Chapter Thirteen

2382 Words
"Hindi kaya sila na ng muse ng engineering?"sabi ni Trixie habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng mesa. Nandito ngayon sila sa canteen. "Sino? Si Yesha Ruiz ba?"tukoy ni Hana. "Oo nga, te."sabat naman ni Lyka. "Mukhang hindi pa naman siguro."sagot ni Hana. "Paanong hindi? Eh, magkasama na nga sila sa fastfood ni Yesha."giit ni Trixie. "Kasi sa palagay ko hindi naman si Ash ang tipong nanliligaw kaagad. Mahirap basahin kung sino ang gusto niya. He's silent and handsome. Haha. Kaya nga ang cool ng dating niya. Hindi siya yung tipong 'hello pogi ako' kaya habulin n'yo ako mga girls."mahabang litanya ni Hana sa dalawa habang nakikinig lang si Aya sa pinag-uusapan ng tatlo while sipping her juice. "Eh kasi nga hindi niya gagawin 'yun cause he's already married."Trixie exclaimed. "Malalaman at malalaman ko rin kung sino iyang mystery wife niya."dagdag pa ni Trixie. Sa sinabi nito ay muntik ng mabulunan sa iniinom na juice si Aya. Napaubo siya. "Aya, ok ka lang?"Hana asked. "Oo, ayos lang."pilit siyang ngumiti sa tatlo. "Pero alam nyo, I smell something fishy talaga dito kay Yesha, eh."sabi ni Lyka. "Bakit?"si Trixie. "Kasi nakikipaglapit siya kay Ash. Sa tingin ko she likes him at hindi malabong baka maging sila rin. Usap-usapan lang naman ang mystery wife ni Ash eh. O baka nga, si Yesha pa ang mystery wife niya malay natin!"litanya ni Hana. Hell no! Agad na tumutol ang utak ni Aya sa sinabi ng kaibigan. She could not explain to her self pero hindi niya talaga gusto ang ideyang iyon. Hindi niya na talaga maintindihan ang sarili, after that kiss three days ago ay nagulo na talaga lalo ang mundo niya. Hindi niya na malaman kung ano ba ang totoo sa kanyang nararamdaman. Lutang na palagi ang utak niya sa kaiisip sa relasyon meron sila ni Ash. Kinahapunan dahil masama ang pakiramdam ni Aya ay dumiretso na siya sa parking lot. Hinintay niya ang pagdating ni Ash para ihatid siya nito pauwi. Ganoon na ang naging setup nila ng dalaga, ihahatid muna ni Ash pauwi ang dalagabago pumasok sa fastfood. Six pm kasi ang time in niya dun hanggang eleven ng gabi samantalang four thirty naman ang uwian ni Aya kaya makakahabol pa siya sa trabaho. Iniiwan na ni Ash ang sasakyan sa bahay at nagco-commute na lang siya papunta sa workplace niya. "Pasensya na kung napaghintay kita, pinuntahan ko pa kasi si Yesha."wika ni Ash. Agad siyang nagsuot ng seatbelt at pinaandar ang makina. "Bakit? Kailangan mo pa bang magpaalam sa kanya na uuwi ka muna?"iritang tanong ni Aya habang hinihilot-hilot ang sentido. Masakit kasi ang ulo niya kaya hindi na siya pumasok ngayon sa last subject niya. Gusto niya kasing magpahinga kaya tinawagan niya kanina si Ash na uuwi siya ngayon ng maaga. "Ha?"nagulat naman si Ash sa sinabi nito. Naramdaman niya kasing hindi iyon nagustuhan ng dalaga. "Kailangan ko pa bang ulitin?" "N-no. Nakiusap lang ako sa kanya na siya na lang sana ang magpasa sa mga plates ko mamaya."paliwanag niya. Pinaandar niya na ang sasakyan at nagmaneho na pauwi. "Bakit kailangan mo pang magtrabaho? Kulang pa ba iyong ipinapadala nina mama at papa buwan-buwan?" "Hindi naman sa ganun, Aya."heto na naman, mag-uumpisa na naman ang pagtatalo nila. "Then why? Dahil ba hindi mo mai-date sa class na restaurant ang babae mo, ha?" biglang naapakan ni Ash ang break ng sasakyan sa sinabi nito. "Ano ba ang gusto mong gawin ko? Akala ko ba pumayag ka na, na magtrabaho ako. It's not about a woman, Aya. Hindi naman pwedeng umasa na lang tayo palagi sa parents mo kung pwede naman akong magtrabaho."may halong inis sa boses niya nang sabihin iyon. Muli niyang pinaandar ang sasakyan. "Eh pwede ka naman magtrabaho sa iba, ba't doon pa?" "Dahil nga kakilala ni Yesha ang manager doon sa fastfood na 'yun at pwede akong makarequest na maging flexible ang time ko kasi working student ako."mahabang paliwanag niya. "Eh, ba't hindi mo na lang sabihin na dahil nandun si Yesha kaya nandun ka rin."nakabusangot ang mukha nitong sabi while leaning her head on the window. Bago niya pa napigilan sa pagsasalita ang kanyang bibig ay nasabiniya na iyon. Malungkot ang mga matang nakatingin siya sa daan pakiramdam niya ay mukhang lalagnatin ata siya. "Kaibigan ko lang si Yesha, Aya so don't think more than that." "Pero kayo ang pinag-uusapan sa school. Kesyo siya ang mystery wife mo at kung anu-ano pa!"giit ni Aya. "You know more than them kung ano kami ni Yesha at kung sino ang asawa ko kaya huwag mo na silang intindihin."diin niya rito. "H-hindi ko naman talaga alam kung a-ano kayo ni Yesha eh."mahina niyang bulong. Is she jealous? Natanong ni Ash sa sarili. Hindi naman siguro dahil si Lance naman ang mahal nito. Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Ash at hindi na siya umimik. Ayaw niya na kasing umabot pa sa kung saan ang usapan nila. Baka umiyak na naman ito. Hindi niya alam kung bakit umuwi ng maaga si Aya, basta na lang kasi siyang tinawagan nito kanina na uuwi na ito agad-agad kaya hindi naman siya makahindi para ihatid ito kaya umabsent na lang siya. Hindi niya pa rin magets ang dalaga kung bakit na lang ito biglang naging interested sa kanila ni Yesha. Dati naman hindi ito nagtatanong about sa dalaga. Agad siyang umalis ng bahay pagkarating nila. Tumawag na lang siya ng home service para sa hapunan ng dalaga hindi na kasi siya makakapagluto. Mula sa bintana ay sinilip ni Aya ang nagmamadaling pag-alis ni Ash. Malungkot siyang naupo sa sofa. Hindi man lang kasi napansin nito na mukhang may sinat siya. Nahiga siya sa sofa para kahit sandali man lang ay makaidlip siya. Naisip niya kasing magluto ng hapunan. Quarter to twelve na nang makauwi si Ash galing trabaho. Tahimik ang buong bahay. Siguradong mahimbing na ngayon ang tulog nito. Nagpunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Bago umalis ay tiningnan niya ang pagkaing nakatakip sa ibabaw ng mesa baka kasi hindi na naman kinain nito ang inorder niya. Nagulat na lang siya nang makitang medyo sunog na hotdog at porkchop ang naroon at hindi iyong pagkaing inorder niya. Sigurado siyang si Aya ang nagluto nito, hindi naman kasi ito marunong magluto at pritong sunog lang ang alam nitong lutuin. Umupo siya at napapangiting kinain iyon. For the first time ay nagluto ang asawa niya para sa kanya kaya kakainin niya iyon kahit sunog pa. Kinabukasan ay maaga na naman silang pumasok para hindi pa masyadong matao sa campus ayon sa napagkasunduan nila ni Aya na dapat walang makaalam sa relasyon nila. Kanina pa niya napansin na matamlay si Aya, ayaw niya lang magtanong kung may dinaramdam ba ito? Baka kasi pagmulan na naman iyon ng pagtatalo nila. He never see her smile mula nang makasal sila na nagpapabigat lalo sa kanyang damdamin. Hindi niya pa alam king sa ano'ng paraan niya gagawin ang tuluyang pakikipagkalas sa dalaga. Siguro dapat makausap niya muna si Lance to make sure everything is okay, when he's gone. Literally. Iyon lang kasi ang pinakamadaling paraang alam niya. Kinahapunan habang pababa ng hagdanan sa labas ng library ay parang nag-slow motion ang lahat seeing him again under that umbrella. Umuulan na kasi. Tatakbo na sana si Aya papunta sa parking lot nang masalubong niya si Lance. Nasa baba si Lance samantalang nasa kalagitnaan pa siya ng hagdanan. Hindi na alintana ni Aya ang ulan. Napatda siya sa kinatatayuan, after for a long months ay nagsalubong rin ang landas nila ni Lance dito sa school. Law kasi ang kinukuhang kurso ni Lance kaya nasa ibang building rin ito. Siguro sa kaiiwas ni Lance sa kanya ay nagtagpo rin sila ngayon. Their eyes met. Malungkot na nakatitig sa kanya ang binata at kinukurot na naman ang puso niya dahil dun. Alam niya kasi na siya ang dahilan nun. Hahakbang na sana si Aya ang may marinig siyang tumawag sa kanya. "Aya."dinig niya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay walang iba kundi si Ash pala. Pinayungan siya nito. Hindi rin inaasahan ni Ash na naroon pala si Lance. Tahimik na umalis si Lance sa kanilang harapan at nagtungo sa ibang direksyon. "Lance!"sambit ni Aya. Hinabol niya ang papalayong binata. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya ng ulan. Ang mahalaga ay masundan niya ito. Hindi na rin siya pinigilan ni Ash. Alam kasi ni Ash na hindi rin naman niya mapipigilan ang dalaga and he also wants them to talk. Kahit pa masakit iyon sa loob niya, magpapaubaya na siya para sa ikaliligaya ng babaeng mahal niya. Gusto n'ya na kasing makitang ngumiti at tumawa ng taos sa puso ang dalaga. And it will only happen when return her to the rightful man, to the she truly loves. At hindi siya iyon kundi si Lance. "Lance wait!"habol ni Aya. Tumigil sa paglalakad ang binata at hinarap siya. Tiningnan niya ang dalaga na may awa at lungkot. Gusto niyang iwasan si Aya hangga't makakaiwas siya pero ngayon mukhang langit yata ang nagtakda para pagtagpuin muli sila. "Lance, please talk to me."nakita niya ang pagmamakaawa sa mata nitong kausapin siya. Isinukob niya sa payong ang dalaga, basang-basa na kasi ito at nag-aalala pa rin naman siya sa kalusugan nito. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang pisngi ni Aya. Nagulat na naman siya nang hawakan ni Aya ang mga kamay niya na nagpupunas sa mga pisngi nito. "Lance,"gumaralgal ang boses ng dalaga habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kamay ni Lance. "B-bakit ka ba naliligo ng ulan?"sa halip ay sabi ng binata. Nakatitig siya sa mga mata ni Aya. To those eyes that is full of sadness and hurt. Gusto niyang pawiin iyon pero paano ba? In an instant ay naramdaman niya ang paglapat ng mga labi ni Aya sa kanya. He was shocked sa ginawa nito. Hindi na niya natugon ang halik nito dahil binawi rin kaagad ng dalaga. "I-I love you, Lance and I will always love you."she said while sobbing. "Pero hindi na pwedeng maging tayo, Aya." "Ash promise me that he will put things right. Makikipaghiwalay na siya sa akin kaya pwede pa ring maging tayo." "Pero kasal kayo. Makikipag-annul ba siya?"nakangiting umiling-iling si Aya. "Sabi niya mahirap makipag-annul kaya sa ibang paraan na lang na alam niyang madali. Pero hindi pa sa ngayon, sana mahihintay mo pa rin ako sa pagkakataong iyon."hiling niya sa binata. "Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi ni Ash, o baka naman pinapaasa ka lang niya sa wala Aya."malamig na tugon nito. "Pero Lance, nangako siya sa akin."giit niya sa binata. "I do not trust him, anymore the moment he stole you away from me."mariing sabi nito na mas lalong ikinalaglag ng mga luha ni Aya. "Just please give me a chance, Lance. I love you at sayo lang ako liligaya."sambit ng dalaga. "Hindi ko pa rin maipapangako sayong mahihintay kita, Aya."saad ng binata at tuluyan na siya nitong tinalikuran. Napahawak sa nagsisikip na dibdib si Aya habang patuloy sa pag-iyak. She cries under the rain at nakita lahat iyon ni Ash. She cried again because of him at habang nakatali pa rin sila sa kasal ni Aya ay patuloy at patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Hindi niya na matiis kaya nilapitan niya na ang dalaga. "Don't look at me like that, Ash!"bulyaw nito sa kanya. Wala nang masyadong tao ngayon sa bandang kinatatayuan nila dahil hapon na at malakas pa ang ulan. "Halikana, ihahatid na kita pauwi."sa halip ay sabi niya sa dalaga. "Masaya ka na ba seeing me like this, huh? Begging for the love sa taong mahal naman ako. Ganoon ba?" " I am never happy to see you like this, Aya."usal ni Ash. Kahit kailan naman talaga hindi siya naging masaya sa ganitong setup. Hindi siya masaya dahil alam niyang malungkot sa piling niya si Aya. "Then, gawin mo na ang ipinangako mo. Huwag mo nang patagalin, Ash."she begged for that. Malungkot na tumango lang si Ash sa sinabi nito. So, kailangan niya na talagang gawin ang iniisip niya para mapagbigyan na ang dalaga. Half-day lang kinabukasan ang klase ni Ash kaya ala-una nagstart ang time in niya sa fastfood. Habang nasa trabaho ay lutang pa rin ang kanyang isipan kung paano ba isasagawa ang hinihiling ni Aya. "Ash? Masama ba ang pakiramdam mo?"maya-maya ay tanong ni Yesha sa kanya nang mapansing wala siya sa sarili. "H-hindi naman."sagot niya habang sinasalansan ang mga tray sa ibabae ng mesa. "Okay."masiglang tugon ni Yesha. "Kung gan'un pwede bang pakideliver na lang to sa faculty nila sir Leon, please..."tukoy nito sa bitbit na supot. "Okay, ako na lang nito. Mukhang ang dami pa naman nito." "Thank you, Ash. Ang bait-bait mo talaga."nakangiting sabi ni Yesha. Kinuha ni Ash ang mga supot sa kanya at umalis na. Malapit lang kasi ang fastfood sa university kaya lalakarin na lang niyaiyon. Lutang pa rin sa sariling naglakad siya sa may daan naiisip ang pagtatalo na naman nila ni Aya kagabi. Tinitingnan niya ang maraming sasakyan na dumadaan sa kanyang harapan. Mabilis ang hagibis ng mga ito at maingay. Hanggang sa pakiramdam niya ay halos mabingi na siya sa ingay ng mga ito at nag-slowmo lahat sa kanyang paligid. Humina ang busina ng mga sasakyan at ang takbo ng mga ito. Tanging ang naririnig niya lang ngayon ay ang malakas na t***k ng puso. Tiningnan niya ang malaking gate ng eskwelahan nila na nasa harap niya lang at luminga-linga muna bago ihinakbang ang mga paa. Mabilis na mabilis pa rin ang pagtibok ng puso niya na para bang may dumadagundong sa kanyang dibdib. Isang malakas na busina ng sasakyan ang huling narinig ni Ash. Naramdaman niya ang pagdidilim ng paningin at narinig niya ang hiwayan ng mga tao. "Aya..."sambit ng isipan niya. 'Siguro, matutupad ko na ang kahilingan mo.' Tuluyan na ngang nagdilim ang paligid at wala na siyang narinig pa matapos ang ilang segundo. "Ash!"sigaw ni Yesha. Tumakbo siya papunta sa nakahandusay na binata. Nakita niya na duguan ito. Napaiyak siya ng tuluyan nang makalapit. Agad siyang nagdial para humingi ng saklolo. Kailangan kasing madala kaagad sa ospital ang binata. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya si Ash, pero lupaypay na ito. "A-ash...please huwag ka munang bumitaw ha. Malapit na sila."iyak niyang sabi rito habang hawak ang isang kamay ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD