Chapter Sixteen

1404 Words
"Ash..."anas niya. She felt his lips travel on her ears biting it. Waah! Bakit ba ganito si Ash? Pinanghihinaan na siya ng tuhod dahil sa ginagawa nito. She hold her breathe, when she felt his lips on her neck. Nanigas ang buo niyang katawan nang parang sinipsip nito ang kanyang leeg. Napasinghap siya sa bolta-boltaheng kuryenteng nanulay sa buo niyang katawan. Mainit ang mga labi nitong gumagapang ngayon sa kanyang leeg giving her that gentle bites. Pakiramdam niya ay naliliyo siya sa ginawa nito. "Ash..."she moaned. Muli na namang pinagpantay ng binata ang mukha nila at matiim siyang tinitigan sa mga mata nito. Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Para na kasi siyang yelo na anumang oras ay pwede ng matunaw. Subalit hinawakan ni Ash ang kanyang baba at inangat upang magpantay muli ang kanilang mga mukha. She then felt his lips on hers, giving her the sweetest kiss. Hindi alam ni Aya kung ano ang gagawin? Kung tutugon ba siya o hayaan niya na lang na halikan siya nito ng parang tuod. Pero gumagawa ng sariling landas ang mga labi ng binata para tuluyang makapasok sa kanya. Hindi niya na mapigilan pa ang nadaramang pag-iinit ng katawan dahil sa ginagawa nito. Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata at hinayaang makapasok na ang binata. Marubdob siya nitong hinalikan as if there was no tomorrow. Sa huli tinugon niya rin ang halik nito. Noong una ay nabigla pa si Ash sa ginawa niyang pagtugon subalit nakabawi rin agad ito and continue to kiss her. Nangunyapit siya sa leeg nito and kissed him back. She let his tongue went inside her mouth. Ginalugad ni Ash ang kaloob-looban ng bibig niya at halos hindi na siya makahinga. She caught her breathe nang maghiwalay ang kanilang labi. Tinitigan siya ni Ash. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at buhok. Akala niya tapos na ang halik pero muli na namang sinakop ni Ash ang kanyang mga labi. Muli na naman siyang napapapikit sa ibayong sensasyong dulot nito. Napakapit siya lalo sa leeg ng binata, nanghihina kasi ang mga tuhod niya. Gumapang na naman ang mga labi ni Ash patungo sa kanyang leeg. Napaigtad siya nang may maramdaman siyang matigas na bagay sa pagitan ng kanyang mga hita. She feels his fully erect manhood under her thighs. Nakakandong kasi siya kay Ash. Nataranta na naman siya kasi naglulumikot na ang mga kamay ni Ash sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa loob ng damit niya patungo sa maumbok niyang dibdib. Muli na namang binalikan ni Ash ang kanyang mga labi. Tumugon si Aya sa paraang gusto ni Ash kaya mas lalo pang nagningas ang maliit na apoy. Pinisil-pisil nito ang dibdib niya while kissing her lips. Hanggang sa maramdaman niya na unti-unti na siyang hiniga nito sa kama habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Inililis ng isang kamay ni Ash ang suot niyang t-shirt pataas. Napasinghap na naman siya when he cupped her breast. Wala na siyang pakialam if more than a kiss and touch pa ang mangyari sa kanila ngayon. Ipapaubaya niya na ang sarili kay Ash. Aaminin niya na sa sarili na gusto niya ang ginagawa ng binata sa kanya at inaasahan niya ang higit pa dun. Subalit kung kailan handa na siyang isuko ang lahat kay Ash ay tumigil ito sa pagitan ng kanilang halik. Isinubsob nito ang ulo sa kanyang leeg. "Ash..."usal niya. She feels his hard breathing between her neck. "I-I'm sorry..."he said those words na para bang nahihirapan itong sabihin. Naramdaman niya ang kamay nito na ibinaba ang nakalilis niyang damit. Hindi maipaliwanag ni Aya ang nararamdaman niya ngayon. Kung disappointment man ang tawag nun, iyon nga siguro. Kung kailan nag-aapoy na siya ng husto at handa na siya sa mas malalim pang mangyayari ay saka naman ito tumigil. Bumangon si Ash sa kanyang tabi at nakita niyang napapasabunot ito sa buhok. "A-aya... y-you can go."anas ni Ash sabay naglakad papuntang banyo. Bumangon si Aya at naupo. Hindi niya maintindihan si Ash at hindi rin niya maintindihan ang sarili. Tama bang ma-disappoint siya dahil hindi natuloy ang pagniniig nila? Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang tuluyang malaglag ang kanyang mga luha. She's crying and she was hurt by what he said. Tumayo na siya at lumabas sa silid ni Ash. Padapa siyang humiga sa kama nang makapasok siya sa kanyang silid. Umiyak siya ng umiyak. Ayaw man niyang aminin pero nasasaktan siya ngayon dahil sa ginawa nito. Sana hindi na lang iyon ginawa ni Ash kasi nagdagdag lang kalituhan sa kanyang puso. Samantalang nagsa-shower si Ash ngayon. Pilit niyang pinapatay ang nagniningas na apoy sa kanyang katawan sa pamamagitan ng malamig na tubig. Nakuyom niya ang kamao. Bakit ba siya ganito? Sa tuwing malapit kasi at nagdidikit ang mga balat nila ni Aya ay 'di niya mapigilan ang sariling angkinin ang dalaga. He can't hardly control his self. Kay Aya lang naman siya nagkakaganito eh. Hindi naman siya nagkakaganito sa ibang babae. Mabuti na lang natauhan siya kanina. Ayaw niyang pagmulan na naman ng di pagkakaintindihan nila ng dalaga ang anumang mangyari sa kanila kapag ipinagpatuloy niya pa iyon. Gusto niyang angkinin ang dalaga na pareho ang kanilang nararamdaman. Ayaw niyang kinabukasan ay sisihin na naman siya nito at iiyak na naman ang dalaga. He doesn't want her to cry anymore because of him. Kaya para siyang baliw ngayon na pinapaagusan ng malamig na tubig ang sarili para mapatay ang naghuhumindig niyang nararamdaman. Paggising ni Aya kinabukasan ay wala na si Ash. Pero may iniwan itong note sa ibabaw ng mesa kasama ang nakahandang pagkain para sa agahan niya. Ang sabi sa note ay mag-o-overtime siya ngayon sa fastfood kaya gagabihin siya sa pag-uwi. At sa sinabi nito, agad na si Yesha ang unang pumasok sa kanyang isipan. Aminin man niya o hindi, pero ayaw niya talaga ang ideyang malapit si Ash sa Yesha na 'yun. Alam niya kasi kung tama man ang hinala niya ay may motibo ito kaya nakikipaglapit kay Ash. Para mawaglit sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Ash kagabi ay inabala niya ang sarili sa paglilinis ng buong bahay. Kinuha niya ang kanyang mga labahin. Nang mapadaan siya sa silid ni Ash ay pumasok na lang sa isipan niya na kunin ang mga labahin nito. Pumasok siya sa loob ng silid, hindi naman kasi naka-lock ang pinto. Nang makita niya ang kama ng binata ay muli na namang nagbalik ang alaala ng nangyari sa kanila kagabi. Ipinilig niya ang ulo para mawaglit iyon sa kanyang isipan. Kinuha niya na lang ang sadya at lumabas na. Mabuti na lang talaga at maagang umalis si Ash kung hindi makikita nito ang nanumugto niyang mga mata. Inumpisahan na niya ang paglalaba kasama ang mga damit ni Ash. Ngayon, she's acting the real wife na nga ba dahil sa ginagawa niya? Natanong niya iyon sa sarili. Masarap ba talagang maging asawa ni Ash? Iyon kasi ang pinagpapantasyahan ng mga kaibigan niya. Hindi niya masagot ang sarili dahil wala namang malinaw sa pagitan nila ng binata. Matapos niyang maglaba ay naupo siya sa silya sa kusina. Nakatingin siya sa pagkaing nakahanda doon. Palagi siyang ipinagluluto ni Ash ng masarap na pagkain dahil hindi naman siya marunong magluto. Bigla na lang niyang naisip na siguro dapat na rin siyang matutong magluto. Nang matapos niya na ang lahat ng gawaing-bahay ay nanood siya ng tv. Hinihintay niya kasi ang pag-uwi ni Ash. Hindi siya mapakaling tingin ng tingin sa orasan. Alas diyes na kasi pero wala pa ito. Saan na naman kaya nagpunta si Ash? Sigurado siyang kasama na naman nito si Yesha. Nagngingitngit na naman ang kalooban niya dahil sa isiping iyon. Eleven thirty na nang makauwi si Ash sa bahay. Nag-general cleaning kasi sila sa fastfood kaya ginabi siya masyado. Nadatnan niya ang nakabukas na tv at si Aya na mahimbing ng natutulog sa sofa habang hawak sa kamay nito ang remote control. Hinintay ba siya nito? Tanong ng isipan niya. Pinatay niya ang tv saka lumapit sa dalaga. Pinagmasdan niya ang kahimbingan sa pagtulog nito. At ang lahat ng pagod nya kanina sa pagtatrabaho ay naglaho na lang bigla seeing her sleep like a baby. Maingat niyang binuhat ang dalaga at dinala sa silid nito. Matapos niyang kumutan ang dalaga ay lumabas na siya ng silid. Ayaw niya ng magtagal pa roon baka kung ano na naman ang pumasok sa isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD