“Thank you sa paghatid…” nginitian ko si Kianne na titig na titig sa akin. Naiilang tuloy ako kaya umiwas ako ng tingin.
Tumango lang ito sa akin kaya tuluyan na akong lumabas sa kanyang sasakyan at sinara ko ang pinto. Hindi nagtagal at umalis na rin ito. Hinintay ko munang mawala sa aking paningin ang kanyang sasakyan bago tuluyang pumasok sa coffee shop.
Days have passed since we started this kind of set up. I still don’t have any idea kung ano ba ang patutunguhan ng fake relationship naming ‘to. And I still don’t get Kianne. We’re way too different. The differences in our life status are like light-years away.
He’ll gain nothing from me. I don’t have riches, I don’t have parents, and I’m no gold. I also do not believe that I am very much gifted intellectually because, in everything that I attained in school, I exerted a lot of effort and hard works. Yes, I have the body (which I doubt he’ll want to think that he’s part of the ‘Alta’ in our society, which means he’s very exposed to girls who are supermodel types – hourglass bodies and such), but it’s not fully bloomed yet.
Oh! May makukuha pala siya sa akin. Panlalait ng mga bashers sa school o baka ako lang ang mababash. Ang dami pa namang gossipmongers sa school. Ang bilis rin nilang makapagfabricate ng mga kwento, at sa kwento nila, kahit ikaw ‘yong kawawa, ikaw pa ‘yong gagawing antagonista. And in every gossips they make, it’s either a part of the story is missing or suddenly, the story has a lot of extra parts.
I’ve got bashers in school but I don’t waste my energy and time stooping to their level that is as low as their grades.
Mapanuri ang tingin ni Melanin sa akin nang pumasok ako sa coffee shop. I was about to greet her and throw her some teasing dahil finally ay nauna na rin itong dumating kesa akin nang irapan niya ako at tinalikuran agad.
I blinked twice. Anong nangyari doon?
Dumiretso na ako sa locker room para makapagbihis ng uniform. Saktong pagpihit ko ng doorknob ay siya ring pagpihit ni Mel ng knob mula sa loob. Nagkatinginan kami pero mabilis siyang umiwas ng tingin.
“Mel, may problema ba tayo?” I asked.
Instead of answering my question, she quickly turned her back and walked away. Attitude siya. Mamaya ‘yon sa akin.
“Juls!”
Nilingon ko ang tumawag sa akin, si Arianna.
“O?”
“Pinapatawag ka ni Manager sa office…”
I nodded, “Okay. Magbibihis lang ako.”
As soon as I finished changing my uniform, I made my way to Manager Ysa’s mini office. I knocked twice. Nang marinig ko ang boses ni Manager Ysa telling me to come in ay saka ako pumasok.
“Good afternoon, Manager Ysa…”
“Good afternoon too, Julienne… So let’s make this quick. I just want to inform you that we’ll be increasing your salary because according to our boss, it’s also good to give privilege to our staffs who are still students and are self-supporting,” she gave me a smile.
Hindi ko alam pero parang ang tagal pinroseso ng aking utak ang sinabi ni Manager Ysa.
“P-Po?”
Mahina itong natawa sa akin marahil dahil sa hindi ko makapaniwalang itsura, “May salary increase ka, Juls!”
“T-Talaga po? L-Like hindi po ito prank?” pinisil-pisil ko pa ang mga kamay ko, para kung sakaling panaginip lang ‘to, magigising na ako at hindi na masyadong umasa.
Humalakhak si Manager, “Why would I prank you, Julienne? Totoo nga…”
“Oh my god! Thanks, God! Wala na pong bawian, Manager Ysa, ah?”
“Oo nga. Sige na, tulungan mo na sila doon…” natatawa pa nitong sabi.
“Sige po. Salamat po, Manager…” she just nodded at me.
Lumabas ako sa kanyang mini office na may malawak na ngiti. Hindi na ako masho-short palagi sa budget nito kasi ang taas ng increase sa salary!
Sobrang busy na naman namin dahil ang daming customers. Mostly mga college students na gumagawa ng reports or research papers nila.
“Here is your milk tea and mocha cake, Miss…” inilapag ko sa kanyang table ang kanyang order.
Tiningnan niya lang ako saglit at ang order tapos binaling niya ulit ang kanyang tingin sa kaharap niyang laptop, “Thank you…”
Mabilis natapos ang shift namin ni Melanin. Nagpang-abot na kami sa locker room. Minadali ko ang pagbibihis at hinintay ko siya na mukhang sinsadya pa atang magtagal.
Umupo ako sa isang monobloc chair at sinipat ko ang oras sa phone ko. Fifteen minutes na ang lumipas pero hindi pa rin siya natatapos sa pagbibihis.
Napatayo ako nang finally ay natapos na rin siya. Mukhang nagulat pa siya na nandoon pa pala ako sa loob pero mabilis ring napalitan ang kanyang pagkakagulat ng blangkong ekspresiyon.
“May problema ba tayo, Mel?” I asked her.
She rolled her eyes, “Why don’t you ask yourself? Magkaibigan pa tayo sa lagay na ‘to kung naglilihim din ang isa sa’tin?”
My eyes widened and my heart’s muscles tightened rapidly, “A-Alam mo na?”
“Sa tingin mo?” napailing-iling pa siya at pinagkrus ang dalawa niyang braso.
“M-Mel, I-I didn’t intend to hide this to you pero k-kasi alam mo ‘yon… naguguluhan na rin ako sa sitwasyong kinahahantungan ko ngayon…” when I felt that the sides of my eyes are starting to water, I looked up to stop my tears from rolling down my cheeks.
She quickly closes the distance between us and envelops me with a tight hug.
“Ayan ka na naman, Juls, e. Sinasarili mo na naman lahat. Alam mo namang nandito lang ako, laging handa ang mga tenga kong makinig sa mga problema mo kagaya ng pakikinig mo rin sa akin…” hinagod-hagod niya ang likod ko.
Parang may mainit na bagay na lumukob sa dibdib ko. I’m so much thankful to have Melanin as one of my best friend.
Nakikinig lang siya sa akin habang kinukwento ko sa kanya ang tungkol sa deal namin ni Kianne.
“… I don’t have a choice, Mel. It’s futile to fight if my enemy has lots of money and connections,” ani ko sa mahinang boses.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. She shook her head.
“You’re like playing with fire, Juls, and I’m scared that if you’ll make a mistake, you’ll fall then get burned in the blazing furnace…” she looked at me knowingly.
I gave her a reassuring smile.
“Don’t worry, Mel. I will never fall for that foolish jerk.”
Hinahatid sundo ako ni Kianne during weekdays. He will fetch me from my apartment in the morning, and then he’ll send me to my part time job sa hapon.
Kinuha ni Kianne ang kanyang bagong-bagong gaming laptop na Predator Triton 900. Nilapag niya ito sa table na malapit sa tv, then he connected the lappy to the tv through the HDMI. Ipinakita niya sa amin ang final na design ng ipu-publish naming libro.
And I must say that he’s so good at it. Ang ganda ng pagkakalay out kaya maraming namamangha at humahanga sa kanya, at isa na ako doon.
Mabilisang meeting lang naman ang ginawa namin dahil hindi ito ang regular sched ng club meetings dahil Friday. Our adviser and our editor will take care of the publication kaya medyo nakakahinga na kami nang maluwag.
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot, hindi nakatakas sa aking paningin ang mga mapanuring mata ng ibang mga estudyante. Ilang linggo na kaming ganito pero hindi pa rin sila nasasanay. Nakakapagtaka naman kasi na sa isang iglap, ang palagi ng kasama at girlfriend ‘kuno’ ni Kianne ay biglang mas bata pa sa kanya when he’s not fond of young girls. Usually, he’s seen with girls his age or older than him dahil mahilig siya sa mga ‘matured’.
He’s not very gentleman. Kagaya ngayon, hindi niya trip na pagbuksan ako ng pinto.
“It’s been weeks, still you didn’t accept my follow request in IG…” he maneuvered the car smoothly.
“U-Uh, nakalimutan ko kasi,” kahit ayoko lang talagang makita niya ang mga posts ko.
“Accept me now, Babe,” may naglalaro na ngayong ngiti sa labi niya.
I sighed and grabbed my phone from my skirt’s pocket. I tapped the mobile data to turn it on before I opened my IG app. Pumunta ako sa notifications at inaccept ang kanyang follow request. Pinatay ko agad ang phone at binalik sa bulsa.
“Done,” walang gana kong sabi.
“Good.”
Nang makarating kami sa coffee shop ay bumaba agad ako.
“Thank you for the ride. Drive safely…” nginitian ko siya.
“Hindi mo ba ako yayayain sa loob?”
Kumunot ang aking noo at may pagtataka siyang tiningnan, “Gusto mo ring magtrabaho?”
Umalingawngaw ang malakas niyang halakhak sa loob ng kanyang kotse.
“Pagtatrabaho lang ba ang pwedeng gawin sa loob, Babe?” uminit ang aking mukha sa kahihiyan. Nasaan na ba ang utak ko?
Tumikhim ako, “Uh, gusto mong magkape muna?”
Mahina itong tumawa, “Sure.”
Pinark niya nang maayos ang kanyang sasakyan. Dumiretso na ako sa loob para makapagbihis dahil ilang minuto nalang at oras na ng shift ko.
Ilang sandali lang din ang lumipas ay pumasok si Mel sa locker room.
“Nasa labas pala boyfriend mo…” kinurot pa nito ang tagiliran ko. Hinampas ko ang kanyang kamay.
“Tumigil ka nga!” saway ko.
Mabilis akong natapos sa pagbibihis. I tied my hair in a bun. Hinintay ko muna saglit si Mel para sabay kaming lumabas.
“Anong ginagawa ng boyfriend mo rito?” usisa niya habang inaayos ang kanyang buhok.
“Hindi ko naman talaga ‘yon boyfriend!” umirap ako at natawa siya.
“Ano ngang ginagawa niya rito?”
“Magkakape!”
Hindi ko alam kung bakit siya humalakhak. Wala namang nakakatawa doon? Baliw talaga.
Paglabas namin ay namataan ko siyang nakaupo sa sulok na bahagi kung saan may pangdalawahang sofa na kulay grey. Agad na nagtama ang mga mata namin. I rolled my eyes at nakita kong gumuhit ang ngisi sa kanyang labi.
“Juls, serve mo sa number 07…”
Kinuha ko ang tray na naglalaman ng dalawang glazed donut at a cup of cappuccino. Coincidence nga naman dahil ito pala’y mga orders niya.
“Here’s your order, Sir…”
Nilapag ko na ang kanyang orders sa table niya. Nang mapasulyap ako sa kanyang mukha, I saw his amused grin. I rolled my eyes at him.
“Enjoy, Sir!” tumalikod na ako sa kanya.
“Sure!”
Kumunot ang aking noo nang dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin umaalis si Kianne. Naglalaptop naman ito. But is he waiting for someone? Nag-order na rin ito ng hapunan.
Napalingon ako sa entrance door nang marinig ko ang malalakas na boses at tawanan ng isang grupo ng kalalakihan na kapapasok lang dito sa coffee shop. They headed directly to the longest table we have. Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa napag-utusan na naman ako na magserve sa table ng mga binatang pumasok kani-kanina lang.
“3 Coffee Milk Shake, 3 Frappe, 2 Irish, and 2 Milk Shake… your plates of pasta will follow, Sir,” inilapag ko ang kanilang orders.
My lips are now in a thin line at nagsalubong ang aking mga kilay nang mapansin kong ang isa sa kanila’y titig na titig sa akin. Napansin ko pa kung paano bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. I cringed when I saw him wink at me. What an ass! Mabilis akong tumalikod at inis na nilapag ang tray sa counter.
“Oh? Anong nangyari?” Arianna asked.
“May gago lang…” umirap ako.
“Saan?” luminga-linga ito ng tingin.
“Nagkakalat.”
I made my way to the kitchen pero kung minamalas ka nga naman. I’m tasked again to serve the plates of pasta from the asshole’s table. Hindi naman ako makahindi dahil as of the moment, ako lang ang walang ginagawa. Everyone’s busy attending our other customer’s needs.
I sighed heavily to calm my nerves first before I headed to their table bringing the tray containing their pasta.
“4 Spinach and Ricotta Rotolo, 3 Orecchiette Sausage Pasta, and 2 Pasta with Creamy Zucchini Sauce…” mabilis kong inilapag ang kanilang mga orders dahil nagkakagoosebumps ako sa klase ng titig ng gago.
I was about to turn my back when the asshole called my attention. Umirap ako at nagsuot muna ng plastik na ngiti bago sila hinarap. Ang panget talaga ng gago.
“What do you need, Sir? Any additional order?” pinipigilan ko ang sariling mapangiwi at irapan siya.
“I’d like to order Julienne. How much is she?”
“Excuse me?!” salubong na salubong na ang aking kilay. Hindi na rin nakatakas ang galit sa aking boses. Napapalingon na rito ang ibang nasa kalapit na table.
“I’d like to buy you –“ before he could finish his sentence, bumulagta na siya sa sahig. Ang bilis ng pangyayari. Nanigas pa ako sa kinatatayuan ko dahil ang tagal pinroseso ng aking utak ang nangyayari.
“Kianne!” buong lakas ko siyang hinila dahil hindi na niya tinigilan sa pagsuntok ang gago. Putok ang labi ng gago at dumudugo pa ang kanyang sentido.
“K-Kianne, stop it please…” my voice broke. Niyakap ko siya nang mahigpit mula sa gilid. Tumigil na ito sa pagpiglas at ipinulupot ang kanyang kaliwang kamay sa aking baywang.
“Don’t bring your perverted behavior here, Villones, if you still want to see the sunrise.”
Ramdam na ramdam ko ang lamig sa kanyang boses that it sent chills through my body. When I looked at the asshole’s direction, I noticed that a cold shiver of fear ran through him and his friends.
“A real man doesn’t disrespect women... The next time you disrespect my girl, Jackass, prepare a casket. You know what I can do.”
He eyed them dangerously before pulling me and bringing me out of the coffee shop.