Nakaramdam ako ng kirot mula doon sa aking sugat. Siya naman ang may kinukuha mula doon sa likod ng sasakyan niya. Seryoso ang kanyang mukha at madilim ang ekspresyon nito.
"Hindi mo na kailangan ito gamutin. Thank you but I can manage on my own.." Bumababa ako sa kotse at hinanap ang aking sasakyan. Isang paghila sa aking braso na halos ikatumba ko at mabilis naman niya akong nasalo. Yung pagtingin namin ay nagtama ngunit umiwas ako at inilayo ko ang aking katawan.
"I'm sorry."
"You are not fine! Malalim ang sugat mo at hinahanap ko yung first aide. Let me clean it first." matigas niyang sabi habang hila ako pabalik ng kanyang kotse. Hindi ko iyon gusto dahil ayoko din at baka o maaring may makakita sa amin. Lalo na at mainit ang mata ng media sa kanya ngayon.
Pero dahil andito na rin naman ako ay hinayaan ko na siya gamutin ang sugat. Habang nililinisan niya ito ng maayos ay iniisip ko na hindi pa rin nagbabago ang hitsura niya mula noong huli ko siyang nakita at kahit ilang taon na ang nakalipas ay ganoon pa rin ito.
"It's done." aniya.
"Thank you, again... for saving me and for this." inangat ko ang aking braso na merong patches. Lumabas na ako ng sasakyan ng maramdaman ko yung malalim na titig niya sa aking mukha. Tila ba pinagmamasdan niya ang lahat ng sulok nito. Nakita ko yung ngiti niyang matipid ngunit alam mong malungkot ang kanyang mga mata.
"You're welcome. My pleasure."
Sumunod na din siya sa paglabas ng kanyang sasakyan. Hindi ko na siya nilingon pero alam kong nakasunod siya aking paglakad palayo. Madison, 'wag kang lilingon. Umayos ka okay ka na. Okay ka na kayo ang ng anak mo. Pero ang anak ko lang meron ang ako.
"Hey, Aldriq you're here already. Saan ka ba nakapark? Sa'yo na ako sasabay." I heard a female voice from afar. Nilingon ko iyon at tama ang nasa isip ko si Miss Celine na lumapit sa kinatatayuan ni Aldriq ang yumakap sa kanya. They are both smiling to each other like a happy couple. Lumakad na ako palayo at ayoko nang isipin at marinig kung ano man ang sasabihin pa nilang dalawa. Sumakay na agad ako sa driver's seat ng aking sasakyan at pinaandar ito.
"Good morning Ms. Aragon." bati sa akin ni Andy. "Ma'am ito na 'yung concepts na request ng mga clients natin. They wanted a detailed plan regarding the shoots and locations we shall use. They are requesting an easy and weekly update status of the project."
After three years, SG Korea concentrated on businesses such as shopping malls, beauty products, hotels, restaurants, and beach resorts. Pumunta ako sa Sofia hotel para makuha ako ng idea to use sa collaboration. Kailangan ko ng inspiration para sa Prestige Magazine shoot para kay Ms. Celine. Well, she is the famous actress and face of SG Korea. I was concentrating on the free shots when someone bumped into me. I almost fell off my previous camera.
"What the hell?" agad kong inangatan ng tingin kung sino ang nakabanggaan ko. Nasurpresa pa kami sa bawat isa. Parehas di namin inaasahan makita ang bawat isa dito sa hotel. Nakatingin lang ito ng seryoso sa akin at hindi umiimik. Anong problema ba nito?
"Mr. Lim, It's time for the board meeting." sinabi ng kanyang secretary na halos tumakbo para lang makasunod sa kanya. Hindi pa din pa pala siya nagbabago mula noon. may sasabihin pa sana ako sa kanya pero tumuloy na ito sa kanyang personal elevator. Nakaramdam ako ng pagkainis na tila walang respeto ang taong yun ngayon. Kung ganito ang magiging meeting namin magiging stress ko sa hinaharap.
"Ang gaganda ng shots, Ma'am." pagpupuri Kristof sa mga photos na nakuha ko mula sa hotel. Si Kristof ay ang aming editor at concept creator. Nilataaag nila ni Rosalie ang mga pictures at videos na isasama para sa advertisement. Ako naman ay naghanda ng shots para ng Sofia Skin products sa concept room.
"Thank you, Kristof; I appreciate the praise. Pero sana di ba natatapos natin yang editing natin." sarkastiko kong pagbibiro sa kanya. paano mula nang lumipat kami ng studio office aba mas nag aabang pa ng lalaki sa kabilang office kaysa tapusin yung editing. Kaya ang ending ay last minute ang finishing touches.
Ngumingiti-ngiti lang ito at binatukan naman ito ni Andy. Napailing na lang ang iba sa kalokohan nito. Naubos ang amin na oras sa lahat ng ginawa namin na pag eedit, pagshoot, at pagcompile ng mga kailangan sa video shoot at model shoot.
CLICK!
CLICK!
CLICK!
Ilang pictures na kinukuha ko pero bakit nakakabwiset yung pakiramdam ko. Hindi maayos ang posing at aura ni Miss Celine. Almost one hour photoshoot but no best picture came out from the monitors. Lahat kami naiinis na walang matinong posing itong model na'to.
"Change outfit!" sigaw ko. "Retouch."
Hindi maganda ang araw na ito para matapos ang shoot. Nakakafrustrate na iilang posing na di nagagawa ni Ms. Celine ay mag oovertime kami sa target dates namin. Iniisip ko pa na yung boss ng project ay si Aldriq mas matatapos ng mabilis ang mga career namin kung di kami maayos matatapos.
"What's going on? My team brought something to eat for everyone." isang pamilyar na boses ang ayokong marinig lalo na ngayon. Napatigil ang lahat at agad na lumapit dito si Celine.
"Hi, sweetheart. Hindi pa kami tapos sa shoots namin. Ang dami nilang pinaggagawa napapagod na ako." maarteng reklamo nito sa kanya.
"Good day Mr. Lim. We are happy to see you support this much." bati ni Andy sa kanya habang ako naman ang pumalit sa kanya sa pagcheck ng pictures. Hindi ko rin gusto makita sila ngayon.
"We are still editing the pictures and taking photos for possible replacement. Medyo hindi maganda yung kinalabasan ng photos ni Ms. Celine." saad ni Andy na tipong nagsumsumbong ito.
"Aba kasalanan ko pa na hindi maayos yung photographer ninyo." saad ni Celine. "Kung wala siya sa mood tigil na lang natin tong project na ito. Aldriq ihanap mo na lang ako ng ibang photographer."
Napatayo ako sa sinabi niya hindi ko inaasahan siya pa ay may gana magreklamo samantalang siya tong parang tanga kung magposong sa camera. Paano ba 'to naging artista? Hindi professoional pati pag-aasta kala mo binabayaran pati pagkatao mo.
"Hey, that's very unprofessional of you. It is your own fault why all of us are delayed with our work. Why are you chasing the blame on us, huh?" hinarap ko siya at pinuntahan kahit pa nasa likod pa siya ni Aldriq. "Kung di ka nag iinarte sa ginagawa mo aba dapat tapos na'to. Isama mo pa 'yung pagiging late mo sa location ng dalawa hanggang tatlong oras. Ano ba tingin mo sa akin at sa ibang crew dito tauhan mo lang na walang ibang trabaho?"
Hindi ko na napigilan na sabihin na sa iisang bagsakan yung naiisip ko. Doon ko lang na-realize na hindi nga lang pala kami ang naroroon. Lumingon ako at tahimik ang lahat na nakamasid sa akin.
"I'm sorry.. sorry." nagbow ako sa kania. s**t! Nakakahiya at nakakaasar lahat sila nakita yung taray mode ko. Binalik ko yung tingin ko sa kanila. Kitang-kita ko yung ngiiti ni Aldriq mula sa sa harapan ni Celine at hindi niya pa napapansin na nakatingin din ako sa kanya. Walang nakakatawa sa nangyayari dito.
"Ahem... It looks like you're at fault here; everybody is late submitting their project because of your childishness." seryosong baling ni Aldriq sa likod niya. Nag-iba din ang tono ng ananalita nito na tila galit na din ito.
"Ano ito? Siya kinakampihan mo?! Ako ang girlfriend mo at AKO dapat ang pinagtatanggol mo sa kanila." nagsimula na ito magalit at nagtaas ng boses. Hindi ba nila narerealize na nandito kami sa shoot?
"It is not the point here. We are getting behind with our original schedules just because of your tardiness. If you are pushing to continue to be like that we should break up then." mariin niyang tugon dito at tuluyang iniwan ito. Hindi na muling lumingon ito at dumietso sa paglakad palayo habang kami naman ay natigilan. Wala nang mga salita lumabas sa aking bibig gustuhin ko man magsalita ngunit di ko kayang gawin.
"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?! Masaya kayo sa nakita niyo ganon?" hiyaw ni Celine na bagama't mukhang iiyak ito ay minabuti na namin di siya pansinin. Agad naman akog bumaling sa aking camera at tiinignan ang huling shots. Naramdaman ko ang isang marahas na paghila mula sa likod.
"Are you happy? You ruined everything." nanlilisik na sabi ni Celine sa akin. Malakas kong hinawi ang kanyang pagkakahawak at hinarap siya.
"Let us be both professional, can we? Masyado kasing nagiging personal ang nangyayari dito kung tutuusin di na dapat umabot sa ganito. Hindi na aabot sa break up kung naging maayos sana ang photosoot." baling ko sa kanya. Nakita ko lalo siyang nanggalaiti at akma akong sasampalin.
"Subukan mong idampi yan sa mukha ko at hindi lang yang break up ninyo magiging usapan sa media at buong show business." pagbabanta ko sa kanya. Alam namin parehas na once na idampi niya at tinuloy ang sampa mas malaking eskandalo ang mangyayari lalo na at maraming witness sa area.
Makalipas lamang ng isang oras ay pinilit naming tapusin ang shoot lalo na at under coverage kami ng CEO ng kompanya mahirap hindi ito matapos at baka mauwi naman sa wala ang lahat ng trabaho ng bawat isa. Kahit na hindi okay si Celine ay tinago namin yung awkwardness habang tinatapos yung shooting. Hindi ko na din gustong patagalin yung ttrabaho kaya naman di na ako nagtagal.
"It's a wrap!" sigaw ko at dumiretso sa computer. Hinayaan ko na sila magligpit at inayos ko naman yung camera. Sinulyapan ko lang si Celine dahil habang nag-aayos ang lahat siya naman ay makikita mong lihim na umiiyak. Inaalo siya ng personal assistant niya habang nagpupunas siya ng luha. Nagpatuloy ako sa editing dahil bukas ay ipakikita ko sa board yung outcome ng shoot.
"This is the whole album of photos for the billboards. We have three billboards in malls, 15 on stall endorsements, and five on advertisements. We have one hundred photos to choose from but I already chose the prettiest and most suitable ones for the project. You can communicate with us if you have advice or certain revisions on these projects."
Nakita ko na na-satisfy ang board sa presentation ko. Everyone seems okay with the outcome. Kahit ako ay hindi makapaniwalang nakikita ko na sumasang-ayon ang lahat sa ilang araw kong pinagpuyatan na editing sa mga pictures.
"I am not satisfied with the results of the picture. reshoot it again." seryosong tugon ni Aldriq. He looks serious looking at the portfolio. Nope, he seems more annoyed by scanning through all the pictures.
Natahimik ang lahat sa kanyang pagsasalita. Heto na nga sinasabi ko hindi magiging maganda ang kakalabasan ng ginawa namin lalo na at nag-iinarte yung main model ng shoot noong araw na iyon. Hindi ko maiwasan maramdaman yung inis at pagod ng halos limang araw na trabaho. Para na din sinabi na back to zero yun.
"I am also dissatisfied with the results." bigla din nagsalita itong si Celine. Naipaling na lang ako sa kanya. "Gusto kong irequest na palitan ang photographer dahil di niya na-meet yung standards na hinahanap natin."
"It is not for you to decide if I am going to be replaced or not. I should be the one who requests to change you as our main model. You are the cause of the delay in everything." Hindi ko na napigilan na sumabat dahil sa kanyang sinasabi. "If you were not always late during shoots ang acted as a mature adult I bet those pictures would come out much better.
Everyone in the room felt silent there. Kahit si Aldriq ay nakatingin na din sa akin na tila nagpipigil ng ngiti. Oras ba ng pagngiti sa ganitong sitwasyon? Gusto ko sanang batuhin kaya lang di naman kami close at may ibang tao.
"We'll change the model. Anthony, bring samples of models that could replace her." bahagyang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. "I think the board agrees with my decision. Right?"
All the board immediately agreed on his suggestions. Like what the hell? Ganoon lang yun? Wala man lang ang hindi sumang-ayon sa kanya.
"Ano?! Papalitan ninyo ako ng ganoon ganoon lang?? Dahil lang sa babaeng ito!" sigaw ni Celine at biglang tumayo sa kanyng kinauupuan. "Ano bang meron at mukhang parati mo siyang kinakampihan? Mula sa photoshoot hanggang dito ba naman?"
Kung hindi ka makapaniwala ako din Celine hindi ko rin aakalain na papanig siiya sa suggestion ko.
"It is for the better results based on her report you are always rude to the crew staff and lacks interest to finish the job at once. You are not professional to them. Aside from that, you use my connections to abuse power."
Magsasalita pa dapat si Celine ngunit nauna si Aldriq tumayo na hudyat na tapos na ang board meeting. Nagsilabasan din ang ibang board members at nagligpit na din ako ng gamit nang lumapit sa akin si Celine.
"Alam ko may interest ka kay Aldriq kaya kinakalaban mo ako." paismid niyang sinabi. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. " Hindi mo siya maagaw sa akin. tandaan mo iyan."
Doon ako napabaling sa kanya. Lord, patawarin niyo ko kung sakaling mapapatay ko itong babaeng ito. Sasagutin ko pa sana pero may biglang pumasok sa conference room.
"You're still Madi-- Ms. Aragon."
Napalingon kami parehas sa gawi ng picture ng conference room. Si Anthony ang pumasok at may binibigay sa akin na paper bag.
"Pinapasabi ng Sir Aldriq na kinakasela na ng SG Korea at Philippines ang kontrata, Ms. Celine. We will pay for the compensation but you will no longer be part of any endorsements and projects associated with the business."
I made myself excused and left the office. Hindi ko na tinignan kung ano ang nasa loob ng bag at nauna na kong umalis. Hinihintay din ako ng buong crew para sas ibabalita ko.
"Guys, I have good news and bad news for us. Which one do you prefer to hear first? Hmmm.." panimula ko nang makita ko dumating na ang lahat sa studio.
"Bad news muna para masakit agad at hindi na tayo masaktan o madisappoint ng matagal." sabi ni Jane na assistant ni Rosalie. We are working with five members Kristoff, Andy, Rosalie, Jane and I.
"Spill the tea..."
"The bad news is we are going to restart the whole photoshoot. As the new project supposedly releases the next month, the board members specifically the CEO weren't satisfied with the results of the portfolio. So, everyone agreed on that decision." diretso ko sinabi sa kanila. Nakita ko ang pagbago ng expression ng kanilang mga mukha.
"Ano?! Don't tell me dahil yan sa kaartehang impaktita na Celine na 'yon." bulalas ni Rosalie. Ngumiti lang ako sa kanya at napailing lang ako pero bigla naman akmang susugurin palabas ni Andy kaya lang ay napigilan nito ni Kristoff.
"The good news is we are replacing Ms. Celine as the main model." agad kong sinabi sa kanila yung good news sa sinasabi ko. "At least, we may start from scratch again but we will get a new model.."
Ayun na nga ang naging hudyat sabay-sabay silang nagtilian at nagtatalon sa tuwa. Kahit naman ako malaki ang tuwa ko nang marinig ko iyon hindi ko lang pinahalata dahil nasa meeting kami pero it's a YES!
"Dahil diyan Korean BBQ tayo my treat." sabi ko habang nililigpit ko yung bag ko. Dali-dali naman nila kinuha yung gamit nila at umalis.
"Wow.. your treat. Hmmm anong meron?" usisa ni Andy na ngiti-ngiti habang sinasabayan akong maglakad patungo sa aking sasakyan.
"Wala binigyan tayo ng panibagong budget with extra dahil babaguhin yung project." sagot ko sa kanya. totoo naman yung sinabi ko na binigyan kami ng budget pero hindi nga lang sa ineexpect kong paraan... binigay ito sa pamamagitan ng paperbag.
Oo, through paper bag yung inabot sa akin ni Sir Anthony ng pumasook siya ng conference room. Ayon ang nilalaman nito may two hundred thousand pesos at mayoon kasamang note.
Ms. Madison,
This is compensation money for the rejected proposal earlier. We are looking forward to your new proposal soon. Use the money for the whole team. You deserve more than the treat but please do accept it.
Lihim akong natuwa doon sa compensation money. Yes, we deserve break.
"Guys, bakit hindi tayo magbakasyon ng Ilocos mga three days. Tingin niyo?" suggest ko sa kanila habang nasa sagyumpasal lunch kami.
"Huy, Ma'am go tayo please." bulalas nila. Lahat sila naexcite sa suggestion ko.
"Alright, maghanda kayo the day after tomorrow aalis tayo. Dadaan muna tayo ng Vigan para pumunta sa kabigan namin ni Rosalie."
Dumaan muna ako sa HR office ng Sofia para i-report yung mga nagastos sa equipment at yung mga kinailangan na resibo para sa refund. mula sa gilid ng aking mata nakita ko si Aldriq kasama ni Anthony na mga kausap na foreigners. Mukhang mga investors ito para sa hotel. Nagtama ang mata namin nagbow ako at ngumiti sa kanya ngunit hindi siya nagreact at binaling ang kanyang atensyon sa kanyang kausap.
Si Anthony ang nagresponse sa ginawa ko at ngumiti. Biglang bumungad sa mukha ko si Rafael na nakangiti.
"oh Madison, anong ginagawa mo dito? Miss mo ko?" ngiti niyang pagbibiro sa akin. Kahit kailan talaga ang hiling nito mang-asar. Hindi na nagbago.
"Hindi no, nagpasa lang ako sa HR ng refund statements." pinakita ko sa kanya yung waiting queque ko. "Ikaw, bakit ka nandito? Wala bang trabaho?"
"Breaktime ko 12:30 pm na." pinakita pa niya sa akin yung wristwatch niya. Hindi ko masyado iyon napansin dahil nakita kong mabilis na naglalakad ang nakita ko palabas ng building. Siya lang mag-isa na naglalakad. Pero bakit parang nagmamadali yun?
Tama ba? Si Aldriq yung nakita ko?
"Ano Madi samaahan mo ko sa lunch ha?" sabay hila sa akin ni Raf palabas ng building.
"Huy, yung hinihintay ko. Hindi pwede akong sumama." hinatak ko yung kamay ko na hawak niya. Pero mariin niya itong hinawakan lalo.
"Wag kang mag-aalala sinabi ko sa HR na babalikan mo yung hinihintay mo. Ayan kung saan kasi utak mo hindi mo namalayan yung nasa paligid mo." sabay pitik niya sa noo ko ng malakas tumakbo ito nang palayo sa akin.
"Hoy, masakit yun ah." natatawang habol ko sa kanya. Pero lumingon akong saglit dahil naramandaman kong may nakatingin sa akin sa di kalayuan.
Hmm. baka isip ko lang yun paranoid lang ako.
"