Chapter 1

2005 Words
"We may take different paths, but we have the same goal... and that is to aim high and reach for the sky... As we flip the pages of our own stories, we face and embrace the next chapter of our lives, and we'll bring with us the lessons we learned from our teachers, classmates, schoolmates, batch mates, acquaintances, friends and best friends, and... to our p-parents. All those lessons are engraved in our hearts... so we thank them a million. This is not the end but a dawn of molding us to be the best version of ourselves," pagtatapos ko sa valedictorian speech ko. Sumunod ang palakpakan.   Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Kanina ko pa iyan pinapaalala sa sarili ko.    Bumaba na ako sa stage at bumalik sa upuan ko. Lumingon-lingon pa rin ako sa likuran kung saan nakaupo ang mga parents ng graduates, hoping to see her familiar face pero bigo ulit ako. Bakit pa ba ako umasa?   Pinipigilan ko ang sarili na maiyak lalo na nang magsimula na ang pamimigay ng diploma at awards. Kitang-kita ko kung gaano ka-proud ang mga parents ng mga kaklase ko at ka-batch. Ako nga ay halos hakutin ko na ang awards pero wala itong silbi dahil sino namang sasabit ng mga medals na ito sa akin mamaya?   In alphabetical order based on the surnames of the students ang pagtawag sa amin. Nanikip na naman ang aking dibdib nang nasa L na, malapit na sa R.   Nakakainggit naman tingnan ang mga kaklase ko. Nagse-selfie pa sila ng mga parents nila at kapatid. Kahit kapatid nalang ay wala rin ako. Never ko pang naranasan na magkaroon ng kumpletong pamilya. Ano kayang pakiramdam? Siguro napakasaya, hindi gaya kong tambak sa problema kahit ‘di pa nga tumuntong ng high school.   Iniwas ko ang aking paningin nang makita ang kaklase kong hinalikan sa pisngi ng Mommy niya. Sana all.   “‘Wag ka na kasing lumingon-lingon, Julienne, para ‘di ka nasasaktan ng ganyan!” I mentally scolded myself. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan. I can’t help myself from imagining na what if ganyan din ako? Ano kayang pakiramdam na andito rin si Mama, proud na proud sa akin kaya hinalikan rin ako sa pisngi.   “Julienne…” nilingon ko si Miss Mina na adviser namin, nakatayo ito sa gilid ko. Nasa edge kasi ako ng first row nakaupo.   “Miss?”   “Hindi pa rin ba dumadating ang Mama mo?”   “Hindi na ata ‘yon darating, Miss…” hindi nakatakas ang lungkot sa aking boses. Bumaba ang aking mga mata sa aking mga kamay when I saw the pity in her eyes. Ayoko talagang kinakaawaan kasi mas lalo lang bumibigat ‘yong nararamdaman ko.   Nginitian niya ako, “Don’t worry, Juls, ako na ang sasabit ng medals mo, alright?” ngumiti rin ako at tumango. Mabuti nalang at nandiyan si Miss Mina. She’s like an older sister to me.   Hindi nagtagal at tinawag na ang pangalan ko, “Ramos, Julienne Gaea.”   Tumayo na ako at nagsimula ng umakyat sa entablado. Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka sumayaw na ako ngayon sa tuwa pero hindi naman ito ibang pagkakataon. Hindi ko nga magawang ngumiti ng totoo nang kinuhanan kaming dalawa ni Miss Mina ng picture ng official photographer ng school namin pagkatapos niya akong sabitan ng medals.   “Congrats, Juls! I am so proud of you…” niyakap pa ako ni Miss Mina pagbaba namin sa stage. Naiiyak tuloy ako. Pumikit ako at iniimagine ko nalang na si Mama ang yumakap sa akin ngayon.   “Thank you, Miss Mina!”   “I am rooting for you, alam kong malayo ang mararating mo… Keep soaring, Juls, para na rin kasi kitang kapatid…” hindi ko nga napigilan ang sarili ko, napahikbi na ako.   “Hush… Remember that everything happens for a reason. I won’t say that whatever you’re experiencing right now is okay, but I know that you’ll get past through it, Juls.”   Baon ko ang sinabing iyon ni Miss Mina hanggang sa makauwi ako sa bahay. Sana nga malalampasan ko pa ang mga problema kong ito. Sana.   Madilim na nang makauwi ako. Sobrang dilim rin ng bahay dahil hindi pa na on ang mga ilaw.   Again, I drowned myself in my fantasy…   When I opened the door, the darkness and silence of our home welcomed me. Nang buksan ko ang ilaw ay nagulat ako nang sabay-sabay sumigaw ang Tita, Tito, iilang pinsan, at Mama ko ng ‘CONGRATULATIONS!’ Nagpasabog pa ng confetti. May pa tarpaulin pa at ang daming handa! May lechon, spaghetti, fried chicken, at marami pang ibang putahe.   Naiyak ako sa tuwa. Niyakap ako nang mahigpit na mahigpit ni Mama. Hinalikan pa ako nito sa magkabilang pisngi.   Napapikit ako. Nothing can beat the warmth of a mother’s hug.   I was quickly awakened from my fantasy when I heard the loud knock coming from our main door. Sunod-sunod ito at malalakas. Napakurap-kurap ako. Hindi ko pa nga nakakausap si Mama sa aking pantasya pero naistorbo na agad ako. I wished I could live in my fantasy, though.   Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nasa mid-50s na babaeng pina-blonde ang buhok at ang kilay niya’y pina-tattoo, kapitbahay namin na kahit papaano’y nagmamalasakit sa kagaya kong walang magulang.   “Aling Mertha?”   Ngumiti ito sa akin nang malawak, pinasadahan pa nito ng tingin ang suot ko. Hindi pa rin pala ako nakapagbihis, nakatoga pa lang, “Graduate ka na pala? Congrats, ah! O, heto, may kaunting salo-salo kasi kami sa bahay dahil bagong dating ‘yong anak ko galing Taiwan…” inabot niya sa akin ang Tupperware na punong-puno ng mga pagkain.   Nakakatakam. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkakagutom ko, tapos buti sana kung pag-uwi galing graduation ay may handaan pero sa kaso ko, talagang wala. Wala ngang laman ang lalagyan namin ng bigas, e, kaya ‘di ako makakapagsaing.   “Maraming salamat po, Aling Mertha… Naku! Ang sarap mo pa namang magluto, siguradong nakakatakam ‘to…”   “Sus! Nambola pa. O siya, kumain ka ng marami, ah. Sige at babalik na ako roon…”   “Sige po. Maraming salamat po ulit!”   At least, sa graduation ko, nakakain pa rin ako ng cake, lechon, at spaghetti. Natulog akong may laman ang tiyan. Swerte pa rin ako diba? Kasi sa gabing iyon, hindi ako kabilang sa mahabang listahan ng mga batang natutulog na kumakalam ang sikmura.   Pero narealize kong pati ata swerte ay ayaw sa akin. Binibisita lang ako nito pero umaalis din bigla, iniiwan rin ako.   Kinabukasan, nakita ko na lamang ang sarili ko na naglalakad sa gilid ng daan, tirik ang araw kaya naliligo na ako sa sarili kong pawis, idagdag mo pa ang mabibigat kong bags. Suot ko ang backpack ko at dalawa namang handbag ang bitbit ko sa kamay. Maaga akong pinalayas ng landlady. Ilang buwan na palang hindi nakapagbayad si Mama rito.   Ayaw ko ng kinakaawaan pero kanina ay humiling akong sana’y maawa naman ang landlady naming iyon sa akin kahit konti. Pinapalayas niya pa rin ako kahit kita niya naman kung gaano pa ako kabata at kapayat para palayasin. Naisip niya kaya kung may mapupuntahan ba ako?   I thought about the stranger who brought me home three days ago. Literal home ba ang tinutukoy niya? Kung oo aba’y susunggaban ko na!   Pero nasa’n ba ‘yon? Paano ko masusunggaban kung hindi ko naman siya nakita ulit pagkatapos niya akong ihatid at alagaan ng ilang sandali?   Gusto ko sanang pumunta sa bahay ni Tita Rita pero parang ‘di ko ata kakayanin. Wala naman akong sapat na pera pampamasahe at kung magpapatuloy pa ako nito ay baka bibigay na ang mga binti kong hindi malaman.   May nakita akong waiting shed sa ‘di kalayuan kaya tumungo na ako roon. Buti nalang walang mga tambay rito, uso pa naman sa lugar na ‘to ang cat calling tapos kahit bata ay binabastos na rin. Nakakalungkot isiping patuloy na dumarami ang mga salot sa lipunan.   Hingal kong nilapag ang mga bag sa mga upuan. Kung dito nalang kaya ako tumira? Tapos maghahanap na lang ako ng karton at maglalatag o pwede ring sa mga upuan na lang ako hihiga, tapos manghihingi na lang ako sa mga dumadaan pero ayaw ko namang mag-end up na palaboy, baka ‘di pa ako makatapos ng pag-aaral. Gusto kong mag-aral nang mabuti nang sa gayon ay ‘pag bumalik na si Mama, kahit papaano’y may maipagmamalaki rin ako sa kanya kahit iniwan niya ako.’Yon ay kung babalik pa talaga siya.   Naalala ko ‘yong cellphone na de-keypad na nakita ko sa kwarto ni Mama kanina, naipasok ko sa bag ‘yon, e. Binuksan ko ang zipper sa gilid, nalagay ko nga doon. Sinubukan ko itong i-on, natuwa ako nang makitang gumagana pa pala ito. Three bars ‘yong battery. Pumunta ako sa contacts pero nanlumo ako nang makitang wala ni isang contact number ang nakasave doon, burado lahat pati inbox at mga call history.   I didn’t memorize Tita Rita’s number, so how am I going to contact her? Pero may isang tao akong naalala na memoryado ko ang number. Si Miss Mina!   When I tried dialling Miss Mina’s number, I freaking wanted to cuss! Wala palang load ‘to! Sarap itapon. Wala na akong pag-asa nito pero naalala kong may kaunting coins ata ‘yong coin purse ko.   Bago ko buksan ang coin purse ay nagdasal muna ako na sana naman ay sapat pa ‘yong laman para makapagload pa ako, then nagsign of the cross ako. Pagbukas ko… marami ngang coins! Twenty-five cents nga lang.   Luck, why did you leave me? Don’t you want me? What did I do to gain your hatred?   Binilang ko lahat. Umabot ito ng ten pesos! Diyos ko po! May load naman siguro na five pesos? Sana nga lang…   Lumingon-lingon ako sa paligid, wala namang tao maliban sa mga dumadaan na nakasakay rin sa kani-kanilang sasakyan. Wala naman sigurong magnanakaw nitong mga gamit ko, and if ever meron, makikita ko naman dahil nasa tapat lang ang convenience store kaya tumawid na ako sa daan.   “Ate, may load po ba kayo?”   “Meron. Isulat mo nalang number mo dito tapos ‘yong amount,” binigay niya sa akin ang isang notebook na punong-puno ng iba’t ibang numero at isang green na ballpen.   Sinulat ko ang number ko at amount which is five pesos at binigay ko ulit sa kanya ang notebook. Nang tingnan niya ang sinulat ko ay nalukot ang kanyang mukha, “Ineng, hindi pwedeng magload ng limang piso sa Globe. Sampung piso ang minimum.”   Tiningnan ko ang coin purse ko. Ten pesos nga lang ng laman nito, halos twenty-five centavos pa. Nakakalungkot naman ‘to.   “Magkano po ang bayad ‘pag 10?”   “Thirteen, Neng…” ang laki naman ng patong.   “Hindi po ba pwedeng tumawad?” nagbabakasakali kong tanong pero sumama lang lalo ang timpla ng mukha ng babae.   “Ineng, ang bata-bata mo pa at nagsasanay ka ng tumawad? Manghingi ka nalang ng pera sa nanay mo,” sabay irap nito sa akin. Ang taray naman ni ate. Paano naman ako manghihingi kung iniwan naman na ako ng Mama ko?   A black Tucson parked beside the convenience store, hindi ko nalang ito pinansin at tumawid na ako’t bumalik sa waiting shed.   Matalino ka naman, Julienne, kaya mag-isip ka ng paraan. Save yourself! Kung pwede nga lang ibenta ang talino, baka yumaman na ako.   Tinitigan ko ang suot kong sapatos na Chuck Taylors, may kalumaan na ito pero okay pa rin naman. Magkano kaya ito? Kung ibebenta ko nalang kaya ito? Pero ang tanong ay kung may bibili ba nito…   Ipa-ukay-ukay ko nalang kaya ang mga damit ko? May mga maayos naman akong damit kasi maliban sa binibilhan ako ni Mama ay binibigyan rin ako ni Tita Rita ng mga damit na ‘di na gusto ng anak niyang si Ate Mandy, minsan ay binibilhan niya rin ako ng bago.   Pero natigil ako sa kaiisip ng paraan kung paano magkapera nang tumunog ng pagkalakas-lakas ang maingay na ringtone na nagmumula sa de-keypad na cellphone na nasa tabi ko. Tiningnan ko ito at halos mabitawan ko na nang makita ang dahilan ng pag-iingay nito.   What the freaking freak! AutoLoadMAX!   May load na ako at hindi lang five kundi five hundred! Ang bait naman ni ate. Siya ba nagload nito sa akin?   Nang tingnan ko ang banda ng convenience store, nahagip ng paningin ko ang isang binata na nakahoodie na grey. Hindi ko maaninag nang mabuti ang mukha nito kasi nakasisilaw rin ang shades na suot niya, parang sumakit tuloy ang aking mata.   Ako ba tinitingnan niya? Bago pa ako makalapit sa convenience store ay sumakay na ito sa sasakyan at mabilis itong sumibad.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD