Chapter 2

2066 Words
Nagmamadaling bumaba sa Ford Ecosport na may kulay na moondust silver si Miss Mina. Hindi pa nga ito nakapagbihis dahil sa sobrang pagmamadali, she’s still in her cotton shorts, tank top, at nakatsinelas pa.  With a worried look, she immediately ran towards me at nang makalapit sa akin ay mahigpit ako nitong niyakap, “Doon ka muna sa apartment ko, Juls… magpahinga ka muna kasi ang layo na ng nilakad mo. Bukas nalang natin pupuntahan ‘yong Tita Rita mo, okay?” tumango ako at ngumiti.   “Maraming salamat po talaga, Miss Mina, sorry kasi naaabala ko pa po kayo…” ani ko sa nahihiyang boses.   “’Wag mong isiping nakaaabala ka, Juls, kasi wala naman akong ginagawang mahalaga sa ngayon, and remember that I’m always willing to help you… pamilya ko na rin kayong mga estudyante ko diba?”   Family… I always wish to have one aside from my fam in school.   “Thank you, thank you po talaga...”   “You’re always welcome, Juls… I got you always,” she gave me a warm smile, “Sige na, ilalagay na natin ‘to sa sasakyan ang mga gamit mo para makaalis na tayo. Alam kong nagugutom ka na rin…”   Kinuha ni Miss Mina ang dalawang handbag, sumunod ako bitbit ang backpack.  Binuksan ni Miss ang pinto sa likod at pinasok ang mga bags sa backseat saka kami sumakay.   Tumagal din ng mga twenty minutes ang biyahe bago kami nakarating sa apartment  ni Miss. Mag-isa lang naman daw siyang nakatira dito dahil parehong nasa abroad ‘yong parents niya at ‘yong kuya niya naman ay may pamilya na rin. Mas gusto nga raw ng parents ni Miss na doon na rin siya tumira sa London pero matagal na niyang pinapangarap maging guro, and she wants to fulfill her dream. Dito niya rin napiling magturo kasi mas gusto niyang makatulong sa mga kapwa niya Pinoy.   Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng apartment ni Miss. Malinis at organized ang mga gamit. Tatlong kulay rin ang namayani sa interior – folkstone, silverplate, and extra white. May sofa set sa left side, sa tapat nito ay malaking flat screen tv , and beside the sala ay haligi na ang sa itaas ay magandang crown molding lend style and separation na naghihiwalay nito sa  katabing kusina.  Para itong bar counter.   Iginiya ako ni Miss sa puting pinto sa dulo. Pinihit niya ang doorknob ng pinto at bumungad sa amin ang loob ng kwarto na may twilight grey na pintura, nasa gitna naman ang kama na may katamtamang laki, may side table at sa right side ay closet. Mayroon ring air con.   “Magpahinga ka muna dito, Juls… tatawagin lang kita ‘pag tapos ko ng ma re-heat ang niluto ko kanina…” binuksan niya ang air con gamit ang remote saka siya lumabas.   “Sige po, Miss… salamat po.”   Nilapag ko ang backpack sa tabi ng mga handbags na nasa sahig at humilata ako sa kama. Parang ngayon ko lang ata naramdaman ang sobrang pagod ko. Mga isang oras at kalahati rin akong naglakad kanina mula sa Oroquieta City at napadpad ako malapit sa Panaon.   Ano bang pumasok sa utak ko at naisip kong maglakad ng ganun kalayo? May bitbit pa akong mga mabibigat na bag. Hanggang isip lang pala ako na kaya kong maglakad mula dito sa Oroquieta hanggang Ozamiz kung saan nakatira si Tita Rita. Mabuti nalang at nandiyan si Miss Mina.   I wish my Mama has the same level of concern for me as Miss Mina’s. Okay naman kami ni Mama noon, e. Nito lang nakaraan na napapansin kong biglang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Noon ay maalaga ito sa akin, lagi akong pinagluluto kasi ayaw niyang nalilipasan ako ng gutom, pinabaonan pa ako nito ng tuna sandwich everyday bukod sa pera, at kapag nakakasweldo siya ay pinapasyal niya ako.   Pero nitong nakaraan, parang nawawalan na siya ng pakialam sa akin, hindi ko masyadong pinapansin kasi baka pagod lang dahil ‘pag tinatanong ko siya ay ‘pagod lang ako’ ang laging sagot niya. Mas lumala iyon nang maipakilala niya sa akin si Tito Ron bilang boyfriend niya. ‘Yon na nga at ilang araw lang ang lumipas mula noon ay iniwan niya agad ako.   Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.   Nagising ako dahil may marahang yumugyog sa akin. Parang blurry pa ‘yong paningin ko kaya kinusot ko ang aking mata, “Juls… Juls, kumain ka muna dahil mag-aala-una na, baka malipasan ka pa ng gutom. Bumalik ka nalang sa pagtulog ‘pag tapos ka ng mag-lunch.”   Dahil kulang ang tulog ko ay sumakit ang ulo ko. Kahit medyo wala pa ako sa sarili ay sumunod na ako kay Miss Mina patungo sa kusina.   “Tapos na kasi akong kumain kanina bago mo pa ako tinawagan kaya ‘di muna kita masasabayan ngayon. Kumain ka ng marami ah, just feel at home.”   “Sige po, Miss…”   “By the way, may kukunin akong documents sa school. Okay lang bang maiwan muna kita dito?”   “Wala pong problema, Miss Mina…”   “I’ll go ahead then. Kumain ka ng marami, Juls, ang payat-payat mo pa naman…” napatingin tuloy ako sa katawan ko. Kumakain naman ako nang marami pero nagtataka talaga ako kung saan napupunta ‘yong mga kinakain ko kasi parang ‘di man lang ako nagkakalaman.   Ang ideal naman ni Miss Mina. Maganda na nga, mabait pa, maalaga, masarap magluto, at career-oriented. Swerte ng mapapangasawa niya.   Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko at nilagay sa loob ng cupboard. Bumalik rin ako sa kwarto. Nagbihis muna ako ng pambahay at natulog ulit dahil sumasakit pa rin ang ulo ko dahil sa kakulangan ng tulog.   Kinabukasan, maaga kaming bumiyahe ni Miss Mina papuntang Ozamiz.   Tinawagan ko na kagabi si Tita Rita. Sinabi ko na sa kanya ang sitwasyon ko at aniya’y doon raw muna ako manatili sa puder niya habang wala pa kaming balita kay Mama. She said that she’ll try to contact Mama, but I doubt kung maco-contact pa niya iyon.   Maaliwalas ang buhay ni Tita Rita dahil bukod sa may car shop sila at cake shop, broker din kasi si Tito Melvin, Tita’s husband. Dalawa lang ang anak nila at kambal, sina Kuya Martin at Ate Mandy.   Nasa labas pa lang kami ay rinig na agad namin ang malakas na boses ni Tita Rita mula sa loob, “Martin, Mandy, nandito na si Julienne!” bumukas ang main door at iniluwa doon si Tita Rita na nakabun ang buhok at naka-apron pa na kulay orange.   “Juls!” dinamba ako nito ng mahigpit na yakap.   “Tita…”   “Kung makikita ko talaga ‘yang Mama mo ay babaliin ko ang leeg niya at hihilahin ko ang buhok hanggang sa makalbo siya… ‘di man lang niya inisip ang kapakanan mo,” tinawanan ko si Tita Rita. I just want to escape from the pain, kahit ngayon lang. Nakakapagod rin kasi.   Nang bumitaw sa yakap ay pinakilala ko kay Tita si Miss Mina.   “Tita, si Miss Mina nga pala. Adviser ko po at siya po ang tumulong sa akin at naghatid sa akin rito…”   “Hi, Ma’am… nice to finally meet you…” Miss flashed her vibrant smile.   Ngumiti naman si Tita Rita, “Nagagalak rin akong makilala ka, Miss Mina. Maraming maraming salamat sa pagtulong mo rito sa pamangkin ko. Tatanawin namin itong utang na loob sa’yo…”   “Naku po! ‘Wag niyo pong alalahanin ‘yon. Pamilya na rin kasi ang turing ko sa mga anak ko sa school…”   Inaya na kami ni Tita na pumasok sa loob pero tumanggi si Miss Mina kasi may kikitain pa siya before lunch.   “Take care always, Juls. Be good… and if you have any problems or concerns, don’t hesitate to contact me, alright?”   “Okay po. Thank you so much… thank you a million, Miss Mina. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko kung wala po kayo…”   “Don’t think about it. Live your life to the full, Juls…” then she gave me a warm sisterly hug before she went inside the car.   “Thank you so much, Miss. Mag-iingat rin po kayo…” kumaway ako sa kanya dahil ibinaba niya ang glass window sa driver’s side, “Gotta go…” hinintay ko muna hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan ni Miss bago ako pumasok sa loob. Kinuha na ng kasambahay nila Tita ang tatlong bags ko.   Bumalik sa pagbi-bake si Tita Rita. Iginiya naman ako nina Kuya Martin at Ate Mandy sa magiging kwarto ko. Mabilis ring umalis si Ate Mandy. Hanggang ngayon pa rin pala ay medyo mainit pa rin ‘yong dugo ni Ate Mandy sa akin, ‘di ko naman alam kung saan galing ‘yang galit niya sa akin.   “Okay ka na ba dito, Juls? Bababa lang ako sa car shop ah…”   “Sige po, Kuya Mart…”   Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. The walls are painted with Moss Phlonx accented with Mistflower. Mas malaki ang kama ng kwarto na ‘to kumpara sa kama ng guest room ni Miss Mina. May side table at lamp. Sa left side ay ang closet and beside is the comfort room. Sa right side ng kwarto ay may study table at katabi nito ay isang round na bookshelf na may iilan ring libro.   Nasa kama nakalagay ang mga bag ko kaya sinimulan ko na ang paglilipat ng mga gamit ko sa closet.   Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ay nagpahinga muna ako bago bumaba. Nakita ko si Tita na naglalagay ng icing sa piping bag.   Ngumiti siya sa akin nang mamataan ako, “O Juls, kumain ka muna… may cookies diyan pero magtatanghalian na rin naman tayo maya-maya…”   “’Di pa naman po ako nagugutom kasi nagbaon kami ng pagkain sa biyahe. Ano pong maitutulong ko dito, Tita?”   “Pwede mong tulungan si Letty sa paglalagay ng cupcakes sa box…” ‘yon nga ang ginawa ko.    Pagkatapos naming maglunch ay naghahanda na sila para dalhin ang mga boxes of cupcakes sa cake shop ni Tita. Dahil naisip kong wala naman akong magagawa rito, sumama na ako kay Tita sa cake shop.   Pagdating namin ay nakita kong busy lahat ng staff sa pag-aattend ng mga orders ng customers. Pagpasok ko sa kitchen ay tumulong ako sa paglalagay ng lard sa moulders ng cake. Pero nang wala na akong magawa ay lumabas ako.   May nakahilerang mga mesa at upuan sa labas ng shop pero pinili kong maupo sa gilid na bahagi dahil may mga plants. Nakalilibang tingnan ang mga succulents at cacti dito and I like seeing the ravishing view of the ocean. Boulevard kasi ang katapat nitong cake shop nila Tita. Sa second floor ang cake shop dahil pet shop ang nasa baba at ang owner nito ay kapatid ni Tito Melvin.   Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mapansin kong may sunod-sunod na dumating na mga sasakyan sa parking lot sa baba. Sumunod nito ay ang maingay nilang mga boses at malalakas na tawanan. Nahagip ng paningin ko si Kuya Mart. Mukhang mga kabarkada niya ang mga ito.   Kumaway ako kay Kuya Mart nang inangat niya ang paningin sa banda ko, “Kuya Mart!” mukhang nagulat pa nga ito sa akin pero kalaunan ay kumaway rin ito sa akin pabalik.   May gumuhit na pagtataka sa mga mukha ng mga barkada ni Kuya Mart nang makita ako, mukhang tinanong pa nga nila si Kuya pero ‘di ko na narinig kung anong isinagot niya.   Umakyat na sila papunta rito kaya ‘di ko na sila kita dahil nasa right side ako at ang hagdan ay nasa left side. Kumunot ang aking noo nang mapansing umaaandar pa ang Ford Raptor na nakita kong binabaan ng iilan sa kanila. Heavily tinted ito kaya ‘di ko makita kung may tao ba sa loob, but probably meron kasi ‘yong isa namang sasakyan na Santa Fe ay pinatay naman ang makina.   Lumingon ako sa likod dahil nandito na pala sila Kuya.   “Juls, nasa loob ba si Mama?”   “Opo, Kuya…” sumenyas naman ito sa akin na papasok na sila kaya tumango ako at ngumiti.   “Kyle, nasaan na ‘yong kapatid mo?” tanong ni Kuya sa lalaki na medyo singkit ang mata, magulo ang buhok, at may kaputian.   Nilibot nung Kyle ang kanyang tingin at parang natauhan. Sandaling gumuhit ang pagkainis sa mukha nito, “Bababa lang ako sandali…” tumango si Kuya at nauna sila ng iba sa loob.   I returned my gazed at the ocean.  Bago ako malunod sa kamamasid sa misteryosong karagatan ay naagaw ang aking atensiyon sa marahas na pagbukas at pagsara ng kaliwang pinto sa likod ng Raptor.   “Bakit ayaw mong bumaba?”   “Dito lang ako maghihintay sa loob, Kuya.”   My brows furrowed. That voice seems familiar. Hindi ko lang makita ang nagmamay-ari ng boses na iyon dahil ang kanang bahagi ng sasakyan ang pabor sa line of sight ko, natatabunan na ang kaliwang bahagi at malabong makita ko siya lalo pa at malaki’t mataas ang Raptor.   “Ikaw pa nga ang nagpumilit na sumama pero ngayon ay ayaw mo namang pumasok sa loob. Baka hahanapin ka ni Tita…”   “Hindi ‘yan… bumalik ka na doon. Dito lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD