Chapter Seventeen

2562 Words
After ng incident na 'yun ay napansin ni Aya that Ash keeps his distance from her. Kahit na sa bahay sa tuwing magkakalapit sila ay bigla na lang itong lumalayo. Sa tuwing di sinasadyang magdadaiti ang kanilang mga balat ay para itong napapaso na umiiwas sa kanya. Hindi niya ma-gets ang binata kung ano ang meron. Siguro pabor naman sa kanya ang ginagawa nito kasi iyon naman talaga ang gusto niya, pero ngayon tila ba hungkag ang puso niya kapag hindi niya ito nakikita o naririnig man lang ang boses. Paminsan-minsan na lang kasi sila magkita at tuwing umaga lang iyon kapag hinahatid siya sa school at tuwing uwian niya. Pero pagkatapos nun ay buong maghapon niya na itong hindi nakikita. May duty pa kasi ito sa gabi at kapag nakauwi na si Ash sa bahay nila ay tulog na siya. So, in her own estimation ay mas marami pa ang oras na magkasama sina Ash at Yesha kesa sa kanilang dalawa. Sa tuwing mapapadaan siya sa building ng college of engineering ay palagi niyang sinisilip si Ash. Pati siya sa sarili ay di niya maintindihan kung ano ang pinaggagawa niya. Hindi siya dapat nagkakaganito. Si Lance ang gusto niya at mahal niya ito pero she missed Ash more than Lance. At mas okupado pa ang isipan niya ng tungkol kay Ash kesa kay Lance. At nitong mga nagdaang araw ay 'di niya na naiisip pa ang tungkol kay Lance. Ang higit na mas naiisip niya ay ang matagal na oras na magkasama sina Ash at Yesha. Ngayon papunta siya sa main library nila, may libro kasi siyang hinahanap. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng library ay nakita niya kaagad si Ash sitting on the corner kasama si Yesha. Mukhang masaya ang dalawa. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa hilera ng mga aklat. She feels mixed emotions seeing them together. Para siyang tuliro na naghahanap ng aklat, hindi niya na makita-kita pa ang hinahanap dahil sa sobrang pag-iisip ng tungkol sa dalaw. She felt the sudden pain in her chest. "Aya."nilingon niya ang tumawag sa kanya. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Yesha. "Yesha." "Hi! May hinahanap ka?"tanong ni Yesha sa kanya. "Oo."tipid niyang tanong. "May ipinapahanap din sa akin na aklat si Ash, eh"tipid na tugon niya kay Aya habang nakangiti. "Okay."aniya. Hindi niya talaga feel na kausapin ang dalaga. Ewan ba niya pero naiinis talaga siya rito. "Yesha." Napalingon silang dalawa. Si Ash pala iyon at lumapit sa kanila. "Yesha, tayo na."hinila nito si Yesha sa kamay. "Teka, 'di ba hindi ka pa tapos. Hindi ko pa nga nahahanap ang aklat na ipinapahanap mo eh." "Basta tayo na."giit ng binata at hinila na ang dalaga. Naiwan naman ang nakatangang si Aya. Nasasaktan siya sa ginagawa ngayon ng binata sa kanya. Hindi man lang kasi siya nito sinulyapan ng tingin at nagmamadali pang umalis. Noon okay lang naman na ginagawa 'yon ni Ash sa kanya pero bakit ngayon nasasaktan na siya. Naglalambong na ang kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha na gusto ng kumawala kaya mas lalo ng hindi niya mahanap-hanap ang aklat na kailangan. Umalis na lang siya at patakbong pumunta sa girl's comfort room. Pumasok siya sa dulong cubicle at doon niya hinayaang malaglag ang mga luha. It's been already a week na hindi na siya kinakausap ni Ash. Nagsasalita lang ito kung kinakailangan pero pag hindi, wala na siyang naririnig rito. Alam niyang siya ang nag-umpisa sa ganoong setup nila pero ngayon bakit nasasaktan na siya sa pambabalewala nito? "Hoy, Ash! Bakit bigla ka na lang umalis kanina? Hindi ka pa naman tapos 'di ba? At isa pa nandu'n ang asawa mo. Aayain ko sana siyang makiupo sa atin eh." "No!" Nabigla naman si Yesha sa inasal nito. Napalakas kasi ang boses ni Ash. "O-okay. Chill ka lang, hehe." Ano ba mukhang may LQ yata ang dalawa.Hindi talaga maintindihan ni Yesha kung ano ba ang meron sa dalawa. Hindi naman kasi nagsasalita si Ash ng tungkol sa kanila ni Aya. "Simula ngayon, just don't mind her okay." "O-okay."sang-ayon na lang ni Yesha to calm him down. "Aya, ano na? May nangyari na sa inyo ng Ash mo?"kulit ni Trixie sa kanya. Andito sila ngayon sa room nila. Last subject na nila kaya uwian niya na mamaya. "Wala. Ano ba? Naglelecture pa si prof oh."saway niya rito. Kinukulit na naman siya nito, palibhasa sila ang magkatabi sa upuan. Ngayon pa talaga siya tinanong kung kailan masama ang pakiramdam niya. Nabo-bored na siya sa pakikinig sa lecture ng prof nila kaya ang ginawa niya ay nagdo-doodle na lang siya sa likod ng kanyang notebook. Nagulat pa siya sa sarili nang mabasa ang sinulat niya. 'Aya Valdemor dela Merced', naipilig niya ang ulo. Teka, ba't ito ang naisulat niya. Nawawala na siguro talaga siya sa sarili. She crossed out that name immediately. Bakit ba siya nagkakaganito? Si Lance ang itinitibok ng puso niya at hindi si Ash pero bakit si Ash na lang palagi ang laman ng kanyang isipan? At bakit sa tuwing nakikita niyang kasama nito si Yesha ay nasasaktan siya? Nahuhulog na kaya siya sa asawa niya? Pero imposible yun. Si Lance ang mahal niya at kaibigan lang ang tingin niya kay Ash. Kaibigan lang talaga, ni hindi nga niya ito matawag na bestfriend eh. He's just a friend to her at ayaw niya ng mag-isip pa more than the relationship between them. Dahil natatakot siya na baka masaktan lang siya sa bandang huli at ayaw niyang mag-expect ng higit pa sa binata. After ng last subject niya ay dumiretso na siya sa parking lot. Sa loob na lang sasakyan niya hihintayin si Ash. Maya-maya ay nakita niya na ang binata naglalakad papalapit sa sasakyan niya. Habang papalapit ang binata ay naramdaman niya na naman bigla ang pagkabog ng kanyang puso. Just a glimpse of his face, it made her heart quakes. Nataranta na naman siya hindi niya kasi alam kung paano ito kakausapin. Agad itong nagsuot ng seatbelt at pinaandar ang sasakyan pagkasampa nito. Para siyang tanga sa tabi ni Ash, hindi alam ang gagawin. Gusto niyang magsalita pero hindi niya maibuka ang bibig kaya mas pinili na lang niyang manahimik. Nasa kalagitnaan na sila ng kalsada nang itabi ni Ash ang sasakyan. Nagtaka naman siya. And she hold her breathe nang biglang lumapit ang mukha ni Ash. She smelled that manly scent of him kaya napapapikit siya. Napakalakas kasi ng epekto nun sa kanya. "You're seatbelt." bulong nito sa kanya. Saka lang siya natauhan at napadilat. "O-okay." Pati pagsi-seatbelt ay di niya na alam kung paano gagawin. Nakita naman siya ni Ash na nahihirapan sa ginagawa kaya ito na lang ang nagseatbelt sa kanya. "T-thank you."usal ng dalaga. Alam ni Aya na pulang-pula na naman ang mukha niya kaya itinuon niya na lang ang paningin sa labas ng bintana. ..... Mula sa bintana ay tiningnan ni Aya ang pag-alis ni Ash. Alam niyang gagabihin na naman ito sa pag-uwi at makakatulog na naman siya sa paghihintay rito kaya inabala niya ang sarili. Gumawa siya ng homework niya, nagligpit ng mga gamit at nanood ng tv. Seven thirty na ng gabi ng maisipan niyang kumain. Sa labas siya ngayon kakain kasi feel niyang kumain ng paborito niyang cup noodles sa convenience store alpngside in their subdivision. Gusto sana siyang ipagluto ni Ash kanina pero tinanggihan niya ang alok nito. Ayaw niya na kasi itong abalahin pa. Ngayon ay naglalakad siya patungong convenience store na malapit lang sa kanto ng subdivision nila. Pagkapasok sa convenience ay agad siyang bumili ng cup noodles at pumwesto sa may sulok. Natatakam na siyang kainin iyon. Habang kumakain ay nakatingin siya sa labas. Pinapanood niya ang pagparoon at pagparito ng mga taong dumadaan. Tapos na siyang kumain kaya lumabas na siya ng convenience store. Aalis na sana siya nang may isang ginang na dumadaing sa may tabi. Nang lingunin niya ito ay sapo-sapo nito ang tiyan habang nasa likod ang isang kamay nito. At sa tingin niya ay mukhang manganganak na ang ginang. Hindi na siya nagdalawang-isip na tulungan ito, kahit kinakabahan at natataranta siya sa kalagayan ng ginang. Sa tingin niya mukhang wala itong kasama na makakatulong rito. Agad siyang pumara ng taxi at nakiusap sa driver na ihatid sila sa pinakamalapit na ospital. "Ale, tiisin n'yo po muna. Malapit na po tayo sa ospital."kausap niya sa ginang habang hawak niya ang isang kamay nito. "M-manganganak na ako. H-hindi ko na kaya, m-mukhang lalabas na yata ang a-anak ko."daing nito sa kanya. "T-teka, hindi dito. Pigilin nyo muna ale, malapit na tayo."natataranta niyang sabi. "Manong driver, pakibilisan n'yo po."pakiusap niya sa driver. Hindi niya na kasi alam ang gagawin, wala naman kasi siyang kaalam-alam sa ganitong mga bagay noh? Ilang sandali pa ay nakarating na sila ng ospital. Nakiusap rin ang ginang sa kanya na kung pwede ay matawagan niya ang asawa nito. Dahil mabait siya ay ginawa niya lahat ang request nito. Hinintay niya munang makapanganak ang ginang bago magdecide na umalis. Baby girl ang anak nito kaya ipinangalan iyon ng mag-asawa sa kanya. Palabas na siya ng ospital nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. 'Pag minamalas ka nga naman oh.'usal niya. Na-stranded siya sa labas ng ospital kaya hindi kaagad siya nakauwi. Sobrang lakas kasi ng ulan at wala pa siyang dalang payong. Nakalimutan niya rin kasi ang cellphone sa bahay. Naalala niya lang ang kanyang cellphone nang utusan siya kanina ng ginang na tumawag. Nang medyo humupa na ng konti ang ulan ay umalis na siya at sumakay ng jeep. Problema na naman niya ang traffic. Nagtaka pa si Ash pagdating niya ng bahay dahil hindi naka-on ang ilaw sa sala. Agad siyang binundol ng kaba. "Aya."tawag niya. Walang sumagot kaya nagtungo siya sa silid nito baka natutulog na, iyon ang nasa isip niya subalit pagkabukas niya ng pintuan ay wala doon ang dalaga. Kinapa niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang dalaga subalit ang cellphone ng dalaga ay nasa bedside table lang pala nito. Kinabahan na talaga siya. Hinanap niya ang dalaga sa buong kabahayan subalit wala ito. Lumalakas na naman ang ulan sa labas at hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Nag-aalala na siya. Kinuha niya ang cellphone nito at tiningnan ang phonebook list ng dalaga. Tinawagan niya ang mga nakalistang kaklase nito subalit wala itong mga alam kung nasaan si Aya. Malakas pa rin ang ulan kaya kumuha siya ng payong. Lalabas siya at hahanapin niya ang asawa kung saan man ito naroon. Baka kung ano na ang nangyari rito, alas-dose na kasi ng gabi. Malakas pa rin ang ulan kaya wala ng choice si Aya kundi maglakad at sumugod sa ilalim ng ulan. Wala naman kasing sasakyan papasok sa subdivision nila kaya no choice siya kundi maglakad sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, tutal pauwi na naman siya kaya maliligo na lang siya mamaya pagdating niya. Kalalabas lang ni Ash nang may maaninag siyang isang bulto, tumatakbo ito palapit sa kinaroroonan niya. And when he figured out who it is ay sinugod niya ito. "Aya!"natigilan naman si Aya sa paglalakad. Nakita niya si Ash na nakatiim-bagang na nakatitig sa kanya. Malalaki ang hakbang nito na lumapit sa kanya at walang sabing hinila nito ang kanyang kamay. Kinabahan si Aya. Sa tingin niya kasi ay galit ito. Marahas siya nitong hinila papasok sa loob ng bahay at pabalya nitong isinara ang pinto. Nakatayo siya sa gitna ng salas habang tumutulo ang basang-basa niyang damit at buhok. Tiningnan niya si Ash na napapasuklay sa buhok. Hinihilot nito ang sentido. "Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang? Ano'ng oras na ba?"tanong ni Ash sa kanya at feeling niya pinipigilan lang nitong magtaas ng boses. "S-sa labas." "Sana kung lumabas ka, sana man lang nag-iwan ka ng note na lumabas ka. Dinala mo man lang sana ang cellphone mo. Hindi ganitong basta ka na lang umalis." Nakagat ni Aya ang pang-ibabang labi. Galit nga talaga si Ash. "K-kasi..."hindi alam ni Aya pero bigla na lang may nagbara sa kanyang lalamunan. Nag-iinit rin ang sulok ng kanyang mga mata at nilalamig na siya. "I-I'm sorry."iyon lang ang nasabi niya. "Saan ka ba nagpunta? Nakipagkita ka ba kay Lance kaya ganitong gabing-gabi ka na nakauwi?"tanong ng binata sa kanya na ikinapagtaka niya. Paano ba'ng napunta ang usapan nila kay Lance? Mukhang maiiyak na siya sa harapan nito kaya tumakbo na siya papunta sa kanyang silid. Ayaw niya ng marinig pa ang susunod nitong sasabihin. At doon sa loob ng banyo habang naaagusan ng tubig ay umiyak siya. Umiyak siya ng umiyak at hindi niya alam kung bakit pero nasasaktan siya sa sinabi nito. Kinaumagahan paggising ni Ash ay kinatok niya si Aya sa silid nito. Wala na namang sumagot. Nagvibrate ang cp niya at nakareceive siya ng text mula sa asawa. Ang sabi nito ay nauna na itong pumasok sa school at huwag na rin niya itong sunduin mamaya. Makikisabay na lang daw ito kina Trixie para hindi na siya maabala pa. Napahawak na naman si Ash sa kanyang sentido. Alam niyang may kasalanan siya. Hindi niya kasi mapigilan ang bibig kagabi. At sa lahat ng pwede niyang sabihin ay iyon pa ang nabanggit niyang pwedeng maging alibi ng dalaga. Parang tanga na naman ngayon si Aya habang nagdo-doodle sa notebook niya. Gusto niyang aliwin ang sarili sa pagdu-drawing para malimutan niya ang nangyari kagabi. Inaya siya ng tatlo niyang kaibigan na kumain sa canteen subalit tumanggi siya. Masama kasi ngayon kanyang pakiramdam at sa palagay niya ay lalagnatin na naman siya. Inuubo na nga siya eh at medyo sumasakit na naman ang kanyang ulo. Maya-maya pa ay narinig niya ang tilian sa labas ng room nila. Hindi niya alam kung ano ang meron at wala na rin siyang pakialam doon. "Aya..."kinikilig na sigaw ni Trixie sa kanya. Nakasunod rito ang dalawa. "Bakit ba?"tanong niya rito sa mahinang boses tapos ay umubo-ubo siya. "Basta lumabas ka na lang, nandyan ang prince charming mo."nakangiting sabi ni Lyka sa kanya. Napatayo siya at sumilip sa pintuan. Subalit ang taong inaasahan niyang makita ay wala. Si Lance kasi ang naroon sa labas na tinitilian ng mga babae. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa ni Lance sa labas ng room nila. "L-Lance..."sambit niya na pilit ang ngiting gumuhit sa kanyang mukha nang makalapit na siya sa may pintuan. Saglit na huminto si Lance sa harapan niya tapos ay lumakad rin ito. Nilagpasan lang siya ng binata at wala man lang itong sinabi. Ang buong akala ni Aya ay siya ang sadya nito pero hindi naman pala. He only gives her false hope. Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam niya. Naramdaman niya ang pagkaliyo kaya napakapit siya sa may pintuan. Inuubo na naman siya. "Aya, ayos ka lang? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?"nag-aalalang tanong ni Hana sa kanya. "A-ayos lang ako."sagot niya at lumakad na pabalik ng upuan. "Are you sure? Ang init mo kasi. Mukhang nilalagnat ka na eh."wika ni Trixie na inalalayan pa siyang makaupo. "Oo nga, Aya. Tawagan na lang kaya namin si Ash para-" "No!"tutol agad ni Aya sa idea ni Lyka. Ayaw niyang abalahin pa si Ash. "Kung ganun kami na lang ang maghahatid sayo sa bahay para makapagpahinga ka na."suggest ni Hana. Umiling-iling lang si Aya. "Ayos lang ako sabi eh. Kaya ko ang sarili ko, okay?"sabi niya sa mga nag-aalalang mga kaibigan. "Okay."sang-ayon na lang ng tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD