Kinabukasan ay wala pa rin si Hunter kaya nag-alala na ako sa kalagayan ng Mommy nito. Pinuntahan ko ang mga kaibigan niya at nakibalita. Nasa ospital pa rin daw ito na dumadaan pa sa mga tests bago iuwi. Gustong-gusto kong puntahan ang ospital na kinaroroonan ng Mommy nito pero hindi ko alam kung paano magpapaalam kina Mommy. Tiyak na susundan ako ng bodyguard ko hanggang sa loob ng silid kung saan man ako magtungo. "Pupunta si Hunter dito mamaya para kuhanin ang ilang notes na ipinasulat niya sa kaklase niya," wika ni Jay na tila nababasa ang isip ko na gusto kong makita at makausap si Hunter. "A-anong oras?" "Six o'clock, pagkatapos ng huli niyang klase dapat. Kung mahihintay mo siya, tiyak na matutuwa 'yun. Our friend needs your presence at this time. Ikaw ang nagpapasaya sa

