Chapter Eighteen

3998 Words
Sa halip na makisabay kina Trixie ay mag-isa siyang umuwi. Tutal maaga pa naman kaya magco-commute na lang siya pauwi. Habang nakasakay ng jeep ay naramdaman niya ang panlalamig. Masakit sa balat ang dampi ng hangin sa kanya. Nang makarating sa bahay ay pumasok kaagad siya sa silid. Hapong-hapo ang kanyang pakiramdam at masakit ang kanyang ulo. Nanginginig na siya sa lamig at masakit lahat ang joints niya sa katawan. Nahihirapan siyang huminga. Dinayal niya ang numero ni Ash. Ilang beses itong nagring pero walang sumasagot. Dinayal niya uli ang numero nito. "H-hello..."anas ni Aya. Hapung-hapo ang boses niya at mabilis ang kanyang paghinga. "Hello, Aya. Bakit?"sagot sa kabilang linya. "S-sino 'to?"tanong ni Aya na nagtataka. Babae kasi ang sumagot sa halip na si Ash at kilala pa siya nito. "Si Yesha 'to. Busy pa kasi ngayon si Ash kaya ako na lang ang inutusan niyang sagutin ang phone niya. May kailangan ka? Sasabihin ko."wika nito. "A-ah.. s-sige. Tatawag na lang ako uli."sabi na lang niya at pinatay na ang cellphone. Sumasakit na naman ang dibdib niya. Mas lalong tumaas ang lagnat niya. "Ash..."nakatulugan na lang niya ang pag-iisip sa binata. Maaga siyang nag-out ngayon, may pakiramdam kasi siyang may hindi magandang nangyari kay Aya. Sinabi kasi ni Yesha sa kanya na tatlong beses na sunud-sunod na nag-missed call sa kanya ang asawa niya na hindi naman nito usually na ginagawa. Nagmadali siyang makauwi agad. He called her back pero hindi naman ito sumasagot. Rumagasa na naman sa kanyang dibdib ang pag-aalala. "Aya."tumakbo siya kaagad papunta sa silid ng asawa nang makarating siya. When he opened the door, he saw her lying on the bed. "Aya."usal niya. Nasa may pintuan pa siya nang makita niyang gumalaw ang dalaga. Nagising ito at umupo. "N-narito ka na pala." Alam niyang hindi maayos ang lagay nito kaya nilapitan niya kaagad. Umubo-ubo si Aya. "K-kumain ka na ba?" anitong pilit bumangon. Nakamasid lang si Ash sa dalaga at minasdan ito. She's so weak, sa palagay niya. "S-sandali, ipaghahanda kita ng hapunan."wika nito at pilit na tumayo. Hilung-hilo pa siya kaya nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa dibdib ni Ash. "S-sorry." wika ni Aya at dali-daling umatras na para bang napapaso sa kanya. Sa halip na magsalita ay hinila niya ang asawa at niyakap ito ng mahigpit. Napakainit nito at nararamdaman niya ang napakainit nitong hininga pati ang panginginig ng katawan nito. Kung tama ang hinala niya ay kanina pa talaga ito inaapoy ng lagnat. "A-ayos lang ako."wika ni Aya at pilit na kumakalas sa pagkakayakap kay Ash. Subalit isinubsob lang siya lalo ni Ash sa dibdib nito. "Ash..."usal niya. Hindi niya na mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Inubo na naman siya sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Gumanti siya ng yakap kay Ash. She missed him so much being held like this in his arms again kaya siguro siya napapaiyak ngayon. Naramdaman niya rin ang pagtatanim ng maliliit na halik ni Ash sa ulo niya. "I'm sorry too, baby. Wala man lang akong ideya na mataas pala ang lagnat mo. I'm sorry kasi hinayaan kitang mag-isa rito."masuyo nitong sabi sa kanya. T-teka, baby ba ang tawag nito sa kanya? O nagkamali lang siya ng pandinig. "H-hindi ako n-nakipagkita kay Lance kagabi."sabi niya kay Ash. Ewan niya ba, pero gusto niyang linawin ang bagay na 'yon sa lalaki. Ayaw niyang isipin nitong lihim siyang nakikipagkita sa binata na lingid sa kaalaman nito. "K-kumain lang ako, t-tapos m-may tinulungan lang akong ale na m-manganganak kaya hinatid ko sa ospital."paliwanag niya. "Yeah, I know right." sabi nito na sa kanya habang pinupunasan ng mga daliri ni Ash ang luha niya. "Please don't cry honey."he said it in a husky voice at muli na naman siyang ikinulong sa mga bisig nito. Sa sinabi nito ay muli na namang nagrigodon ang kanyang puso. She felt the butterflies flying around in her tummy. He's so sweet and gentle tonight. And she loves to be wrapped in her arms again like this. Pakiramdam ni Aya ay unti-unting nawawala ang sakit na dinaramdam dahil sa masusuyong sinabi nito sa kanya. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pag-angat sa ere. Bago niya pa malaman ay binuhat na pala siya nito. Napakapit siya sa batok ni Ash. Marahan siya nitong ihiniga sa kama at kinumutan. "Just stay here, okay. Kukuha lang ako ng gamot at magluluto lang ako."paalam sa kanya ng binata. Kinaumagahan ay nagising si Aya sa mabangong halimuyak ng bulaklak. Akala niya imahinasyon lang ng bulaklak ang nakikita niyang nakalagay sa bedside table niya dahil inaantok pa siya. Subalit nang tuluyan na talaga siyang magising ay nakita niya ang pumpon ng calla lilies, star gazer at gardenia sa ulohan niya. Nakasilid ito sa flower vase. Napabangon siya at naupo saka nakangiting pinagmasdan ang mga bulaklak sa kanyang tabi. Inamoy-amoy niya rin iyon. Ewan ba niya pero nagagalak ang kanyang puso na makita ang mga bulaklak na 'yon. After a few minutes ay nagbukas ang pintuan sa kanyang silid. Iniluwa doon si Ash na may dalang tray ng pagkain. Her heart skipped again seeing her handsome face. He's just wearing a white cut v t-shirt at shorts and literally he looks very handsome with that. Hindi pa rin siya makapagsalita hanggang mailapag nito ang tray sa harapan niya. "Breakfast in bed, baby."nakangiti nitong sabi sa kanya. "H-ha?"napatanga lang siya. Tama ba talaga ang narinig niyang tinawag nito sa kanya. Naipilig niya ang ulo at hindi na lang iyon pinansin. "A-anong oras na ba?"sa halip ay tanong niya kay Ash. Pakiramdam niya kasi ay namumula na naman ang pisngi niya sa endearment nito sa kanya kaya napayuko siya. She also feels conscious kasi hindi pa naman siya nakakapaghilamos. "Bakit?"tanong ni Ash habang inaayos ang pagkain. Kinuha nito ang kutsara at nagsimulang sumandok ng sabaw. "B-baka kasi ma-late tayo."sabi niya sa binata. "No, honey. Hindi ka papasok ngayon. Dito ka lang sa bahay para magpahinga and that is final."maawtoridad nitong sabi sa kanya kaya hindi na siya nakapagprotesta pa. Nagulat na naman si Aya sa binata dahil susubuan siya nitong kumain. Tinanggihan niya ang pagsubo ni Ash kaya lang ay ipinagpilitan ni Ash na subuan siya. "Just let me feed you, okay. Mahina pa rin ang katawan mo."sabi nito sa kanya. Hinayaan niya na lang ang binata na subuan siya at tiniis niya na lang ang pagkailang na nararamdaman. Isa pa may part naman ng utak niya na gusto niya rin ang ginagawa nito. Naglalakad ngayon si Aya papuntang parking lot. Naiwan niya kasi ang libro sa kotse niya. Nang makuha niya na ang libro ay naglakad na siya pabalik subalit nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kanyang kamay. Sisigaw sana siya pero maagap nitong tinakpan ang kanyang bibig sabay siyang isinandal sa kotse. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagsino ito. "L-Lance..."sambit niya ng tanggalin na nito ang kamay sa kanyang bibig ngunit hindi pa rin siya binibitawan ng binata. He looks haggard now, iyon ang tingin ni Aya sa kanya at nangangayayat na rin ito. She can read the pain in his eyes nang titigan niya ito. "Lance, b-bakit-"natigilan siya sa ibang sasabihin nang yumuko ito at ibinaba ang ulo saka isiniksik sa kanyang leeg. "Aya..."he said in a very low tone, it is almost a whisper in her ears. Hindi na naman maipaliwanag ni Aya ang nararamdaman ngayon. Her heart beats rapidly again hearing his voice like that. "I...I miss you so much. A-akala ko kaya ko na mawala ka sa akin. Ginawa ko na ang lahat para iwasan ka at huwag kang kausapin pero h-hindi ko kaya."hirap nitong sabi sa kanya. "L-Lance..."hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito ngayon. Ang buong akala kasi niya ay galit si Lance sa kanya. Pero mag-isa pala nitong hinaharap ang hirap at sakit ng kalooban nito. Until she felt his tears down to his neck. Nalulungkot siya at nababagabag ang kanyang damdamin ngayon para sa binata. "Pwede bang...pwede bang lumayo na lang tayo, ha, Aya?"nagulat si Aya sa tinuran nito. "P-pero bakit mo nasabi yan ngayon?" "S-si mama at papa, they plan to have me engage to a daughter of a senator."nabigla na naman si Aya sa sinabi nito at hindi siya makapagsalita. Nangilid ang kanyang luha. Bakit? Bakit ba sila nagkakaganito ni Lance? Talaga bang hindi na sila pwede? "I don't want to marry her. Ikaw lang ang gusto ko Aya. D-di ba sabi ni Ash, ibibigay ka na niya sa akin? Kausapin mo siya, please...Aya." "L-Lance..."hindi alam ni Aya kung matutuwa ba siya sa sinabi nito na handa na siya nitong ipaglaban. Naguguluhan na kasi siya sa sariling damdamin. "Mababaliw na ako sa kakaisip sayo, Aya. I miss you."sabi pa nito ulit sa kanya. Napapikit si Aya, naiisip kung bakit pa naging ganito ang tadhana nila ni Lance. Maya-maya pa ay bahagyang lumayo sa kanya si Lance at tinitigan siya sa mukha. She saw those tears fall down from his eyes. Ikinulong nito ang kanyang mga pisngi sa mga palad ng binata. And he gently touch her cheeks, her brows and nose and now her lips. "I love you and I always love you Aya."anas nito sa kanya. And in a moment she felt his lips covered her mouth. Unti-unti siyang napapikit sa halik nito. Nang pilit na ipasok ni Lance ang dila nito sa bibig niya ay bahagya niyang natulak ang binata. Bigla na lang kasing pumasok si Ash sa kanyang isipan at may nagsasabi sa kanyang utak na mali ang ginagawa niya ngayon. Nagulat din si Lance sa inakto niya. "A-aya..." "I...I...think I-I have to go Lance,"paalam niya rito at nagmadaling umalis na. Naiwan namang nakatigagal si Lance at nakuyom ang kamao. "Ash."untag ni Yesha sa kanya. Nakatulala kasi siya habang naghuhugas ng tray. Naiisip niya kasi ang nasaksihan kanina. He saw his wife kissing another man. Papunta siya sa parking lot kanina dahil nagtext sa kanya si Aya kung may nakita ba siyang aklat sa architecture. Nireply-an niya naman ang dalaga na meron at nasa kotse iyon. Nagprisinta siyang siya na ang kukuha subalit pagkarating sa parking lot ay natigilan siya nang makita si Lance. Hinila nito si Aya and embraced her. Hindi niya na naipagpatuloy ang paglalakad. Para siyang tuod doon sa may sulok at nanatili lang nakamasid sa kanila. Again he felt that pain in his heart seeing them together again. And it hurts more when he saw them kissing. Doon na siya napatalikod at nagwalk-out. Ayaw niya na kasing masaksihan ng matagal ang tanawing iyon 'cause it makes his heart only to cry more. At ngayon para siyang tanga, lutang ang isipan at para bang walang gana. Hindi nga nagsisink-in sa utak niya ang sinasabi ni Yesha. "Ash? Hello? Andyan ka pa ba?" Malakas na bulong ni Yesha sa tenga niya. Hindi niya pinansin ang dalaga at nagpatuloy lang siya sa ginagawa. "Mukhang may topak ka na naman eh."sabi ni Yesha at iniwan na siya. Kahapon lang ay kay saya-saya niya. Subalit dagli rin namang binawi ang kasiyahang nararamdaman niya. Ang buong akala niya ay makakapagsimula na sila ni Aya ngunit umeksena na naman si Lance. Ano ba'ng gagawin niya? Magpapakamatay na lang ba siya para tuluyan ng lumigaya ang dalawa o ipagpapatuloy niya ang panunuyo kay Aya? Nalilito na naman siya sa plano niyang gawin. Matapos ang shift nila ay sabay na silang umuwi ni Yesha. Habang naglalakad ay tinanong siya ng dalaga. "M-may problema ka na naman ba?" Umangat ang kanyang mukha at tiningnan ang dalaga. Ngumiti ito sa kanya. "Mukhang meron nga."wika nito. "I-ihahatid na kita."sa halip ay sabi ni Ash sa dalaga. "Ha? Sabay naman tayo palaging sumasakay ng jeep di ba?"nagtatakang tanong ni Yesha. Nagulat pa ang dalaga nang hilahin ni Ash ang kanyang kamay at nagtungo sila sa parking lot. "Sakay na."utos ni Ash sa kanya. Nakatanga pa rin si Yesha. Pinagbuksan lang naman kasi siya ni Ash ng pintuan ng sasakyan. Hindi pa rin makapaniwala si Yesha na pinapasakay siya nito sa isang magaramg sasakyan. "T-teka? Niloloko mo ba ako? Bakit, sayo ba to?"tukoy ni Yesha sa sasakyan. "Hindi."diretsong sagot kaagad ni Ash. "Ganun naman pala eh. Tayo na. "sabi ni Yesha at hinila ang binata. "Ang sabi ko hindi sa akin to, kay Aya to sa asawa ko."dagdag paliwanag ni Ash sa kanya. "Okay." Ihahatid sana ni Ash si Aya pauwi kanina kaso tumanggi ang dalaga. Ang sabi nito makikisabay na lamang ito kina Trixie para huwag na siyang maabala pa. Kaya ngayon heto, dala niya ang sasakyan ni Aya sa fastfood. Nag-atubili man na sumakay si Yesha ay sumakay na rin ito. Tahimik na ang bahay pagkauwi ni Ash. Sa palagay niya tulog na si Aya. Padapa niyang ibinagsak ang pagod na katawan. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang nasaksihan kanina. Ipinikit niya ang mga mata para palisin sa kanyang isip ang eksenang iyon. "Ash..."nagulat pa siya nang marinig ang boses ni Aya. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa gilid ng kanyang kama. Naramdaman niya na inabot nito ang sapatos sa kanyang paa kaya napabalikwas siya ng bangon. "H-hindi ka pa n-natutulog?"nauutal niyang sabi. Kasi naman, tumayo ito at dumukwang sa may paahan niya at tinanggal nito ang suot niyang sapatos. Naninibago siya sa ikinikilos ng dalaga kaya nagtataka talaga siya. "H-hindi pa. Kumain ka na?"this time nakatayo na ito at nasa kanyang harapan. "K-kumain na kami ng mga crew kanina."sagot niya habang nakatitig sa nakayukong dalaga. "Ah, o-okay. Sige matulog ka na."anito. Lumabas na si Aya sa kanyang silid. Mas lalong hindi nakatulog si Ash dahil sa ginawi ng dalaga. Nalilito siya sa mga ikinilos nito. Hindi kaya nakokonsensya ito sa nagawa kanina kaya ganito ang ikinikilos nito ngayon? Naibaon niya ang ulo sa unan sa matinding pag-iisip. Sa silid ni Aya ay hindi rin siya makatulog. Nakaupo siya ngayon sa kama habang yakap ang unan. Naiisip pa rin niya ang ginawa kanina. Basta na lang kasi siyang dinala ng kanyang mga paa sa silid ni Ash kanina. She had the urge to hug him pero pinigilan lang niya ang sarili. Gusto niyang sabihin kay Ash ang nangyari kanina sa parking lot subalit pinangunahan siya ng takot. Baka kasi kung ano ang isipin ni Ash at magalit ito sa kanya kaya tinago na lang niya. .... "May problema ka? Sabihin mo na kasi."kulit ni Yesha sa kanya. Nakapangalumbaba siya ngayon sa ibabaw ng mesa. Nasa library na naman sila. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo?" "Sige na sabihin mo na kasi."atat na wika ni Yesha. "My wife doesn't love me."bulong niya. Napanganga naman si Yesha sa sinabi niya. "A-are you sure?"di niya makapaniwalang sabi. Nung makita niya kasi si Aya sa ospital ay iyak ito ng iyak. Tapos ngayon sasabihin ni Ash na hindi siya mahal ng asawa. Imposible iyon? "H-how come?" "May mahal na siyang iba. At hanggang ngayon ito pa rin ang mahal niya."mahina niyang sabi sa dalaga. Matagal na hindi nakaimik si Yesha sa sinabi nito. Nanatili lang siyang nakatitig kay Ash and he looks serious by what he said. She still can't believe it na hindi ito mahal ni Aya. Ang swerte-swerte nga nito dahil napakaloyal ng husband niya tapos ngayon, aayawan pa niya. Ibigay na lang kaya 'to ni Aya sa kanya, kung ayaw niya. "Kung ganun, you have a one sided love."malungkot na tumango-tango si Ash sa kanya. "Alam ko na." "Ang ano?"napaangat ang mukha ni Ash. "Halika may pupuntahan tayo."hinila niya ang binata at lumabas na sila ng library. "Saan tayo, pupunta?" "Basta."napasunod na lang si Ash. Saan naman kaya sila pupunta nito? "Aya, my Gosh! Tingnan mo ang Yesha na 'yun? Kung makahawak sa asawa mo, akala mo kanya."nanggigigil na sabi ni Trixie sa kanya kaya napalingon siya sa direksyon na tinitingnan nito. And she saw them walking together habang nakakapit si Yesha sa braso ni Ash. And she felt the pain in her heart. "If I know, patay na patay rin siya kay Ash, at pasimple niya itong inaakit."dagdag pa ni Lyka. "Hoy, tumahimik nga kayong dalawa dyan. Tingnan n'yo si Aya, maiiyak na 'yan."sabi ni Hana. "Ayiiee, Aya aminin mo na kasi love mo na si Ash noh?"tukso na naman ni Lyka sa kanya. Nagsisikip na nga itong dibdib niya, tinutukso pa siya ng tatlo. "Bahala na nga kayo dyan."sabi niya na pumasok na sa room nila. Nasa second floor kasi ang room nila at mula sa architecture building ay tanaw nila ang malawak na field ng university kaya nga nakita ng tatlo sina Ash at Yesha. Iniwan niya na ang mga ito at naupo na sa silya niya. Sumunod naman ang tatlo sa kanya. "Ganun? Wala ka man lang bang gagawin, Aya?"hindi makapaniwalang sabi ni Trixie na umupo pa talaga sa silyang nasa harapan niya. "W-wala. Ano ba ang gagawin ko? H-hayaan mo na sila."sabi niya na lang at kinuha ang sketch pad mula sa bag at nagsimulang magsketch ng kung anu-ano para doon mabaling ang atensyon niya. "Talaga? Hahayaan mo lang sila. Paano kung maakit nga niya si Ash, tapos may mangyari sa kanila tapos mabuntis siya at papanagutin niya ang asawa mo? Paano ka na, Aya?"daldal pa ni Trixie sa kanya. "I said, stop it!"inis na ibinagsak ni Aya ang sketchpad niya sa ibabaw ng armchair. Nagulat pa ang ibang kaklase nila. Natahimik naman ang tatlo. Nakita kasi nilang umiiyak na talaga si Aya. Kinuha nito ang bag at inilagay sa ibabaw ng armchair saka doon isinubsob ang ulo. Doon siya tahimik na umiyak. Naiinis siya kay Yesha, naiinis siya kay Ash at mas lalong naiinis siya ngayon sa sarili niya for feeling this way. Hindi niya mahal si Ash, pero bakit nasasaktan siya ngayon na makitang may kasama itong iba? Hindi niya alam ang gagawin kung paano ba susupilin ang nadarama ngayon na hindi pa niya mapangalanan. Akala ni Ash kung saan na naman siya dadalhin ni Yesha. Kakain lang pala sila ng ice cream dito sa labas. Nakangiting napapakunot-noong tinitingnan niyang kumakain ng ice cream si Yesha. "Bakit?"untag sa kanya ni Yesha. "Wala." "Sabihin mo na kasi ang ganda-ganda ko ngayon."sabi nito sa kanya ng dalaga sabay dinilaan pa siya nito. Natawa na lang siya sa ginawa nito. "Ice cream para yan sa mga brokenhearted, katulad natin."sabi pa nito sa kanya. "Bakit? Brokenhearted ka rin ba?"tanong niya sa dalaga na nacu-curios. "Oo. May mahal na rin kasing iba ang taong mahal ko kaya kumain na lang tayo ng ice cream para malamigan ang utak natin at magising tayo."nakangiti nitong sabi sa kanya habang kumakain pa rin ng ice cream. Tumango-tango na lang siya habang kumakain ng ice cream bilang pagsang-ayon. Day-off nila ngayon kaya sabay silang uuwi ni Aya. Subalit pagbalik niya ng school ay wala na ang kanyang asawa. Nakatanggap siya ng text na nakauwi na pala ito. Sumabay na pala si Aya sa mga kaibigan nito kaya ngayon mag-isa siyang umuwi. Maaga pa naman kaya nadatnan niya si Aya sa sala pagdating niya at nanonood ito ng cartoons. Pero nagtaka siya nang makita siya nito ay bigla na lang nitong ini-off ang tv at pumasok sa silid ng walang imik. Dumiretso na rin siya sa kanyang silid at nang makapagbihis. Ipagluluto niya ngayon ng masarap na hapunan ang asawa niya. Tahimik silang pareho na kumain ng hapunan. "A-aya..." "I'm done."sabi nito at tumayo na. May sasabihin sana siya pero hindi niya na nasabi, tinalikuran na kasi siya nito. Mukhang malalim na naman ang iniisip ng dalaga. Bigla siyang kinabahan dahil baka naiisip na naman nito ang pakikipaghiwalay sa kanya. Alam niyang nagkausap sila ni Lance at baka nagkaayos na ang mga ito kaya nagugulumihanan siyang baka hilingin na naman nitong ibigay niya ang kalayaan nito. Nangangamba na naman ngayon ang puso niya. Nakaupo siya ngayon sa study table niya. Nakahilera ang gagawin niyang mga plates pero hindi pa rin niya masimulan. Okupado kasi ang isipan niya tungkol kay Aya. "Ash."napalingon siya when he heard that familiar voice. Nakita niya si Aya na may bitbit na notebook at ballpen. Pumasok ito at lumapit sa kanya. Nakasuot na ito ng manipis na pajama. "M-may kailangan ka?"nauutal niyang sabi. Hindi talaga siya mapalagay pag ganitong napagsosolo niya ang dalaga. Lalo na at ganito ito kalapit ngayon. Napapikit siya ng masamyo ang mabangong shampoo na ginamit nito. "Pwede bang pakisagutan mo naman to?"tukoy nito sa assignment. "Sabi nila matalino ka raw sa math kaya pwede bang sagutan mo 'tong assignment ko."wika nitong naupo sa ibabaw ng kama niya. "Ha?"para na naman siyang tanga sa harapan ng dalaga. Kung bakit ba kasi kinakabahan na naman siya ng ganito. Kinuha niya ang notebook nito at tiningnan. "Matalino ka naman ng math ah?"sabi ni Ash. "Eh, tinatamad ako . Sagutan mo na lang kasi, please..."napapakamot na lang si Ash na kinuha ang ballpen. "Sige, balikan ko na lang."paalam nito at lumabas na ng silid. Napabuntung-hininga na lang na napasandal siya sa upuan. After a few hours ay bumalik na si Aya sa silid ni Ash. Nadatnan niya ang binata na nakatulog na sa study table habang hawak-hawak pa nito ang ballpen niya. Lumapit siya rito at pinagmasdan ang mukha ng binata. Tahimik itong natutulog. She lifted her hand and touch his face. She traced his nose and touch his lips. Aamin niya ba sa sarili niyang gusto niya na ang binata? Natigilan siya nang gumalaw si Ash, at tuluyan nang nagising. Parang namamagnetong napatitig siya sa mga mata nito. Napatitig rin sa kanya ang binata. Kukuhanin na sana niya ang kanyang kamay subalit hinuli iyon ni Ash. Hinila siya nito at bumagsak siya sa kandungan ng binata. Ganun na lang ang bilis ng t***k ng kanyang puso when she realized na ilang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha nila. Alam niyang namumula na naman ang pisngi niya. Napayuko siya, hindi niya kasi kayang salubungin ang matitiim nitong titig sa kanya. And before she knew it, sinakop na ni Ash ang kanyang mga labi. She closed her eyes and savor his kiss. Nangunyapit siya sa batok ni Ash, pakiramdam niya kasi ay nanghihina na naman ang mga tuhod niya. It's like her body is melting down mula sa nagbabagang mga labi nito. Napaigtad siya nang maramdaman niya ang pagsapo ni Ash sa isa niyang dibdib, encircling it and stroking. While his tongue is not yet finished probing her mouth. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin ni Ash at nagpapatangay siya rito. Ang mahalaga ngayon ay ang nararamdaman niya. She wants him at gusto niya itong paligayahin. Tinapon niya na lahat ang inhibisyon sa kanyang katawan. She wants his touch and soft caress kaya wala na siyang pakialam. Hindi na siya tumutol nang unti-unting kinalas ni Ash ang butones ng pajamang suot. Tinulungan pa nga niya ito. And now after na lumaya ang kanyang dibdib ay naghumindig ito sa harapan ng binata. That full breast that he loves to suck and licked is inviting him again. Napaliyad si Aya nang tuluyang sakupin ni Ash ang kanyang isang dibdib. She gasped with the excitement and sensation he's giving her. Napaungol siya at napasabunot sa buhok ng binata. And now, inaamin niya na sa sarili na there's no man could make her like this, like a wanton woman craving for s*x kundi si Ash lang. Si Ash lang ang nag-iisang lalaking nagparamdam sa kanya ng ganito. And it is her husband kaya hindi siya nahihiya. Siya lang ang nag-iisang lalaki na napapasunod siya pagdating sa ganitong bagay. She wants to fulfill his needs for this. At handa siyang ibigay iyon sa asawa niya ngayon. Nakagat niya ang labi nang sipsipin nito ang isa niyang dibdib habang ang isa ay pinaglalaruan ng kamay nito. She moaned with the pleasure she's feeling right now. Dinilaan nito ang korona ng kanyang dibdib saka sinipsip at bahagyang kinagat-kagat. "A-ash..."she moaned. Napapabiling ang kanyang ulo sa ginagawa nito. He continued doing it again and again. Napaigtad na naman siya when she felt his hardness. Kandong kasi siya nito kaya ramdam niya ang pagkabuhay nun na kumikiskis sa pagitan ng kanyang mga hita. Mas lalo siyang nababaliw sa sensasyong dulot nun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD