel, tapos gagawin niya akong pretend girlfriend. I can already smell the trouble this set up will bring to me.
“From now on, we’ll use ‘Babe’ as our endearment. But you can call me Kianne when it’s just the two of us…” I simply nodded. Wala akong ganang makipagtalo sa kanya ngayon.
“Kailan ba matatapos ang set up na ‘to?” I asked him.
Mabilis niya akong tiningnan gamit ang seryoso niyang mga mata at binalik ulit sa daan ang kanyang tingin, “I’ll just inform you next time.”
Wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa school. Nagmadali akong bumaba bitbit ang mga gamit ko pero mabilis naman akong nahabol ni Alvin. Nagulat ako nang kinuha niya sa akin ang dalawang paper bags.
“What are you doing, K-Kianne?” medyo naiilang pa akong tawagin siya sa first name niya. He’s known here as ‘Alvin’.
“Ihahatid na kita sa room mo…” nauna na siyang maglakad sa akin kaya humabol ako at pilit pinantayan ang mga hakbang niya. Ang bilis niyang maglakad at ang lalaki ng mga hakbang niya kasi ang hahaba ng legs niya.
“’Wag na! Ako na magdadala niyan. Baka ma-late ka pa. Ten minutes nalang, o, magbi-bell na…” kukuhanin ko na sana ang paper bags mula sa kanya pero iniiwas niya naman ito.
I sighed in defeat. Hindi ko na pinilit dahil pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga students na hindi pa pumasok sa kani-kanilang mga classrooms.
Pagdating namin sa labas ng classroom ay halos lahat ng kaklase ko’y nasa loob na pala. Buti nalang at wala pa ang adviser namin. Everyone in the room eyed the two of us curiously as if there’s something exciting going on between us.
Hinarap ko si Kianne at kinuha na sa kanya ang paper bags, “Thank you…”
“Welcome, Babe. I have to go…”
Umakyat lahat ng dugo sa aking mukha. Shucks! Sana walang nakarinig.
Sinamaan ko siya ng tingin but he just grinned evilly before turning his back and started walking away. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng classroom namin. As expected, inulan ako ng mga tanong at panunukso ng aking mga kaklase. Hindi ko na pinatulan kasi wala naman silang alam sa totoong nangyayari.
Recess time, nagulat ako nang may lower grade student na nag-abot sa akin ng paper bag na may lamang breakfast galing sa McDo.
“Para sa akin talaga ‘to?” paniniguro kong tanong.
“Opo, Ate…”
“Kanino ba ‘to nanggaling?”
“Sabi po ni Manong Guard na kay Kianne Alvin raw ‘to nanggaling at pinapabigay sa’yo…”
Nagulat ako. I never thought Kianne would buy me a breakfast. Hindi na nga sana ako magbi-breakfast kasi tinatamad na akong bumaba pero dumating ‘to.
I smiled at the girl, “Salamat, ah… Gusto mo ng fries?” malaki kasi ang fries.
“Welcome po, Ate, pero ‘wag na po kasi busog na po ako…”
“Salamat ulit…”
Mabilis akong natapos kumain ng breakfast dahil ang daming lumapit sa akin at nanghingi. Mga mayayaman naman ang mga estudyante rito pero kung makahingi ng pagkain ay parang hindi kailanman nakakain nang masarap at para bang wala silang pambili ng sarili nilang pagkain.
Afternoon came, we spent an hour and a half inside the auditorium listening to the symposium of the HUMSS and STEM students. The first speaker is not very effective, dahilan kung bakit maraming audience na nagchi-chitchat. Others are even using their phones secretly. Indeed, respect is very hard to gain nowadays.
“Let’s give STEM block 1 students a round of applause for their intermission number…”
The next thing we knew, darkness enveloped the whole auditorium. I heard gasps coming from the audiences.
We heard a strumming of guitar. This is a familiar song.
Then suddenly, the spotlight was on at nakatutok ito sa taong hindi ko inaasahang makikita ko rito. I wasn’t even aware that he’s a STEM student until now!
Nakapush back ang kanyang buhok. He’s wearing a brown button-down shirt na hapit sa kanyang katawan and a black jeans tapos sneakers. He bit his lower lip that I’m sure made the girls drool. I heard giggles and I swear I even heard a low moan from the back!
I rolled my eyes. Gross!
Hindi siya nakangiti pero ang lakas pa rin ng dating. He brushed his hair using his left hand, and then he finally brought the mic he’s holding near his full lips.
I don’t know why but when he started singing, para akong kinakabahan. Ang lamig ng kanyang boses ay nanunuot sa aking sistema.
“Alam kong ako yung lumayo
Walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin
Ang nakaraang parang kahapon
Paumanhin
'Di ko sinadya
Na lumisan na lang…”
Naglakad-lakad siya habang kumakanta at huminto malapit sa mga kababaihang kanina pa paimpit na tumitili. He closed his eyes as he sang the next lines of the song.
”Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
‘Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin…’"
My lips are in a thin line when he stopped in front of a girl na parang nangingisay na sa kilig. Nagtutulakan pa sila ng kanyang mga kaibigan. And the jerk! Look at the jerk! He flashed his panties-dropping smile at the girl! Tinakasan na ata ng hiya ang mga kaibigan ng babae dahil tinulak nila ito nang malakas dahilan kung bakit napasubsob ito sa dibdib ni Kianne. Lumalakas na ang tilian na binabalewala na nila ang mga teachers na nagbabawal sa kanila sa pagiging magulo at maingay.
He helped the girl to stand up properly tapos pinasa niya rito ang mic. Nahihiya man ang babae ay tinanggap naman niya ito at pinagpatuloy rin ang kanta.
“Alam kong nagkulang sa iyo
Sana patawarin kung natakot
Paano magpakalayo…”
Mariin akong nakatingin sa kanila. The girl sang as if her only audience is Kianne. Sa huli lang siya nakatingin at abot tenga pa ang kanyang ngiti. Kinuha ulit ni Kianne ang mic mula sa babae, and he gave her a thumbs up while singing the next lines. Iginiya niya ito paupo saka nagsimula na ulit siyang maglakad-lakad. I heard others groaned na parang nabitin pa sa eksena nila Kianne.
“Kung ang pag-ibig ko'y 'di maitago
Paumanhin
'Di ko magawang
Kalimutan na nalang…”
Patuloy sa pagkanta si Kianne at napunta na siya sa likuran. He’s just too good at making girls drool over him. I rolled my eyes. Hindi ko na siya muling sinulyapan.
Hindi ko alam pero biglang nabuhay ang tilian kanina na unti-unti na sanang humupa. Natetempt man akong lumingon pero pinipigilan kong mabuti ang sarili dahil ayokong makita siya na tila nangma-magnet ng mga babae.
“Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing…”
Bumilis ang tambol sa aking puso nang palapit na palapit sa akin ang boses ng kumakanta. Pinagtitinginan ako ng mga katabi kong kaklase at may kumurot pa sa aking tagiliran kaya napaigtad ako.
Nanlaki ang aking mga mata at tila nakikipagkarerahan ang aking puso nang marealize kong nakatutok na rin sa akin ang spotlight. Nanigas ako sa kinauupuan ko. I felt the coldness of my hands nang ipinagdikit ko ang mga ito. Wala na akong maintindihan dahil hindi na magkamayaw ang mga estudyante sa paligid ko.
“Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Kita ko pa sa'yong mga mata
May pag-asa pa tayong dalawa
At kung sa huli, 'di rin maibalik
Patawarin sana…”
Biglang nahawi ang mga estudyanteng nakaupo sa harap ko. Inangat ko ang aking tingin at nagtama ang mga mata namin. My breathing suddenly ceased. My chest tightened in so much nervousness. It’s like his eyes dived in the deepest part of the ocean, which is me, my soul.
“Kung papayagan mong ikaw ay mahalin
Mula sa tagpuan natin…”
Napahigit ako sa aking hininga nang bigla niya akong inabutan nang tatlong tulips na kulay pula. Tinitigan ko lamang ito pero tinutulak ako ng aking katabi. With my sweating and trembling hands, I accepted the red tulips.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ‘yon, pero nakita kong parang kumikislap ang kanyang mga mata bago niya ako talikuran.