Sa tulong ni Yesha ay nakapag-adjust na siya sa buhay Maynila at sa university na pinapasukan nila. Nasasanay na rin siyang pinagtitinginan siya ng mga babaeng nasasalubong. Minsan nga habang nasa library sila ni Yesha at gumagawa ng assignment sa Calculus ay naitanong niya sa sarili kung may mali ba sa kanya 'cause they keep on staring at him!
"Ang manhid mo lang talaga, kasi!"pabulong na sabi ni Yesha. Magkaharap sila sa mesa.
"H-ha? Bakit?"naguguluhan niyang tanong sa dalaga.
"Hello? Ano ka ba? Wala bang salamin sa inyo?"papilosopang tanong pa ng dalaga sa kanya.
"Meron naman."inosente niyang sagot. "Hay, naku Ash. Matalino ka naman pero bakit ang slow mo."nayayamot na wika ni Yesha at ibinaling ang atensyon sa libro. "Hoy, sige na, sabihin mo na, ano ba 'yun?"bulong na tanong ni Ash. Marahan niyang sinisipa ang sapatos nito sa ilalim ng mesa. Kinukulit niya talaga ito para sabihin kung ano ba ang mali sa kanya at halos dalawang buwan na siyang ginaganito ng mga babaeng nasasalubong niya o kahit saan man siya magpunta.
"Eh, sabihin mo muna sa akin kung sino yung mystery wife mo?"namumungay ang mga matang tanong nito. Kahit na hindi maayos ang relasyon nila ni Aya ay proud pa ring siyang isuot ang wedding ring nila. Hindi niya iyon hinuhubad, gusto niya kasing ipaalam sa iba na may nagmamay-ari na ng puso niya.
"Tigilan mo nga ako. Sinabi ko na sayong secret lang 'yun."hindi naman siya nainis sa tinanong ni Yesha. Nasasanay na rin kasi siya sa kakulitan nito. Alam na ng dalaga na may asawa na siya, yun nga lang hindi nito alam kung sino ang sinasabi nitong mystery wife niya. May kasunduan kasi sila ni Aya.
"Okay, malalaman ko rin naman yun eh."nakangiti nitong sabi.
"Sige na, dali na kasi ano ba 'yun, Yesha?" Lumapit ang mukha ng dalaga sa kanya sabay bulong, "Kasi ang guwapo mo. You're very handsome kaya nakukuha mo ang atensyon nila, at My Gosh, hindi mo alam ang bagay na 'yun." Natahimik naman si Ash sa sinabi nito at napasandal sa upuan.Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. "And you know what?"dagdag pa ng dalaga."You look cute, when you're blushing like that."papuri nito sa kanya.
"Tigilan mo nga ako. Wala akong pera panlibre sayo."
"Huwag kang mag-alala ako na ang manlilibre sayo mamaya, pag sinagutan mo tong assignment ko."
"Kaya pala, so gusto mo lang tulungan kita sa assignment mo kaya binobola mo ako ngayon."
"Hindi, ah. Sige na, ikaw naman ang matalino sa Calculus, eh. Please..."naka-pout pa niyang pakiusap sa kaibigan. Natawa lang si Ash sa kanya. Napalis ang ngiti niya nang makita niyang papasok ng library si Aya. Bigla siyang nataranta kaya pinulot niya ang kanyang mga notebook at aklat.
"Hoy, teka, ano'ng nangyari sayo?"bulong ni Yesha.
"Ah, nagugutom ako, sa c-canteen ko na lang sasagutan iyang assignment mo."aniyang dali-daling tumayo at lumabas na ng library. Napahabol naman sa kanyang likuran si Yesha dahil sa bilis niyang maglakad.
"Hoy, teka Ash. Ano ba hintayin mo ako."habol sa kanya nito. "Ano ba ang nangyari sa 'yo? Nakakita ka ba ng multo?"tanong nito ng makaagapay na sa kanyang paglalakad.
"Wala. Gutom lang ako kaya ililibre mo ako ngayon." Napasimangot naman si Yesha sa sinabi nito.
"Ang daya mo."
"Dali na."wika ni Ash nagpatiuna na siya sa paglalakad. Hindi niya alam pero kapag nakikita niya si Aya sa campus ay natataranta siya at bumibilis na lang bigla ang t***k ng puso niya. Alam naman niyang mahal na mahal niya si Aya pero habang lumilipas ang mga araw at nakakasama niya ito sa bahay ay tumitindi ang emosyong kanyang nararamdaman. Kahit na harap-harapan pa nitong ipamukha sa kanya na hindi siya nito gusto ay ito pa rin ang gusto ng puso niya. "Ash, may vacant pala sa fastfood namin. Baka gusto mong magpart-time?"maya-maya ay sabi sa kanya ni Yesha habang nasa canteen sila. Ang fastfood na tinutukoy ni Yesha ay ang fastfood kung saan ito nagtatrabaho part-time. Malapit lang rin ito sa university at sa boarding house na tinutuluyan nito.
"Talaga? Okay, yun."natutuwa si Ash sa sinabi nito at least may pagkakaabalahan na siya at hindi na mao-occupied ang isipan niya sa pag-iisip ng mga nangyayari sa pagitan nila ni Aya dahil nasasaktan lang siya.
"Sige, sabihin ko sa manager namin para makapagsimula ka na."sabi nito.
"Okay."
"Ash, alam mo bang usap-usapan ka na dito sa school?"
"Ha?"umangat naman ang mukha ni Ash at napatitig sa dalaga. "B-bakit ba?"
"Kasi ang guwapo n'yo po at curious na curious sila sa wedding ring mo kung totoo ba 'yan o peke. Kung totoo daw, sino naman si mystery wife mo?"mahabang litanya sa kanya ni Yesha.
"Ah, bahala na sila kung ano ang isipin nila. Ano ba ang pakialam nila sa asawa ko."
"Teka, dito ba siya nag-aaral?"umiling-iling lang si Ash sa itinanong nito.
"Ang daya mo talaga. Malalaman ko rin kung sino siya."
"Bahala ka. Secret lang iyon sabi eh."
"Bakit artista ba siya? Naku, baka naman matandang mayaman ang asawa mo kaya ayaw mong sabihin kasi nahihiya ka." Napatawa lang si Ash sa sinabi nito.
Sa 'di-kalayuan ay natatanaw siya ni Aya at mga classmate nito.
"Tingnan mo, ang cute niya 'di ba pag tumatawa. At ang mga mata niya parang nakakahipnotized kung tumitig. Kyaa!! Ang guwapo-gwapo niya talaga."tili ng isang classmate ni Aya. Akala niya kung saan sila pupunta, gusto lang pala nito na sundan si Ash. Ito na kasi ang bagong apple of the eye ng kanyang mga classmates at ibang kababaihan na hindi niya malaman kung bakit.
"Aya, tingnan mo, ang swerte naman ng girl na iyon. Palagi niyang nakakasama ang Ash namin." wika ng isa pa.
"Hay, kailan ka kaya mapapasaakin, Ash?"pantasya pa ng isa.
"Hoy, tumigil ka nga dyan, Trixie!"sita ni Hana sa kanya.
"Bakit ba? Ang epal mo talaga, Hana eh." "Hindi mo ba alam na married na siya?"dagdag pa ni Hana. Sa sinabi nito ay biglang kinabahan si Aya habang nakikinig sa usapan ng tatlo niyang kaibigan.
"Sino kaya ang mystery wife niya?"tanong naman ni Lyka.
"Halina nga kayo."aya ni Aya sa tatlo.
"Ang KJ talaga nitong si Aya. Palibhasa may Lance na siya."wika naman ni Trixie na nakabusangot ang mukha.Sa narinig ay muli na namang kumirot ang puso ni Aya nang maalala si Lance. Ang akala ng tatlo ay sila pa rin ni Lance, hindi niya kasi ipinaalam sa mga kaibigan na ikinasal na pala siya.
Nasa kusina si Ash nagluluto ng hapunan nila samantalang si Aya naman ay nasa sala nanonood ng tv. Katatapos lang din nitong mag-shower.
"Aya, handa na ang hapunan. Kumain na tayo."yaya ni Ash sa kanya. She just stared him blankly.
"Tapos na kaming kumain ng mga classmate ko kanina, so you can eat yourself." malamig na tugon ng dalaga sa kanya. Napabuntung-hininga na lang siya. Palagi namang ganito at medyo nasasanay na rin siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya.
"Pwede mo namang gawin lahat ng gusto mong ipagawa sa akin. Pero isa lang ang hinihiling ko, Aya. Just take care of yourself."sabi ni Ash sa dalaga. Napatayo naman si Aya sa sinabi nito at lumapit sa kanya.
"Why?"tanong nito sa kanya. "Why should I, Ash? Para saan pa? You have already ruined me. Sinira mo ang mga pangarap ko. Alam mong sa simula pa lang si Lance na ang gusto ko. Kung hindi ka lang sana pumayag na pakasalan ako, sana, sana kami pa ni Lance ngayon." naghihinanakit na sumbat ni Aya sa kanya. Naikuyom na lang ni Ash ang mga kamao. Hindi siya nagagalit kay Aya kundi sa sarili niya, seeing her now in tears make his heart weep.
"Lance, promised to marry me when he graduate in college, pero sinira mo yun ngayon."sunud-sunod na nalaglag ang kanyang mga luha nang banggitin ang mga katagang iyon.
"I am s-sorry, Aya."nahihirapan na rin si Ash. Mahal niya si Aya at gusto niya itong pakasalan pero alam niya sa sarili na hindi sana sa ganitong paraan ngunit nasadlak na sila ngayon sa ganitong sitwasyon at pakiramdam niya ay parang sasabog na ang kanyang puso everytime she cries because of him.
"Sorry? Sorry, ha, Ash?"asik nito sa kanya. "Ano pa ba ang magagawa ng sorry mo? Nasira mo na ang lahat and Lance already break up with me. Hindi pa nga nag-uumpisa ang kaligayahan ko pero tinapos mo na!"galit niyang sumbat kay Ash habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Aya, kahit k-konti ba wala ka na ba talagang maalala sa nangyari ng gabing iyon?"he asked hoping na sabihin man lang ng dalaga na may konti pa itong naaalala nang gabing iyon.
"I-I was d-drunk. Lasing na lasing ako nun, Ash k-kaya kahit konti sa mga nangyari ay wala akong maalala."napansin niyang naging mailap ang mga mata ng dalaga. Gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi.
"Ganun ba? Ang akala ko kasi, ginusto mo rin ang nangyari?"sa sinabi ni Ash ay isang matunog na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
"Sabihin mo, paano ko 'yun gugustuhin when I don't even love you! Hindi dahil hinayaan kong halikan mo ako nung nagkasakit ka at pinalampas iyon ay gusto na kita."ang mga salitang iyon ni Aya ay mas lalong nagpadurog sa wasak niya ng puso. Hindi siya umimik sa sinabi nito. "Paano pa ba magiging okay, ang buhay ko kung palagi kong naaalala ang ginawa mo. I've trusted you 'cause you are my friend pero sinira mo lang 'yun?"
"A-ano ba ang gusto mong gawin ko?"nakayukong tanong ni Ash he feels kasi na nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata. "Gusto mo ng annulment? P-pero matagal at mahirap iyon at magastos kaya hindi ko kayang ibigay iyon sayo." "Kung ganun nag-iisip ka pala ng ganyan."sarcastic na sabi ng dalaga. "Mahirap magpa-annull ngayon lalo na at wala kang pera."sambit ni Ash. "P-pero may mas madali namang paraan."
"Ano 'yun?"tanong ni Aya.
"Just promise me that you'll be happy with Lance forever and I'll do it with no regrets."sabi niya. Hindi na niya napigilan ang pagkalaglag ng mga luha sa paraang iniisip niya. Nakita niya kasi sa mukha ng dalaga na naenlighten ito nang banggitin niya ang pakikipaghiwalay niya ng tuluyan rito.
"Lance loves me. At mahal na mahal ko rin siya kaya magiging maligaya ako sa piling niya."
"O-okay. One of these days baka tuluyan mo ng makamit ang gusto mong mangyari, Aya. Sana makapaghihintay ka."wika ni Ash sabay niyakap ang dalagang nsa harap. Niyakap niya ito dahil ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Nabigla naman si Aya sa ginawa nito nang mahigpit siyang yakapin ni Ash. Hindi niya maipaliwanag sa sarili pero ang hinanakit na naramdaman niya kanina para rito ay bigla na lang naglaho. Naramdaman niya rin ang paggaralgal sa boses nito. Is he crying? Naitanong niya sa sarili.
"I-I'm really really sorry, Aya. Gusto ko lang maging masaya ka pero I made you like this. I'll promise babawi ako sayo."sambit ng binata sa kanya. Naguguluhan siya sa sinabi nito.
"Hey!"untag ni Yesha sa harapan niya. Nasa field siya ngayon at nakaupo sa ilalim ng puno habang tinatanaw ang mga naglalaro. Lutang ang utak niya ngayon kaya kahit ang paglapit ni Yesha sa kanya ay hindi niya napansin.
"Hello? Andyan pa ba si Ash dela Merced?!"sarcastic na tanong ni Yesha sa kanya. Saka lang siya natauhan sa sinabi nito.
"Y-yesha, ikaw pala."pilit siyang ngumiti sa dalaga.
"Congratulations, Ash!"
"P-para saan?"
"Kasi perfect n'yo po ang exam natin sa Calculus."
"Sinong may sabi?"umupo sa kanyang tabi si Yesha.
"Nasalubong ko si sir Leon kanina. Sabi niya perfect ka raw."tuwang sabi ni Yesha sa kanya. "Ayiee! Libre mo ako mamaya, ha? Hindi ka lang perfect, Dean's lister ka na rin, baka ikaw na ang summa c*m laude ng civil engineering!"masayang sabi sa kanya ng dalaga habang pumapalakpak pa ito. Napansin naman ni Yesha na nakatanga lang siya.
"Hoy! Teka ba't parang hindi ka masaya?" "Hindi, masaya naman ako."sagot ni Ash. "Sa itsurang iyan, masaya ka na?"tumangu-tango lang si Ash. "So ganyan na ba ang bagong mukha ng masaya ngayon, ha? Huwag mo nga akong lokohin, Ash."anitong tumayo at pumunta sa harapan. "Tayo na."anitong iniabot ang kamay kay Ash. Question mark lang siyang tiningnan ni Ash.
"Tayo na sabi."nayayamot na sabi ni Yesha. Hindi na niya hinintay na kunin ni Ash ang kanyang kamay kundi siya na mismo ang kumuha sa kamay ng binata at hinila ito patayo.
"T-teka, saan tayo pupunta, Yesha?"naguguluhan niyang tanong.
"Sa Wonderland."sagot ni Yesha. Hila-hila niya si Ash sa kanyang likuran.
"Di ba sa Alice in Wonderland iyon?"takang tanong ni Ash.
"Oo."
"Meron ba 'yun dito?"inosenteng tanong na naman ni Ash sa dalaga.
"Hay, naku! Sumama ka na lang kasi."sagot ni Yesha.