Chapter 6

1250 Words
What We Never Said  Hindi ko alam kung bakit kahit ilang kilometro ang layo ko sa Maynila, kahit ilang oras ang pagitan namin ni Aldriq, parang hindi pa rin ako makawala sa bigat ng presensya niya na tila ba patuloy na sumusunod sa akin kahit saan ako magpunta. Kahit nasa Ilocos ako ngayon kasama ang team ko, sinusubukan kong ituon ang isip ko sa trabaho at sa concept na kailangan kong iharap sa kanya. Hindi ko maiwasang bumalik sa alaala ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin kahapon—parang may gustong sabihin ngunit pinipigilan, parang may hinahanap na sagot ngunit ayaw itanong. Tatlong taon. Tatlong taon akong natutong mabuhay nang wala siya, natutong buuin muli ang sarili ko nang hindi umaasa sa kahit sino, natutong panindigan ang pangalan na pinaghirapan kong ibalik matapos masira ang reputasyon ko sa nakaraan. Ngunit ngayon, sa isang iglap lamang, parang lahat ng itinayo kong pader ay unti-unting nagkakaroon ng bitak. Ayokong bumalik sa dating ako. Ayokong maging mahina ulit. Morning in Vigan Nagising ako nang mas maaga kaysa sa inaasahan ko dahil sa mahinang sinag ng araw na sumisilip sa manipis na kurtina ng kwarto, at habang nakahiga pa ako ay nakatingin lamang sa kisame, sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na ang meeting mamaya ay isa lamang normal na business discussion, wala nang personal na kahulugan, wala nang emosyon na dapat ikabahala. "Focus on the project," bulong ko sa sarili ko habang marahan akong bumangon mula sa kama at naglakad papunta sa maliit na balcony ng ancestral house na tinutuluyan namin. Tahimik ang paligid, maririnig lamang ang mahinang ingay ng mga naglalakad sa kalye at ang kaluskos ng hangin na dumadampi sa mga dahon ng puno sa labas. Kung tutuusin, ito ang klase ng katahimikan na matagal ko nang hinahanap, ngunit bakit pakiramdam ko mas lalo lamang lumalakas ang ingay ng isip ko kapag tahimik ang paligid? "Ma'am gising na kayo?" tanong ni Rosalie mula sa labas ng kwarto habang kumakatok ng marahan. "Yes, coming," sagot ko habang mabilis na nag-ayos ng sarili. Paglabas ko sa dining area, agad akong sinalubong ng masayang kwentuhan ng team ko na tila ba walang ibang iniisip kundi ang pagkain at ang bakasyon namin. "Ma'am tikman niyo yung longganisa, sobrang sarap," sabi ni Jane habang inaabot sa akin ang plato. Ngumiti ako at umupo sa harap nila, pilit itinatago ang pagod na nararamdaman ko. "Ma'am, ano na concept natin?" biglang tanong ni Kristof habang seryosong nakatingin sa akin, tila ba hindi talaga ito marunong magpahinga kapag may trabaho. Napangiti ako nang bahagya bago sumagot. "Something more honest." Napakunot ang noo ni Andy. "Honest?" "Yes," sagot ko habang kinukuha ang notebook ko mula sa bag. "This time, we are not selling perfection. We are selling truth." Tahimik silang nakikinig habang ipinapaliwanag ko ang bagong direksyon ng campaign. "No heavy retouching," dagdag ko. "No unrealistic standards." "No scripted emotions." Napatingin si Rosalie sa akin nang may halong excitement at kaba. "Ma'am... parang risky yata 'yan?" Tumango ako. "It is risky," aminado ko. "But people are tired of seeing perfection they can't relate to." "Real people, real emotions," dagdag ko habang ipinapakita ang mood board na ginawa ko kagabi. Napangiti si Andy habang nakatingin sa sketches. "This is powerful." "Very powerful," dagdag ni Kristof. "For the first time, parang hindi lang product ang binebenta natin." Tumango ako. "We are selling connection." The Email Pagkatapos ng lunch, bumalik ako sa kwarto upang i-check ang emails ko, at agad kong napansin ang isang mensahe mula kay Anthony. Sir Aldriq will be visiting Ilocos tomorrow. Napahinto ako sa pagbabasa. Why is he coming here personally? Hindi ba pwedeng online meeting na lang? He must really want to evaluate the concept himself. Or… He wants to see me. Umiling ako agad. Professional lang ito. Stop assuming. Meeting Day Maaga akong dumating sa La Casa Hotel, dala ang laptop at printed copies ng presentation ko, habang pilit pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghinga nang malalim. You can do this. Hindi ito katulad ng dati. Hindi ka na katulad ng dati. Eksaktong 3:07 PM nang bumukas ang pinto ng conference room, at hindi ko na kailangang lumingon upang malaman kung sino ang dumating dahil sapat na ang presensya niya upang baguhin ang atmosphere ng buong silid. "You're late," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya, pilit pinananatili ang professional tone. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. "You came too early." Nilingon ko siya, at sa sandaling iyon ay muli kong napansin ang mga pagbabagong hindi ko nakita noong una kaming nagkita ulit. Mas seryoso. Mas tahimik. Mas mahirap basahin. "Let's start," sabi ko habang binubuksan ang presentation. Habang ipinapaliwanag ko ang concept, nararamdaman kong hindi sa screen nakatuon ang pansin niya kundi sa akin, at kahit pilit kong iniignore iyon ay hindi ko maiwasan na maging conscious sa bawat galaw ko. "What inspired this concept?" tanong niya bigla habang nakatingin sa isang slide na nagpapakita ng candid photos ng iba't ibang couples. "You asked for emotion," sagot ko nang diretso. His gaze didn't leave mine. "I asked for emotion, not confession." Napahigpit ang hawak ko sa clicker. "This is still professional." "Is it?" Naramdaman kong mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan namin. "You disappeared," sabi niya sa mahinang boses na halos hindi marinig ngunit sapat upang maramdaman ang bigat ng bawat salita. "And you didn't look for me," sagot ko nang hindi iniisip ang lalabas sa bibig ko. His jaw tightened. "I did." Napatawa ako nang mahina. "Really?" "I went to your studio." "I wasn't there anymore." "I know." "So you stopped looking." "You erased your name." Tahimik ako. "You changed everything." "I needed to survive." Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. "You could have trusted me." "I did trust you," sagot ko habang pinipilit panatilihing steady ang boses ko. "But trusting you didn't save me." His eyes darkened. "You think I would have let them hurt you?" "You already did." Pareho kaming natahimik sa sinabi kong iyon. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang mga salitang sinabi ko o ang katotohanang pareho naming alam na may katotohanan iyon. Hidden Feelings Lumapit siya nang bahagya, sapat upang maramdaman ko ang init ng presensya niya ngunit hindi sapat upang masabing lumampas siya sa limitasyon. "You still wear it." Napatingin ako sa kwintas ko. Hindi ko na napansin na suot ko pa rin pala iyon. Tatlong taon ko na iyong hindi inaalis. Hindi dahil sa kanya. Hindi dahil sa alaala. Kundi dahil iyon ang simbolo ng panibagong simula ko. Or so I told myself. "It doesn't mean anything," sabi ko habang tinatakpan ang kwintas. "Then why didn't you remove it?" Hindi ako sumagot. Because I couldn't. Because a part of me didn't want to forget. Because forgetting meant letting go completely. And I wasn't ready. Not yet. The Decision Matagal kaming natahimik bago siya tuluyang nagsalita muli. "I approve the concept." Napatingin ako sa kanya. "Really?" "I don't like it." Napatigil ako. "But I understand it." That confused me more. "I want the first shoot next week." Tumango ako. "Fine." Naglakad siya papunta sa pinto ngunit huminto sandali bago lumabas. "I won't force answers from you." Hindi siya lumingon. "But don't disappear again." At tuluyan siyang umalis. Iniwan akong mag-isa sa conference room na puno ng katahimikan at mga salitang hindi namin kayang sabihin. Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap— Ang kalimutan ang nakaraan O ang harapin ang katotohanang hindi pa pala ito tuluyang tapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD