Chaptet Twelve

1859 Words
"Nasaan na ba tayo, Yesha?"tanong ni Ash sa dalaga. Kanina lang kasi ay basta na lang siya nitong hinila at dalawang beses silang sumakay ng jeep. "Tingnan mo oh? Nasa Wonderland na tayo, noh?" Sabi ni Yesha sa kanya at iminuwestra sa kanya ang isang karatula. Binasa niya iyon. "Eh, hindi naman to Wonderland eh. E-Enchanted Kingdom."basa niya sa nakapaskil na karatula sa taas. "Ay, naku, Ash. Pareho lang din iyon. Halikana."hinila na naman siya nito. Napapasunod naman siya sa dalaga. "Ano'ng gusto mong kainin?"maya-maya ay tanong ni Yesha sa kanya. Umiling-iling lang si Ash. Lumapit sila sa nagbebenta ng ice cream at bumili si Yesha ng dalawang cone. "Heto, ice cream para sa isang makulit na bata, gaya mo!"sabi nito sabay abot ng ice cream sa kanya. Tinanggap niya naman iyon. Kahit nagdurugo ang puso niya ngayon at sobrang nalulungkot siya ay nandito naman sa kanyang tabi si Yesha na palagi na lang siyang pinapangiti. Hindi niya alam kung ano ang meron ngayon pero sasabayan na lang niya ang dalaga para kahit saglit ay makatakas man lang siya sa realidad. Pinilit siya ni Yesha na sumakay ng roller coaster kahit ayaw niya. Kung anu-ano pa ang pinagsasabi nito pumayag lang siya subalit nang makasakay na sila ay sigaw naman ito ng sigaw at ang higpit pa ng kapit nito sa kanya. Mahilu-hilo silang dalawa nang makababa na ng roller coaster. "Ang ingay mo."wika ni Ash. "Sumigaw ka rin naman, ah."nakangiting sabi ng dalaga. Naglakad ito palayo kay Ash. "Saan ka ba pupunta?"tanong niya sa dalaga. Sumunod siya sa likuran nito. "Nagugutom na talaga ako, eh. Kumain muna tayo."she said while walking. Lumabas na sila sa enchanted kingdom at pumasok sa isang kainan. Nag-order ng makakain si Yesha. Bago pa sila kumain ay naglabas ng isang cupcake ang dalaga at sa gitna nito ay nilagyan niya ng maliit na candle. "Teka, ano ba'ng meron? Ano ba 'yang ginagawa mo?"takang tanong ni Ash. "Naku, nakalimutan ko palang magdala ng posporo."nasambit ni Yesha sa sarili. "Ayos na siguro 'to kahit hindi nakasindi."tukoy nito sa kandila. Mas higit niyang kinakausap ang sarili kesa sinasabi iyon sa kaharap na binata. Naa-amuse naman siyang pinagmasdan ni Ash sa kanyang ginagawang pag-aayos ng maliit na stick ng candle sa cupcake niya. "Sabayan mo ako sa pagkanta, ha?" maya-maya ay sabi nito. "Ha?" "Basta, sabayan mo na lang ako para hindi ako mukhang engot tingnan." "Hindi naman eh. Ang ganda ganda mo nga."sabi ni Ash. Natahimik naman si Yesha at nagblush siya sa sinabi nito. "Talaga? Maganda ako?"tanong ng dalaga ng makahuma sa sinabi nito . "Oo naman."nakangiting sagot ni Ash. "Mas maganda pa sa asawa mo?"dagdag pang tanong ni Yesha sa kanya. Itinukod ni Ash ang siko niya sa mesa at ipinatong ang baba niya sa kanyang kamay na animo'y nag-iisip ng malalim. Naghintay naman si Yesha sa kasagutan niya. "Well, kasi...sa palagay ko-" "Ano?"hindi makapaghintay na sabat ni Yesha. "Hay naku! Alam ko na, mas maganda pa rin ang asawa mo."nanlulumo niyang sabi sa binata. Tinawanan lang siya ni Ash. "Maganda ka nga. Tingnan mo oh, pinagtitinginan ka nga ng kalalakihan rito." "Hayaan mo na sila. Sige na sabayan mo na ako sa pagkanta."wika ni Yesha. "Ano ba'ng kakantahin?"tanong ni Ash. "Ahem! Ahem!"she clears her throat first bago kumanta. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to me!"kanta ng dalaga. Noong una ay nabigla pa si Ash sa kinanta nito pero kalauna'y sinabayan niya na rin. "So, birthday mo pala ngayon? Ba't hindi mo sinabi? Sana ako na lang ang bumili ng posporo sa maliit mong kandila."biro niya sa dalaga. "Loko to." "Sige na, i-blow mo na ang candle mong walang sindi."nakangiting sabi ni Ash. Kunwaring hinipan naman iyon ni Yesha. Tapos ay sabay silang pumalakpak . "Happy birthday!" wika ni Ash. "Thanks!"sagot naman ni Yesha at nag-umpisa na silang kumaing dalawa. Nagkwentuhan pa sila ng nagkwentuhan. Napag-usapan rin nila ang tungkol sa part-time na trabaho ni Yesha. Pwede na raw magreport si Ash bukas sa fastfood ayon sa manager ni Yesha. Dahil napasarap ang kwentuhan ni Ash sa dalaga ay hindi niya na namalayan ang ilang ulit na pagba-vibrate ng cellphone niya. Hanggang sa magdilim na ang paligid. "Teka, ite-text ko lang muna ang ka-roommate ko na baka matagalan ako sa pag-uwi."sabi ni Yesha. Sa sinabi nito ay saka niya lang naalala na gabi na pala. "Patay!"natampal niya ang noo at dali-daling isinukbit ang bag at tumayo na. "Teka, Ash? Saan ka ba pupunta?" nagtatakang tanong ni Yesha. "May nakalimutan ako. Maiwan na muna kita. Happy birthday nalang ulit sayo."anitong nagmamadali na sa pag-alis. Habang nakasakay pa siya ng jeep ay makailang ulit niyang dinayal ang numero ni Aya pero out of coverage na ito. Kinakabahan siya na 'di niya mawari. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Sigurado siyang kanina pa naghihintay si Aya sa kanya. Four thirty ang labasan nito at ang oras ngayon ay quarter to seven na. Ano'ng oras pa kaya siya makakarating sa school? Traffic pa naman. 'Where is he? Saan ba sila nagpunta ng babaeng iyon?'tanong ng isipan ni Aya. Narinig niya kasi ang usapan ng mga kaklase niya na magkahawak-kamay na lumabas ng campus ang dalawa kanina. At hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang dalawa. Hindi kaya nakalimutan na siya ni Ash? Sa isiping iyon ay may kirot siyang naramdaman. Hindi niya rin maipaliwanag sa sarili kung bakit niya ba iyon nararamdaman. Ngayon ay nasa parking lot siya nakatanga sa labas ng kotse habang nakaupo sa may gutter. Nilalamok na siya. Ano'ng oras na ba? Tiningnan niya ang relo quarter to eight na subalit wala pa rin si Ash. Ilang ulit niya na itong tinatawagan pero hindi man lang ito sumagot kanina hanggang magshutdown na lang ang cellphone niya sa kakadial ng numero nito. Hindi niya alam kung may nangyari bang masama rito o ano? Basta hindi siya mapalagay at patuloy lang sa pagkabog ng mabilis ang kanyang puso. "Ash, nasa'n ka na ba?"tanong niya sa sarili habang nakayukong yakap ang mga tuhod. Kung marunong lang sana siya magdrive, sana kanina pa siya nakauwi pero iyon ang problema niya. Wala siyang alam sa pagmamaneho at wala rin siyang balak na magcommute dahil mahihirapan lang din siyang sumakay ng jeep at natatakot rin siyang maglakad papasok sa subdivision kung saan naroon ang apartment na tinutuluyan nila. At mas lalo rin siyang natatakot na sumakay ng taxi. Wala kasi siyang tiwala sa mga taxi driver baka kung saan pa siya dalhin nito. Kaya heto siya ngayon kahit nilalamok ay nagtiis siyang maghintay kay Ash kung kailan siya maaalalang sunduin nito. Maiiyak na talaga siya dahil ilang oras na ba ang lumipas sa paghihintay niya pero hindi pa rin ito dumating. Napaangat ang mukha niya ng makarinig ng mga yabag and spotted that familiar shoes. Medyo malayo pa ng ilang metro si Ash sa kanya. "Ash!" sambit niya. Dagli siyang tumayo at tatakbo na sana siya papunta sa binata nang matisod siya ng bato na ikinadapa niya. Napaiyak siya na hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagkatisod niya o dahil nakita niyang ligtas naman si Ash. "Aya!"nag-aalalang sigaw ni Ash nang makitang madapa ito sa may batuhan. Sinaklolohan niya kaagad ang dalaga. "Aya, ayos ka lang ba?"worried niyang tanong sa dalaga at tinulungan itong makatayo. "Ah! Ang paa ko!"sigaw ni Aya, napakapit siya sa braso ni Ash. Pakiramdam niya kasi ay may ugat na na-twist sa ankle niya kaya masakit itayo. Gamit ang isang kamay ay binuksan ni Ash ang pintuan sa frontseat ng sasakyan habang ang isa niyang kamay ay nakaagapay kay Aya. Nang mabuksan na ang pinto ay walang sabing binuhat niya ang dalaga at isinakaysa frontseat ng sasakyan. Iniupo siya nito doon. Nagulat pa si Aya sa ginawa nito at mukhang tumigil yata sandali sa pagtibok ang kanyang puso. "A-are you okay?"tanong ni Ash sa kanya habang sinusuri ang kanyang paa. Hinilot-hilot nito ang kanyang paa at naramdaman niya ang paglatay ng sakit kaya napangiwi siya. Nakita niya ang bahid ng pag-aalala sa mukha ni Ash habang ginagawa iyon tulad ng dati. Yeah, tulad ng dati noong magkaibigan pa sila. Gusto sana niya itong sigawan kung bakit ngayon lang ito dumating pero nalimutan niya lahat ng iba pa niyang sasabihin when she saw that sweet gesture of him again. "Siguradong masakit 'tong gagawin ko pero tiisin mo okay?"sabi sa kanya ni Ash.Tumango lang siya sa sinabi nito. He suddenly pull her ankle after nang hilutin niya ito. Napasigaw si Aya sa ginawa nito dahil masakit nga. "Now, move it?"utos ni Ash. Sinunod naman niya ito. "Ano? Masakit pa ba?" "N-no. Hindi na."sagot niya. "Good."sabi nito. Inayos muna ni Ash ang sintas ng kanyang sapatos bago isinarado ang pinto at lumigid patungong driver's seat. Habang nasa biyahe ay tahimik silang pareho. Gusto sanang magsalita ni Aya, tanungin si Ash kung saan ito galing pero mas pinili na lang niyang manahimik hanggang makatulog na siya sa biyahe. "Aya, narito na tayo."untag niya sa dalaga nang makarating na sila sa apartment. He found out then na mahimbing na pala ang tulog nito. Hindi niya ito ginising pa sa halip ay binuksan niya ang pintuan ng bahay pati sa kuwarto nito saka binalikan ang natutulog pa ring dalaga sa sasakyan. Maingat niya itong binuhat papasok ng bahay. And he slowly laid down her on her bed. Hinubad niya ang suot na sapatos nito at kinumutan ang dalaga. Pinaandar niya rin ang aircon sa silid nito para siguradong mahimbing pa rin ang tulog nito. Tapos ay naupo siya sa gilid ng kama ni Aya at masuyo itong pinagmasdan. Umangat ang kanyang kamay at inayos ang unan nito. Hinawi niya rin ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ng dalaga. Crap! Bakit niya ba nalimutan ang dalaga kanina? Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili 'pag may masamang nangyari rito. "I'm so sorry, Aya."sambit niya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito and softly touches those lips. Alam niyang siya ang first kiss ng dalaga at masaya siya sa isiping iyon hanggang gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Ngayon niya lang ulit napagmasdan ng ganoon katagal ang mukha ni Aya mula nang makasal sila. He really love those eyes, her pinkish cheeks and those lips that he wished it could be 'his' forever. Hanggang hindi na niya namalayan na unti-unti na palang yumuko ang kanyang ulo giving her that sweetest kiss he could ever give. Napadilat ang mga mata ni Aya nang maramdaman na may lumapat sa kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya nang malamang hinahalikan pala siya ni Ash. Napapikit muli siya at hinayaan niya itong halikan siya. At maya-maya ay naramdaman niya ang pagkalas ng mga labi nito. "Sleep tight, honey."bulong nito sa kanya. Muli nitong inayos ang kanyang kumot bago tuluyang lumabas ng kanyang silid. Napabalikwas ng bangon si Aya nang isarado na ni Ash ang pinto. Habol niya ang paghinga at kay bilis-bilis lang ng t***k ng kanyang puso. Napahawak siya sa kanyang mga labi. Naguguluhan na naman siya dahil sa ginawa nito. Why said those sweet words? Napapaisip na tuloy siya. Nahirapan na tuloy siyang makatulog muli dahil sa sinabi at ginawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD