CHAPTER 4 ALICE

1202 Words
Gabi na kami nakarating ni Ivan sa aming bahay. Nakasalubong na nga dito ni mama at si baby jim. Agad ako bumaba para yakapin ng mahigpit ang anak namin. Oo anak na namin ni Ivan si baby Jim dahil simula ng mamatay si ate Joy na nanay ni baby Jim at wala na din itong ama, inako na namin ang pagiging pangalawang magulang ni baby Jim. "Kumain na kayo ma?" agad kong tanong kay mama. "Hindi pa iha pero si baby Jim nakakain na yan kaya pwede na sya matulog ano mang oras." sagot ni mama. "Kamusta naman ang baby ko?" Hindi nagsalita ang cute na bata sa halip ngumiti lang ito sa akin saka ako hinalikan sa pisngi pagkabuhat ko. "Kiss din kay daddy" ani ni Ivan. Humalik naman si baby Jim kay Ivan. Pagkahalik ay kinuha ni Ivan si baby Jim sa akin. Dahil alam niya ang istado ng pagbubuntis ko kaya alam kong nag-iingat lang ito sa bawat gagawin ko. Ang sweet talaga. "Tara mahal kain na tayo, Ma tara na sa loob." aya ni Ivan sa amin sabay hawak sa aking pulsuhan. "Van nagluto na ako ng hapunan natin. Sinigang na baboy alam kong paborito mo iyon." ani ni mama. "Really Ma? mukhang marami akong makakain ma haha." masayang wika ni Ivan. "Sayo naman anak nagluto ako ng chopsuey." "Salamat ma." Alas otso ng gabi nang maisipan ni Trina na maglakad sa bayan para mamili ng pagkain para sa hapunan. Habang naglalakad ito sa parke kung saan may food hub na nakahelera sa gilid ng kalsada. Napansin niya si Alice na naglalakad sa park at kumukuha na din ng mga larawan at video gamit ang kanyang cellphone. Tinitigan lang ni Trina si Alice habang naka cross arms ito. Hindi nagtagal ay tumapat ang camera sa lugar kung saan nakatayo si Trina na ikinagulat naman ni Alice. Kumaway si Alice sa kanya ngunit hindi niya ito sinuklian ng kaway man lang sa halip nagtaas pa ito ng kilay habang nakatingin kay Alice. Maya maya pa. "Trina! behind you!" sigaw ni Alice na nagpagulat sa kanya. Naramdaman nalang ni Trina ang pagdukot ng lalaki sa bulsa nito ng kanyang pitaka sabay karipas ng takbo nang makuha. "Hoy ibalik mo wallet ko! magnanakaw!" sigaw ni Trina. Tumakbo papalapit si Alice para tingnan ang kaibigan. "Are you okay?" pag-aalalang wika ni Alice. "Yes I'm okay but_" hindi na natuloy ni Trina ang sasabihin pagkalingon nito sa daanan kung saan tumungo ang magnanakaw. "Anyway. Do you have important things in your wallet?" Umiling lang si Trina bilang sagot kay Alice "Nothing much. Just only my money and school i.d." dagdag pa nito. "Well." nagpalingon lingon si Alice sa paligid hanggang sa makakita ng police station sa kabilang kalye. "Let's go to the police station to report the person who stole your wallet. There is a police station there." suhuwestiyon ni Alice sabay turo sa kabilang kalye kung saan makikita ang police station. "Pero wala tayong ebidensya." "I have! remember?" Tumango lang si Trina habang nakangiti kay Alice. Sabay na naglakad ang dalawa upang magreport sa nangyari. Halos tumagal din ng isa't kalahating oras ang pagrereport. Nang makalabas sila ng police station biglang kumulo ang tiyan ni Trina na nangangahulugang gutom na ito. "Hahaha come lets eat." "Wala akong pera nadukutan nga ako diba?" "O come on I'll treat you!" "Pero nakakahiya." "Hahahaha don't be act like that." wika ni Alice habang hila hila si Trina. Sa isang fast foodchain dinala ni Alice si Trina dahil ito lang ang pinakamalapit na kainan sa plaza. Habang kumakain ang dalawa. "Thank you Alice." "Your welcome." "Pwede mo ba akong kwentuhan? about sa samahan nyo noon." "Samahan namin nino?" "Samahan niyo nila Kaijoo at Ivan." nahihiyang wika ni Trina. "Well we were happy together then. We always go out because we are looking for people we can help. That is the purpose of our organization. Sometimes I even came close to trouble because most of the guy in Japan often beat me up because I'm weak. But Ivan and Kaijoo always supported me with every tire that came in my way." "How about Yugo?" "He is a coward." "Ngee really?" "Yes. Once I was bullied at school in Japan. He ran and left me, thanks God a security guard came and immediately helped me." "Hahahaha grabe takbuhin pala si Yugo." "Yes." Maya maya'y napatingin si Alice sa labas ng bintana nang natulala ito sa nakita. Nagwave wave ito ng kamay kay Trina tila may gusto ipahiwatig kaya naman sinundan ito ng tingin ni Trina kung saan nakatingin si Alice. Nagulat ito sa nakita at agad na tumayo. Tumayo din si Alice para sundan si Trina. "Walang hiyang lalaking iyon!" bulong ni Trina. Huminto ang dalawa sa harap ng lalaki na naghahalungkat ngayon ng bag ni Trina. "May lakas kapa talaga ng loob na bumalik sa park na ito matapos mo ko pagnakawan?" galit na wika ni Trina. "This is our bag!" sigaw ni Alice sabay hablot nito sa bag na hawak nang lalaki. Aktong aalis na sana sina Trina at Alice ng hawakan ng lalaki si Trina sa pulsuhan nito at tinangkang saksakin nang ilabas nito ang kutsilyo mula sa bulsa. "How dare you!" sinipa ni Alice ang lalaki kaya napatumba ang lalaki at dahil hawak ng lalaki si Trina ay napatumba din ito. "Trina! are you okay?" Tumango lang si Trina bilang sagot. Agad naman tumayo si Alice para balikan ang lalaki ngunit sa kasamaang palad nasipa ito ng lalaki na agad na ikinatumba ni Alice. "Alice!" sigaw ni Trina. "Palaban kang babae ka ah halika dito!" galit na wika ng lalaki. Papalapit na sana ang lalaki kay Alice nang biglang may humawak dito mula sa likod. Ikinagulat iyon ng lalaki kaya nang lingunin niya ito, isang malakas na suntok ang ibinigay nito ng misteryosong lalaki na dumating. "Kaijoo." tawag ni Trina sa lalaking tumulong sa kanina. "Are you okay?" wika ng isang lalaki mula naman sa likod ni Alice. "Ivan. I'm okay thank you." Inalalayan ni Ivan si Alice para makatayo ito. "Bro! ano? dalhin na natin ito sa police station?" "Sige bro.Trina, Alice tara sumama kayo as witness." Tumango ang dalawang babae bilang sagot kay Ivan. Naglakad ang apat patungong police station. Ilang oras ang lumipas bago natapos ang usapan sa loob ng police station. "Kaijoo ihatid mo na si Alice ako na maghatid kay Trina" utos ni Ivan. "Okay bro. Alice lets go." "Wait." pigil ni Trina. Naglakad si Trina papalapit kay Alice. Walang sabi sabing niyakap agad ni Trina si Alice na ikinagulat ng tatlo. "Thank you Alice." "Your welcome." "Kaijoo ingatan mo sya." "Sure ako pa?" "Ingat kayo." "Kayo din ni Ivan. Sige dito na ako." Sumakay na nang motor si Alice at nang makaayos na ito ay agad na humarurot na sa pagpapatakbo si Kaijoo. Samantala. "Mukhang maganda ang naging samahan niyo ah." "Ivan. Nagkamali ako sa kanya." Ngumiti lang si Ivan at saka inakbayan si Trina. "Tara gabi na." "Bakit nga pala andito kayo ni Kaijoo?" "Kasi naghahanap ng orange si mahal kaya nagpasama ako kay Kaijoo." "Ahh naglilihi." "Oo." Sumakay na din sa motor ni Ivan si Trina at hindi nagtagal ay humarurot na din ito ng pagpapatakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD