Nasa bahay ngayon si Ash ng mga Valdemor kasama niya ang kanyang ina at ang kapatid na si Gray. Katatapos lang ng civil wedding nila ng dalaga at dito sa bahay ng mga magulang ni Aya ginanap ang reception. Invited ang lahat, at hindi na naman magkandaugaga ang mga katulong sa pag-eestima sa mga bisitang dumarating. Kalat na rin sa buong lugar na ikinasal na ang unica hija ng mga Valdemor. Marami ang nagulat sa biglaang pagpapakasal ng dalawa, pero natuwa naman sila. Bagay daw kasi ang dalawa.
"Ash, nasa'n na ba ang asawa mo? Sabihin mo ngang pumarito siya at maraming gustong bumati sa kanya." wika ni Celine, ang mama ni Aya.
"S-sige po, tita. Hahanapin ko po siya." "Ash, sabi ngang mama na ang itawag mo sa akin eh."nakangiting sabi nito. "Simula ngayon ay isa na kayo ni Aya, kaya anak na rin kita so dapat mama na ang itawag mo sa akin, okay?"
"O-opo, m-mama."tumatango niyang sagot. Nahihiya pa rin siyang tawagin na mama ang ginang.
"O, sige na. Umalis ka na hanapin mo na siya baka kung saan-saan na naman iyon nagpunta."pagtataboy nito sa kanya. "Opo." Umalis na siya at ang silid ni Aya ang una niyang pinuntahan. Naramdaman niya na naman ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso.
"Aya."tawag niya nang tuluyang makapasok subalit wala ang dalaga. Tiningnan niya ang banyo pati ang walk-in closet nito pero wala talaga. Lumabas siya at nagtungo sa ibang silid, sa guestrooms, music room at library subalit wala ito. Nalibot niya na ang buong bahay pero wala pa rin ito. Lumabas na siya at sa hardin na naman naghanap pero wala ito. Pati sa taniman ng mangga ay hinanap niya rin ito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita. May kabang bumundol sa kanyang dibdib na mas lalong nagpabalisa sa kanya. Hanggang dalhin siya ng kanyang mga paa sa lugar na iyon. Ang lugar na ayaw niyang isipin na baka naroon ang dalaga sa bahay nina Lance. Sa labas ng rehas na gate ay sumilip siya sa loob ng bahay subalit wala siyang makita.
"O, Ash? Ano ang ginagawa mo rito?"nabigla pa si Ash nang may biglang magtanong, ang guwardiya pala iyon sa bahay ng gobernador. Kilala na siya nito dahil paminsan-minsan noon ay hinahatid nito si Lance sa bahay nina Aya at binabantayan noong mga bata pa sila. "Ah, tama nga pala 'di ba kasal mo ngayon? Susunduin nyo siguro si sir Lance."natampal pa nito ang noo. "Sige na, pumasok ka na. Narito rin kasi si ma'am Aya."nakangiti nitong sabi.
"S-sige po manong, maraming salamat." Pumasok na siya sa loob. Malawak na garden ang sumalubong sa kanya. Dediretso na sana siya main entrance ng pamamahay nang may maulinigan siyang nagtatalo. Kinabahan na naman siya dahil pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
"Lance please, let me explain!"
"Aya, sabihin mo? Kahit ilang ko mang pakinggan ang rason mo hindi na mababago nun ang katotohanan na nagpakasal ka na kay Ash. Ni wala man lang akong alam na ang girlfriend ko ay nagpakasal na pala sa iba. Kung hindi ko pa narinig sa mga katulong ay lalo akong magmumukhang tanga!"
"Lance, pinilit lang ako ng mga magulang ko na pakasalan siya."umiiyak niyang sabi at hinawakan ang kamay ng binata.
"At bakit ginawa nila iyon? 'Cause you slept with a man in your room at may nangyari pa sa inyo."may panunumbat sa boses nito. "And worst, he is your friend at kaibigan ko rin siya."
"Lasing na lasing ako nun. I don't remember anything."
"At ano ang gusto mong gawin ko, ha, Aya?"asik nito sa kanya. "Maging kabit mo, ganun ba?"mariin nitong sabi sa mga katagang iyon. Mas lalong napaiyak si Aya sa sinabi nito. Nabitiwan niya ang kamay ni Lance. Nagsiskip ang kanyang dibdib dahil sa katotohanan ng sinasabi nito. "This is already over, Aya. Tapos na tayo."malamig nitong sabi sa kanya at tumalikod na sa kanya.
"Lance!"habol niya sa binata sabay yakap ng mahigpit rito. Natigilan naman si Lance sa ginawa nito. Mariin siyang napapikit. He really love this woman at alam niyang mahal rin siya nito pero hindi na sila pwede ngayon. Hindi niya lubos maisip kung bakit sila humantong sa ganito. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Aya. He wanted to wipe away those tears, kiss her forehead and eyes to stop her from crying pero nagpipigil lang siya dahil iyon ang tama. Dahil kapag ginawa niya iyon ay baka di niya na mapipigilan pa ang sarili. Baka bigla niya na lang hilahin ang dalaga at sabihin ritong magtanan na lang sila at magpakalayu-layo sa lugar na walang nakakikilala sa kanila. Alam niyang nasa tama pa siyang pag-iisip kaya pilit niyang tinitikis ang kanyang nararamdaman. Ayaw niyang itama ang pagkakamali ng isa pang mali.
"B-but... I don't love him, Lance. Hindi ko siya mahal. He's just a friend to me. Ikaw lang ang mahal ko. Mahal na mahal kita Lance, so please don't leave me. Tulungan mo ako."pagmamakaawa nito sa kanya but he already made his decision.
"I-I'm very s-sorry, Aya."nahihirapang sabi ni Lance. "Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal pero mali kung ipagpapatuloy pa natin 'to." anitong tinanggal ang mga nakayapos na kamay ng dalaga sa kanya at umalis na.
"Please, Lance! Hindi ko siya mahal. Ikaw lang ang gusto ko."habol nito sa binata. Hinawakan ni Aya ang kamay nito subalit ipiniksi lang iyon ng binata.
"Please, Lance!"
Dahil halos hindi pa rin maabsorb ng utak ni Ash ang narinig ay hindi na siya nakahuma nang makitang papunta pala sa direksyon niya sina Lance at Aya. Natigilan naman ang dalawa nang makita siya. Pakiramdam ni Ash ay huminto yata ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya na namalayan ang pagdapo ng kamao ni Lance sa pisngi niya. Natumba siya dahil sa lakas ng impact nun. Napasigaw si Aya dahil sa biglaang pangyayari. Sinugod pa siya ni Lance at hinawakan siya nito sa kuwelyo.
"Walanghiya ka talaga, Ash! Ang kapal rin lang talaga ng mukha mo at pumunta ka pa rito. Gusto mo ba talagang ipamukha sa akin na naagaw mo ng tuluyan sa akin si Aya, ha!"singhal nito sa kanya. Nakita ni Ash ang galit nito sa mga mata at ang sakit. "You're unfair! Hindi ka patas kung lumaban! Ganyan ka na ba talaga ka desperado, ha Ash?!" Hindi makaimik si Ash, sa pinagsasabi nito dahil alam naman niyang tama rin si Lance.
Pagkatapos ng mga salitang binitiwan ni Lance ay iniwan na sila nito ni Aya. Pinunasan ni Aya ang mga luha at iniwan rin si Ash na namimilipit pa rin sa sakit. Pagkatapos ng New Year ay nakahanda na ang mga gamit ni Aya pabalik ng Maynila para sa pasukan subalit ngayon ay kasama na niya si Ash. Ini-enroll kasi ito ng mama niya sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Habang nasa biyahe sila ay hindi niya kinikibo ang asawa. Galit siya. Naghihimutok ang kanyang kalooban dahil bakit kailangan doon pa mag-aaral si Ash sa school niya, pwede naman sana sa iba. Limang oras din ang biyahe at sa loob ng limang oras na iyon ay natulog lang siya habang si Ash ang nagmamaneho ng sasakyan. Ang higit na ikinagagalit niya ay ang pagsasama nila sa iisang bubong. Araw-araw na niya itong makikita at sa tuwing makikita niya ito ay muli lang nitong maaalala kung bakit humantong sila sa ganito. Hapon na ng makarating sila sa apartment na tinutuluyan ni Aya. Nagpatiuna na ang dalaga at hinayaan si Ash na bitbitin ang lahat ng gamit nila. Pagpasok ni Aya sa kanyang silid ay nagshower siya. Nanlalagkit na kasi siya sa biyahe. Gumulong kaagad si Ash sa ibabaw ng sofa dahil sa pagod matapos ang paghahakot niya ng gamit nila. Tumitig siya sa kisame at sandaling napapikit.
"Ilagay mo sa kabilang silid ang iyong mga gamit." Muntikan pang mahulog si Ash sa sofa nang bigla itong magsalita. At halos mapatulala pa siya seeing her wearing that short shorts at sando. She looks too sexy while drying her hair. Pumasada ang paningin niya sa maputi at makinis nitong balat. Napadako rin ang kanyang paningin sa malulusog nitong dibdib. Napalunok tuloy siya nang wala sa oras. Until he found himself staring those kissable lips. Naalala niya tuloy ang halik na pinagsaluhan nila. Nagising lang siya sa kanyang pantasya nang batuhin siya ni Aya ng throw pillow.
"Hoy, nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa ako nagsasalita rito ah?"inis nitong wika. "O-oo, naman." Sagot ni Ash na pinulot na ang kanyang mga gamit at dinala sa silid na sinabi nito. Inayos niya ang mga gamit sa bagong silid. Napabuga siya ng hangin habang nag-aayos, akala niya kasi ay sa iisang silid sila matutulog.
"The nerve! Akala niya magtatabi kami! No way!"kausap ni Aya sa sarili. Nanggagalaiti siya sa inis. Inayos niya rin ang mga gamit pati na ang susuotin niya bukas pagpasok. Bukas na kasi kaagad ang pasukan nila. Maya-maya pa habang inaayos niya ang mga gamit sa school bag niya ay may narinig siyang katok. Hindi siya umimik. Kumatok ulit ito.
"Aya, handa na ang hapunan. Kumain na tayo."sabi ni Ash mula sa labas.
"Ayokong kumain. Wala akong gana."sagot ni Aya.
"P-pero, kaninang tanghali pa ang huli mong kain."nag-aalala naman si Ash.
"Just don't mind me. Kumain ka na lang mag-isa."
"O-okay. Pero, iiwanan ko na lang sa mesa ang pagkain mo. Kainin mo na lang 'pag kumain ka na."nalulungkot na wika ni Ash. Noon kasi ay natutuwa talaga ito 'pag ipinagluluto niya ng paborito nitong pagkain lalo pag sinigang. Pero ngayon feeling niya nag-iba na nga lahat. Lahat ay nagbago na kay Aya. Hindi na ito ang dating mabait at sweet na dalaga na palaging naglalambing sa kanya. And it all started when he crossed that line. Siguro ito na ang sinasabi ni Aya na he will surely regret his decision for marrying her. Pumasok na rin siya sa kanyang silid at natulog na. Hindi na siya kumain, dahil hindi naman kumain si Aya. Habang nakahiga sa kama ay naiisip niya ang mga nangyari. Tinitigan niya ang wedding ring na nasa kanyang palasinsingan. Iyon lamang ang patunay na kasal na nga siya. He had married the woman he loves. Oo, masaya siya sa isiping iyon pero mas higit siyang nalulungkot dahil hindi naman niya hiniling na humantong sa ganito ang lahat to the point that Aya is hating him now. Napapikit siya ng mariin, hindi niya alam kung ano ba ang gagawin para maibalik ang lahat sa dati. Hanggang sa nakatulugan na lang niya ang mga isiping iyon. Kinabukasan ay sabay sila ni Aya na pumasok sa "Stop!"biglang sigaw ni Aya nang aktong lalabas na sana siya ng kotse matapos niyang magpark. Nagulat pa siya sa biglang pagsigaw nito.
"B-bakit? May problema ba?"tanong niya sa dalaga na nalilito pa rin.
"Okay! Makinig ka, Ash. I will make things clear for you! Unang-una hindi dapat malaman ng mga students dito that you're my...you're my-"hirap pa nitong bigkasin ang salitang iyon.
"...that I'm your husband?"continue naman ni Ash sa salitang hindi niya mabigkas. Pinandilatan niya ng mga mata ang binata. "Y-yeah. Don't make it too obvious at huwag mo nang ipangalandakan na you're my husband, 'cause you're not!"Ayun na naman ang kirot sa puso ni Ash dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya unti-unti siyang nanghihina.
"Second don't get close to me inside the campus, don't talk to me , be here as if you do not exist in my presence. Third, dapat ako ang mauunang lumabas sa kotseng ito at after ten minutes ka pa dapat sumunod. Walang dapat makaalam na we're living in the same roof. And last, don't act like a real husband to me, cause you're not!"mahaba nitong litanya sa kanya saka padabog siyang pinagsarhan ng pinto. Napasandal na lang siya sa upuan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya rin alam kung ano'ng pakikitungo ang gagawin niya kay Aya. Sinunod niya ang sinabi nito. After 10 minutes na nga siyang lumabas sa sasakyan. Hinanap niya ang engineering building. Hindi pa naman niya alam kung nasa'n yun. Ang laki kasi ng school na ito. Hindi niya rin natanong pa si Aya kanina. Iba kasi ang building ni Aya dahil Architecture ang kinukuha nitong kurso at Civil Engineering naman sa kanya. Hindi rin kasi siya nakasama ng mama ni Aya during his enrollment kaya wala talaga siyang alam. Naghanap siya sa school directory, pero medyo faded na iyon kaya hindi na rin niya mabasa ang ibang nakasulat. Gusto niyang magtanong sa ibang estudyante pero nahihiya siya. Nako-conscious rin siya sa sarili dahil maraming babae ang nakatingin sa kanya. Napatingin tuloy siya sa sarili. Tiningnan niya ang damit, ang sapatos niya, wala namang mali pero bakit sila nakatingin sa kanya at naririnig niya pang ngbubulungan ang mga ito hindi niya lang maintindihan.
"Hi?"nagulat na naman siya nang may biglang magsalita sa tabi niya. When he turn around para kilalanin kung sino iyon ay nakita niya ang isang magandang babae. Simple lang naman ang suot nito, naka-jeans lang, white printed t-shirt, naka-rubber shoes at backpack habang nakalugay ang hanggang balikat nitong buhok.
Hindi kaagad siya nakaimik, para yata siyang namesmerize sandali sa mukha nito.
"H-hi!"nahihiyang ulit ng babae sa pagbati sa kanya. Pilit itong ngumiti sa kanya na ikinalabas ng magkabila nitong dimple.
"M-may hinahanap ka?"kausap nito sa kanya.
"Ah, o-oo."nauutal pa niyang sagot. Napapakamot siya sa batok. Nahihiya kasi siya.
"Ano naman iyon? Pansin ko kasing kanina ka pa nakatitig sa directory."
"Hinahanap ko kasi kung saan banda ang engineering building. Transferee kasi ako rito."
"Wow, tamang-tama dun dun kasi ang building ko. Engineering rin kasi ang course ko eh."tuwang saad ng babae.
"Teka nga, pakita nga ng enrollment certificate mo?" ipinakita naman niya iyon sa babae. Binasa nito iyon at nalaman niyang magkaklase pala sila sa ilang subjects.
"So, your name is Ash dela Merced?"
"Yes."sagot niya.
"By the way Ash, my name is Yesha Ruiz. And you can call me , Yesha."tuwang sabi nito sa kanya."Sige na, halikana, baka ma-late na tayo. "Sabi nito sa kanya at hinila na siya.
Sa loob ng dalawang linggo ay kung ano ang usapan nila ni Aya ay sinunod niya iyon lahat. He lives as if he does not exist in front of her. Kahit na kung minsan ay nagsasalubong sila sa canteen o kaya sa library ay iniwasan niya ito. Habang lumilipas ang mga araw ay nagiging close naman sila ni Yesha. Hindi niya alam pero napapanatag ang loob niya sa bagong kaibigan, siguro dahil kung minsan ay makulit ito at marami rin silang pagkakapareho sa mga bagay-bagay.