CHAPTER 3 DOUBT

1033 Words
Isang oras ang lumipas at tahimik kaming ginagawa ang aktibidad na iniwan sa amin nang aming guro para tapusin at ipasa ngayong araw ding ito. Habang nasa mesa kami at nakapaikot sa gagawin namin, nang biglang may tumakip ng palad sa mga mata ko. Napangiti ako at talagang bumilis ang t***k ng puso ko. Dahil sa amoy palang ng pabango nitong sporty fresh alam ko nang si Ivan ito. Hinawakan ko ang kamay nito saka ako lumiyad ng bahagya para masilayan ko ang mukha nito. "I'm back mahal ko." wika ni Ivan habang nakangiti sa akin. "Welcome back." bati ko. Nasa likod pala nito ang mga nakasamang faculty teacher. Nagtungo ang mga faculty teacher sa lugar ng aming adviser para sabihing andito na sila. Habang nag-uusap ang mga guro. Tumabi naman si Ivan sa akin at nakisali sa aming ginagawa. Todo naman ang saya ng barkada nang makita si Ivan. "Welcome back bro." sabay na wika ni Kaijoo at Kenneth. "Kamusta ang event?" tanong ni Kenneth. "Ok naman bro. Nakakapagod nga lang." Nalungkot nanan ako bigla sa narinig. "Ilang school napuntahan nyo?" agad na tanong ni Kaijoo. "Siguro tatlong school." Hinawakan ko ang kamay ni Ivan habang nakatitig dito. Ngumiti lang ito sa akin bilang sagot at mukhang alam niya ang ibig ko sabihin sa mga titig ko sa kanya. Nag-aalala kasi ako dahil sabi niya napagod siya kaya pinararamdam ko sa kanya ang "Take some rest." Dumating ang oras ng uwian at nandito kami sa parking lot. Nagkakakwentuhan kami habang hinihintay si Trina at Ivan. Mayroong pinapasukang last subject si Trina at dito niya ipapasa ang project na sinasabi niya kanina habang si Ivan naman ay nasa faculty room at kinakausap about sa marketing kanina. "Prinsesa hindi kaba nagugutom?" pag-aalala ni Kenneth. "Hindi naman bakit?" pagtatakang tanong ko. "Madalas kasi gutumin ang mga buntis diba?" "Ahh hindi naman. Hindi pa naman ako nagugutom." "Ang tagal kasi ni Trina at Ivan." Gulat ko nang akbayan ako ni Kaijoo. "Sambakol face magsabi ka lang ah para mabilhan kita." "Sige salamat Kaijoo." Nakakatuwa naman ang lalambing ng mga kaibigan ko. "Huwag mo lapitan si sissy Kaijoo, baka maging kamukha mo anak nila naku malas ng bata." nakangising wika ni Marie. "Aba maganda kung kamukha ko ang bata ibig sabihin anak ko haha." "Pwede ba." reklamo ni Marie. "Biro lang haha." Napailing nalang ako sa sinabi ni Kaijoo. Naalala ko tuloy ang unang pag-amin nito ng nararamdaman niya para sa akin. Halos parang nakonsensya ako nang mabigla ko siya sa sagot ko. Samantala sa hallway naglalakad si Trina nang makita nitong naglalakad din sa hallway si Ivan. Bigla siya namula sa hiya nang maalala na halos ganito din ang eksena ng umamin siya nang kanyang nararamdaman para kay Ivan. Pero never siya sinagot nito ng mga salitang maaring makasakit sa kanya. Sa halip nginitian lang siya nito. "Ivan." nahihiyang tawag ni Trina. Agad na lumingon si Ivan sa kanya kaya napahinto ito sa paglalakad. Bigla naman naalala ni Trina ang mga pangyayari kanina kung paano hanapin ni Alice kay Layka si Ivan. Tila kasi may kakaiba siyang nararamdamang hindi maganda. "Ivan gaano mo kakilala sina Yugo at Alice?" lakas loob na pagtatanong ni Trina kay Ivan. "Since highschool. Lagi kami magkakasama sa Japan noon nina Kaijoo." masayang sagot ni Ivan. "Ah matagal na pala." "Oo." "So wala bang kakaiba sa mga kinikilos noon ni Alice kapag magkasama kayo?" Ramdam ni Trina ang pagtataka sa mukha ni Ivan sa mga itinatanong nito. "Amm noon wala naman. Siguro sweet lang talaga siya kasi lagi siya nagbibigay sa akin ng mga luto niyang pagkain noong nasa Japan pa kami." Napahinto si Trina sa sinabi ni Ivan at agad na kinutuban kay Alice na maaring may feelings ito para kay Ivan. Gaya nalang kanina kung paano ang reaksiyon niya nang hanapin ito kay Layka. "May problema ba Trina?" "Ah wala naman Van bakit mo natanong?" "Eh kasi bigla ka huminto sa paglalakad mo tapos yung mga tanong mo parang biglang out of no where haha." "Van." "Yes?" "Huwag mo sana sasaktan ang bhest friend ko. Alam mong tahimik lang 'yun at hindi strong pagdating sa problema. Hindi gaya ko na matapang harapin ang lahat." Humarap si Ivan kay Trina naramdaman kasi nitong tila may problema ang kaibigan. "Kasal kayo Ivan at magkakaanak na kaya sana ang tokso ay layuan." sabay tulo ng luha ni Trina habang nakatitig kay Ivan. "Alam...alam kong hindi ka ganung tao Ivan na...na naglalaro ng babae. Kaya sana si Layka lang. Ayo....ayokong makita na naiyak ang matalik kong kaibigan balang araw ng dahil kay Alice Van." Ngumiti lang si Ivan sa lahat ng sinabi ni Trina. Lumapit na nang tuluyan si Ivan kay Trina na ngayon ay humihikbi at nakayuko. Hinawakan ni Ivan si Trina sa balikat nito na agad naman siyang nilingon ni Trina. "Madami akong pinagdaan sa kaibigan mo para lang makuha ang Oo niya. Kaya sapat na yun sa akin para gawing reason na habang buhay kong mamahalin si Layka. Trina mabuti kang kaibigan kaya swerte ni Layka at ikaw ang bhest friend niya. Hayaan mo hinding hindi ko siya sasaktan." Nagpunas ng luha si Trina sabay ngiti kay Ivan. "Salamat Van. Promise mo yan ah kahit magdididikit sayo si Alice ngayon kaklase natin siya." "Promise. So lets go? naghihintay na sila sa parking lot. Baka nagugutom na din ang asawa ko." "Hahaha sige tara." "Bakit mo nga pala na open ang ganyang topic?" "Unang pasok palang kasi nina Yugo at Alice sa room kinutuban na ako kay Alice na parang may something. Lalo pa kanina nang hanapin ka niya kay Layka. Ikaw ba naman hahanapin mo agad yung taong nawala saglit sa paningin mo?. Ewan ayaw ko mag judge pero ganun kasi yung style ng mga taong interesado sa isang tao." "Hahahaha grabe judgemental mo pero sabi ni Kaijoo, crush daw ako ni Alice which is hindi ako naniniwala kasi alam kong sweet lang talaga siya." "Oh see tama ang kutob ko! Naku Ivan sinasabi ko sayo." Nagtaas lang ng kamay si Ivan habang nakangiti kay Trina. "Hahaha don't worry hindi mangyayari." "Dapat lang no!" Inakbayan nalang ni Ivan si Trina para manahimik na at para hatakin nadin upang magpatuloy sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD