Chapter 11

2089 Words
Assholes are really scattered everywhere, spitting their asshole-ness.   Napalingon ako kay Kianne nang napagtanto kong hindi ang daan pauwi sa apartment ko ang tinatahak namin ngayon. I really appreciate him for defending me from the asshole a while ago, but I’m pretty sure that Manager Ysa is looking for me right now. Pero alam ko ring maiintindihan niya naman siguro.   Kumukulo pa rin ang dugo ko dahil sa nangyari kanina. Sino ba namang matutuwa kapag nababastos ka? Kung wala pa si Kianne kanina, baka ako naman ang nanakit dun sa bastos na gagong ‘yon.   His jaw is still clenching. His grip on the steering wheel is so tight that I can see his knuckles almost turning white.   The abnormal thumping of my heart quintupled. I blinked. May gano’n ba? Basta naiisip ko pa lang ang ginawa niyang pagtanggol sa akin kanina, hindi na nagiging normal ang pagpintig ng puso ko.   “Where are we heading?” I asked.   He remained silent. I sighed at binaling ko ang aking tingin sa mga nadadaanan namin. Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa labas, tanging lamp post lang ang nagtatanglaw sa bahaging ito ng boulevard.   I unbuckled my seatbelt and went out without looking at Kianne. Umupo ako sa isang may kalakihang bato. The sea breeze is cold, and it caressed my skin gently. Iniyakap ko sa aking sarili ang aking dalawang braso. Kumalabog ang pinto ng sasakyan ni Kianne, and the next thing I knew, pinasuot na niya sa akin ang kanyang jacket. Nanuot sa aking ilong ang amoy ng perfume na dumikit dito. Amoy Kianne.   Napatingin ako sa kanya pero hindi niya naman tinatapunan ng tingin ang aking mukha. He sat beside me. He’s looking intently at the dark sea. The lights from the boats and barge are like stars glimmering in the dark.   Lumipad ang aking paningin sa ‘di kalayuang cake shop. It’s already close. Ang ilaw na lamang sa labas ang nagsisilbing liwanag dito. The plants outside are dancing with the wind. Memories flooded my mind in an instant. I smiled but it vanished quickly like a bubble being popped. If only I could travel through time, then I’d correct my mistakes from the past.   Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. Lumunok ako at ibinaling ang tingin sa harapan kung saan ang dagat na binabalutan ng dilim.   “T-Thank you… Thank you for defending me a while ago,” I said sincerely.   Napahigit ako ng hininga nang tingnan niya ako sa mata. It’s like something’s written in his eyes that I couldn’t read.   “What happened earlier… Does it often happen to you?” ang malamig niyang boses ay parang dumagdag pa sa lamig ng hangin. Buti nalang at nakasuot na ako ng jacket.   I shook my head, “No. Kanina pa lang ‘yon nangyari.”   Pumikit siya nang mariin. I saw him balled his fist, and I even caught him murmuring something. Nang magmulat siya ng mata ay nagtama ang tingin namin.   “What?” para kasi siyang ewan.   He shook his head and looked away. Ginulo niya ang kanyang buhok. Ang cute.   “’Wag mo ng isipin ang gagong ‘yon. Nagsusunog na ‘yon ng kaluluwa sa impiyerno.”   “How can I? I hate it when someone disrespects my girl. All I want is to strangle him to death,” may panggigil ang kanyang boses. I don’t know why but it seems like my heart is embraced by something gentle.   Calm down. I keep on reminding myself that this is just part of the deal, so I can stop myself from smiling.   “Sorry. Nastress ka pa dahil sa’kin.”   Mabilis niya akong binalingan ng tingin, “Don’t be. Wala ka namang kasalanan. I’m just too annoyed with that asshole’s guts to use his perverted attitude to you.”   I didn’t answer him. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. It is so peaceful. Tumingala ako, and I was mesmerized by the starlit night. The first quarter moon is hiding behind the clouds that are like dragons hovering the night sky.   Lumakas ang ihip ng hangin at isinayaw nito ang aking buhok. Remind me to dye my hair again tomorrow dahil medyo lumilitaw na ang pagka brown ng mga roots nito sa gitna na part. Pansin ko lang kasi kanina when I combed my hair.   “So beautiful…” I blurted out.   “Yeah, it is…” sa paos niyang boses. Napalingon ako sa kanya at dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang makitang hindi naman ito nakatingin sa langit, sa halip ay titig na titig ito sa akin.   Gusto kong mag-iwas ng tingin dahil parang hindi ko kinakaya ang intensidad ng titig niya, pero hindi ko naman magawa. Para akong hinihigop ng kanyang mga mata. Nakakalunod. My breathing hitched, and I’m afraid that he might hear the super loud and wild thumping of my heart. Ang mapayapang paligid namin ay kabaligtaran ng nagwawala ko ng kaloob-looban.   Ang mga buhok namin ay parehong nililipad ng hangin. The sound of the crashing waves is our background music.   Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano’ng ayos nang biglang parang may pumitik sa utak ko kaya natauhan ako. My eyes widened and my cheeks heated profusely. I looked away at umayos ng upo. I slightly pinched my right cheek.   I heard him chuckled lightly. Shucks! Nakakahiya!   Pumulot ako ng maliliit na bato at hinagis ko ito sa dagat. Gusto ko lang ilabas ang pagkapahiya ko. Nang mapagod ay tumingala ulit ako sa kalangitan. I always love the night sky kasi hindi masakit sa mata kahit buong gabi mo pang tingalain.   I love the stars and the moon. Palagi ako nitong pinapahanga.   “Do you know that I prefer the moon than the sun?”   From my peripheral view, I saw him looking at me.   “Yeah, I know. Just now.”   Nilingon ko siya at inirapan. What a jerk! Tinawanan niya ako pero kalaunan ay sumeryoso rin.   “Why?”   “I just love everything that gives light during the times where darkness looms.”   Tinitigan niya ako. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon sa kanyang mukha. I gave him a smile. I just hope I was able to conceal the sadness behind it, though.   Sa sumunod na araw, I dyed my hair again before going to my part time job. Nagulat pa ako nang salubungin ako ni Manager Ysa ng yakap. Alalang-alala siya sa akin. She banned the asshole who disrespected me from the coffee shop. Parang feeling ko nagkaroon ako ng protective nanay. May bago na kaming staff na lalaki, he’s assigned to attend the needs of our men customers dahil napakaprotective na ni Manager sa aming dalawa ni Mel at hindi na niya kami hinahayaang magserve sa mga lalaking customers.   Nang maggabi, nagvideo call kami ni Elianna. I decided to tell El that I have a relationship with someone pero hindi ko muna sinabi na peke lang at deal lang ‘yon. Baka biglaan ‘yong mapauwi at kung ano pang magawa niyon kay Kianne. Protective kasi ‘yon sa akin. But really, I decided to tell her the real deal when she gets home. Mas okay naman kasi mag-explain in person diba? ‘Yong hindi kayo sine-separate dalawa ng screen ng phone o kaya lappy.   “Take care, El! Next time ulit…”   “Of course! Take care rin, Twinnie. I’m super excited to see you soon!” she giggled. I laughed.   “Bye!” I waved my right hand.   “Bye…”   Nilapag ko muna ang phone ko sa kama at tinungo ang pinto dahil may kumakatok sa labas. Mukhang kanina pa ata ‘to, akala ko kasi sa kabilang unit. Hindi ko masyadong narinig dahil ang daldal ni El tapos ang lakas pa ng tawanan naming dalawa.   As soon as I opened the door, bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Melanin. She’s bringing a duffel bag, backpack, and two pillows.   “Ang tagal mo namang magbukas!” reklamo nito at nilampasan ako sa doorway.   “Ba’t ka nandito?”   “Grabe naman ‘to! Dito muna ako sa’yo kasi biglaang pumunta sa Dipolog si Mama kaya wala akong kasama. May emergency lang kasi do’n.”   “Nagdinner ka na?”   “Oo, kanina,” sumalampak siya sa maliit kong sofa.   “Malapit ng umuwi si Elianna…”   Bigla siyang napatingin sa akin. She raised her brow, “Oh? ‘La akong paki!” umirap siya.   Sumimangot ako, “Ikaw talaga. She didn’t do anything bad to you.”   “Alam mo, since I brought my laptop, let’s just watch movies!”   We decided to make something to eat while watching movies. I cooked popcorn, while Melanin made the juice. I can say that it’s a good bonding for the two of us.   She chose the first movie we watched which is Knives Out. I must say that it’s great, the plot twist and all. We even have a deduction. The next ones, I was the one who chose kaya nagiging emosyonal kaming dalawa dahil mga tragic love stories ang napili ko.   It’s already dawn when we decided to sleep. I’m afraid we couldn’t wake up early, tapos may duty pa naman kami mamaya sa coffee shop. I set an alarm as well as Melanin. Takot lang namin mapagalitan ni Manager Ysa kung sakaling sabay pa kaming ma-late.   Kinaumagahan, sumasakit pa ang ulo ko dahil sa kakulangan ng tulog. Pareho kami ni Mel na malulusog ang eyebugs na pumasok sa coffee shop.   The hours passed smoothly. Sa apartment ko pa rin umuwi si Melanin, mga tatlo o apat na araw daw siyang dito muna magstay.   “Ikaw naman magluto ngayon ng hapunan,” I said and smiled at her cutely. She just rolled her eyes.   “Oo na! Nakakahiya naman sa’yo…”   Nagbihis muna kaming dalawa. I wore a cream sleeveless top and a black dolphin shorts. Hindi na ako nagsuot ng bra dahil kami lang naman ni Mel ang naririto. Isa pa, it’s more comfortable to let your breast breathe when you’re at home.   Lumabas ako sa kwarto at kinuha ang walis at dustpan. Hindi kasi ako nakapagwalis kaninang umaga kaya ngayon nalang ako magwawalis. Nadaanan ko si Mel na naghahanda sa kanyang lulutuin sa kusina.   Nang matapos akong magwalis ay kinuha ko ang trash bag sa kusina dahil puno na kasi ‘to. May schedule rin bukas na magpipick up ng mga basura.   Nang buksan ko ang pinto ng apartment ay namilog ang aking mga mata at napatalon pa ako sa gulat. Nabitiwan ko ang trash bag na hindi ko pa naitali kaya nagkalat ang mga basura sa sahig. Shucks!   “A-Anong ginagawa mo rito?”   My clumsiness level 999999. Nakakahiya!   “U-Uh–“   “Teka lang, kukunin ko lang ang walis at dustpan.”   Mabilis akong pumasok at kumuha ng walis at dustpan. Pagbalik ko ay niligpit ko ang nagkalat na mga basura, tinali ko na rin ang trash bag. Nahirapan pa ako kasi nanginginig sa kaba ang mga kamay ko. Nilagay ko na iyon sa labas. I can feel his eyes on me the whole time na nagliligpit ako.   “Ano nga palang ginagawa mo rito?”   Nilingon ko siya at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nang mahuli siyang nakatingin sa dibdib ko. Parang may sariling buhay ang mga braso ko at umekis ito sa dibdib ko. Oh my god! Hindi nga pala ako nagbra!   “Bastos ka!” lumapit ako sa kanya at umamba ng sipa pero umilag siya.   I can see his ears turning red. Mas lalo akong nagngingitngit sa inis.   “Bastos!”   “It’s not my fault that you’re not wearing a br–“   Hinahampas ko na ang kanyang braso gamit ang aking dalawang kamay. Ang gago, hinuli niya ang mga kamay ko kaya napatigil ako sa panghahampas. Napatingin ako sa kanyang mukha. His annoying smirk fuelled my irritation for him.   “Ano ba! Bitawan mo ako! Ugh!” nagpupumiglas ako pero ang lakas niya.   “Tumigil ka sa panghahampas,” may pagbabanta sa kanyang boses.   Huminga ako nang malalim, “Oo na! Basta bitiwan mo ako!”   His eyes darkened. Binitawan niya nga ako pero mabilis ko naman siyang inatake ng sipa. Ewan ko basta nanggigil ako sa kanya. He didn’t see it coming kaya nasipa ko ang paa niya at muntik na siyang matumba.   My eyes widened and my heart thumped of worry.   Mas dumilim ang kanyang mukha. Umigting ang kanyang panga. Nanginginig ang mga binti ko.   “You like aggression, huh?” his voice sent chills down my spine.   I stepped back when he advanced towards me. Kabang-kaba ako. Parang ilang saglit nalang ay mahihimatay ako sa sobrang lakas ng tambol sa aking dibdib. Shucks!   “’Wag kang lumapit sa’kin!” kinuha ko pa ang isa kong tsinelas to threaten him but it seems like he’s not affected at all. Instead, he looks amused.   Hindi niya ako pinakinggan. Lumapit pa siya sa akin kaya umatras ulit ako pero nanlamig ako nang maramdaman ang pader sa likod ko. I panicked when he continued advancing towards me until I got cornered.   Akmang itutulak ko na siya nang hinuli niya ulit ang mga kamay ko. Pumiglas ako pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.   I can almost feel his nose touching my cheek. I almost stop breathing.   “I really like you aggressive,” he whispered at my left ear, “Change. We’ll go somewhere,” at naramdaman ko ang malambot niyang labi sa noo ko.   Then he went out. Leaving me breathless and knees almost turned into jelly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD