I brushed my long, light ash brown hair while looking at my reflection in the mirror. My hair has natural beach waves. Since it’s still my summer break, Tita agreed na sasama ako sa kanya sa cake shop every afternoon.
Katatapos pa lang naming maglunch. Kumpleto ang pamilya dahil nakauwi na si Tito Melvs galing sa Maynila. As soon as we’ve finished eating, I quickly headed here upstairs to change. I just chose to wear shorts, a simple tee shirt, and my Chuck Taylors shoes.
May kikitaing kliyente si Tito Melvs, si Kuya Mart naman ay sa car shop ang tungo, and Ate Mandy will meet her friends, kaya kami lang talaga ni Tita ang pupunta sa shop. Tita wants Ate Mandy to accompany me in the mall to buy me new clothes, but then I sensed her disagreement kaya ako na ang tumanggi dahil marami pa namang ibang panahon.
I don’t know why she loathed me so much. Wala akong maalalang ginawa ko sa kanyang masama, hindi nga kami palaging nagkikita kasi malayo ang mga tinitirhan namin noon. She’s just two years older than me. Hindi nagkakalayo ang mga edad namin kaya dapat nagkakasundo kami, instead of pretending that our relationship is fine even when it’s not.
May kumatok sa pinto, “Juls, are you done? Aalis na tayo maya-maya…”
“Saglit lang po, Tita… bababa na po…”
Pumunta ako sa harap ng round bookshelf at kumuha ako ng libro. I just love books so much. Wala naman akong cellphone na touch screen kaya ‘pag wala na akong maitutulong sa shop ay nagmamasid lang ako sa tanawin sa labas. I haven’t tried reading in front of the ocean yet, so I want to try.
I already asked Tita a while ago if I could borrow the books from my room’s bookshelf, and she said that she won’t mind.
I scratched a piece of paper from my notebook and I placed it in between the cover page and title page of the book entitled “The Fault In Our Stars” by John Green bago ko isinilid ang libro sa aking string bag. I don’t have any bookmark kasi.
Bumaba na ako at nakita kong nilalagay na nila ang boxes ng cookies at cake na ginawa ni Tita kanina sa sasakyan. Tumulong ako.
Day off ng family driver nila kaya si Tita na ang nagmaneho. Mabilis naman kaming nakarating sa cake shop.
Tumulong ulit akong maglagay ng lard at nang matapos ay lumabas ako. But the air outside is warm so I go back inside. A table for two beside the glass wall is empty so I chose to sit there.
Binuklat ko na ang libro at nilunod ang sarili sa pagbabasa.
Nasa chapter 6 na ako nang mangalay ang aking likod kaya tumayo ako and I stretched my arms upward. Bumalik ulit ako sa pag-upo at tumingin sa katabi kong glass wall.
I stared at my reflection. I have a heart shaped lips, pointed nose, and my eyes are upturned. The color of my iris is light brown which reminds me of something… someone. I shook the thoughts off my mind, not wanting to dwell on things which pain me.
Pero kumunot ang aking noo nang kumaway sa akin ang aking sariling repleksiyon. Wait… what?! Ngumiti pa ito sa akin nang malapad. Oh my god!
Nag-iwas ako ng tingin. Minumulto ba ako ng sarili ko na nasa kabilang buhay?
That’s creepy. Nananayo ang aking mga balahibo. Shucks!
When I gazed back, I saw my ghost laughing at me. My eyes widened. Oh my god! Sinusundo na ba niya ako dahil alam niyang wala na akong magulang? Pero hindi pa ako handa! I’m already contented living with Tita and her fam. Aabutin ko pa ang mga pangarap ko! Gusto kong may mapatunayan muna…
May lumapit sa kanyang babae na may light ash brown rin na buhok pero naka bob cut. Hinihila na ang kanyang kanang kamay pero tinuro niya ako sa babae. I saw how the woman’s eyes turned wide. Her lips formed an ‘o’.
I closed my eyes for ten seconds.
Kung hindi ko siya multo, ibig bang sabihin ay may kakambal ako? Naguguluhan na tuloy ako.
Nang imulat ko ang aking mata ay wala na sila sa harap kong glass wall. I sighed. Baka illusion lang ‘yon. Nasobrahan lang ata ako sa kababasa.
Ibabalik ko na sana ang aking paningin sa libro nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang nilalang na naglalakad patungo sa direksiyon ko.
“Hi! What’s your name? Are you Elianna the second?” energetic na tanong ng parang kakambal ko. Imagine pareho pa kami ng height at magkaboses pa!
Sinubukan kong ngumiti sa kanya pero nagmumukha lang itong pilit. I am so confused right now.
“You must be wondering why you looked so much alike with my daughter?” the woman behind my look-alike.
Tumango ako kasi akala ko pa nga multo ko, e.
“I think she’s your doppelganger, El…” nanlalaki na naman ang aking mga mata sa sinabi niya.
My doppelganger?! Sounds creepy. The likelihood of meeting your doppelganger is only one in one trillion, at nangyari sa amin!
“D-Doppelganger?”
“What’s a doppelganger, Mom?” she eyed her Mom with so much curiousity.
“That’s your look-alike or your double but you’re not related biologically…” then she gave her daughter a warm smile.
“Really?! Oh my gosh! You’re my twinnie!” dinamba niya ako nang mahigpit na yakap. Naiilang pa naman ako sa kanya.
“Hi, Twinnie! What’s your real name? I’m Elianna…”
That was the beginning…
I am not really comfortable of having a friend. I’m afraid to open the door of my life and let people in, because I don’t want to experience being left behind again. It’s awful to watch someone dear to you turn her back at you.
But she’s very makulit.
Sa araw-araw kong pagsama kay Tita sa shop, lagi rin siyang nandoon. Talak siya ng talak kahit hindi ko naman kinakausap pabalik.
Kagaya na lamang ngayon…
“Juls, do you want to eat? Manglilibre ako! ‘Cause Mommy gave me one thousand!”
Ikaw na ang mayaman! Ikaw na may mapagmahal na Mommy! Ewan ko pero bigla akong nairita sa kanya. I closed the book I’m currently reading and I stood up. Malalaki ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Doon na nga lang ako sa baba magbabasa, ayoko ng istorbo.
“Teka, saan ka pupunta? Sama ako, Juls!”
Mas lalo kong binilisan ang pagbaba. Nasa baba na ako at nang lumingon ako sa kanya ay nasa hagdan pa ito, dala niya ang kanyang maliit na backpack. Lakad-takbo naman ako pero sa kamalas-malasan, napatid ako sa malaking batong nakaharang. Ang sakit! I’m wearing shorts at mabato sa banda rito so I felt the bruises and cuts on my knees.
I stood up and looked down. Blood slowly trickled down from the cuts.
I wanted to curse so bad. Freaking hell!
Feeling ko tuloy ang hirap maglakad. Umupo nalang ako sa batuhan dahil ang sakit ng mga binti ko. Naiiyak ako. Is this my karma? Ang bilis mo namang dumating! Masisisi mo ba ako? I envy her ‘cause she’s living a normal and happy life, unlike me who showered with misfortune so the remnants of bad luck still lingered in my body.
“Hey… It’s okay not to feel okay, Juls…” she handed me a handkerchief na may burda ng kanyang pangalan. I hesitated if I should accept it or not, but in the end, I grabbed it. Pinunasan ko ang aking mga luha.
Ngumiti siya sa akin, “Today, I will be your nurse and you’ll be my patient. I will treat your wounds, alright?” gamit niya ang kanyang malambing na boses.
Tumango na lamang ako sa kanya. Ginamot niya nga ako. Girl scout talaga ang datingan niya dahil may dala pa siyang first aid kit sa kanyang bag. She dreamt to be a nurse someday kaya kahit bata pa raw siya, nagdadala na siya ng first aid kit just in case na may mangangailangan.
“I want to be your best friend, Juls… Aside from your book, I can be your best friend. But I know that something’s stopping you from letting me in… and I can see that it’s pain. It’s normal to feel pain but it’s your choice to dwell with it or to move on…”
Those words from Elianna lingered inside my mind for a long time.
Unti-unti ko na ngang binubuksan ang pinto…
Mabilis lumipas ang mga araw. Malapit na ang pasukan kaya in-enrol ako ni Tita sa isang university dito sa city.
For the rest of my summer vacation, I spent it by helping Tita Rita sa cake shop and by bonding with El. Though our personalities are polar opposites, nagkakasundo naman kami. Pareho rin kami ng school na pinasukan.
Kung hindi ako palausap, siya naman ay grabe kung tumalak. She’s very sociable, ako naman ay medyo mailap. Kapag nagsasama kaming dalawa ay palagi rin kaming napagkakamalang magkakambal. Hindi naman naming itinatanggi kaya natatawa na lang kami.
I really thought that everything’s fine. I’m slowly healing and adapting sa bago kong buhay. But I guess it’s not always rainbows and butterflies. The skies’ hue will always change, paano pa kaya ang buhay ko?
The unwanted thoughts slowly invaded my mind kaya ipinilig ko ang aking ulo. I don’t want to remember that horrifying day, again.
Tiningnan ko ang aking repleksiyon mula sa salamin ng apartment ko. I dyed my natural light ash brown-colored hair with black. Kung noon ay malapit ng umabot hanggang bewang ang haba nito, ngayon naman ay hanggang balikat na lamang ito.
I wore contacts ‘cause I don’t want to look at the eyes that mirrored hers.
I looked different. Tumaas na rin kasi ako dala ng pagdadalaga, and I’m now in grade ten kaya dapat lang. My height is 5’4 and I’m still slender.
It’s Saturday and I have a duty sa coffee shop.
Nagbihis ako ng faded jeans and black shirt tapos sneakers. Kinuha ko ang bag ko at nilagay roon ang aking wallet and cellphone. I already have an android smartphone dahil binigyan ako ni Tita Rita noong bumisita siya sa akin noong nakaraan. Tinanggihan ko sana siya pero pinilit niya naman ako, aniya’y magagamit ko ito sa school. Tama nga naman dahil noon, pumupunta pa ako sa computer shop para makapag-research at kapag may announcements sa gc namin gaya ng may ipapadalang materials kinabukasan, hindi ako nakakapagdala dahil wala akong phone. Huli ako lagi sa balita.
Hindi naman kalayuan ang coffee shop rito sa tinitirhan kong apartment kaya lalakarin ko lang, tipid pa sa pamasahe.
Magkasabay kaming dumating ni Arianna at Kuya Paulo kaya binuksan na namin ang coffee shop. Hindi naman naglaon ay dumating rin si Manager Ysa.
Nagpupunas ako sa mesa sa sulok nang tumunog ang door chime. Nilingon ko kung sino ang dumating.
Magkasunod ang dalawang lalaki na – okay, I won’t lie, they looked gorgeous. Marami naman akong gwapong batchmates, but they’re different.
Nagtama ang mga mata namin ng lalaking may deep set chuck hazel eyes. I blinked twice when he smirked at me. Kinabahan tuloy ako kaya nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.
Nang matapos ako ay nahagip ng paningin ko si Arianna na nagpapacute sa dalawang lalaking nasa harap niya. Yuck! ‘Di naman ako ganyan.
Nang matapos umorder ang dalawa ay napili nilang umupo sa gilid. I went inside the kitchen para tumulong sana sa paghahanda ni Kuya Paulo ng breakfast pero napag-utusan tuloy akong mag-serve. But it’s my job to serve orders ‘cause I’m a waitress. Freaking stupid, Julienne!
Nasaan na ba kasi si Melanin? Kaya nababawasan ang sweldo nito, e, dahil laging late.
Nilagay ko na ang dalawang orders ng Beef Tapa with egg sa tray saka ako lumabas mula sa kitchen. Arianna already served their coffee.
Bago ako makalapit sa table nila ay napansin kong wala roon ang isang lalaki, probably nagre-rest room.
“Two orders of Beef Tapa with egg, Sir…” I placed the two plates on the table. Medyo nanginginig pa ‘yong kamay ko.
“Relax… You looked tense,” mas lalo lang atang lumala ang kaba ko dahil sa pagsasalita niya.
He eyed my chest and smirked at me. What a jerk! Parang nakita niya ata ang reaction ko dahilan upang matawa ito.
“I’m just looking at your nameplate, Julienne…” parang umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha. Shucks! Nakakahiya naman.
He gave me an amused smile.
“Hoy Alvin, stop flirting!” dahil sa gulat ko sa biglang nagsalita sa tabi ko ay may nasagi ako sa table nila. Umalingawngaw ang tunog ng pagbagsak nito sa sahig ng coffee shop.
“s**t, Alvin! iPhone 11 Pro Solarius Zenith by Caviar, worth $100, 000, binabagsak lang sa sahig?” sinundan niya pa ito ng malakas na halakhak.
Pero ako ay parang tinakasan naman ng dugo sa mukha dahil sa sobrang kaba lalo na nang tingnan niya ako gamit ang kanyang malalamig na mata. Madilim ang mukha nito at parang ilang sandali nalang ay kakainin na ako ng buhay.