Chapter Fourteen

2588 Words
"Hana! Trixie!"tumatakbong sigaw ni Lyka sa corridor. Nasa labas sila ng room nila ngayon. Hingal na hingal si Lyka nang makalapit na sa kanila. "Napa'no ka?"tanong ni Hana. "Si...si..."utal-utal nitong sabi dahil hinihingal pa rin. Ang layo kasi ng tinakbo niya. "Ilang multo ba ang humahabol sayo at nagkakaganyan ka?"natatawang tanong ni Trixie sa itsura ni Lyka. "Si...si Ash kasi."maiiyak na nitong sabi. "A-ano?"sabay na tanong ng dalawa. Na-curious naman si Aya sa pinagsasabi nito. "I-I...think he's dead."sambit ni Lyka na nagpakaba ng husto sa dibdib ni Aya. Nabitiwan niya ang papel na binabasa kanina. "Ha? Ano? Paano ba nangyari yun?"sunud-sunod na tanong ni Trixie. "Sa labas ng gate, nasagasaan siya ng sasakyan."sabi ni Lyka. "S-si Ash..."sambit ni Aya. Nanginig ang kanyang kalamnan nang marinig ang sinabi nito. At bigla na lang pumatak ang kanyang mga luha. Nagulat naman ang tatlo sa inakto niya. Nilapitan niya si Lyka at niyugyog. "A-are you sure, si-siya iyon?"may bikig sa lalamunan na tanong niya. "Oo.Andun nga si Yesha, umiiyak." "My God!"nasambit ni Hana. Tumakbo kaagad si Aya palabas ng building nila puno ng takot, kaba at pag-aalala ang dibdib niya. Hindi na nakapagtanong pa ang tatlo kung bakit siya nagkakaganun. "Hmm...I smell something fishy, here."saad ni Hana. Sinundan na nila ang tumatakbo at umiiyak na si Aya. Papalayong sirena na lang ng ambulansiya ang nadatnan ni Aya nang makalabas siya. Kumpulan ng mga taong nakikitsismis at ang bahid ng dugo sa kalsada ang nakita niya pagkalabas na pagkalabas. "A-ash..."napahawak siya sa dibdib, hindi pa rin mapalis ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya nawala lahat ang kanyang lakas. Luminga-linga siya sa paligid, naghahanap ng matatanungan pero walang makapagsabi. Hinang-hina na siya. "Ash...nas'an ka ba?"usal niya sa sarili. Naramdaman niya ang pag-ikot ng paningin at mukhang matutumba na siya. Mabuti na lang dumating ang tatlo at inalalayan siya. "Aya! Are you okay?"tanong ni Trixie. They're worried for her lalo na sa inaakto nito ngayon. "S-si Ash...k-kailangan ko siyang makita."sambit niya sa mga kaibigan. "P-pero nakaalis na ang ambulansiya. Hindi natin alam kung saan-" "I need to see him!"hysterical niyang sigaw kay Lyka. Nagulat na naman silang tatlo. "P-pero..."natatamemeng usal ni Lyka. "You said, he's dying! Kaya kailangan niya ako ngayon!"giit niya sa tatlo. "Hush, Aya! Magiging okay rin siguro si Ash."sabi ni Hana to console her. "Ikaw kasi exaggerated ka masyadong magbalita."sisi ni Hana kay Lyka. Napatanga lang si Lyka. "Hana, hindi siya okay. I know he's not okay!"patuloy sa pag-iyak na sabi niya sa tatlo. "Okay, pero bumalik muna tayo sa school. Umupo ka muna, ikaw ang hindi ok rito eh. Mukhang mahihimatay ka na."wika ni Hana. "Oo nga, Aya."dagdag pa ni Trixie at inalalayan pabalik ng campus ang dalaga. Parang tanga si Aya na nakatitig lang sa kanyang cellphone habang naghihintay ng tawag. Ang sabi kasi kanina nina Lyka ay tatawagan na lang siya ng mga ito kapag nagkaroon na ng balita kung saang hospital dinala si Ash. Hinatid siya ng tatlo sa bahay kanina nakaramdam kasi siya ng pagkaliyo. At para makapagpahinga na rin siya ng maayos. Pero heto siya ngayon, natutulala at puno ng agam-agam kung ano na ba ang nangyari kay Ash. Tumutulo na naman ang kanyang mga luha habang nanginginig ang mga kamay na muling nagdial sa numero ni Ash napagod na kasi siya sa kahihintay. Tulad kanina ay ring lang iyon ng ring, walang sumasagot. Hindi na namalayan ni Aya na nakatulog na pala siya sa sofa. Nandito pa rin ngayon si Yesha sa hospital. Ang sabi ng doktor ay maswerte si Ash dahil minor injuries lang naman ang natamo nito. Hinihintay na lang nila ang result ng CT-scan ni Ash, para makasigurado na ayos nga lang siya. Masuyo niyang tiningnan ang natutulog na binata. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Kitang-kita niya kasi kanina kung ano ang totoong nangyari. Hahabulin sana niya ito dahil may nalimutan siyang sabihin nang makita ang humahagibis na sasakyan na sinalubong ni Ash. Sumigaw pa siya pero hindi siya nito narinig. Alam niyang sinadya iyon ng binata iyon ang katotohanang nagsusumigaw sa kanyang utak. Gaano kaya kabigat ang problema nito at ginusto na talagang magpakamatay? Hinawakan niya ang kamay nito na may maliliit na gasgas. May benda ito sa noo at sa braso. Nagkagasgas rin ito sa mga tuhod. Mabuti na lang at malakas ang mga buto nito kaya hindi nabalian. Mag-uumaga na pero pinili ni Yesha na huwag matulog. She just silently watched him. Bukas na siya magtatanong. Isang malakas na ring ng cellphone ang nagpagising kay Aya kinaumagahan. Kinapa niya agad ang cellphone at sinagot ang tawag. "Hello?" "Aya, nalaman na namin kung saang hospital siya dinala. Sinabi sa amin ng manager ni Yesha, ngayon lang." Tiningnan ni Aya ang wall clock , eight thirty na pala ng umaga. "Ok sabihin mo." Her heart beats faster again sa mga pangambang pwedeng mangyari. She prayed na sana ayos lang si Ash. Matapos sabihin ni Lyka kung saang hospital ay dali-dali na siyang umalis. Nakalimutan na nga niyang magsuklay at magbihis. Ang mahalaga ngayon ay makapunta kaagad sa hospital. Magtataxi na lang siya, hindi naman kasi siya marunong magdrive. Nakarating lang ang sasakyan niya dito sa garahe nila dahil minaneho iyon ni Trixie kahapon. Pabilis ng pabilis ang kabog ng kanyang dibdib habang tinutungo ang emergency room ng hospital at halos hindi na niya maihakbang ang mga paa. Hindi niya kasi maisip kung ano ang itsura nito ngayon. "A-ash, mabuti naman at gising ka na."nakangiting bati ni Yesha sa kagigising lang na binata. "Yesha, andito ka pa?"he asked bumangon siya at naupo. "Syempre, hindi naman pwedeng iwan kita rito mag-isa. Lalo na at wala ka namang ibang kasama rito." "I'm sorry..." nakayukong sabi nito. "For what?"takang tanong ni Yesha. "For dragging you here like this. Naabala pa tuloy kita." "Wala iyon. Magkaibigan naman tayo eh."saad ni Yesha na nakangiti to lighten the atmosphere. "Bakit mo ba iyon ginawa?"maya-maya ay tanong ni Yesha sa kanya na ikinaangat ng kanyang ulo, nagtataka sa itinanong ng dalaga. "A-ano ba ang ibig mong sabihin?" "Akala mo ba hindi ko nakita ang ginawa mo? Alam kong sinadya mo iyon, Ash?" Hindi siya makaimik sa sinabi ni Yesha. "May problema ka ba? Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Hindi pa rin makaimik si Ash. Sa halip na sumagot ay yumuko lang siya. Sa sinabi ni Yesha ay muli niya lang naalala ang asawa. Ang asawa niyang kailanma'y hindi siya ginusto. Nagsisikip na naman ang kanyang dibdib dahil sobrang sakit na. "Kung may problema ka pwede mo namang sabihin sa akin eh." "Hindi naman iyon ganun kadali." "Pwede naman nating pag-usapan 'yon para kahit papaano ay gumaan naman ang loob mo. Just don't let yourself, die. Paano na ang mga maiiwan mo? Ang mga magulang mo, ang iyong kapatid lalo na ang asawa mo? Sa tingin mo ba hindi sila malulungkot?" Alam ni Ash na iiyak ang mama at kapatid niya. Baka pa nga ipagluksa siya ng mama niya buong buhay nito. Pero, ang asawa niya, si Aya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nito. Ang sigurado lang niya, she'll be happy 'pag wala na siya. Mabibigyang katuparan na kasi ang pagmamahalan nito at ni Lance. Masakit sa dibdib ang isiping iyon pero wala na siyang magagawa. Hindi siya ang mahal ni Aya at kailanma'y hindi ito liligaya sa kanya. He just don't want her to see her cry everyday. Nag-iinit na ang sulok sa kanyang mata. Thinking about letting her go ay napakahirap palang gawin. "Ash? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Tanong ni Yesha. Hinawakan nito ang kamay ng binata. "I'm always here to support you. I'm always ready to listen whatever problems, you have ."muling saad pa ni Yesha. "Ash..." Dinig ni Ash ang pamilyar na boses na iyon. Sabay silang napalingon ni Yesha sa pinanggalingan ng boses. Nagulat sila pareho ni Yesha nang makita si Aya na papalapit sa kanila. Kaya mula sa pagkakaupo ay bumaba ng stretcher si Ash. Hindi na niya alintana ang nakadextrose niyang kamay at masakit na katawan seeing her now like this. Sabog ang buhok, mukhang hindi man lang ito nakapagsuklay at hindi man nakapagpalit ng damit sa palagay niya. Tsinelas lang din ang suot nito. Nag-aalala ang mukha nitong lumapit sa kanya. Huminto ang dalaga nang isang dipa na lang ang pagitan nila. "Ash..."she said. Nandito na ngayon sa kanyang harapan si Ash, nakatayo at buhay na buhay. And she think, he's fine. Hindi maipaliwanag ni Aya sa sarili pero hindi talaga siya komportable na makita si Yesha sa tabi ni Ash at makitang hawak nito kanina ang kamay ng asawa niya. Nahabag siya kay Ash seeing him like that. Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya ang maluha. Nakahinga na rin siya ng maluwang dahil hindi naman tulad ng iniisip niya ang nangyari rito. Dininig siguro ng Diyos ang panalangin niya. Ilang segundo niyang tinitigan ang mukha ni Ash. Hindi siya makapagsalita. "Aya, b-bakit ka narito? A-ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Ash. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ng asawa niya. That gesture of him, kahit kanina pa niya pinipigilan ang mga luha ay tuluyan nang kumawala ang mga iyon. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahaplos sa kanyang pisngi habang nakatitig pa rin kay Ash. Afterall sa lahat ng nangyari rito ay siya pa ang tinanong nito if she's fine. "M-may masakit ba sayo?"tanong ni Ash. Mas lalo siyang hindi mapalagay dahil umiiyak na naman ito. Hindi umimik si Aya, sa halip na sumagot ay isinandal ang ulo nito sa dibdib ni Ash. Sa buong buhay ni Aya, ngayon niya lang naramdaman that she wants to hug him tightly pero nagtatalo pa rin ang isipan niya kung yayakapin niya ba ito o hindi kaya iyon na lang ginawa niya. Wala siyang pakialam kung nasa tabi lang nila si Yesha. Seeing her cry again, make his heart aches. Kaya ikinulong niya sa mga bisig ang asawa and hugged her tightly. Hindi niya alam kung paano ito patatahanin kaya niyakap na lang niya ito ng mahigpit. Habang ang naguguluhan pang si Yesha kanina ay unti-unti nang nag-sink in sa kanya kung ano ang relasyon ng dalawa kaya nag-exit na muna siya. Hindi niya rin kasi kayang tingnan ang makitang yakap-yakap ni Ash ang pinakamamahal nitong babae. No wonder na kahit minsan ay hindi man lang tumingin sa ibang babae ang binata kaya pala dahil he had already this woman. Kahit ganito ang ayos ni Aya ngayon. Still she looks beautiful. Sa tingin niya ang walang suklay nitong buhok at attire nito ngayon ay mas lalo lang nagpaganda sa kanya. Ayaw mang aminin ni Yesha sa sarili pero nakakaramdam siya ng inggit sa dalaga. "I'm so sorry, Aya if I fail you this time."usal ni Ash sa pagitan ng hikbi ni Aya. Naguluhan ang dalaga sa sinabi nito pero hindi niya na iyon pinansin. Ngayon lang napagtanto ni Ash na hindi naman pala niya kayang pakawalan si Aya. He wants her to be on his side forever para patuloy siyang mabuhay. Ngayon napag-isip-isip niya na kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang ipaglaban ang pag-ibig rito, iyon ang mas tamang gawin niya. Dahil sa kabaitan ni Yesha ay hindi niya na inistorbo ang dalawa. Siya na ang nagproseso sa discharge paper ni Ash para makalabas na ito ng ospital. Binayaran naman ng nakabunggo kay Ash ang bill at nakita na ng doktor ang CT-scan result sa ulo ni Ash. Lumalabas na wala naman itong pinsala sa ulo kaya pinayagan na si Ash na makalabas. Sabay silang tatlo na umuwi at nagpadrop na lang si Yesha sa fastfood, nandoon pa rin kasi ang mga gamit nila ni Ash. Ipinakilala rin ni Ash sa kanya si Aya kanina na asawa nito at inaasahan niya na iyon. Hindi naman siya manhid eh. "Aya, kumain ka na ba?"tanong ni Ash pagkababa nila ng taxi. Umiling lang si Aya sa itinanong niya. "Hindi ka pa kumakain? Ba't hindi mo kaagad sinabi? Kahapon ka pa siguro hindi kumain noh?" Tumango lang si Aya. Nananatili pa ring nakahawak ang mga kamay ni Aya sa braso ni Ash habang papasok sila ng bahay. "May mga stocks pa naman tayo sa ref di ba?" "Oo, meron pa naman."tipid na sagot ni Aya. "Okay. Magluluto na lang siguro ako." wika ni Ash na dumiretso na ng kusina. Habang nagluluto siya ay nasa counter table naman si Aya nakamasid lang sa kanya. Naninibago tuloy siya sa ikinikilos ng dalaga. Ang paningin kasi nito ay nakatutok lang sa kanya. "M-may kailangan ka?" maya-maya ay 'di niya matiis na tanong. "Wala. Gusto lang kitang panoorin magluto."sagot nito sa kanya. Hindi rin maipaliwanag ni Aya sa sarili pero sa mga oras na ito, ang gusto niya lang gawin ay titigan si Ash. She suddenly feel that urge that she missed this man so much. Hinayaan na lang siya ni Ash. Matapos nilang kumain ay nagprisinta si Aya na siya ang magliligpit. Inutusan siya nitong magpahinga na lang. Masakit pa rin ang buo niyang katawan kaya sinunod niya ito. Hindi niya alam kung ilang oras ba siyang nakatulog basta paggising niya ay gabi na. Mula sa silid ay narinig niya ang ingay ng tv sa salas. Tiningnan niya ang orasan, pasado alas-nuwebe na pala ng gabi. Bumangon na siya at nagtungo sa sala. Nakabukas ang tv pero hindi niya nakita ang dalaga. Tinungo niya ang tv para kunin ang remote control. Papatayin na sana niya nang mapansin niya na nakahiga pala si Aya sa sofa. Mahimbing na itong natutulog. Ini-off niya na ang tv at nilapitan si Aya. He gently touched her face. Napaigtad siya nang maramdamang mainit pala ito. "Aya,"gising niya sa asawa. Gumalaw si Aya at unti-unti nitong idinilat ang mga mata. "Ash..."sambit nito sa pangalan niya. Bumangon si Aya at naupo. "Ash, may masakit ba sayo? Teka, sabi ng doktor kanina na bumalik raw tayo pag may masakit sayo. Teka, kukunin ko lang ang bag ko." Dali-daling tumayo ang dalaga at tumalikod kay Ash. Tumakbo ito papunta sa silid nito. Sinundan niya ang dalaga sa silid nito. Nasalubong niya ang nagmamadaling asawa. "Ash!"nagulat pa si Aya nang yakapin siya ng mahigpit ni Ash. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. She think she could even hear her own heartbeat. She can't hardly breathe. Inangat niya ang ulo para tingnan sa mukha si Ash. And she saw those eyes full of concern and...love? Hindi niya alam kung love nga ba ang nababasa niya sa mga mata ni Ash. Pinagdikit ni Ash ang mga noo nila. Ipinulupot nito ang mga kamay sa maliit niyang beywang. Para na naman siyang nahihipnotize sa mga titig nito. "Ash...m-may problema ba?"nag-aalala niyang tanong rito. Nakita niyang ipinikit ni Ash ang mga mata nito at muli na naman siyang ikinulong sa mga bisig ng binata. "Ash."naiusal niya. "Aya, I'm so sorry kung nabigo na naman kita."naguluhan na naman si Aya sa sinabi nito. "H-hindi pa ba tayo, aalis?"tanong ni Aya. "No. Nilalagnat ka, hindi mo man lang ba alam? Paano ba kita iiwanan kung ganito ka?" "Ash?"nagulat siya sa sinabi nito at mas higit siyang nagulat nang buhatin siya ni Ash at inihiga sa kanyang kama. "May sakit ka kaya dapat kang uminom ng gamot."sabi nito. Kinumutan niya ang dalaga. Nagpunta siya ng kusina para kumuha ng tubig at nang makainom na ng gamot si Aya. Binantayan niya ito hanggang sa makatulog na ito ng mahimbing. Habang nakatitig siya sa maamong mukha nito, ngayon he had this firm decision hindi niya na ibibigay si Aya kay Lance o sa kung sino mang lalaki. Gagawin niya ang lahat to make her fall in love with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD